----Adreana POV----
Muli kong pinagmasdan ang sarili ko sa salamin bago nagpasyang lumabas ng kwarto
Habang naglalakad sa pasilyo ay inalala ko ang mga ngyari kahapon
Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin matanggap na bago si Luan ay may nakatadhana na kay Freya
Alam kaya ito ni Luan?
Kung naririto siya, natitiyak kong sa mga oras na ito ay marami ng mga kabundukan ang gumuho dahil sa mga avalanche. At paniguradong agad siyang magdedeklara ng digmaan laban sa kaharian ng Acheron mailayo lang ang bampirang iyon mula kay Freya
Kahapon ay ipinaliwanag na saamin lahat ni Priam ang mga ngyayari
At isang napakalaking pagkakamali ang kanilang naging desisyon na hingin pa ang tulong ng bampirang may kakayahan sa oras gayong alam na nila sa umpisa pa lang na siya ang nakatadhana kay Freya
Pero hindi ko rin sila masisisi. Nagbakasakali lamang sila na mahanap si Luan. Pero hindi sa lahat ng pagkakataon ay umaayon ang tadhana saamin
Tipid kong nginitian ang dalawang kawal na nasa magkabila ng malaking pintuan
Agad nilang binuksan ang pintuan saka ako naglakad papasok sa loob
Nasa hapag kainan na ang lahat maliban kay Freya maging sa dalawang guardian na hindi ko makita sa loob ng silid
"Hindi pa ba gising si Freya?" - tanong ko ng makaupo ako sa tabi ni Xeon
"Hindi pa" - sagot ni Travis at saka uminom sa kopita niya
"Mukhang hindi nakatulog ng maayos si Cass kagabi dahil sa mga nalaman niya kahapon" - Zane
"Nauunawan ko kung naguguluhan siya sa mga nangyayari" - Astrid
"Don't worry about her. She's tough. She can handle it" - Ashton
Yeah tama siya. Matapang at matatag na babae si Freya. Kaya niyang malampasan ang mga nangyayari ngayon
"Ano palang napag usapan niyo ng mga konseho Kyran?" - baling ko kay Kyran na nakaupo malapit sa kinauupuan ko na nasa dulo ng mahabang mesa na nasa harapan namin
"Kailangan ng konseho ang pagsang ayon natin sa prinsipe ng Acheron"
"Wag na nilang asahan na susuportahan natin ang kanilang kapatid" - Xeon at saka kumagat sa hawak hawak niyang mansanas
"I wont give Freya to that vampire. NEVER" - Rosh at saka sinubuan si Bliss na nasa tabi niya
Napangiti ako habang nakatingin sa kanilang dalawa
I know my brothers will be sweet with their mate
They are actually sweet
"They're just wasting their time. There's no way I give up Freya" - sabat naman ni Saxon
"Ang pagkakaalam ko. Ang hinihingan lamang ng mga konseho ng permiso ay ang mga DRAGOMIR" - Leila na nakatingin kay Saxon
"Im Luan's best friend. Tungkulin kong protektahan ang kung anong pagmamay ari niya. Baka isipin niya pa ay napakawalang kwenta kong bestfriend kapag hinayaan kong mapunta si Freya sa bampirang iyon! Isa pa ang katulad kong gwapo ay dapat lamang na protektahan ang mga magagandang dilag. Hindi ba?"
Sabay sabay kaming napangiwi sa sinabi ni Saxon
Bestfriend? Kailan ba nangyari un??
Kung narito si Luan. Malamang nagyeyelo na ngayon ang baliw na prinsipe ng Sirona
----Xeon POV----
Patuloy lang sila sa pag uusap habang nakatingin ako sa batang Gregory na titig na titig kay Kyran habang kunot kunot ang noo at kumakagat sa hawak hawak nitong pagkain
Ano na naman kayang problema ng batang to?
"Ano na ang plano mo ngayon?" - tanong ni Yael kay Kyran
Sasagot na sana si Kyran ng bumukas ang pintuan
Napataas ang isa kong kilay ng makita ang isang lalaking maangas na nakatayo sa may bungaran ng silid
Kahit kailan talaga napakaarogante niyang tignan
Pero bakit ba naririto ang isang to?!
"Wala ng pagpipiling magaganap. Bakit narito ka pa?" - tanong ko
Napansin kong nakatingin siya sa gawi ni Adreana na nanlalaki ang mga matang nakatingin sakanya
"Am I not welcome here?" - tanong niya at saka nagsimulang maglakad
"Wag mong sabihin na magpapaampon kana rin dito? Masyado na kaming marami" - Keena
"Haha hindi ba pwede? Tutal I am now part of the family" - sagot niya at saka tumigil sa likuran ng upuan ni Adreana
Napakunot noo ako sa sinabi niya
Nahihibang na rin ata ang crown ng Light empire
"Anong kailangan mo?" - Priam
"Nangako saakin ang isang bampira na ipapakilala niya ako sa kaniyang mga kapatid. Kaya naririto ako para kunin ang ipinangako niya"
Muli akong napalingon kay Adreana na halatang hindi na mapakali sa upuan niya
Maging sila Rosh ay nakatingin na rin sakanya
"Adreana"
Agad namang tumingin si Adreana kay Priam
"May dapat ba kaming malaman?"
"A-ano k-kasi"
Ano bang nangyayari kay Adreana?
"This crown is Adreana's mate"
Lahat kami napatingin kay Kyran sa sinabi niya
Napatayo naman ako at saka itinuro ang hambog na prinsipe ng mga tubig
"Mate?! Ang hambog na to mate ni Adreana?!"
Napataas naman ng isang kilay ang hambog na crown habang nakatingin saakin
"A-ano. Ahh s-si Crayon" - naputol ang sasabihin ni Adreana ng magsalita si Priam
"If that so. You may sit and eat with us" - Priam habang nakatingin kay Crayon
Ngumiti naman sakanya ang hambog na Crayon
Psh. Bakit sa dinami dami siya pa?!
"Kyran!"
Napalingon kami sa bagong dating na sila Miya at Zeyton na pareho habol ang paghinga
"Nawawala si Freya"
----Freya POV----
Bahagya kong tinakpan ang aking mata ng masilaw ako sa liwanag ng araw na nagmumula sa bintana
Nakalimutan ko na naman bang takpan ng kurtina ang bintana?
Inilibot ko ang paningin ko sa kwarto at agad akong napabangon ng maalala kong nasa kwarto ako ni Axel
Pagkatapos ng sinabi niya kagabi ay umalis siya at sinabing dito na lamang ako magpalipas ng gabi
Tumayo ako at saka lumapit sa may bintana
Binuksan ko iyon at bahagya akong napanganga sa aking nakita
Sa labas ay kita ang malawak na hardin kung saan ay iisa lamang ang makikitang bulaklak
Mga oras na kulay apple green na may kumikinang kinang na puti sa bulaklak nito
Teka. Ang bulaklak na ito. Ito rin ang bulaklak na hawak ko noong kakausapin ko si Kazarina
Sakanya kaya iyon galing?
"You really love that flowers"
Nagulat ako ng may biglang may nagsalita sa likuran ko
"B-blair?"
"Kay ina galing ang mga bulaklak na iyan. Kaya't sa Acheron ka lamang makakakita ng ganyang bulaklak. Chrys ang tawag sa bulaklakna iya"
Ang mga bulaklak na ito ay galing mismo sa dyosa ng karunungan?
"Inalagaan iyan ng mabuti ni Ax. Ipinangako niya sayo noon na ipapakita niya iyan kapag nakapunta ka rito"
Napatingin ako sakanya at naalala ko ang mga alaalang
Ipinakita saakin kagabi ni Axel
Matagal na kaming magkakilala ni Blair
matagal ko na siyang kaibigan
"Maaari ko bang malaman kung bakit ka naglayas noon?"
Tumingin siya saakin
"Ax promise you that he will protect you. Ipinangako niyang kukunin ka niya. Pero hindi niya ginawa. Nakuntento siyang pagmasdan ka ng palihim. Hanggang sa gawin kang bampira ng prinsipe ng mga nyebe sa mismong harapan niya. At iyon ang ikinagalit ko sakanya"
Naroon rin siya ng gabing iyon?
"Hindi siya ang Ax na kapatid ko. He is stubborn. Hindi siya nakikinig sa kahit na sino basta sinusunod niya lang ang kung ano ang nasa puso niya. Pero ng mga panahon na iyon ay wala siyang ginawa"
"I am mated at that time with Luan, Blair"
"But ax and you are already mated before the f*****g propecy was made!"
Magsasalita na sana ako ng bigla niya akong yakapin
"Blair"
"You are my little sister Eya. And I am happy that you are now here with us"
Sila na ba talaga ang bago kong pamilya?
Pero bakit parang hindi pa rin matanggap ng sistema ko?
"Let go of her Blair"
Agad na kumalas sa pagkakayakap saakin si Blair ng marinig namin ang pamilyar na baritono at malamig na boses na iyon
"I just missed her" - nakasimangot na sambit ni Blair
"Psh" - Ax
Tumingin siya sa gawi ko at hindi ko naiwasan na titigan siya
Kung hindi kaya niya ipinabura ang mga alaala ko sa kanila
Masaya kaya kaming magkakasama ngayon
Pero. Bakit parang ayos lang saakin na hindi ko iyon naalala?
Bakit parang mas gusto kong hindi ko talaga iyon naalala?
Dahil ba ng dahil doon ay nakilala ko pa si Luan?
Napahawak ako sa aking lalamunan ng makaramdam ako ng kakaiba
Tila nanunuyo ang aking lalamunan
"Eya! Ayos ka lang?"
Mabilis akong hinawakan ni Blair
Napapikit ako ng mas tumindi ang panunuyo ng aking lalamunan at bigla ko na lamang naimulat ang aking mga mata na alam kong namumula na ngayon
Nagsisihabaan na rin ang aking pangil maging ang aking mga kuko
Ramdam ko rin ang paglabasan ng mga ugat sa aking leeg
"Ax!" - biglang sigaw ni Blair
At wala pang ilang segundo ay nasa harapan ko na si Axel
Inilihis niya ang kanyang damit na tumatakip sa kanyang palapulsuhan
"Drink on me Freya"
Mas lalong namula ang aking mga mata habang nakatingin sa kanyang palapulsuhan na kitang kita ko ang ugat at ang dugong dumadaloy doon
Kukunin ko na sana ang kanyang kamay ng biglang rumehistro ang mukha ng aking prinsipe sa aking isipan
"Eya! Uminom kana kay Ax! You can't handle your thirst!"
Sunod sunod ang naging pag iling ko kahit nahihirapan na akong kontrolin ang sarili ko
"s**t!"
Napatingin ako kay Ax na mabilis na lumapit sa mesang malapit saamin at kinuha ang kopitang naroon at saka dinukot ang isang maliit na kutsilyo sa loob ng kanyang damit at saka sinugatan ang sarili niya at pinatulo ang kanyang dugo sa kopita bago lumapit saakin
"Drink this Freya"
Inilapit niya sa bibig ko ang kopita at agad ko iyong kinuha at mabilis na ininom lahat ng naroon
Agad akong nakaramdam ng kakaiba ng lumapat sa aking lalamunan ang kanyang dugo
Hindi nalalayo ang lasa ng kanyang dugo sa dugo ni Luan maging ang epekto nito sa aking katawan katulad ng pagkauhaw ko sa dugo ng aking prinsipe
Ng matapos kong mainom lahat ng laman ng kopita ay agad na bumalik ako sa dati
Ang dugong iyon
Iyon din ang dugong umalis sa pagkauhaw ko noong araw na kausap ko si Ashton tungkol sa pagpipili
Kung ganun.. naroon siya ng mga panahon na iyon
"This is bad. Dumadalas na ang pagkauhaw niya. Kailangan na nilang magpasya sa lalong madaling panahon"
Magtatanong sana ako kay Blair tungkol sa sinabi niya ng tumalikod na saamin si Ax
"Kumain na tayo. Naghihintay na sila sa hapagkainan"
----Xander Dior POV----
"Bakit ang tagal naman nila. Nagugutom na ko" - Reed
"Palagi ka namang gutom Reed" - Matthew
"Sa tingin mo ba ay ibibigay nila ang pabor nila kay Ax?" - tanong ni Gavin
"Isa iyon sa kondisyon ni Ax. Kailangan nilang sumunod" - Declan
Sa tingin ko sa mga Dragomir. Hindi nila basta basta ibibigay ang pagkilala nila ka Ax bilang mate ni Freya
Lalo na ang baliw na prinsipe ng Sirona
Pero wala silang magagawa
Kahit pa magdeklara sila ng digmaan laban sa amin. Lalaban kami. Lalaban kami para sa kapatid namin
"You should go around the palace after we eat Eya"
Napalingon ako sa may pintuan ng silid kainan ng marinig ko na ang boses ni Blair
napatitig ako sa prinsesa ng asul na apoy at pinakiramdaman ang kanyang kapangyarihang taglay
I can sense power and ability
At tulad ng una ko siyang nakilala ay hindi ko pa matiyak ang eksaktong lakas na meron siya
Malakas ang enerhiyang nararamdaman ko sakanya. Pero alam kong hindi pa iyon ang buo niyang lakas
Ipinaghila siya ng upuan ni Ax bago ito naupo sa kanyang tabi
"Kamusta ang iyong tulog, prinsesa ng propesiya?" - Declan
"Ma-maayos naman. Maari bang Freya na lamang ang itawag niyo saakin?"
As what I thought. She is a simple girl.
"Kung iyon ang nais mo"
"Mabuti pang kumain na tayo" - Reed at saka sunod sunod na kumuha ng pagkain
"Subukan mo ito Eya. Masarap ang mga ito" - Blair at saka nilagyan ng mga pagkain ang plato ni Freya
Napatingin naman ako kay Ax na umiinom lamang ng dugo na nasa kanyang kopita
Basta talaga pag si Blair ayos lamang sakanya
"Ang daya talaga! Bakit pag kay Blair ayos lang na ganyan ang pagtrato niya kay Freya? Bakit kami hindi pwede?" - yamot na tanong ni Kai
"Pwede mo naman gawin iyon Kai" - nakangising sagot ni Blair
"Talaga?" - tanong ni Kai at mabilis na kinuha ang isang kumpol ng ubas at saka dumukhang sa mesa at ilalapag niya na sana ang ubas sa plato ni Freya ng magsalita ulit si Blair
"You can do it, kung ayaw mo ng mabuhay ng matagal"
Mabilis na lumingon si Kai kay Ax na masamang nakatitig sakanya
Napatawa sila Chase ng mamutla si Kai at mabilis na bumalik sa pagkakaupo at sunod sunod na isinubo ang mga ubas na hawak niya dahilan para mabulunan ito
"Hinay hinay lang kasi sa pagkain Kai" - sambit ni Froy na malakas na pinapalo ang likuran ni Kai
"f**k you Froy!" - Kai
"Haha, nakita mo na ba ang mga larawan na nakasabit sa kwarto ni Ax?" - baling ni Froy kay Freya
"Ang mga larawan ko ba?" - tanong ni Freya
"Oo, alam mo bang tinakpan niya iyon dahil sa ayaw niyang makita namin iyon. At alam mo bang napakabrutal niya kapag pumapasok kami sa kwarto niya? Ganun siya ka possessive!"
"Quit on talking nonsense Froy" - Ax
"You should know him better" - Liam
Nakatingin lamang ako kay Freya. At kita ko sa mga mata niya na hindi niya pa ganun tanggap ang mga nangyayari ngayon
I pity Ax
Mukhang masasaktan lang siya ulit
"May mga bisita tayo"
Napatingin kami kay Jair
Naririnig at nakikita niya ang mga bagay bagay kahit pa malayo ito sakanya. Because of his ability of echolocation
"Nasaan na sila Jair?" - Declan
"Nasa may harapan na sila ng pintuan"
Pagkasabi niya noon ay biglang bumagsak ang pintuan ng kwarto
What the hell?! Kailangan talagang mangwasak ng pintuan??
Nasa labas ng kwarto ang tatlong Dragomir kasama ang isang Vandilion, isang wizard, ang bampirang may lilang buhok maging ang hari ng mga lobo at ang baliw na prinsipe ng Sirona
Napadako ang tingin ko sa bampirang nasa unahan nila
Isang Gregory
I can sense his power
He has extraordinary strength
kung ganun siya ang sumira ng pintuan? Great!
"Freya!"
Mabilis na tumakbo papunta sa pwesto ni Freya si Saxon pero agad na tumayo sila Ax at saka humarang sa kinauupuan ni Freya
Lahat sila ay nakatayo na maliban kay kamahalan, Chase at sakin
Ano naman ang magagawa ko?
I just can detect their power and nothing else
"We are not anticipating your arrival" - Ax
"f**k! Get out on my way! Narito kami para kunin si Freya!" - Saxon
"Wala sa usapan na kukunin niyo siya ng walang paalam" - Kyran
Nakatingin ito kay Declan na nakaupo lamang habang kumakain
"Dont talk as if we kidnap her" - Kai
"Pumunta ako ng kusa rito Kyran. Wala silang ginawang masama" - Freya na nakatayo na sa likuran ni Ax
"Kung talagang pinipilit niyo ang gusto niyo. Hindi kami magdadalawang isip na magsimula ng gulo!" - Rosh
"Freya! Aalis na tayo!" - Sigaw ng hari ng mga lobo
"Hindi siya sasama sainyo!" - Blair
"If you insist. Then lets settle this in a hard way!" - Saxon at saka pinalipad ang mga baraha niya papunta kayla Axel
Mabilis na pinagalaw ni Liam ang mga platong nasa mesa at saka sinalubong ang mga baraha ni Saxon
Kasabay ng pagkabasag ng mga iyon ay siya namang pagbagsak ng mga baraha ni Saxon
Nagpalabas naman ng mga pulang sinulid ang isa sa mga Dragomir kasabay ng pagsugod ng isang Gregory at ng hari ng mga lobo
Pero agad na gumawa ng barrier si Matt
"Incendio titulus!"
isang kulay puting apoy ang lumabas sa wand ng kasama nilang wizard papunta sa barrier ni Matt pero agad na humakbang si Ali
"Expulso!"
Isang malakas na pagsabog ang pumailanlang sa paligid
Nanatili kaming nakaupo nila Chase habang pinapahupa ang usok na nasa labas ng harang na gawa ni Matt mula sa pagsabog na binigkas ni Ali
"A-ashton!! A-anong ginawa niyo?!" - Sigaw ni Freya
"You don't have to worry. They are safe" - sambit ko
Lumingon ako sa gawi ng mga Dragomir na ngayon ay nawawala na ang usok at naaanininag ko na rin ang pitong bulto
Nakatayo sila habang may isang harang na pumapalibot sakanila
Nakatingin ako ng diretso sa bampirang may kulay lilang buhok
He can make a barrier too hmm?
ramdam ko na marami pa siyang kayang gawin
So he is kinda useful hu?
"Ginagalit niyo talaga ako!!!"
Tumakbo papalapit saamin ang baliw na prinsipe ng Sirona pero hindi na ito nakagalaw ng may mga buhangin na umakyat sa kanyang paa pataas sa kanyang katawan
Masamang tinignan niya si Blair na ngayon ay namumula ang mga mata
Nakarinig naman kami ng sunod sunod na pagkidlat sa labas
"Itigil niyo yan!" - Priam
"Blair!" - Declan
"But your highness. Kukunin nila si Freya!"
"Stop that Blair. Now" - kalmadong sambit ulit ni Declan
Kahit kalmado si Declan pakinggan at tignan. Wag na wag kang susuway kung ayaw mong mamatay kaagad
Masama siyang galitin
Agad namang bumaba ang mga buhangin na nasa may leeg na ni Saxon
"s**t! Your sand is so f*****g irritating!"
Muli sanang susugod si Saxon ng bigla itong madapa ng mapuluputan ang kanyang dalawang paa ng mga baging ng halaman
"What the f**k is your problem Kyran?!"
"Magkapareho talaga kayo ni Luan" - Kyran at saka nagsimulang maglakad habang nasa likuran niya ang bampirang may lilang buhok
"Acting without thinking"
Huminto ito sa paglalakad ng nasa harapan na ito nila Ax
Inalis na rin ni Matt ang harang na ginawa niya
"I believe that we have an agreement" - sambit nito na nakatingin ng diretso kay Axel
"Wala akong intensyong kunin siya. Sa ngayon"
"What the hell Ax?!" - Blair
umalis sa harapan ni Freya si Ax
"You can take her back"
Nanatiling nakatingin sakanya si Kyran maging si Freya ay nakatingin lang din sakanya
"Yael don't just stand there! Kunin mo na si Freya!" - sigaw ni Saxon
"Tss!" - Yael
at wala pang ilang segundo ay nasa harapan na siya ni Freya at saka ito inilayo kila Axel habang nanatiling magkatinginan sila Ax at Kyran
Tumayo naman si Declan at saka lumapit kila Ax na agad naman binigyan ng daan nila Froy
"Nilinaw lamang namin ang lahat sakanya"
"I know" - Kyran at saka tumalikod at nagsimulang maglakad papalayo
Gumawa naman ng portal ang bampirang may lilang buhok
"Get him" - utos ni Priam sa anak ng Gregory
"f**k! alisin niyo na lang kaya ang mga nakagapos na to sakin?!"
"Wag ka ng maingay Saxon" - Gregory at saka binuhat ng walang kahirap hirap si Saxon
"Mas mabuting dalian niyo ang pagpapasya" - Ax
Lumingon naman sakanya si Kyran
"Alam niyo kung bakit" - Ax
"Makakaasa ka" - sagot nito at saka sila nagsipasukan sa portal
Lumingon pa sa gawi ni Ax si Freya. Magkatinginan sila ng ilang segundo bago ito pinapasok ni Yael sa portal hanggang sa mawala ang portal sa loob ng kwarto
"Bakit ba palagi mo na lang hinahayaan na kunin nila si Freya?!" - Blair
"Kung gaano kakumplikado noon. Mas kumplikado ngayon Blair" - sagot ni Ax
"Wala na si Luan! Wala ng ibang may ari sakanya kundi ikaw!"
imbis na sumagot ay nagsimulang maglakad papalayo si Ax hanggang sa makalabas ito ng silid
"I can't understand him! Nangako siyang poprotektahan niya si Eya! Nangako siyang babalikan at kukunin niya siya! Ang Ax na kilala ko ay tumutupad sa mga pangako niya! He is not my brother. He is not him!"
"Maiintindihan mo rin siya Blair" - Declan
Muli akong tumingin sa nilabasan ni Ax
Alam ni Declan ang dahilan
Alam niya kung ano ang pumipigil kay Ax
Pero. Ano nga ba ang pumipigil sakanya? Gayong wala na ang karibal niya? Gayong wala na ang nakatakdang hari ng Dark Empire?