Alsimere

3927 Words
NANATILI akong nakatingin sa bampirang matagal ko ng ninais na makita. Pero hindi ko magawang igalaw ang aking katawan dahil sa takot na panaginip lamang ang nangyayaring ito at sa oras na gumalaw ako ay bigla siyang maglaho muli sa aking paningin "Hindi mo ba ako lalapitan aking dyosa?" Lalong bumuhos ang luha sa aking mga mata ng marinig ang kanyang boses at agad na tumakbo sakanya at saka siya niyakap ng mahigpit "L-Luan" - humihikbi kong tawag sa kanyang pangalan "Ako nga. Patawarin mo sana ako sa aking pag iwan saiyo noon" Marahan niyang hinahaplos ang aking likuran "L-Luan h-hindi ka patay" "Buhay ako nagawa kong makaligtas" Tumaas ang kanyang kamay sa aking balikat at saka inalis ang mga hibla ng buhok ko na tumatabing sa aking leeg "Sadya nga talagang mabango ang iyong dugo at ikaw ay amoy ng mga rosas na nasa hardin" Kumunot ang noo ko sa sinabi niya pero hindi ko na iyon pa pinansin ng maramdaman ko ang paglapat ng kanyang labi sa aking balikat "Maaari ba akong uminom? Freya?" Agad naman akong tumango habang mahigpit pa rin siyang yakap Naramdaman ko naman agad ang mainit niyang hininga paakyat saaking leeg Hanggang sa bigla kong maalala ang sinabi niya Bago niya pa man maibaon ang pangil niya sa aking leeg ay naitulak ko na siya palayo saakin Nakita ko ang pagkainis sa kanyang mukha habang namumula ang kanyang mata at nakalabas pa rin ang kanyang pangil Pero nanatili akong nakatitig sakanya "What's wrong Freya? Im thirsty and I want your blood now!" dahan dahan naman akong umiling sakanya habang pinagmanasdan ko ng maigi ang kanyang mukha "Sino ka?" Mas lalong kumunot ang kanyang noo "Ako ito Freya. Si Luan! Ang bampirang mahal mo" - sagot niya Bumalik na rin sa dating kulay abo ang kanyang mata na kanina ay pula at nawala na rin ang kanyang pangil "No! You're not Luan! He didnt call me by my first name! He didnt call me Freya! Kahit ang presensya mo. Kakaiba kumpara sakanya! Kaya sino ka?!" Hindi niya ako tinatawag na Freya He used to call me Cassidy And he call me baby everytime he wants me to feed him with my blood Kanina pa man ay nahalata ko ng may kakaiba sa kanyang Ang paraan ng kanyang pagsasalita Ang himig ng kanyang boses Napahakbang naman ako paatras ng bigla siyang ngumisi "Hindi ko iyon alam ah. Mukhang kulang ang aking ginawang pananaliksik" Unti unti namang nagbabago ang kanyang hitsura Naging kulay kayumanggi ang kanyang abong buhok. Maging ang kulay abo niyang mata ay napalitan ng kulay asul "Akala ko pa naman ay tuluyan mo ng hindi mararamdaman ang pagkakaiba ng presensya namin dahil sa lubos mong pangungulila sakanya. Alam mo napakahirap talagang gayahin ang kanyang presenya. He is the vampire king. TO BE. But unfortunately he's now gone. But I can be him, I can take care of you. So now let me take you. Come with me to my palace" Hahakbang na sana siya papalapit saakin ng biglang bumukas ang pintuan at iniluwa noon sila Kyran, Priam at Saxon "Alsimere!!!" Agad na nagpalipad ng mga baraha si Saxon sa pwesto ng bampirang nangahas linlangin ako Pero mabilis itong tumakbo papuntang balustre at saka tumalon roon "s**t! Habulin siya!" - sigaw ni Priam sa mga kawal kasabay ng pagkulog sa labas at pagtama ng mga kidlat sa lupa