The Revelation

3382 Words
----Leila POV---- Nagpasya akong magpahangin kayat minabuti kong pumunta sa may balustre at saka nag inat ng kamay Bigla naman akong napatingin sa dalawang bampirang naglalakad papasok ng palasyo This f*****g b***h! Bakit niya kasama si Keisler?! Sa inis ko ay hindi ko nakontrol na magpakawala ng mga dagger papunta sa kanilang direksyon Using my vampire speed ay mabilis akong pumunta sa harapan nila at saka isa isang sinalo ang mga dagger na pinakawalan ko pero may hindi ako nakuhang dagger at papunta iyon sa pwesto ni Keisler kaya madali kong niyakap siya at ako ang natamaan sa braso Bumitaw ako sa pagkakayakap sakanya at saka tinakpan ang braso kong dumudugo "Haixt what the?!" - sigaw niya at saka inalis ang kamay ko sa aking braso at saka niya iyon tinignan "Tss silly" - bulong ni Adreana "Narinig ko iyon!" "Sinadya ko talagang iparinig sayo. Sino naman kasing tanga ang magpapakawala ng kapangyarihan tas hahabulin at siya lang naman ang matatamaan?" Argh! Ang maldita talagang ito! Napangiwi ako ng magtangka akong igalaw ang braso ko My daggers are not just an ordinary dagger There are dangerous at talagang matatalim sila Na kayang gibain ang matatag na wall ng kaharian ng isahang palabas ko lamang nito Mabuti nga daplis lang ang naabot ko! Tsk! "Hold still. Dapat di mo na lang sinangga" - sambit niya habang tinitignan pa rin ang sugat ko "Kung hindi ko iyon ginawa siguradong mas malala ang abot mo. Isa pa hindi niyo iyon mapapansin na papatayin na pala kayo kasi ang sweet sweet niyong nag-uusap!" Napatingin siya saakin at narinig ko naman ang pagtawa ni Adreana "Oww I think someone is jealous. O siya maiwan ko na kayo. By the way thanks again Keisler and dont forget what I told you. Sayang ang pagkakataon" - sambit niya at saka lumingon saakin at ngumiti bago umalis Sinundan ko pa siya ng tingin Nginitian niya ba talaga ako?? Anong nangyari dun? "Mas mabuti siguro kung sa loob na natin gamutin to" - Keisler at saka ako hinawakan sa braso pero agad ko iyong binawi at napangiwi ng makaramdam ng hapdi sa sugat ko "San kayo galing? At bakit siya nagpapasalamat sayo?" "Ahh sinamahan ko siya sa mate niya" Natigilan naman ako bigla Mate ni Adreana? May mate siya? "Hey! We should get inside now. Gagamutin kita" Napakurap kurap na lamang ako ng hawakan niya ang kamay ko at saka hinila papasok ng palasyo ----Travis POV---- "Siguradong mag aala dragon na naman iyon si Adreana pag nakita ka na niya!" - Rosh at saka sinubuan si Bliss Napaismid na lamang ako Bakit ba kasi nasa harapan ko pa sila?! "Ano ba kasing pinagkakaabalahan mo sa mundo ng mga mortal Xeon?" - tanong ko sa bampirang kung makakain ay halos lamunin na ng sabay sabay ang hawak niyang apat na mansanas "Matulog kana lang Travis" - sagot niya ng matapos niyang lunukin ang nginunguya niya "Psh! Asan na ba si Adreana at ng masermunan kana?" Agad naman siyang nagpanic ng pumasok sa hapag kainan si Adreana Inilibot niya ang tingin saamin hanggang sa huminto ito kay Xeon na ngayon ay namumutla na Kawawang Xeon "Ohh buti naman bumalik kana Xeon" Naglakad siya papalapit kay Xeon habang prenteng sumandal kami ni Rosh at pinanuod lamang ang mangyayari habang putlang putla na si Xeon Yan ang nakukuha ng mga lagalag na bampira! Siguradong pagtutusok tusukin na naman siya ng mga karayom ni Adreana habang sinesermunan siya Napangiwi ako ng biglang maalala noon ang ginawa saamin ni Adreana ng hindi kaming tatlo magpaalam at saka lumabas sa bayan para maglibot libot I swear ang sakit at hapdi ng mga karayom niya!! Napangisi ako ng tumigil na sa harapan ni Xeon si Adreana Natatawa ako sa hitsura ngayon ni Xeon Pero nanlaki ang mata namin ni Rosh ng iba ang ginawa ni Adreana "Naku! Siguradong nauhaw ang bunso naming kapatid sa mundo ng mga mortal. Gusto mo bang uminom kay ate?" - malambing na tanong niya habang hawak sa magkabilang pisngi si Xeon Wala naman sa sariling tumango si Xeon "Tara papainumin ka ni ate" Nasundan na lang namin sila ng tingin hanggang sa makalabas sila sa pintuan "Ang sweet pala ni ate Adreana" - Bliss Nagkatinginan naman kami ni Rosh Anong nangyari dun?? ----Keena POV---- Napailing iling ako habang nakatingin kay Gretel na nakatingin sa partikular na bampira "Nakalimot na pala ahh" Agad siyang humarap saakin at halatang nagulat ko "Alam mo Gretel halata namang wala na sakanya ang mga nangyari noon kaya dapat kalimutan mo na lang din ang lahat" "Hindi ko kayang kalimutan na lang ang lahat Keena" "So parang inamin mo na rin na mahal mo pa rin siya hanggang ngayon?" Hindi siya sumagot "Gretel alam mong wala kang laban sa babaeng nakatakda sakanya. Alam mo na matagal na binasahan siya ni Eliza na nakatakdang magkaroon ng mate" "Pero hanggang ngayon ay wala pa rin ang mate niya" "So anong gusto mong gawin?" "Wala. Wala akong gustong gawin" - sagot niya at saka ako iniwan "Wow! gandang kausap ahh?!" - sigaw ko sakanya Psh hopeless romantic tsk! Tsk! Tutal wala naman na akong gagawin mabuti pang maglakad lakad na lang Lumabas ako ng palasyo at saka pumunta sa kakahuyan na nasa may di kalayuan lang sa kaharian ng Parua I miss forest!! Ng makakita na ako ng magandang pwesto ay mabilis akong umayat sa nakita kong puno at saka umupo sa isang sanga nito at saka sumandal Nakakamiss sobra ang pagtira namin sa kagubatan noong tinuturing pa kaming mga rebelde Napangiti ako ng maalala ang pagkabuo ng among grupo Ang Salvatory "Hayyy" Nilanghap ko ang masarap na simoy ng hangin pero nabigla ako ng may magsiliparang ibon papunta sa pwesto ko at dahil sa pagkabigla ko ay nawalan ako ng balanse "Ahhhh!" "vente nos!" Pagkarinig ko ng sigaw na iyon ay biglang bumagal ang pagbagsak ko at naramdaman kong may hangin na nasa aking likuran na dahan dahan akong ibinababa sa lupa Agad akong tumayo ng makalapag ako ng maayos sa lupa bago mabilis na naglaho ang parang kumpol ng hangin Napalingon naman ako sa lalaking simigaw kanina Nakasandal siya sa kahoy na malapit lang saakin ay hawak hawak niya pa ang wand niya "Bakit ka narito? Sinusundan mo ba ko?!" "Owh your welcome" - sagot niya at saka umalis mula sa pagkakasandal sa puno at saka tumalikod "Hoy! Iiwan mo na lang ba ko dito?!" Lumingon naman siya saakin "Nakapunta ka rito ng mag isa. Kaya mo naman na sigurong makabalik ng mag isa. Isa pa napadaan lang ako dito dahil kinuha ko to" Itinaas niya ang isa niyang kamay na mau hawak na isang uri ng halaman na hindi ko alam king anong tawag Haixt! Napahiya ako dun ah! Muli siyang tumalikod kaya mabilis ko siyang nilapitan at saka ko siya sinabayan sa paglalakad "Pwede bang dumistansya ka sakin?" Itinulak tulak niya ang braso ko gamit ang wand niya Aba! Ang wizard na to! Ang arte pala ng pinsan ni Freya! "Alam mo para kang babae! Ang arte mo!" "Anong sabi mo?! ako parang babae?!" Kunot kunot na ang kanyang noo ngayon Haha mapagtripan nga "Oo hindi ka siguro totoong lalaki nuh!!" - panunukso ko "Isa pang sabihin mo yan!" Namumula na siya ngayon haha! He's really cute! No he's handsome! f*****g handsome wizard! "Hindi ka lala- hmm!" Nagulat ako ng bigla siyang pumunta sa harapan ko at mabilis na hinawakan ang batok ko at saka ako hinalikan Nanlalaki ang aking mga mata habang nakatingin sa kanya na nakapikit habang hinahalikan ako ----Khali POV---- Bagot kong tinitignan ang mga bampirang nagsisidaanan mula sa inuupuan ko Nasa palasyo na ang mga konseho maging ang kanilang mga anak ay isinama pa rito sa palasyo! Psh ang aarte pa ng iba! Ang sasarap kagatin! "Bakit busangot na naman ang mukha mo bubwit?!" Hindi ko na pinag aksayahan pang lingunin si flat chested at saka ipinagpatuloy ang ginagawa kong obserbasyon Hayy! Andito na rin ang mga karibal ko! Narito na ang mga kalahok sa pagpipili! Maging ang ibang prinsipe at prinsesa ng Dark at Light Empire ay narito na rin Bukas pa naman ng umaga gaganapin ang pinal na pagpipili bakit narito na sila?! "The f**k!!!" Inis kong hinilamos ang kamay ko sa aking mukha na basang basa ng tubig bago masamang lumingon sa may kagagawan noon At ang babaeng flat! Tumatawa lang!! "Hey flat chested!! Why did you do that?!" Agad siyang tumigil sa pagtawa at saka lumingon sa mga "bwisita" ng palasyo na napatingin saamin sa pagsigaw ko Namumula naman na siya dahil sa hiya Yan ang napapala! Haha "Aist!! May araw ka rin sakin!" - inis niyang sabi at saka patakbong umalis Bwahaha ako pa rin ang nanalo! Bigla naman akong napalingon sa isang sulok kung nasaan si pulang buhok na kausap ang puno ng konseho Kilala ko siya. Siya si Lord Valentino Auserwalt He's one of my father's good friend Napatingin ako kay pulang buhok At napaismid ako Siya ang isa sa mga matitinik kong karibal kay Freya! Kyran Ellesmere Dragomir Siya ang susunod na hari ng Dark Empire dahil siya ang sunod kay Luan na may purong dugo ng Pureblood at dugo ng isang dyosa Pero nakakapagtakang ayaw niya pang ma koronahan bilang hari Ano naman kaya ang pumipigil sakanya na gawin iyon? Napakamisteryoso niya Maraming lihim Hmmm mukhang may mapapaglaruan ako ahh Pinagmasdan ko siya habang may ngisi sa aking mga labi Aalamin ko kung ano ang pumipigil sayo At sisiguraduhin kong Malalaman ko rin kung may itinatago ka ----Freya POV---- Matapos ang hapunan at konting pag kausap sa mga konseho ay napag pasyahan ko ng pumunta na sa aking kwarto Nasa likuran ko sila Miya at Zeyton na may distansya sa akin habang nasa tabi ko naman si Sky habang naglalakad ako papunta sa kwarto Nangunot ang aking noo ng makitang may babae na nakatayo sa harapan ng kwarto ni Luan Umungol rin si Sky na nakatibgin lang din sa babae Napalingon siya sa direksyon namin Humarap siya saakin kaya tumigil ako sa paglalakad "You are Freya right?" Namumukhaan ko siya Siya ang kasama ng isa sa mga konseho "Ako nga" - ngiting sagot ko Pero nawala ang ngiti ko ng tignan niya ako mula ulo hanggang paa "Tss how unfortunate Luan is having her as his mate. Napagtiyagaan niya ang liit ng kanyang hinaharap hu?" - bulong niya na dinig ko naman Hindi maliit ang hinaharap ko! Sadyang hindi lang ito kalaki ng kanya! Ano bang problema nito? "So may nasa isip kana man na siguro kung sino pipiliin mo hindi ba? O baka naman gusto mo silang lahat" Naikuyom ko na ang aking kamao pero pinili kong maging kalmado Naramdaman ko naman ang paglapit nila Zeyton at Miya pero itinaas ko ang kamay ko para patigilin sila Maging si Sky ay nanggigigil na nakatingin sakanya "May kailangan ka ba sakin?" - tanong ko "Do you know who I am?" - balik niyang tanong "Hindi" - sagot ko "Let me introduce myself. I am Lady Sofia Rosca. The only daughter of one of the council" - pakilala niya "Its nice to meet you" "Me too" - sagot niya na may plastic na ngiti Hindi ko gusto ang ugali niya! "And if ever you dont know. I am one of the woman of Prince Luan before he slept for many years" One of his woman?! Anong pinagsasasabi nito?! Ang sabi ni Luan wala siyang naging babae maliban saakin! "At nabalitaan kong umalis siya dahil sayo. Tsk tsk kung di dahil sayo hindi siya aalis. At kung di sana siya umalis. Buhay pa sana siya ngayon" "Sinisisi mo ba ako sa pagkamatay niya?" "Oppss did I sound like that? Im sorry I didnt mean it" - maarteng sambit niya "By the way alis na ko. See you tomorrow. And choose wisely" Ngumiti pa siya saakin bago dumaan sa gilid ko Hindi ko alam kong magkakaroon ako ng mahimbing na tulog ngayong gabi ~~ Pinabayaan ko na lamang ang mga katulong ng palasyo na muling ayusin ang aking kasuotan habang nakatayo ako ngayon sa harapan ng malaking pintuan ng silid ng trono Ngayon na ang araw na sasabihin ko ang lalaking aking napili bilang maging kalahati At ang isipin iyon ay muli na namang nakakapagbigay saakin ng sakit ng ulo! Napalingon ako sa gilid ko kung nasaan nakatayo ang asawa ng punong konseho "Hayaan mo sanang ako ang mag-ayos nitong ipit mo sa ulo mahal na prinsesa" - sambit niya na tinaguan ko lang Inayos niya ang mabigat na ipit na gawa sa purong dyamante na nasa gilid ng aking ulo Pagkatapos ay ngumiti siya saakin Napatingin naman ako sa kanyang tiyan "Buntis ka?" - tanong ko Bilang bampira malakas ang pakiramdam namin kung buntis ang harapan namin o hindi "Oo ang una naming anak" - sagot niya habang hinihimas ang impis niya pang tiyan "Maaari ko bang malaman ang pangalan mo?" - tanong ko "Ahh paumanhin hindi pa pala ako pormal na nakakapagpakilala. Ako nga pala si Krishel Auserwalt" "Ikinagagalak ko pong makilala kayo" Bigla niya naman akong hinawakan sa kamay "Nalulungkot ako sa nangyari sa iyong prinsipe. Minsan ko na noong nakasalamuha ang nakatakdang hari bg kadiliman at hindi ko inakalang darating ang isang dyosa para mapabago ang kinikilalang halimaw noon ng buong emperyo. Pinabago mo ang kanyang pananaw maging ang kanyang pag uugali mahal na prinsesa ng asul na apoy. Nabalitaan ko rin ang inyong wagas na pagmamahalan" Napayuko ako sa kanyang mga sinabi Muli ko na namang naalala ang mga ala ala kung kailan ay kasama ko pa siya Kung kailan kasama ko pa ang prinsipe ng mga nyebe "Alam kong hindi sya mapapalitan dyan sa puso mo. Pero alaalang sa mundong ito. Piliin mo sana ang nararapat" Hindi ko na siya nasagot ng bumukas na ang malaking pintuan at nauna ng pumasok Huminga naman ako ng malalim bago naglakad papasok ng silid ng trono Mas madaming mga bampira at Light Empire ang narito Ang mga magkakapatid na Dragomir ay nakaupo sa upuan na nakahilera sa trono na siyang upuan noon ni Luan Pumunta ako sa tabi niyon at saka umupo Napatingin akong muli sa katabi kong upuan Nakikita niya kaya ang lahat ng ito?? Sigurado akong magyeyelo na naman ang buong emperyo kapag nalaman niyang pipili ako ngayon ng lalaking papalit sakanya Sakanyang tungkulin bilang mate ko Pero gusto kong sabihin na walang sinuman na makapapalit sakanya bilang nag iisang prinsipe ng nyebe at nag iisang bampirang mahal ko Nakita kong tumayo si Lord Valentino sa kanyang upuan at saka naglakad papuntang harapan sa ibaba ng trono kung nasaan kami nakaupo ng magkakapatid na Dragomir "Ngayon ang araw ng pinal na pagpipili. At ikinagagalak kong pumunta kayo sa patitipon na ito" - sambit niya Napalingon ako sa bintanang nasa itaas nitong silid Sigurado akong maraming mga bampira at nilalang ang nasa labas ng kaharian na naghihintay ng aking magiging pasya "Nais kong pumunta sa unahan ang mga kasali sa pagpipili" Nagsitayuan naman ang labing tatlong kasali sa pagpipili at saka naglakad papuntang harapan ni Lord Valentino Nakahanay silang lahat paharap sa amin "Ano man ang magiging pasya ay kailangang suportahan ng lahat ng mga nilalang sa mundong ito. Sino man na may pag uusig ay hahatulan ng kaparusahan. Sa mata ng Dark Empire at Light Empire ang siyang mapipili ay siyang magiging kalahati ng itinakdang babae sa propesiya. Isang kasalan at seremonya ang magaganap pagkatapos ng pagpipili. Kaya't ngayo'y tayo ng magbigay pugay at galang sa babaeng ipinadala ng Legendary Phoenix, ang babaeng itinakda ng propesiya" Pagkarinig ng hudyat na iyon ay saka ako tumayo. Nagsipalakpakan naman ang lahat ng nasa loob ng silid Naglakad ako papunta sa harapan sa itaas na baitang kung nasaan si Lord Valentino at nasa baba ang mga kasali sa pagpipili Naglakad papuntang gilid si Lord Valentino bago sabay sabay na nagsiyukuan ang lahat ng nilalang na narito sa silid At nagsiluhuran naman ang labing tatlong lalaking nasa harapan ko sa ibaba ng trono "Ikinagagalak kong makita kayong lahat rito" - sambit ko at saka sila nagsiayusan ng tayo maliban sa labing tatlong kasali sa pagpipili na nanatiling nakaluhod "Masaya akong muling makitang nagsasama sama ang Light Empire at Dark Empire para sa okasyong ito" Napatingin ako sa direksyon ni prinsesa Kora. Nginitian niya ako at ibinalik ko iyon sakanya Naaalala ko naman si Tamara Kung sana'y narito siya. Kung sana'y buhay pa siya "Nais kong magpasalamat sa labing tatlong lalaking sumali sa pagpipiling ito. At hindi ko na patatagalin pa ang inyong paghihintay" Napakatahimik. Napakatahimik sa loob ng silid. Lahat sila ay nakatutok lamang saakin "Bilang prinsesa ng asul na apoy. Bilang babaeng itinakda ng propesiya. Ako'y pipili ng aking magiging kalahati, kalahati sa responsibilidad at kalahati ko sa mga darating pang panahon" Pinagmasdan ko isa isa ang labing tatlong lalaking nakaluhod sa aking harapan na nakatingala saakin Patawarin mo sana ako Luan Patawarin mo sana ako mahal na prinsipe Huminga ako ng malalim "Buo na ang aking pasya, nais kong ipakilala sainyo ang aking napili bilang aking kalahati -" Muli ko silang pinagmasdan Ito lang ang nag iisang paraan Wala na akong magagawa Magsasalita na sana akong muli ng biglang bumukas ang malaking pintuan ng silid ng trono Nagsilingunan ang lahat roon maging ang labing tatlong lalaking nasa harapan ko Napatitig naman ako sa mga pumasok sa loob ng silid Bakit sila narito?? Nakatingin kaming lahat sakanila habang naglalakad Narito sila. Narito sa silid na ito ang labing tatlong prinsipe ng Acheron! Narito ang labing tatlong L'vierdon! Nangungunang maglakad ang unang prinsipe ng Acheron, si prinsipe Declan Tumigil sila sa paglalakad ilang dipa lang ang layo mula sa likuran ng mga kasali sa pagpipili Nagbulong bulungan naman ang mga nilalang na narito sa silid at nagtatakang nakatingin naman sa kanila ang mga konseho "Hindi namin inaasahan ang pagpunta ng mga prinsipe ng Acheron sa pagtitipon na ito" - Lord Valentino Lalo namang nagsiingayan ang mga nilalang na narito sa silid pero pinatahimik sila ng konseho ang alam ko iilan lang ang may alam at nakakakilala sa labing tatlong prinsipe dahil nga sa hindi sila nakikisalamuha sa labas ng kanilang palasyo "Anong kailangan ng labing tatlong prinsipe ng natutulog na kaharian ng Acheron at kayo'y naparito?" "Naparito kami upang kunin ang pagmamay ari ng aming kapatid" - sagot ni Prinsipe Declan Mababakas mo sa kanyang pagsasalita ang awtoridad at kapangyarihang kanyang taglay "Pagmamay-ari ng inyong kapatid?" - tanong ni Lord Valentino Anong pagmamay-ari ang kanilang kailangan dito sa Parua?? "Paumanhin pero may ginagawa kaming pagpipili ngayong araw. Maaari naman sigurong sa susunod na araw na natin pag usapan ang kailangan niyo" - sabat ng isa sa konseho "Wala ng pagpipiling magaganap" Nagsiingayan muli sa loob ng silid sa sinabi ni Declan Anong pinagsasasabi niya? Nakita kong nagsitayuan na sila Adreana mula sa aking likuran "Anong pinagsasasabi mo?" - konseho itinaas ni Declan ang kanyang kanang kamay at saka lumabas mula sakanyang likuran ang bampirang nagdadala ng kakaibang epekto saakin Muli ko na namang naramdaman ang kakaibang pakiramdam na nararamdaman ko lamang sa tuwing nasa paligid ko siya Nagsitahimik ang lahat ng nagsimula siyang maglakad Kita ko rin ang labis labis na paghanga sa mga mata ng babaeng bampira maging ng ibang nilalang sa makisig na prinsipeng naglalakad ngayon papalapit sa aking harapan Tumigil siya sa harapan ng mga nakaluhod na labing tatlong lalaking kasali sa pagpipili Lumingon siya sa mga konseho maging kay Lord Valentino "Walang magaganap na pagpipili" - sambit niya with his natural cold baritone voice Nagsitayuan naman ang mga konseho "Anong pinagsasasabi mo?! At sino ka para patigilin ang pagpipiling ito?!" "Tama! Bigla bigla na lamang kayong lilitaw rito at mangugulo!" Bigla naman silang natahimik ng magsalita si Lord Valentino "Sabihin mo. Ano ba talagang pakay ninyo?" "Narito kami upang kunin ang matagal ng dapat ay saakin" Ano ba talagang kailangan nila? "Hindi na kailangang maganap pa ang pagpipiling ito" "Sabihin mo! Bakit mo iyan sinasabi?! Anong dahilan mo?!" - Adreana Tumingin siya kay Adreana "I am Prince Axel Dior L'vierdon, eight prince of Acheron - and I am Freya's mate" Lumingon siya saakin at saka ako tinignan ng diretso His chocolate eyes is now staring on my sapphire blue eyes "I am her mate - bago pa man ipinaganak ang nakatalagang hari ng kadiliman. I am her mate bago pa man mabuhay si Luan"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD