----Blair POV----
"Pupunta kaya siya rito?" - Reed
"Sa mga oras na ito naguguluhan na siya. Kaya't sasama siya kay Ali" - Liam
Natigil sila sa pag uusap ng lumitaw na ang portal ni Ali at di nagtagal ay lumabas roon si Eya kasunod si Ali
Malaki ang pinagbago niya mula ng gawin siyang bampira ni Luan
Kulay asul na parang dalawang pares ng crystal na ang kanyang mga mata
Mas humaba at umitim rin ang kanyang buhok
Mas lalo siyang gumanda
Pero alam kung siya pa rin si Eya. Ang matapang at mabait na babaeng mortal na nakilala ko
Ang nag iisang babaeng mortal na matalik kong kaibigan at itinuring kung nag iisang kapatid na babae
"Maligayang pagbabalik sa Acheron dyosa ng propesiya" - Declan
"Narito ako dahil gusto kong masagot ang mga katanungan na gumugulo sa aking isipan"
L
umingon saakin si Declan
"Blair, ihatid mo siya sa kwarto ni Ax"
Agad akong tumayo
"Yes your highness"
----Freya POV----
Hindi ko maiwasang hindi mapatingin kay Blair habang naglalakad kami papunta sa kwarto ni Axel
Kahawig niya ang kanyang kapatid
Kahit pa magkaiba ang kulay ng kanilang buhok at mata. Pareho naman sila ng hugis ng mukha at ilong
May dimples din kaya siya?
"Tinawag mo akong Eya noon. Nagkita na ba tayo dati pa?" - bigla kong tanong
"I like to call you by that name. At pinayagan mo akong tawagin ka sa ganung pangalan"
Pinayagan ko siya?
Kung ganun nagkita na nga kami dati? Pero bakit hindi ko maalala na nagkita na kami
Pero saan at kailan?
"I doubt that you can still remember me, after Ax decided it to happen"
kunot noo ko siyang tinignan
Huminto siya sa paglalakad kaya't huminto rin ako
Nasa harapan namin ngayon ang dating kwarto kung saan ako noon hinatid ni Ali
Binuksan ni Blair ang pintuan ng kwarto
"Sana maalala mo na ako paglabas mo ng kwartong ito. I will wait you, Eya"
Hindi ko na siya nasagot ng pinapasok niya na ako sa kwarto at saka isinara ang pintuan
Inilibot ko na lamang ang aking paningin sa loob kwarto pero wala akong makitang ibang bampira dito kundi ako
Wala ba siya dito?
Napadako ang tingin ko sa pader ng silid
At muli ko na naman nakita ang nga telang itim na nakatakip sa pader
Lumapit ako roon at awtomatikong tumaas ang aking kamay at saka hinawakan ang itim na tela at saka iyon hinila pababa
Napaawang ang aking bibig at nanlaki ang aking nga mata sa mga bagay na tumambad sa aking paningin
Naglakad ako papunta sa kabilang pader ng silid at inalis rin ang itim na nakatakip sa pader
P-paanong??
Saan galing ang mga larawan na ito??
Mga larawan na iisa lamang ang nakaukit
Isang batang babae
Isang dalagang babae
At ang mga larawan na ito at walang iba kundi ako!
Mula limang taong gulang hanggang labing dalawang taong gulang ako!
Napatingin ako sa nakabukas na bintana ng kwarto at nakita ko siya roon na nakaupo sa nakabukas na bintana habang nakataas ang isang paa at nakatingin ng diretso sa akin
"Si-sino ang mga nasa larawan na ito? M-maari ko bang malaman?" - tanong ko
Gusto ko pa ring matiyak kung ako nga ba ang mga nakaguhit na larawan o baka kahawig ko lamang
"Siya ang babaeng matagal ng ipinangako saakin ng Phoenix. At ikaw iyon Freya"
Ibig niya bang sabihin ay ako nga ang nasa larawan?
"P-paano mo ito iginuhit lahat?"
Nagkikita na ba kami dati pa?
Pero hindi ko matandaan na nagkita na kami!
Bumaba siya sa bintana at saka umayos ng tayo at nakapamulsang naglakad papalapit saakin
Inilihis ko ang aking paningin dahil hindi ko matagalan ang pakikipagtitigan sakanya
Muli lamang akong tumingin sakanya ng huminto na siya sa paglalakad isang metro lamang ang layo saakin
"I think this is the right time to open your close memories"
Close memories??
"A-anong ibig mong sabihin?"
"Handa ka na bang maalala ang lahat?"
hindi ako kaagad nakaimik sa itinanong niya
May nakasara akong mga alala?
May dapat ba talaga akong maalala?
Inilabas niya ang kaliwang kamay niya sa kanyang bulsa at nakita kong hawak niya ang kanyang gintong locket watch
"Handa ka bang balikan ang nakaraan?"
Napatitig ako sa kanyang mga mata
Bakit parang palagay na palagay ako sakanya?
Bakit parang napakapamilyar ng kanyang presensya saakin?
Isa ba siya sa mga nakasara kong alaala??
"Kung masasagot niyon ang lahat ng gumugulo sa aking isipan, handa akong bumalik sa nakaran"
Binuksan ng kanyang kaliwang kamay ang locket watch at kasabay ng pag-alingawngaw ng tunog ng orasan ay siya namang pagbago ng paligid
Nasa isa kaming kagubatan
Naaalala ko ito!
Ito ang kagubatan na nasa likuran lamang ng bahay namin sa mundo ng mga mortal!
Napalingon ako sa kaliwang bahagi ng kagubatan ng makarinig ako ng boses ng batang babae
Inilihis ko ang mga malalagong talahiban upang masilip ko ang nasa kabila noon
At nakita ko ang isang napakalinaw na batis at sa pangpang niyon ay may isang batang babae na nakatalikod sa aking pwesto
"Magagalit saakin si tita kapag nalaman niyang nagpunta na naman ako dito" - rinig kong sambit ng batang babae
bakit parang kilala ko ang kanyang boses?
"Napakaganda talaga sa gubat na ito"
Nagulat ako ng bahagyang humarap ang batang babae at nakita ko ang kanyang mukha
"Limang taong gulang ka pa lang ng mga panahon na ito"
Napalingon ako sa gilid ko kung nasaan si Axel
Kung ganun ako nga ang batang ito!
Nakapunta na ako sa gubat na to??
Pero ni minsan ay hindi pa ako nakapunta rito dahil sa mahigpit na ipinagbawal iyon saakin ni Tita
Muli kong itinuon ang aking paningin sa batang ako at nakita kong napalingon siya sa makahoy na parte ng gubat
At walang anu ano ay may biglang lumabas na dalawang baboy ramo
Kita ko ang takot sa mga mata ng batang ako
At pakiramdam ko ay nakakaramdam rin ako ng takot sa kaloob looban ko
"Waahhhh!!"
Tatakbo sana ako papalapit sa bata ng makitang lalapain na ng dalawang baboy ramo ang batang ako pero mabilis akong hinawakan ni Axel sa braso ko
Napatingin ako sakanya pero nakatingin lamang siya sa harapan
Bigla akong napatingin ulit sa harapan ng makarinig ng malakas na tunog na parang mula sa malakas na pagbalibag ng isang bagay at nakita kong nakaupo na sa lupa ang batang ako at ang dalawang baboy ramo ay wala na sa harapan ng batang babae at nakatilapon na sa magkabilang puno na medyo may kalayuan na sa pwesto ng batang babae
Pero ang mas umagaw sa aking atensyon ay ang dalawang batang lalaki na nasa harapan ng batang ako
Nakasuot ang mga ito ng kakaibang kasuotan
Kasuotan ng tulad sa mga kasuotan ng mga mahaharlika ng Dark Empire
Hindi kaya
Bampira ang dalawang batang lalaki??
P-pero pa-parang sila ang nasa panaginip ko
"That monsters in this mortal world are so gruesome" - sambit ng batang lalaki na may golden yellow hair habang nakatingin sa dalawang baboy ramo na wala ng malay
Samantalang ang isang batang lalaki na may kulay luntian at itim na buhok ay nakatingin lamang sa batang ako na takang nakatingin rin sa dalawang batang lalaki
"Ts-tsino kayo?" - humihikbing tanong ng batang ako sa dalawang batang lalaki
"Bh-bhakit namumula ang mga mata niyo? M-may shore eyes ba kayo?
Ako ba talaga ang batang ito?
Isa inosenteng batang wala pang alam sa mundo ng mga bampira
"We are vampires" - sagot ng batang may golden yellow hair
"V-vampires??"
"Don't be scared. We wont hurt you" - sambit naman ng batang may luntian na buhok
Mas lalong pumula ang mata nito ng mapatingin ito sa tuhod ng batang ako na may sugat
At wala pang isang isang kisap mata ay nakalapit na ito sa batang ako at mariing pinagmamasdan ang sugat
"Blair!! Hinayaan mong dumapo ang kuko ng pangit na halimaw na iyon sa balat niya!!" - sigaw ng batang lalaking may luntiang buhok na nakapagpagulat sa batang babae
teka tinawag niya bang Blair ang kasama niyang batang lalaki?
Tinignan ko ang batang lalaki
mula sa kulay golden yellow niyang buhok at sa kanyang matang hindi na kulay pula kundi ay kulay amber na
Si-siya nga!
Siya si Blair! Ang isa sa mga prinsipe ng L'vierdon!
Kung ganun ang batang lalaking may luntian at itim na buhok ay si
"Hu? Hindi ko napansin Ax. Haixt! Those filty s**t monsters!" - sambit ni Blair na nasa tabi na ni Axel
Tama siya nga si Axel!
Nilingon ko ang katabi kong si Axel na nakatingin rin pala saakin
"I-ikaw? N-nagkita na tayo?" - mahina kong tanong sakanya
Pero muling naagaw ang atensyon ko ng muling magsalita ang batang ako
"A-anong ginagawa mo?"
takang nakatingin ito sa batang si Ax na dinidilaan ang kanyang sugat sa kanyang tuhod
"I am healing you" - sagot nito at saka muling nagpatuloy sa ginagawa
Namilog naman ang mata ng batang ako ng makitang nawala na ang sugat sa kanyang tuhod
"T-totoo ngang bampira kayo!" - natutuwang sambit nito
"You're not afraid?" - tanong ng batang si Blair
Nakangiting umuling iling naman ang batang ako
Inilahad niya ang kanyang kamay
"Ako ng pala si Freya Cassidy Hamilton"
"Hamilton?" - sabay na tanong ng dalawang batang lalaki
"Yup! Kayo? Ikaw si Blair at ikaw si Ax hindi ba?"
Sabay na tumango ang dalawang bata
Inabot naman ni Axel ang kamay ng batang ako at saka hinalikan ang likuran ng aking kamay
"Nagagalak akong mahawakan ang iyong kamay aking prinsesa" - sambit nito
Humagikhik lang naman ang batang ako sa sinabi niya
"Teka maari ba kitang tawaging Eya? Napakahaba ng iyong pangalan. At isa pa ayaw ni Ax na may ibang tumatawag sayong pangalan" - Sambit ng batang si Blair
"Oo naman! Maaari mo akong tawaging Eya"
Kita ko sa mata ng tatlong bata ang saya
At sa tagpong iyon din nagbago ang paligid kasabay ng muling pag alingawngaw ng tunog ng orasan
akala ko ay babalik na kami sa realidad ng makitang nasa parte pa rin kami ng kagubatan
Kung saan ay maraming mga magagandang bulaklak at mga nagsisitayugang kahoy
Kapwa nasa likuran kami ni Axel ng isang malaking puno
Sumilip ako sa harapan niyon at nakita ko ang dalawang batang lalaki na sila Blair at Axel na nakaupo sa damuhan na napapalibutan ng mga bulaklak
"Ax! Blair!"
Napalingon ako sa batang ako na tumatakbo papunta sa dalawang batang lalaki
"Eya! Dumating ka na rin sa wakas!" - Blair
"Pasensya na hinintay ko pang matulog si insan. Tulad ng sinabi niyo hindi ko sinabi ang tungkol sainyo kila tita at insan"
"Ano iyang mga dala mo Freya?" - batang Axel
"Ahh ito? Mangga ang tawag dito" - sambit ng batang ako at saka umupo sa harapan ng dalawang batang lalaki
agad na kumuha si Blair at saka kinagat ang mangga
"Pwe! Bakit iba ang lasa!" - Blair
"Haha hindi pa kasi yan kinakain Blair. Akin na"
Kinuha ito ng batang ako at saka binalatan at saka sinubuan si Blair
"Ang asim! Pero ang sarap!" - sambit nito na bahagyang nakangiwi
"Subukan mo Ax! Kakaiba ang lasa nitong tinatawag na mangga ng mga mortal kumpara sa mga mansanas na ninanakaw nila Kai at Froy sa mansanasan ng galang Dragomir!"
Galang Dragomir? Kung ganun ay noon pa man ay galang bampira ma talaga si Xeon
"Sandali at pagbabalatan kita. Aww!"
"Freya!"
Agad na itinapon ni Axel ang kutsilyo at saka hinawakan ang kamay ng batang ako na ngayon ay dumudugo na
"Damn that human thing!" - Ax at saka dinilaan ang kamay ng batang ako
Mabilis na naghilom ang sugat pero nanatiling mapupula ang kanyang mga mata
Nagtaka ang batang ako ng makitang mas pumupula at nagsisihabaan ang pangil ng batang si Axel
"Ax!" - Blair
"A-anong nangyayari sakanya Blair?"
"Sa tingin ko ang pagkauhaw niya sa dugo ay muling bumalik"
"Pagkauhaw? Oo nga pala mga bampira nga pala kayo. Kung ganun maaari kang uminom saakin Ax" - inosenteng alok ng batang ako at saka inilahad sakanya ang kanyang maliit na kamay
Tumingin sakanya ang batang si Axel at saka hinawakan ang maliit na kamay ng batang ako pero bumaba ang tingin niya sa palapulsuhan nito at mas lalong humaba ang pangil nito
Unti unti niyang ibinaon ang kanyang pangil sa balat ng batang ako na nakangiwi na ngayon habang siya ay marahang sumisipsip
Kung ganun iyon pala ang dahilan kung bakit pamilyar ang kanyang pangil sa aking katawan
H-hindi si Luan ang unang bampirang nakakagat saakin!
Muli na namang nagbago ang paligid
Hindi
Hindi nagbago ang paligid!
Dating lugar pa rin ito tulad ng kanina
Tanging panahon lamang ang nagbago
Napatingin ako sa dalawang lalaking nakatayo may di kalayuan sa puno kung nasaan kami ni Axel na kanina pa walang imik
"Ax sigurado kana ba sa desisyon mo?" - Blair
"Utos iyon ni Declan" - Axel
"Hindi ka sumusunod sa mga utos ni Kamahalan Ax. Wag mo kong lokohin"
"Mas maigi na ito Blair. Nakakahalata na siya na may tinatagpo si Freya. Hindi basta basta ang ikapitong prinsipe ng mga Dragomir"
Si Kyran ba ang tinutukoy niya?
Kung ganun matagal niya ng alam na isang Dragomir si Kyran
Kung sabagay may kakayahan siyang puntahan ang anumang panahon na naisin niya. Kaya niyang maglakbay sa iba't ibang oras
"At isa pa ay masyado ng magulo sa mundo natin"
"Patay na ang prinsipe ng mga nyebe. Ikaw na lamang ang nag iisang may karapatan sakanya Ax"
"Nasabi ko na saiyo nakita ko pa sa hinaharap ang nakatakdang hari ng kadiliman Blair"
"Pero ikaw ang unang nakatalaga sakanya Ax! Dapat mong ipaglaban siya! Sigurado ka na ba talaga sa desisyon mong ito?"
"Alam mong hindi na tayo tutulungan ni Ali na mag anyong bata Blair. Dapat na nating tapusin ito. Sa ngayon"
Anyong bata?
Kung ganun hindi talaga sila mga bata!
Tama
Ang pagkakaalam ko mas nauna siyang ipinanganak kay Luan at si Luan, ng isang taong gulang pa lang ako ay isa ng ganap na binata
hindi na dapat ako magtaka pa
Pero tungkol saan ba ang pinag uusapan nila?
Bakit parang ang lungkot lungkot ng kanilang mga mata??
"Axel! Blair!"
"Eya"
"Ohh bakit parang ang lumbay mo ata ngayon Blair? May sakit ka ba? Pinagdalhan ko kayo ulit ng paborito niyong mangga!" -masiglang wika ng batang ako
Hindi umimik ang dalawang batang lalaki na kapwa nakatingin lamang sakanya
"May problema ba?"
Nabigla na lamang ang batang ako ng yakapin siya ni Blair
"Mamimiss kita Eya" - Blair at saka binitawan ang batang ako
"Aalis na kayo agad? Akala ko ba maglalaro pa tayo. Gusto kong makita ulit ang iyong buhangin Blair" - masiglang sambit ng batang ako
Lumapit ang batang si Ax sa batang babae at saka kinuha ang kamay nito
"Hindi muna tayo magkikita Freya"
"B-bakit? matatagalan ba kayo bago bumalik?"
"Hindi ko alam kung kailan. Pero sisiguraduhin kong magkikita tayong muli. At kukunin kita. Ipinapangako kung babalikan kita at ipaglalaban. Ipinapangako ko Freya" - Ax at saka mariin hinalikan ang likuran ng kamay ng batang ako at saka humakbang palayo
Napatingin ang batang ako maging ako sa makahoy na parte ng kagubatan ng may lumabas na isang batang babae
Mas matanda na itong tignan ng ilang taon kumpara sa batang ako
Pero nakasuot ito ng kasuotang pang tao
Naglakad ito palapit sa batang ako at kila Axel
"S-sino siya Ax?" - takang tanong ng batang ako
"Gawin mo na" - sambit ni Ax na nakatingin sa bagong dating na babae
Mas lumapit ito sa batang ako at saka itinaas ang kanang kamay at idinampi iyon sa noo ng batang ako kasabay ng pagliwanag sa paligid
Pero narinig ko pa ang isang boses
Ang boses ni Axel
"Sa panahon na bumalik na ang iyong mga alaala. Ang panahon din na babawiin na kita. Pangako Freya"
Umalingawngaw na sa paligid ang tunog ng orasan at kasabay niyon ang mga alaalang mabibilis na pumapasok sa aking isipan
Mga alaala ng tatlong bata
Mga masasayang alaala ng batang ako at ni Blair at ni Axel
Napakurap kurap ako ng tumigil na ang mga alaalang kumawala sa aking isipan
At napagtanto kong nasa kwarto na uliy ako ni Axel
"Malinaw na ba ang lahat sayo ngayon. Freya?"
Iniangat ko ang paningin ko kay Axel
"Ang mga alaalang iyon? Totoo ba iyon lahat?"
"Wala akong kakayahang manipulahin ang mga pangyayari sa loob ng aking kapangyarihan Freya"
"Kung ganun bakit hindi ko iyon maalala noon?! Bakit ngayon ko lang iyon naaalala ulit?!" - sigaw ko
"Ang batang babaeng nasa nakaraan natin. Isa rin siyang bampira. Bampirang lumaki sa mundo ng mga mortal. May kakayahan siyang manipulahin at alisin ang mga alaala ng isang bampira maging ng mga mortal"
"Bakit mo iyon ginawa?"
"Para iyon sa ikabubuti mo Freya. Hindi maayos ang lahat ng mga panahon na iyon. Nagkakagulo ang mundong ito dahil sa pagkamatay ni Luan mula kay Haden"
"T-totoo din bang nakatadhana ako saiyo bago pa kay Luan?"
"Bago pa man isilang si Luan. Nagpakita na saakin ang Phoenix at ipinakita niya saakin ang babaeng itinakda niya para saakin. Sa mga panahon na iyon ay wala pang kaguluhan. Hindi pa nagaganap ang digmaan na sinimulan ni Magnus"
Kung ganun
"Nalihis lamang ang nakatadhang mangyari dahil ikaw lamang ang magiging susi para isara ang sugat na gawa ng digmaan noon. Pero ipinangako saakin ng Phoenix na ibibigay ka niya saakin kapag naayos na ang lahat. Kapag nagkaayos na ang dalawang emperyo. At kapag nawala na ang dalawang kambal ng dilim. Sila Haden at Luan"
Matagal ng itinakda ng Phoenix ang pagkamatay ni Luan
Kaya ba napakalaking kamalian na binuhay ko pa noon si Luan??
"Nagtiis akong tignan ka na lamang sa malayo. Walang araw na hindi ko nilakbay ang oras makita ka lang. Hanggang sa mapunta kana sa mundong ito at gawing bampira ni Luan sa mismong harapan ko"
Tama nga ako! Naroon siya ng mga panahong ginawa akong ganap na bampira ni Luan
Hindi ko naiwasang hindi makaramdam ng kirot sa puso ko ng matitigan ko ang kanyang tsokolateng mga mata na nababakasan ng sobrang kalungkutan at sakit
"Matagal ka ng ipinangako saakin ng Phoenix. Naghintay ako. Naghintay ako na dumating ka. Dumating ka nga. Pero. Pero ang puso mo. Hindi na saakin. Dumating ka pero hindi ka napunta saakin"
Matagal niya na akong hinihintay
Mas matagal pa sa paghihintay saakin ni Luan
"Sabihin mo - Alam mong may ibang bampirang naghihintay saiyo hindi ba?"
Natigilan ako sa itinanong niya
At muling sumagi sa isipan ko ang sinabi ng Phoenix noon saakin
"May naghihintay saiyo Freya. May lalaking matagal ng naghihintay saiyo"
Kung ganun. Siya nga ang tinutukoy ng Legendary Phoenix
Hindi lamang ako o si Luan ang nasasaktan ng mga panahon na iyon
May mas nasasaktan pa pala saamin
Isang bampirang matagal na palang nasasaktan ng dahil saakin