----Adreana POV----
"I am Prince Axel Dior L'vierdon, eight prince of Acheron - and I am Freya's mate"
Axel? Axel ang pangalan niya? Kung ganun S-siya ang bampirang may kakayahan sa oras?
A-and
H-he is Freya's mate??
"I am her mate - bago pa man ipinaganak ang nakatalagang hari ng kadiliman. I am her mate bago pa man mabuhay si Luan"
Anong?!
Siya ang mate ni Freya bago pa man si Luan?!
Paanong nangyari un?!
Napakatahimik sa loob ng trono at kitang kita sa mga mukha ng mga bisita ang pagkagulat
Samantalang halata naman sa mga konseho ang pagkalito sa mga nalaman namin ngayon
Lahat naman siguro ay nagulat at nalito sa mga binitawang salita ng prinsipe ng Acheron
Maliban na lamang sa tatlong crown na tahimik lamang at walang ekspresyon ang mga mukhang nakatingin kay Axel
Maging sila Kyran, Yael, Priam at Saxon ay hindi rin nagulat sa kanyang mga sinabi
May alam na ba sila dito dati pa?!
Lumingon ako sa gawi ni Freya na ngayon ay gulat na gulat rin na nakatingin sa bampirang may pangalan na Axel
Magkatitigan silang dalawa na parang may sarili silang mundo
Damn this! Who is this vampire?!
"Anong kahibangan ang iyong pinagsasasabi?! Si Luan at Freya ay nakatakda para sa isat isa bago pa man sila isinilang!" - sigaw ko
"Why dont you ask the vampire that can see the past" - baling niya saakin
Napalingon kami sa pwesto ni Kyran na ngayon ay nakahilera pa rin sa harapan ng ibaba ng trono habang nakaluhod
Nakapikit lamang siya na parang walang nangyayari sa kanyang paligid
"Kyran?" - mahinang bigkas ni Freya
Iminulat ni Kyran ang kanyang mata at saka unti unting tumayo
Ngayon ay nakatutok ang atensyon ng lahat sakanya
"A-anong ibig sabihin niya? T-totoo ba?" - Freya
Inaasahan kong sasabihin niya na kasinungalingan lamang ang mga pinagsasasabi ng prinsipe ng Acheron pero kabaliktaran ang aming narinig
"He's saying the truth"
The truth?!
"Katotohanan?! Katotohanan ang mga pinagsasasabi niya?! Kalokohan iyon Kyran! Mula palang sa umpisa sila Freya at Luan na! Paanong nangyaring may mate si Freya maliban kay Luan?!"
"Adreana, totoo ang sinabi niya. Nakita iyon ni Kyran kay Axel. At hindi nagkakamali ang pangitain na nakikita niya bilang gabay na nakakakita ng nakaraan"
Napalingon ako kay Priam ng magsalita siya
"You know this?"
"Oo"
Sinasabi ko na nga ba! May alam sila sa mga nangyayaring ito!
"f**k! I can't just watch here!"
Mabilis na nakapunta sa harapan ni Freya si Saxon
"Kung pumunta kayo rito para kunin si Freya then im sorry to disappoint you. Hinding hindi ko hahayaan na kunin niyo siya!"
Maging sila Miya at Zeyton ay tumakbo papalapit kay Freya
maging ang mga kasali sa pagpipili ay nagsitayuan na rin at saka humarang sa harapan ni Axel
Sila Rosh ay nakatayo na rin sa tabi ko habang titig na titig sa prinsipe ng Acheron
"Isang malaking kaguluhan ang mangyayari kung balak niyong kunin si Freya" - Grey
Naglakad ang unang prinsipe ng Acheron papunta sa tabi ni Axel
"We are not here to make any commotion. We are just here to stop the tradition of yours. She dont have to choose among them. My brother is her mate, I believe that we can talk about this, in a peaceful way" - sambit niya at saka lumingon sa gawi nila Lord Valentino
"There's no f*****g way that you can get Freya! She belongs to Luan! Walang dapat pag usapan makakaalis na kayo kung ayaw niyo ng gulo" - Saxon
"Kapag ipinilit niyo ang inyong kagustuhan. Hindi kami magdadalawang isip na magdeklara ng digmaan laban sainyong kaharian"
Napalingon ako sa katabi kong si Rosh
Namumula na ang kanyang mga mata
Kita ko sa mga mata niya ang kagustuhang protektahan ang babaeng nakalaan sa aming kapatid
Tama! Kailangan naming protektahan si Freya. Alang alang sa mga alaala ni Luan
"Leave now. Or you will regret" - Saxon
Una ng nagpalabas ng kanyang mga baraha si Saxon. At nagsipulahan na rin ang mga mata ng iba pang kasali sa pagpipili
"Kung ganun wala kaming magagawa" - Declan
Tama mas mabuting umalis na sila
"Kundi ang lumaban para sa karapatan ng aming kapatid"
Nagulat kami ng sugatan niya ang kanyang sarili at mabilis na naging isang espada ang kanyang dugo
Nagsipulahan na rin ang mga mata ng magkakapatid na L'vierdon
Ang mga nakasabit na espada sa pader ng silid ay kapwa nakatutok sa aming direksyon
Lumingon ako sa gawi ni Liro pero hindi namumula ang kanyang mga mata bagkus ay kunot noo lamang siyang nakatingin sa mga prinsipe ng Acheron
Kung ganun hindi si Liro ang may kagagawan ng mga nakalutang na espada
Muli akong tumingin sa mga L'vierdon
Ano itong nararamdaman ko
Parang
Parang isang napakalakas na enerhiya
Malakas na enerhiya na nanggagaling sa labing tatlong prinsipe ng Acheron!
"Itigil niyo yan!"
Napatingin kami sa gawi ni Lord Valentino
"Hindi niyo kailangang magkagulo"
"Anong ibig mong sabihin?! Hahayaan niyong kunin na lamang nila si Freya?!" - Saxon
"Hinay hinay sa pagsasalita ikalawang prinsipe ng Sirona! Igalang mo ang punong konseho!" - sambit ng isa sa mga konseho
"Asahan mong mapapag usapan natin ang lahat ng ito" - Lord Valentino habang nakatingin sa unang prinsipe
"Inaasahan ko iyon" - Declan at unti unti ng nagiging likido ang kanyang hawak na espada at saka bumalik sa sugat na nasa kanyang kamay at saka mabilis na naghilom
Blood manipulation
Maging ang mga espada na nakatutok sa amin ay nagsibalikan na rin sa dati nitong kinalalagyan
isa sa mga L'vierdon ang may kakayahang manipulahin ang mga bagay
Kahit pa hindi na namumula ang kanilang mga mata ay ramdam ko pa rin ang enerhiya na mula pa noong pumasok sila
Hindi nga lamang kalakas katulad ng kanina
Ano ba talagang lakas ang taglay ng labing tatlong prinsipe ng Acheron?!
"Magpapadala ako ng paanyaya saiyo upang mapag usapan natin ang lahat ng ito"
"Hihintayin namin ang inyong paanyaya" - Declan at saka tumalikod
Lumingon sa gawi ni Freya si Axel bago tumalikod at saka naglakad papunta sa iba pang mga L'vierdon
napatingin kami sa isa sa mga prinsipe ng Acheron na may kulay gintong dilaw na buhok ng bahagya nitong itaas ang kanang kamay na may singsing sa hintuturong daliri
"Open mi portales"
Pagkabigkas niya noon ay may biglang lumabas na portal sa kanilang harapan
Is he a wizard? Or he is a sorcerer?
But there's no way in this world that a sorcerers still exist!
"See you soon Freya!" - sigaw ng bampirang may light brown na buhok bago pumasok sa portal kasunod ng iba pang mga L'vierdon
Pumasok na rin sa portal ang unang prinsipe ng Acheron habang nanatiling nakatayo ang bampirang nagbukas ng portal maging si Axel
"I will wait you in my palace" - sambit nito habang nakatalikod bago pumasok sa portal kasunod ang kanyang kapatid bago unti unting naglaho ang portal sa loob ng trono
Anong ibig niyang sabihin roon?
Napalingon ako sa gawi ni Freya na nakatingin lamang sa dating pwesto ng mga L'vierdon
Si Freya ba ang sinasabihan niya noon?
Inaasahan niyang pupunta roon si Freya?!
----Saxon POV----
"Damn! Bakit niyo hinayaan na mangyari iyon! Bakit nakapasok ang mga L'vierdon sa palasyo!"
"Pwede bang tumigil kana sa kasisigaw baliw na prinsipe ng Sirona"
Sinamaan ko ng tingin si Yael
"This is your fault! Kung hindi dahil sa kadesperaduhan mo sa paghahanap kay Tamara ay hindi tayo kakapit sa tulong ng bampirang iyon!"
wala pang isang segundo ay lumapat na ang aking likuran sa semento habang nasa leeg ko ang kamay ni Yael
"Itigil niyo yan. Hindi na kayo mga bata" - Priam
Marahas kong inalis ang kamay ni Yael sa aking leeg
"Alam mong darating ang mga L'vierdon hindi ba?" - baling ko kay Kyran
"Pumunta siya kahapon"
"Kung ganun ay may napag usapan kayo at hindi mo saakin sinabi?!"
mabilis akong pumunta sa gawi ni Kyran at susuntukin ko sana siya ng pigilan ni Dion ang aking kamao
"Damn you! You planned it with him didn't you?! Ibibigay mo na si Freya sa kanya ganun ba?!"
Hindi siya umimik na parang wala lang siyang narinig na lalong nakapagpakulo ng aking dugo
Binawi ko ang kamao ko mula sa pagkakapigil ni Dion at muling bunwelo para sana suntukin si Kyran ng magsalita ito
"Dion, pumunta ka sa Acheron"
Pinapapunta niya si Dion sa Acheron?
"Ipaabot mo ang mensaheng paanyaya maging sa buong konseho. Ngayon mismo"
"Masusunod young lord" - Dion habang bahagyang nakayuko at saka mabilis na lumabas ng silid
"Anong pinaplano mo Kyran?" - Priam
"We need to settle this thing. As soon as possible" - Kyran at saka pinagmasdan ang hawak niyang pulang rosas
May bumabagabag ba sa isipan ni Kyran?
Bakit pakiramdam ko may problema
----Blair POV----
"Haixt! Bakit hindi pa natin siya kinuha kanina?!"
"Pumunta tayo roon para pigilan ang pagpipili Blair" - Jair
"Pero mate siya ni Ax! Matagal na dapat natin siyang kasama! I want her to be here! Right now!"
"Just a brat as always ehh Blair?"
Sinamaan ko ng tingin si Chase at saka lumingon sa gawi ni Ax na nakaupo lang habang nakapikit
"Your highness ano ng gagawin natin ngayon? Uupo na lang ba tayo dito?" - tanong ko kay Declan
"Hintayin natin ang mensahe"
"Paano kung ilayo na nila si Eya?!"
"Blair, hiyang hiya naman sayo si Ax. Inagawan mo na ng mga linya" - Reed
"Yung totoo sino ba talaga ang mate ni Freya? Si Ax o ikaw?" - Gavin
Ipinag ekis ko nalang ang aking dalawang kamay at saka sumimangot
"Your highness"
Napalingon kami sa may pintuan ng silid kung nasaan kami ng may pumasok na kawal
Ibinaba naman ni Declan ang kopitang hawak niya at saka tumingin sa kawal
"May bisita po kayo mula sa Parua Abellon"
"Papasukin siya"
Binuksan ng kawal ang pintuan at saka pumasok ang bampirang may kulay lilang buhok
I know him. He is the loyal servant of Kyran Ellesmere. One of the pureblood Dragomir and one of the 3 fates
"Dion" - Declan
"Inaanyayahan kayo ni Young Lord Kyran sa isang pagpupulong na gaganapin sa ministry of Dark"
"Kailan ang pagpupulong?" - tanong ni Declan
"Ngayon mismo sa mga oras na ito"
"Hindi na pala natin kailangan maghintay pa" - Liam
"Masyado naman atang nagmamadali ang susunod ng hari ng Dark Empire" - Xander
Mabilis akong tumayo ng makitang tumayo na si Axel
"We must not waste time" - sambit niya bago nagsimulang maglakad
That's right. Oras na para kunin niya ang babaeng matagal ng nakatakda para sakanya
----Alistair POV----
"Hayy ano naman kayang pag uusapan nila at sila lang ang pwedeng pumasok sa silid na iyon?!" - Blair
"Bakit ba kasama natin tong brat na to?! Bakit hindi na lang ito sumama kila Gavin?" - bulong saakin ni Froy
Naglalakad lakad kami ngayon sa loob ng ministry of Dark dahil hindi kami maaari sa loob ng silid ng pagpupulong tanging sila Declan at Axel lamang ang pinahintulutan kasama ang buong konseho at si Kyran
"Froy! Pumuslit ka kaya sa loob ng silid ng pagpupulong? You have an ability of phasing maaari kang makapasok doon. Tas pakinggan mo kung ano pinag uusapan nila" - Blair
"May takot pa ako sa kamahalan Blair, wag mo ako sa mga plano mo"
Natigil sila sa pag uusap ng makita namin na makakasalubong namin ang ikatlong prinsipe ng Parua
Ng magkakaharap na kami ay tumigil ito sa paglalakad
"Maaari ba kitang maka usap?" - tanong niya na nasa akin nakatingin
"tungkol saan?"
"Nasabi mo noon na anak ka ng nag iisang makapangyarihang sorceres at nasa iyo ang heirloom ng angkan niyo na isang singsing"
"And?"
Ano bang gusto ng bampirang kidlat na ito
"May alam ka bang spell na maaaring makapagpabuhay sa dati ng namatay?"
"Bumuhay ng patay?" - Froy
"Thats a prohibited act" - Blair
"Ipinagbabawal iyon. Isa pa hindi basta basta nabubuhay ang mga patay na. At ang alam ko si Freya lang ang may kakayahan noon"
"Namatay siya dahil sa pagkaubos ng dugo mula sa bampirang nakaranas ng pagkauhaw. And that vampire is supposed to be the next king"
So ang tinutukoy niya ay ang babaeng matagal niya ng gusto
Kahit naman matagal na hindi nakipag ugnayan ang Acheron sa labas ng palasyo ay hindi naman kami nahuhuli sa mga balita
"Kaya mo ba?" - tanong niya muli
"Base sa sinabi mo. May paraan nga. Dahil mula sa pagkauhaw ng isang malakas na bampira ang sanhi ng kanyang pagkamatay"
Nakita ko naman ang pag asa at kasiyahan sa kanyang mata
"Kung ganon ay may alam ka ngang spell. Maaari mo naman sigurong buhayin siya hindi ba?"
"Kakailanganin ko ng dugo ng bampirang umubos ng kanyang dugo"
"Dugo ni Luan?"
Tinanguan ko siya
"Kailangan ko ng dugo mula mismo sakanya"
"Pero wala na siya. Imposible ng maisakatuparan ang ritwal na iyon. Hindi ba Ali?" - Froy
Napalingon kami ulit kay Priam ng magsalita ito
"Hindi pa patay si Luan. Naniniwala akong hindi pa siya patay"
tumalikod na ito sa amin
"Tutulungan mo naman ako kapag naibigay ko na ang kailangan mo hindi ba?" - tanong niya
"Asahan mo"
"Salamat" - sagot niya at saka umalis
Nakatingin lamang kaming tatlo sa kanya habang naglalakad siya papalayo
Gusto niyang buhayin ang babaeng ipinagpalit siya sa mismong kapatid niya?
"Ali!"
Napalingon kaming tatlo sa likuran namin at nakita namin sila Declan at Axel
"Pumunta kana sa Parua ngayon. Alam mo na ang gagawin" - Ax
"As you command" - sambit ko at saka mabilis na gumawa ng portal
----Freya POV----
Mahina kong hinahaplos ang balahibo ni Sky na nasa aking kandungan habang nakatingala ako sa kisame ng aking kwarto
Hanggang ngayon ay hindi pa rin kayang mag sink in sa utak ko ang mga nangyari
Kaya ba nararamdaman ko ang pakiramdam na iyon sa tuwing nasa paligid siya?
Mate ko ba talaga siya?
Pero paanong naging mate ko siya bago pa si Luan?
Hinawakan ko ang kwintas ko na bigay ni Luan at pinakatitigan ang loob niyon na may umuulang nyebe
Naguguluhan na ako Luan
Naguguluhan na ako sa mga nangyayari baby
Alam kong kung nasaan ka man ngayon ay hindi mo nagugustuhan ang mga nangyayari
Pero nasaan ka nga ba talaga?
Talaga bang wala ka na?
Mariin kong naipikit ang aking mga mata at napahawak ako sa aking noo ng biglang may mga imahe na dumaan sa aking isipan
Mga malalabong larawan
Mga malalabong pangyayari na sa panaginip ko lang dati nakikita
Ano ang mga iyon?
Ang mga panaginip ko ng mga nakaraang araw na gabi gabi na lamang akong dinadalaw
tatlong bata
Sino sila sa buhay ko!
Sino ang dalawang lalaki sa panaginip ko?!
Haist!! Hindi ko maintindihan! Naguguluhan na ako! Kailangan kong malinawan sa mga nangyayari ngayon!
"You need to enlighten?"
Napatingin ako sa sulok ng aking kwarto ng biglang may nagsalita
Agad namang tumalon pababa sa kandungan ko si Sky at galit na nakatingin sa gawi ni Ali
"Ali? Anong ginagawa mo dito sa kwarto ko?"
"Pinapunta ako rito ni Ax"
Pinapunta siya rito ni A-axel? Pero bakit?
"Kung gusto mong malinawan sa mga nangyayari. Handa niyang ipaliwanag ang lahat saiyo"
Kung ganun ay iyon ang ibig niyang sabihin kanina
Alam niyang darating ako
Gusto kung maalis ang pagkalito ng aking isipan. Gusto kong malinawan
Gabi na rin at natitiyak kong tulog na ang mga kasama ko sa palasyo
Pero. Bakit parang kinakabahan ako
Kinakabahan sa maaaring malaman ko
"Handa niyang sagutin lahat ng mga gumugulo sa isipan mo Freya"
Tama! Siya lang ang makakasagot sa mga katanungang bumabagabag sa aking isipan
"Dalhin mo ako sa Acheron ngayon din"