Lumapit naman saakin si Kyran ng muntik na akong matumba dahil sa panghihina "Freya are you okay? May ginawa ba siyang masama sayo? Tell me!" Umiling iling naman ako at saka lumingon kay Saxon na nasa tabi ko na ngayon "K-kilala mo siya Saxon?" "Yes, he is Alsimere. Kaya niyang gayahin ang hitsura ng iba maging ang kakayahan nito" Kaya niya nagawang gayahin si Luan Kaya niya ako nalinlang Sino ba siya? Ano bang kailangan niya? At ano bang ginawa ko sakanya para paasahin niya ako ng ganito? Talaga bang wala na si Luan? Hindi ko na ba talaga siya muli pang makikita at makakasama? ----Adreana POV---- Bawat sulok ng kaharian ay may makikita kang mga bantay Marami namang nagsisidaanan na mga kawal sa corridor Lahat ng mata ay nakaalerto Matapos ang nangyari kanina ay agad na nag utos si Kyran na mahigpit na bantayan ang buong palasyo lalo na si Freya Ng madatnan namin siya kanina na hawak ni Kyran at bigla na lamang nawalan ng malay ay naawa ako sa kanya Alam kong umasa siya na si Luan nga ang nakaharap niya kanina Naramdaman namin ang kakaibang presensya na iyon maging ang pagbaba ng temperatura sa kwarto ni Luan Akala ko rin noong una ay siya iyon kahit pa hindi iyon gaano kalakas Mabuti at narito ang baliw na si Saxon at agad niyang naramdaman ang presensya at kapangyarihan ni Alsimere Ngayon balik sa ayos na ulit ang kaharian Wala ng panganib... sa ngayon Maaari na siguro akong umalis ng palasyo Pero paano ako makakapunta roon? Hindi ko alam kung nasaan ang kaharian ng hambog na iyon At ang alam ko matagal ang lalakbayin ko para lamang makapunta sa Light Empire Hindi ako maaaring mawala ng matagal Sigurado hahanapin ako nila Travis dalawa lang ang naiisip kong paraan Para makapunta roon ng manilis at makabalik rito kaagad sa Parua Una si Sky, mabilis siyang tumakbo bilang isang legendary guardian. Isa pa isa siyang light empire creature hindi ako mahihirapan pumasok sa Light Empire Kaso hindi ko siya basta basta magagamit. Palagi siyang nasa tabi ni Freya, isa pa hindi ko pa siya napaamo ni minsan si Freya lang ang sinusunod niya At ang isa ko pang paraan ay isa mabisa at mabilis na daan Kailangan ko ng Portal At si Dion lamang ang makakatulong saakin Pero ang problema ay masyado iyong tapat kay Kyran Hindi siya sumusunod sa ibang utos kung hindi utos ni Kyran! Haixt! Bakit ba kasi napakatapat nila?! Sa inis ko ay sinipa ko ang bato na nasa aking daraanan dito sa labas ng kastilyo "Ouch! f**k! Finn!!!" Mabilis siyang lumingon saakin at agad na nagbago ang reaksyon ng mukha niya ng mapatingin siya saakin "Hindi ko sinasadyang matamaan ka ng bato kaya hindi ako hihingi ng tawad" Hindi ko naman talaga sinasadya Isa pa hindi ako humihingi ng tawad sa iba! Isa akong prinsesa! Bakit ko iyon gagawin naglakad siya papalapit saakin "Ano bang problema mo at pati bato pinagdidiskitahan mo?" "Pag sinabi ko ba may mapapala ba ako sayo? Kung hindi ka rin naman makatutulong wag mo ng alamin" Iiwan ko na sana siya ng magsalita siya "Isa akong Salvatory. At bilang mga rebelde at lagalag na bampira ay marami na akong napagdaanan at marami akong alam lalo na kung patungkol sa labas ng palasyo" Tama! Baka may alam siyang mabilis na sasakyan para makapunta roon! Baka alam niya kung saan ko iyon makikita! Mabilis akong humarap sakanya "Alam mo ba kung nasaan ang kaharian ng tubig?" - taas kilay kong tanong "Ang Athanasia?" - takang tanong niya "Iyon nga. Alam ma ba?" "Oo alam ko iyon. Hindi ko pa nakikita ang mismong kaharian na iyon. PERO alam ko kung saan iyon matatagpuan" "Mabuti kung gayon. May alam ka bang mabilis na transportasyon?" "May alam akong mabilis na daan para makapunta sa Light Empire" "Kung ganun. Dalhin mo ako sa Kaharian ng Athanasia. Ngayon din!" ----Kyran POV---- Ininom ko ang natitirang dugo na nasa kopita na hawak ko bago ko muling pinagmasdan ang itim na card na nakapatong sa gintong mesa na nasa harapan ko Ang itim na card ay may sulat na mismong dugo ang ginamit na tinta Kinuha ko iyon at saka sumandal sa aking upuan at muli iyong binasa sa aking isipan Pumikit ako at saka inamoy muli ang hawak kong card Pamilyar ang amoy ng dugo na ginamit na tintang pansulat Pero hindi ko matiyak kung saan at kanino ko ito naamoy Kanino ba talaga ito galing? Isang nilalang lang ang suspetsya ko na maaaring may padala nito Pero matagal na siyang nawala sa mundong ito at matagal na ring walang kahit anong balita tungkol sa kanya maging sa pagkabuhay niya sa mundong ito na ginawa nila Nyx at Erebus Mabilis kong inilagay sa loob ng suot kong damit ang itim na card ng maramdaman ko ang isang presensya Tumambad siya sa harapan ng aking mesa "Kailangan nating mag-usap" ----Adreana POV---- "Ako ba pinaglololoko mo?!" - galit na hiyaw ko kay Keisler "No" "No?! Matapos nating dumaan sa madilim na gubat na tila walang labasan ay ito ang tatambad saatin at sinasabi mo ngayon na ito na iyon?!" Fuck this Salvatory! Nakatayo kami ngayon sa lupa at nasa harapan namin ang napakalawak na dagat!! Alam ko ang dagat na ito! Ito ang pinakamalalim at pinakamalawak na dagat sa mundong ito Kahit ang pinakamalaki at pinakamalawak na karagatan na mayroon ang mga mortal ay hindi maikukumpara sa lalim at lawak na meron ang dagat na nasa harapan namin ngayon At naalala kong dito rin ako noon muntikan ng malunod Funny.. but I really dont know how to swim Im not a shitty mermaid! tough even vampires can know how to swim still I dont know how Blame my father Magnus My whole life with him is only all about training Training on how to be a vampire princess of the whole Empire At dito rin sa dagat na ito ko siya unang nakita Eksaktong lugar kung saan niya ako iniligtas. And exact place where I dumped him. Where I reject him "Alam mo ba ang maaaring kabayaran ng paglinlang mo saakin?!" "Hindi kita nilinlang. Ito nga ang Athanasia" "Nasaan? Ang malawak na karagatan na nasa harapan natin?!" "Diba sinabi ko naman saiyo na hindi ko pa nakikita ang MISMONG kaharian ng Athanasia. Tanging ito lamang. Ang pasukan lang" "Pasukan?" "Yeah. Ito ang pasukan ng kaharian ng tubig. Pero sabi nila ang tanging nakakapasok lamang ay ang mga nilalang na nasa element of water. At kapag ninais lang ni prince Crayon" Haist!! Ano ng gagawin namin dito?! "Ano nga palang kailangan mo sa Athanasia? O si prince Crayon ang sadya mo?" "Binigyan ba kita ng permiso na magtanong ha?!" "Psh ang sungit mo. Pasalamat ka malakas ka saakin" Argh! Alam ko namang may gusto ang Salvatory na ito saakin Kaya mas lalong lumalaki ang galit saakin ng babaeng Gregory! Well, sakanya na ang bampirang ito Kanyang kanya na! "Ano? Aalis na lang ba tayo?" "Of course not!" Humarap ako sa malawak na karagatan Hindi maaaring mawalan ng saysay ang pagpunta ko rito! "PRINSIPE NG TUBIG!!!!!" - malakas kong sigaw hinintay ko kung may mangyayari pero wala "PRINSIPE NG TUBIG!!!!" - sigaw ko ulit Haixt! Alam kong naririnig niya ako! Pesteng yun! Hindi dapat pinaghihintay ang prinsesang katulad ko! "PRINSIPE NG TUBIG LUMABAS KA!!!" Napapadyak ako sa lupa sa sobrang inis!! Kung di lang talaga dahil sa... Damn! Bakit nga ba pumunta pa ako rito?! Haixt Adreana! Ganun na ba ako kadesperada?? No!! Im not!! Kung ayaw niya! Di wag!! Tumalikod na ako sa karagatan at saka humarap kay Keisler "Lets go" Nakakadalawang hakbang pa lamang ako ng biglang umuga ang lupa Umuuga ang lupa!! Mabilis akong hinawakan ni Keisler sa siko ng mas lumakas pa ang pag uga at nagsisimula na ring bumaba ang lupang inaapakan namin maging ang lupang nakapalibog saamin! "What is happening?" - tanong ko Napaharap akong muli sa malawak na karagatan at nakita kong tumataas na iyon dahil sa pagbaba ng lupa Pero hindi kami niyon nadaganan bagkus ay parang naging parang bubong lang iyon "I think narinig ka ng prinsipe ng tubig" - Keisler Patuloy pa rin sa pagbaba ang lupa hanggang sa makalipas pa ang ilang minuto at tumigil na ito "Ano itong nakikita ko?" - manghang tanong ko Panibagong mundo Panibagong mundo dito sa ilalim ng karagatan May mga nakikita kaming mga parang kabahayan sa di kalayuan Alam kong mga bahay iyon kahit kakaiba dahil may mga tao akong nakikitang pumapasok at lumalabas mula roon Mula sa bahay na malaking mga kabibe At mula sa kinatatayuan namin ay tanaw na tanaw namin ang isang mataas na kumikislap na kaharian Iyon na marahil ang kaharian ng Athanasia Napalingon kami ni Keisler sa hayop o bagay na papalapit saamin Isang... chariot?? isang karwahe na gawa sa kabibe at mga dyamante na ang humihila ay dalawang malaking sea horse! At nakalutang ang mga ito sa lupa! Bumaba ang sakay nito sa unahan Napatitig ako sakanya Isa ba siyang prinsipe? Mahaba ang kanyang kulay puti at asul na buhok. Kulay asul din ang kanyang mga mata na kasing kulay ng karagatan sa itaas Nakasuot siya ng kulay puting kasuotan na pang maharlika Ng lumapit ito saamin ay bigla akong hinila ni Keisler papunta sakanyang likuran "Sino ka?!" Ngumiti naman ito bago sumagot "Maligayang pagdating sa Athanasia. Halina kayo't hinihintay na kayo ni Crayon" Pagkasabi niya noon ay agad kong kinabig si Keisler paalis sa harapan ko at saka lumapit sa karwahe "Hindi mo ba ako tutulungang makaakyat?" - baling ko sa lalaking hindi ko kilala Ngumiti naman siya bago ako nilapitan at saka ako tinulungang makaakyat agad naman sumunod si Keisler ng siya na lamang ang nasa ibaba Nag umpisa ng gumalaw ang aming karwahe Nasa unahan namin nakaupo ang hindi ko kilalang nilalang habang magkatabi kami ni Keisler sa likuran Napatingin ako sa gilid ng aming karwahe sa ibaba na aming dinadaan Totoo ba ito? Hindi lupa o tubig ang aming dinadaanan! Kundi daan na gawa sa dyamante!! Inilibot ko ang aking paningin at mas lalo akong humanga sa nakita Ang buong kabayanan ay napapalibutan ng mga dyamante! May mga nakikita rin akong parte na katubigan Mga naglalaking fountain at mga balon Halo halo rin ang nakikita kong mga nilalang na narito Mga mukhang tao, sireno, sirena, mga lalaking parang syokoy but not ugly as what humans portray in fact they are good looking! Marami pang ibang klaseng nilalang akong nakikita Tumingala ako at ngayon ko lang ulit naaalalang nasa pinakailalim pala kami ng malalim na karagatan! Ang nagsisilbing ulap at himpapawid ng kaharian ng Athanasia ay ang kulay asul na karagatan sa itaas! May mga malalaki at malilit na isda pa na kung titignan dito sa ibaba ay para lamang silang lumilipad sa itaas "Hindi kana man gaanong namamangha hindi ba?" Masama kong binalingan ng tingin si Keisler bago lumingon sa lalaking nasa unahan namin "Ikaw! Hindi ka ba magpapakilala sa isang tulad ko na prinsesa?' "Totoo ngang medyo mataas ang tingin sa sarili ng prinsesa ng mga bampira" - bulong niya na dinig na dinig naman namin! Sasagutin ko sana siya ng bahagya siyang lumingon saamin sa likuran "Ako nga pala si Ciel, ang matalik na kaibigan at kanang kamay ng prinsipe" Biglang tumaas ang isa kong kilay sa sinabi niya Akalain mo un may pumatol na makipagkaibigan sa hambog na iyon Ng muli akong tumingin sa harapan ay tuluyan ng napako ang aking mga mata sa nasa harapan namin Kaya pala kumikislap ang kaharian noong nasa malayo kami Dahil ang kaharian ng Athanasia ay gawa sa purong dyamante!! Ganito ba kayaman ang kaharian ng tubig??? "Hindi ka na ba bababa?" Nilingon ko si Keisler na nasa ibaba na ng karwahe at nakalahad na ang kamay kaya agad kong inabot iyon at saka bumaba Pumasok kami sa loob ng kaharian Kung ano ang nasa labas ay iyon din sa loob Puro dyamante at mga perlas ang makikita sa paligid Nagsisibatian naman saamin ang mga nadadaanan naming mga tao Oo tao sila. Kawangis ng tao dahil hindi naman sila mga mortal Hindi ba nila ako nakikilala at hindi sila yumuyuko!! "Mga walang galang ang mga narito" - sambit ko "Bakit mo iyon nasabi?" - Ciel na nasa unahan namin "Hindi sila yumuyuko sa nakatataas sa kanila!" "Haha sa kaharian ng Athanasia tanging si prinsipe Crayon lamang ang niyuyukuan ng mga mamamayan ng water element" Napairap na lamang ako Huminto kami sa tapat ng isang malaking pintuan na gawa rin sa dyamante Binuksan ito ng dalawang kawal at saka kami pumasok "Crayon!! Narito na ang iyong mga bisita!!" - sigaw ni Ciel Ng umalis siya sa harapan ko ay doon ko nakita ang pakay ko rito Prente siyang nakadekwatro at nakapangalumbaba sa isa niyang kamay na nakapatong sa arm rest ng kanyang trono habang nakatingin saakin ng diretso "Hindi ko inaasahan ang pagpunta ng prinsesa ng mga bampira sa aking kaharian" "Gusto kitang makausap. Ng sarilihan" Ngumisi siya bago lumingon kay Keisler na nakatingin lang din sakanya "Ciel ikaw na munang bahala sa isa pa nating bisita" Lumapit naman si Ciel kay Keisler "Sumunod ka sakin" Tumingin saakin si Keisler na binigyan ko lamang ng isang tango bago siya sumunod kay Ciel at ngayon ay kaming dalawa na lamang ng prinsipe ng tubig ang narito Umayos siya ng upo at saka tumayo at naglakad pababa ng kanyang trono papunta saakin "Anong kailangan ng prinsesa ng mga Dragomir sa isang tulad kong prinsipe ng karagatan?" - tanong niya habang naglalakad "Hindi ka dapat sumali sa pagpipili!" Huminto siya isang metro lang ang layo saakin "At bakit naman hindi ako dapat sumali?" "Freya is my brother's mate!" "Pinuntahan mo ba lahat ng mga sumali sa pagpipili at sinabi mo rin iyan sa kanila?" Hindi ako nakaimik sakanya Ano naman ang sasabihin ko? Na siya lang ang pinuntahan ko at sinabihan ng ganito?! "At isa pa mate nga ni Freya ang iyong kapatid. Pero asan siya ngayon?" "Anong dahilan kung bakit ka sumali?" "Nararapat lamang na sumali ako. Nararapat lamang na sumali kami ni Prince Zephyr dahil isa kaming crown. Besides I really like Freya. Kung hindi lamang siya natali sa propesiya, sa hari ng mga bampira kay prinsipe Luan ay siya ang pipiliin kong maging reyna ng aking kaharian noon pa man" He likes Freya? "You like her?" "Sinong hindi mabibihag sakanya? She's brave and wise. At isa pa siya ang klase ng babaeng hindi tumitingin sa status o agwat ng mga nilalang. Siya ang babaeng handang ipaglaban ang mga taong mahal niya. Kahit pa man salungat iyon sa mga mata ng nakararami" That hits me hard! "May tinutumbok ka ba sa mga sinabi mo?" "Bakit natamaan ka ba?" Argh! This water prince! Ginagalit niya talaga ako! "Baka naman sumali ka dahil gusto mo lang maghiganti saakin!" Nakita ko ang pagngisi niya bago sumagot "Bakit? May ginawa ka bang hindi ko nagustuhan noon?" Bakit siya ganito?! Why he is now acting like he didnt know anything?! "Gusto mong ipakita saakin na may gusto ka ng ibang babae. At talagang ang mate pa ng kapatid ko! Sabihin mo! Gusto mo bang bumawi dahil ni reject kita noon?!" Bigla naman nag iba ang reaksyon ng kanyang mukha at saka humakbang palapit saakin "Are you now affected? Are you now feel jealous huh?" "Ang kapal mo!" "Then why are you here in front of me arguing me about all of this that is clearly not your concern?" Naikuyom ko ang aking kamao at napasinghap na lamang ako ng napansin ko na sobrang lapit na niya saakin Hindi ko napigilang hindi pagmasdan ang kanyang mukha Ang kanyang kulay asul na buhok na tila malambot at kay sarap hawakan at paglaruan Ang kanyang kulay asul na mga mata na tila malalim at malinaw na karagatan At ang kanyang marka na nasa kanyang noo. Ang simbolo ng club na mas nagpadagdag ng dating sa kanya Ang maangas niyang dating maging ang pagkaseryoso ng kanyang mukha Ang kanyang ilong na tila obra maestrang napakaperpektong inukit at ang kanyang mapulang labi na perpekto ang hugis at tila napakalambot niyon Bumaba ang tingin ko sakanhang leeg At bigla akong nakaramdam ng pagka uhaw kayat muli kong tinitigan ang kanyang pulang labi at tuluyan ng napako roon ang aking mga mata Hindi ko namalayang kagat kagat ko na pala ang ibaba kong labi Napakurap ako ng makitang unti unting tumataas ang isang sulok ng kanyang labi at pagtingin ko sa kanyang mata ay diretso itong nakatingin saakin na ikinapula ko Lalayo sana ako ng pigilan niya ako gamit ng kanyang kamay na mabilis niyang inihawak sa aking bewang at saka hinila pa lalo palapit sa kanya At ngayon ay magkadikit na ang aming mga katawan na lalong nagpabilis ng t***k ng aking puso maging ang bond na nararamdaman ko What is he doing now?! f**k this water prince! He's torturing me!! Inilapit niya ang kanyang mukha sa aking kaliwang tenga "Are you regreting now for rejecting me that day that I save you" - bulong niya at saka muling tumingin saakin "I-I wont regret anything" nakita kong nasaktan siya sa sinabi ko "Hanggang ngayon ba ay para sayo mali at kasalanan ang pagtatagpo saatin ng Phoenix?" "I would still answer the same answer I gave you that day" "Hindi mo pa rin matanggap na ang nag iisang prinsesa ng mga Dragomir at ang nakatalagang prinsesa ng mga bampira ng Dark Empire ay nakatakda para sa isang prinsipe ng Karagatan at isa sa apat na Crown ng Light Empire?!" - may diin niyang sabi "Magkaiba pa rin ang ating Emperyo. Ng mga panahon na iyon ay wala pa rito si Freya. At isang malaking kahihiyan ang malaman ng aking pamilya at ng aking mga kalahi na ang mate ng kanilang prinsesa ay mula sa kalabang Emperyo!" Totoo ng malunod ako sa karagatang ito at isinalba niya ako Ng una ko siya makita at makilala Ng una kong maramdaman ang bond na ito Ng una kong maramdaman ang pagkauhaw ko sa kanyang dugo Ang ang panahon na magkalaban pa ang Light Empire at Dark Empire At walang puwang noon ang pagiging mate namin Isa iyong kasalanan! Isang pagkakamali! "At ngayon na ayos na ang Light Empire at Dark Empire ay lumalapit kana saakin at ano? Magmamakaawa kang patawarin kita at maging mate mo?" Sasampalin ko sana siya pero agad kong ibinaba ang aking kamay Hindi ko kayang saktan siya! "Hindi ako hihingi ng tawad at lalong hindi ako magmamakaawang maging mate mo ko!" "Tss ang mapagmataas na prinsesa ng mga bampira. Sadya nga talagang mapride ang mga Dragomir" Humakbang siya paatras palayo saakin "Ilang taon mo rin tiniis ang uhaw mo. I wonder if you could still resist it" Inilihis niya ang kanyang kasuotan na tumatakip sa kanyang palapulsuhan at saka niya iyon sinusugatan gamit ang kaniyang maliit na punyal na kinuha niya sa kanyang likuran "A-anong gi-ginagawa mo?!" "I just want to know if you still have strength to resist your thirst" Napatitig ako sa dugong patuloy sa pag agos mula sa kanyang sugat pero mabilis akong tumalikod "Im leaving" Naglakad na ako papalayo sakanya at ng malapit na ako sa pintuan ay bigla siyang humarang sa aking daraanan "What the?!" Hindi siya sumagot bagkus ay inilapat niya ang kanyang palapulsuhan sa aking labi "Sayang ng aking dugo. Drink now my princess saka na nating pag usapan ang pagpapakilala mo saakin sa iyong mga kapatid" Hindi ko na napigilan ang pamumula ng aking mata at ang paglabas ng aking pangil ng maamoy at matikman ko ang kanyang dugo at mabilis na hinawakan ang kanyang kamay at saka ibinaon ang aking pangil roon Napangiti pa ako ng makita napangiwi siya ng ibaon ko ang aking pangil at sumipsip roon Isa akong matapang at palaban na prinsesa ng mga bampira Kilala bilang mapagmataas dahil sa reputasyon na meron ang pamilya ko at sa dugong nananalaytay sa aking katawan Pero isa lang ang masasabi ko sa sarili ko ngayon Isa akong napakaduwag at napakatangang prinsesa! Dahil hindi ko ipinaglaban noon ang lalaking nakatakdang makasama ko habang buhay Pero ngayon... hindi ko na siya pakakawalan. Dahil ang mga Dragomir ay isang beses at sa isang nilalang lamang nagmamahal
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD