He's Back

1874 Words
----Saxon POV---- "s**t!! Ano ng gagawin natin ngayon?!" "Kumalma ka Saxon" Napalingon ako kay Priam "Paanong kakalma ako! Alam nating siya iyon! Naramdaman niyo rin ang presensya niya kanina" "Delikado ito" Napalingon kami ni Priam kay Kyran na nakaupo sa harapan ng mesa niya Nasa loob kami ng kwartong tanggapan noon ni Luan "Nakakaramdam na siya ng pagka-uhaw. Masama ito" "Ano ng plano?" - tanong ko "Dapat hindi ito malaman ng mga konseho" - Priam "Nasabihan ko na ang lahat. Walang makakalabas na kahit anong impormasyon" - Kyran Tumayo ako na nakapagpalingon sakanilang dalawa saakin "Basta ako, hinding hindi ko ibibigay sakanya si Freya! Kay Luan si Freya! At hindi sa kahit sinuman!" ----Freya POV---- Napabangon ako bigla mula sa isa na namang panaginip Ang panaginip na napanaginipan ko isang taon matapos umalis ni Luan Ang panaginip na tanging ang laman lamang ay tatlong bata. Dalawang batang lalaki at isang batang babae At ang batang babae na nasa panaginip ko ay walang iba kundi ang batang ako! Pero sino ba ang dalawang batang lalaki na nasa panaginip ko? Hindi ko maaninag ang kanilang mukha. Natatakpan iyon ng kakaibang liwanag Napalingon ako sa pintuan ng may kumatok roon "Mahal na prinsesa, maghanda na raw po kayo" Mabilis akong tumayo at saka inalalayan ng mga katulong na pumasok sa banyo Ng matapos akong ayusan ng mga katulong ay lumabas na ako ng kwarto "Magandang araw mahal na prinsesa" - bati nila Miya at Zeyton Nginitian ko naman sila bago naglakad Habang naglalakad ay naisip ko na naman ang nangyari kahapon Ilang araw na akong nakakaramdam ng pagkauhaw Pero kahapon kakaibang pagkauhaw ang naramdaman ko Ang pagkauhaw na naramdaman ko lamang mula kay Luan ng umalis siya Pagkauhaw lamang sa dugo ng aking prinsipe Pero bakit ngayon ay nararamdaman ko na naman iyon? Gayong kung wala na talaga ang aking prinsipe? Hindi kaya buhay pa talaga siya? Pero ang dugo kahapon. Ang dugo sa kopita. Noon ko lamang iyon natikman. Bakit iyon ang nakapagpatid ng matinding pagkauhaw ko? Inalis ko muna ang mga katanungang iyon sa aking isipan ng matanaw ko sila Adreana, Rosh, Travis at Bliss sa labas ng palasyo "Ayos na ba ang kalagayan mo Freya?" - agad na tanong saakin ni Adreana pagkalapit ko sakanila "Oo ayos na ako Adreana. Nga pala nasaan si Xeon? Kahapon ko pa siya hindi nakikita" "Nasa mundo na naman ng mga mortal si Xeon" - Rosh "Napapadalas ang pagpunta niya roon" - Travi "Minsan nga ay masundan siya" - Adreana "Kamusta kana pala Bliss?" - tanong ko sa katabi ni Rosh "Maayos naman po. Sinamahan ko rito si Kuya" Napalingon ako sa likuran nila kung saan ginaganap ang mga pag-uusap sa pagitan ko at ng mga kalahok sa pagpipili May isang lalaki roon na nakaupo at natitiyak kong si Grey iyon "Mauna na ako" - paalam ko Tinanguan lang naman nila ako at binigyan ng daan Naglakad naman na ako papunta sa upuan ko at pagkaharap ko kay Grey ay nginitian ko siya "Kanina ka pa ba naghihintay?" "Medyo? Pero ayos lang. Napaaga naman talaga ako ng punta. Gusto na kasi kitang makita" "Salamat pala sa pagtulong saakin noon sa paghahanap kay Luan maging sa pagsama sa paghanap sa bampirang may kakayahan sa oras. Pasensya na ngayon lamang ako nakapagpasalamat" "Wala iyon. Nga pala tungkol sa pagpipili Tinitigan ko lamang siya at hinayaan na magpatuloy sa pagsasalita "Nais ko talagang sumali rito. At alam mo naman ang dahilan hindi ba?" "Grey" "I still want you to be my Queen. To be my Luna in my pack" "Pero hindi ako ang nararapat saiyo" "I believe that your are the deity that send by the Moon Goddess for me" "Pero hindi ako iyon Grey. Hindi ako iyon" "Dahil pa rin ba iyan kay Luan?" "No" - mabilis na sagot ko "Hindi lang naman iyon dahil doon Grey" Hinawakan ko ang kamay niya na nakapatong sa mesa "Malakas ang kutob kong may nakalaan para saiyo. Noong una palang tayong magkita ay naramdaman kona iyon. Inaalala ko siya kapag dumating na siya. Paano siya?" "Walang nakalaan saakin Freya. The Moon Goddess give me a chance to choose who will be my Queen. And I am choosing you" Huminga ako ng malalim Hindi ko na alam ang gagawin sakanya He is my good friend Para ko na siyang kapatid At ayokong masaktan siya "Im always here Grey. Hinding hindi ako mawawala sayo. Pero hindi ko alam kung kaya ko bang tugunan ang pagmamahal na binibigay mo saakin" "Hindi ito ang oras para sabihin saakin ang lahat ng iyan Freya. Magkikita pa tayo sa huling araw ng pagpipili" Binitawan ko ang kamay niya ng tumayo na siya at saka umalis Napahinga naman ako ng malalim ng matanaw ko kung sino ang sunod kong makakausap Pansin ko halos lahat sakanila ay talaga namang problema ko! "Maayos na ba ang lagay mo Frey?" "Oo kevin. Parepareho na talaga ang mga tanong niyo" "Nag aalala lang kami sa kalagayan mo" "Hindi ko inaasahan na pati ikaw ay sasali gayong wala ka namang kailangang irepresenta" - pag iiba ko ng usapan "Gusto ko talagang sumali sa pagpipili Frey" "Kevin magkakilala na tayo noon pa mang nag aaral pa tayo sa St. Moore. At hindi ko alam na may nararamdaman ka pa saakin na higit pa sa pagkakaibigan" "Im sorry Frey. Sinubukan ko namang pigilan. Sinubukan kong ibaling sa iba. Pero mas gusto talaga kita" "Alam mong may nasasaktan. Alam mo iyon matagal na may isang tao na may pagtigin saiyo matagal na" "Lahat ba ng mga kasali sa pagpipili ay ini-encourage mo?" - nakangiting tanong niya "Naalala ko tuloy noon na sandamakmak ang tumatalikod saiyo na may mga sawing mukha. Haha di ka pa rin nagbabago Frey" "Sa tingin ko ay nagbago ako Kevin" - sagot ko ng maalala ko ang sinabi saakin ni Khali "Wala akong magagawa sa ngayon tungkol sa nararamdaman ko Frey. Sana ay maunawaan mo" - sambit niya bago tumayo at saka yumuko "Nauunawaan ko Kevin" - nakangiting tugon ko Nginitian niya rin ako bago siya tumalikod at umalis Napaayos naman ako ng tayo ng makita ko kung sino ang susunod kong makakausap Diretso lamang siyang nakatingin kahit pa nagkasalubong sila ni Grey Nakatingin lamang ako sakanya hanggang sa makaupo na siya sa harapan ko "Magpaliwanag ka na ngayon Yael" Nasabi niya noon saakin noong araw ng pagpapakilala na ipapaliwanag niya ang pagsali niya ngayon At gusto ko ng marinig iyon! "Wala na si Tamara" Natigilan ako bigla sa sinabi niya Ng makabawi ako ay saka ako nagsalita "Anong kabaliwan ang pinagsasasabi mo?" "Patay na siya Freya" "Ikaw ba talaga yan Yael?! O baka ikaw si Rage" Baka naman si Rage ang kaharap ko ngayon! "Nawala ako sa kontrol noong araw na iyon dahil sa bampirang nagsabi saakin na wala na siya. At siya ang pumatay kay Tamara" Hindi ako makapaniwala Hindi pa siya patay! "Alam kong naramdaman rin iyon ng ibang crown.. ikaw, hindi mo ba naramdaman?" Umiling naman ako Wala akong naramdaman na kahit ano Dapat kung wala na siya ay naramdaman ko iyon dahil may mga bond ang bawat Crown sa isat isa at bilang tagabalanse ng apat na crown ay mas malakas ang bond ko sakanila "At bakit ka sumali sa pagpipili Yael?" "Plano kong itakas ka" "Huh?!" "Hindi pa ako kumbinsidong wala na nga si Tamara. At maging ikaw ay hindi pa rin naman kumbinsidong wala na si Luan" "Anong gusto mong mangyari?" "Pag pinili mo ako, sa gabi bago ang seremonya tatakas tayo. At sabay nating hanapin sila" Hanapin sila? Hanapin sila Luan at Tamara? Pero ginawa na namin iyon! "Pag isipan mo ng mabuti" - sambit niya at saka umalis Kung patay na nga si Tamara, sino naman ang papatay sakanya At ang bampirang nakita ni Yael Sino ang bampirang iyon? "Mukhang malalim ang iniisip mo't kunot kunot ang iyong noo" Napatingala ako ng may magsalita "Priam" Nagtaka ako ng hindi siya umupo at nanatili lang na nakatayo "Ako sana ang magrerepresenta sa Parua kung di lang kay Kyran. Kayat naisipan kong irepresenta ang Halla Verona" "Kamusta na pala ang paghahanap mo ng paraan para kay Eliza?" "Hinahanapan ko pa rin hanggang ngayon" "Hindi ka ba mauupo?" - tanong ko "Hindi na. Hindi naman na din ako magtatagal" Lumingon siya sa likuran niya kaya lumingon rin ako at nakita ko si Kyran na naglalakad na papalapit saamin Muling tumingin saakin si Priam "Gusto kong buksan mo ang iyong isipan Freya maging ang iyong puso sa pagpipili" Pagsabi niya noon ay saka siya umalis sakto naman ang pagkarating ni Kyran Saakin siya nakatingin hanggang sa makaupo siya kaya nag iwas ako ng tingin "Kamusta na ang pakiramdam mo?" "Ayos na ako" - sagot ko na nakatingin lang sa kopita na nasa harapan ko Dahil sa pangyayari kahapon imbis tsaa ang nasa mesa ay dugo na ang ipinalit rito "Bakit hindi ka makatingin saakin Freya?" Napapikit ako ng mariin at saka unti unting iniangat ang paningin ko sakanya "Tungkol sa sinabi ko noon sa pagpapakilala. Seryoso ako sa sinabi ko" Iyon nga ang dahilan kung bakit hindi ko magawang tumingin sakanya Anong ibig niyang sabihin noon? "Ipaglalaban ko na ang nararamdaman ko para saiyo. Ngayong wala na siya" "Hanggang ngayon ba ay may nararamdaman ka pa rin saakin?" "Hindi nawala Freya" - sagot niya na diretso lamang na nakatingin saakin "Hayaan mo sanang ako ang magpatuloy sa mga pangakong binitawan niya sayo" May kinuha siya sa loob ng kanyang kasuotan at saka iyon inilapag sa harapan ko bago siya tumayo "Alam kong hindi magiging madali ang lahat. Falling for you is like falling in a cliff. In a deep and dangerous cliff. But like what I did before. I am willing to take the risk" Kinuha ko ang rosas na inilapag niya at saka tumingin sakanya pero wala na siya sa pwesto niya Muli kong pinagmasdan ang pulang rosas Tulad ng dati. Ang hilig niyang iwan ako ng rosas Pero kaya ko nga ba? Kaya ko bang panghawakan ng matagal ang rosas na ito? Tulad ng paghawak ko sa nyebe ng aking minamahal na prinsipe?? ---- "Iwan niyo na ako" - sambit ko kila Zeyton at Miya Katatapos lang namin mag hapunan At tulad ng kinagawian ko gabi gabi ay narito na naman ako sa tapat ng kwarto ng aking prinsipe Dahan daham kong pinihit ang seradura hanggang sa bumukas ang pinto at saka ako pumasok Pagkapasok ko ay natigilan ako bigla ng makaramdam ako ng lamig Kakaibang lamig maingat kong isinara ang pintuan at saka inihakbang ang aking mga paa Nakikita ko ang usok sa loob ng kwarto mula sa kakaibang lamig na mararamdaman sa paligid Lumalakas na rin ang t***k ng aking puso Inilibot ko ang paningin ko sa buong kwarto At napahinto ang aking mga mata sa tapat ng veranda kung saan ay mahinang sinasayaw ang itim nitong kurtina dahil sa hangin na pumapasok mula sa bukas na pintuan papuntang veranda At bigla akong nanigas sa kinatatayuan ko habang nakatingin sa pigura ng isang tao sa labas ng veranda At nagsimula ng tumulo ang aking luha ng unti unti itong lumingon sa gawi ko hanggang sa tuluyan na siyang nakaharap sa akin At sa tulong ng liwanag ng buwan ay naaninag ko ang kanyang mukha "L-Luan"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD