----Yael POV----
"Sigurado ka na ba jan Kyran?"
Lumingon sa gawi ni Priam si Kyran
"Nakapagpasya na ko"
"Psh. Akala ko ba may gusto ka kay Freya. Bakit mo siya ibibigay sa bampirang iyon?!" - Saxon
"Mas makabubuti iyon sakanya. Alam mo yun Saxon"
"Naniniwala akong hindi pa patay ang nyebeng iyon! Masamang d**o un! Hindi siya maaaring mamatay ng ganun ganun na lang!"
Napatingin ako kay Saxon
Saxon treat Luan as his friend. At alam kong ganoon rin si Luan sakanya kahit pa iba ang pakikitungo nila sa isa't isa
Pareho lang talaga silang mapride
"Lahat ginawa ni Luan manatili lang sa tabi niya si Freya! Pero ano itong ginagawa mo?! Ibibigay mo ang pinakaiingatan ni Luan! Anong klaseng kapatid ka!"
Agad na pinigilan ni Dion si Saxon ng magtangka itong lusubin si Kyran
"Ano ba talagang pinaplano mo Kyran?"
Tinignan niya ako ng diretso pero hindi siya nagsalita at saka tumayo at lumabas ng silid habang kami ay naiwan na nakatingin lamang sa nakasara ng pintuan
"f**k! Let me go!"
Agad na binitawan ni Dion si Saxon
"Mas mabuti kung magtitiwala kayo sakanya" - Dion
"I trust him. Kahit anuman ang gawin niya, I will trust him" - Priam
Tama sila. Dapat lang kaming magtiwala sakanya
Sa mga taong nakasama ko si Kyran ay mas nakilala ko siya kahit pa bihira ko siyang makausap
Pero siya ang klase ng bampirang hindi basta basta gumagawa ng hakbang na hindi ito pinagiisipan ng mabuti
Kabaliktaran siya ni Luan
At isa pa. May tiwala ako sa lahat ng paraang ginagawa niya
He is really a Dragomir
He has a blood of a pureblood
We must trust him
----Freya POV----
"Tungkol saan ang pag uusapan natin Kyran?" - Adreana
Nasa loob kami lahat ng kwarto kung saan ginaganap ang pagpupulong sa palasyo
Tanging ang mga magkakapatid na Dragomir at ako lamang ang naririto
"Tungkol sa pagkilala kay Axel bilang mate ni Freya"
Napakunot noo ako sa sinabi ni Kyran
"Nasabi na namin ang sagot namin Kyran" - Rosh
"Kailangan nating tanggapin si Axel bilang mate ni Freya"
"Anong pinagsasasabi mo Priam?!" - Adreana
"Hinding hindi namin siya kikilalahing mate ni Freya!" - Xeon
"Isa iyon sa mga kondisyon ni Axel. Kailangan nating tumupad sa usapan" - Kyran
Isa sa mga kondisyon?
Kung ganun ay hiningi niya na ang ikalawa sa tatlong kondisyon niya
"Hindi magugustuhan ni Luan kapag ibinigay natin siya sa ibang lalaki" - Travis
"Kung nasaan man siya ngayon. Alam kong maiintindihan niya" - Priam
"Isang kaduwagan ang ginagawa natin. Dapat nating ipaglaban si Freya! May dugo tayong Dragomir! At ang mga Dragomir ay ipinaglalaban ang kung anong meron ang bawat isa satin!" - Rosh
Nanatili lamang akong nakatingin sakanila habang nasa kandungan ko si Sky
Ayaw kong magsalita
Hindi ko naman alam ang sasabihin ko
hindi ko alam kung ano ba ang dapat kung sabihin
"Kaya nating sirain ang pangakong binitawan natin kung para ito kay Luan. Alaala na lamang ni Luan ang meron tayo. At si Freya iyon" - Adreana
Hindi ko na napigilan ang isang patak ng luha na umalpas sa aking mata habang nakatingin sa mga magkakapatid na Dragomir
They are fighting for me. They are fighting for Luan
"Handa ba kayo sa magiging kahihinatnan ng lahat?" - Priam
"Handa kami! Kung para ito kay Freya at Luan!" - Xeon
"Kahit pa buhay ni Freya ang malagay sa panganib?"
Bigla akong napalingon kay Kyran
Natigilan din sila Adreana
"A-anong ibig mong sabihin Kyran?" - Adreana
"Mas magiging malakas na ang pagkauhaw ni Freya. Sa mga darating na araw ay baka matulad na rin siya noon kay prinsipe Luan. Na kailangang pumatay ng maraming bampira malunasan lamang ang pagkauhaw sa dugo para mabuhay" - paliwanag ni Dion na nakatayo sa may tabi ng kinauupuan ni Kyran
"Tanging si Axel lamang ang makakapagpatid ng kanyang pagkauhaw sa dugo" - dagdag ni Priam
Ilang minutong katahimikan ang namayani sa buong silid
Hanggang sa muling magsalita si Travis
"Hindi ko isasaalang alang ang buhay ni Freya"
"Maging ako. Pumapayag na ako" - Xeon
"s**t!"
Bahagya akong nagulat ng hampasin ni Rosh ang mesa at saka problemadong sumandal sa kanyang upuan
"Kung anong isasagot ni Freya. Iyon na din ang akin" - Adreana at saka tumingin saakin
Lahat sila ay nakatingin na saakin at hinihintay na magsalita ako
"P-pag tinanggap n-natin ba siya, ano ng gagawin ng mga konseho?" - tanong ko kay Kyran
"Gagawin ang isang seremonya ng pagiging mag mate niyo sa harapan ng buong Emperyo. At doon rin lalabas ang inyong marka"
Ang aming marka?
Tulad ba ng markang meron ako kay Luan?
"Ano ang iyong pasya Freya?" - Priam
Hindi ko siya agad nasagot. Nanatili akong nakatingin sa kawalan
Wala na ba talaga akong magagawa?
Pero. Matagal na akong hinihintay ni Axel
Matagal ng nagpasya si Axel para saamin dalawa
Matagal na siyang nagtiis at naghirap para lamang saakin
Ito na ba ang oras para ako naman na ang magpasya sa kung anong magiging kapalaran namin?
Tinignan ko sila Adreana at saka tumingin kay Kyran
"Nakapagpasya na ko"
-----Gretel POV----
"Ano bang pumasok sa utak nila at ibibigay na lamang nila si Cass sa mga L'vierdon?!" - Zane
"Maging ako ay hindi ko na maintindihan silang lahat" - Keena at saka tumingin kay Ashton na agad namang nag iwas ng tingin ng makitang nakatingin rin ito sakanya
"Wala tayong magagawa roon. Mate is a powerful thing. At pinahahalagahan iyon ng mga Dragomir" - Keisler at saka lumingon sa gawi ko
Mate
Kahit kailan ay isang napakakumplikadong bagay
Marami ng nasaktan ng dahil sa mate na yan
Kung sana ay binigyan na lamang kami ng kalayaang makapili kung sino ang naisin namin
Kung sana malaya ang lahat
Siguro ay masaya kami ngayon
Nagtinginan saakin sila Finn ng bigla akong tumayo
"San ka pupunta Gretel?" - Finn
"Magpapahangin"
Lumabas ako ng palasyo at nagpasyang maglakad lakad
Inayos ko ang pagkakatalukbong ng hood ng cloak na suot ko at saka luminga linga sa paligid
Bigla akong natigilan sa paglalakad ng makita ang bampirang nakasandal sa may poste ng palasyo malapit sa pwesto ko
Lumingon siya saakin at ilang segundo kaming nagkatitigan hanggang sa maglakad siya papalapit saakin
"Gretel"
Napalunok ako ng marinig kong tinawag niya ang pangalan ko
Maraming taon na ang lumipas. Matagal ko ng hindi naririnig ang pangalan ko mula sa kanya
Pero alam kong hindi dapat ako magtagal dito. Na nasa harapan ko siya
Agad akong tumalikod pero muli lamang akong napaharap sakanya ng hinawakan niya ang braso ko at saka hinila paharap sakanya
"Maaari ba kitang makausap?"
"Wala akong maisip na dahilan para mag usap tayo"
"Hindi mo pa rin ba ako napapatawad?"
"Napapatawad? Wala akong maaalalang may nagawa kang mali saakin"
"Gretel. Stop acting like you dont know me"
"Dumating na ba ang mate mo?"
Nag iwas siya ng tingin
"H-hindi pa"
"Kaya ba gusto mo ng makausap ako?"
"Hindi sa ganun"
"Wala tayong dapat pag usapan Travis. Nakapagdesisyon kana sampung taon na ang nakararaan!"
"Gretel alam mo kung bakit"
Hahawakan niya sana ako ng humakbang ako palayo sakanya
"Oo alam ko! Alam ko Travis! May mate ka! At wala akong laban sakanya! Alam ko iyon!"
Mabilis akong tumakbo papalayo sa kanya matapos kong sabihin iyon habang umiiyak
Tama. Minsan na akong umibig. At siya ang bampirang iyon. Siya ang dahilan kung bakit ko noon kinamuhian ang emperyong ito at sumali noon sa Salvatory
Mas pinili niya ang mate niya na hanggang ngayon ay hindi niya pa rin makita
Mas pinili niya ang babaeng ni minsan ay hindi niya pa nakilala
Isa ako sa mga bampirang kinamumuhian ang salitang mate
Dahil ng dahil doon. Namuhay ako ng sampung taon sa pagdurusa at pag iisa sa katotohanang hindi kami maaari ng lalaking minahal ko. Ng lalaking hanggang ngayon ay mahal ko...
----Keena POV----
Nakatingin kaming lahat sa walong bampirang nasa harapan namin ngayon sa mahabang mesa ng hapag kainan
"Ang alam ko ay isa lamang ang mate ni Freya at hindi walo" - ismid na sambit ni Saxon habang naka krus ang dalawang kamay niya sa kanyang harapan
"Gusto lang naming matiyak na hindi madedehado ang aming kapatid" - sagot ng bampirang may itim na buhok
"Bakit hindi niyo na lamang inilipat ang kaharian ng Acheron dito sa Parua?" - sarkastikong tugon ni Grey
"Iminungkahi ko na iyon kay kamahalan! Kaya lang ay hindi siya pumayag"
Napalingon ako sa bampirang may light brown na buhok
Nababaliw na ata siya
Napataas ako ng kilay ng tumingin ito saakin at saka kumindat
Psh!
"Hanggang sa matapos ang seremonya ay mas mabuting dito muna kayo sa palasyo" - Priam
"Naiintindihan namin" - sagot ni Axel
Siya lang naman talaga ang kilala ko sa mga L'vierdon at ang unang prinsipe ng Acheron, si Declan
Sila lang naman ang nagpakilala noong pinatigil nila ang pagpipili
"Ipinapabigay ni kamahalan ang sulat na ito"
May inabot na sulat kay Kyran ang isa sa mga L'vierdon na may dark golden hair
Sa tingin ko mas maayos ayos itong kausap
Kinuha ito ni Dion at saka ibinigay kay Kyran at saka niya iyon binasa ng tahimik
"Makakaasa siya" - tugon ni Kyran ng matapos nitong basahin ang sulat
"Maaari ba naming malaman ang pangalan niyo?"
Sabay sabay silang napalingon saakin
Kunot kunot rin ang noong nakatingin saakin ng masama si Ashton
Bakit??
Wala namang masamang malaman ko ang pangalan nila ahh!
"M-mas mabuti kong alam natin ang pangalan nila habang narito sila hindi ba?"
Tanging sila Freya lang naman ang may alam kung anong pangalan nila
"Froy Dior" - sambit ng bampirang may itim na buhok. Siya ang unang nagsalita kanina
"Jair Dior" - tugon naman ng katabi nitong may orange na buhok
"Alistair Dior. But Ali is definitely fine with me"
So Alistair pala ang pangalan niya
Ang bampirang may kakayahan sa mahika
"Gavin Dior" - sambit ng bampirang nag abot ng sulat kay Kyran
"Kairon Dior. Kai for short" - sambit niya at saka ako kinindatan
Ung totoo may sakit ba siya sa mata?!
"Chase Dior" - tugon naman ng bampirang kanina pa panay kain ng mansanas dahilan para kanina pa din siya tinitignan ng masama ni Xeon
Poor apple prince
"Blair Dior" - tugon naman ng katabi ni Axel
Pansin kong mas kamukha niya si Axel kaysa sa ibang mga L'vierdon
At lahat talaga ata sila Dior ang ikalawang pangalan?
So kung ang mga Dragomir ay Ellesmere ang mga L'vierdon ay Dior??
Ano bang trip ng mga magulang nila?
"Inaasahan ko na magiging maayos ang lahat habang narito kayo sa Parua" - Kyran
"Natitiyak ko iyon" - sagot ni Axel habang nakatingin kay Freya na tahimik lamang na nakaupo
Hindi ko alam kung magiging maayos nga ba ang lahat habang narito ang mga prinsipe ng L'vierdon sa palasyong pagmamay ari mismo ni Luan
----Khali POV----
Yamot kong pinagmamasdan ang apat na bagong saltang bampira dito sa palasyo
Bakit ba pati sila narito?!
Ang makita ngang narito ang bampirang may kakayahan sa oras ay labis ng nakakapagpainit ng dugo ko!
Tapos sasali pa sila?!
Psh! Akala ko pa naman ay wala na akong karibal kay Freya
"Napakalawak pala talaga ng palasyo Parua" - Froy
"Ng huli tayong nakapunta dito ay hindi tayo nakapaglibot" - Jair
"Subukan nga nating pumunta sa bayan minsan" - Nakangising mungkahi ni Kai
Tss para rin tong si Saxon!
"Gusto kong puntahan ang mansanasan ni Xeon" - Chase
Psh pati ba naman sa mansanas ay makikihati pa siya?!
Napalingon ako sa labas ng palasyo ng matanaw ko si pulang buhok
Hmm saan naman kaya un pupunta?
Gamit ang bilis ko ay mabilis akong nakarating sa labas ng palasyo
Ng makita ko na si pulang buhok na papunta sa may hardin ay palihim ko siyang sinundan
Tumigil ako sa may di kalayuan sa kanya ng tumigil siya sa paglalakad
Pinaningkit ko ang aking mata ng may inilabas siya mula sa kanyang damit
Isang kulay itim na card
May nakasulat doon pero hindi ko makita dahil sa natatakpan niya iyon
"Mukhang wala kang mapaglibangan kaya't sinusundan mo ko"
Nakasimangot na lumabas ako mula sa pinagtataguan ko
Alam kong mararamdaman niya ang presensya ko
"Ano ang sulat na iyan?" - tanong ko
"Bata ka pa"
"Hindi na ko bata!!" - inis na sagot ko
bakit lahat na lang sila bata pa rin ang tingin saakin?!
Kahit maliit pa ako hindi na ako bata!!
Itinago niya ulit ang card at saka humarap saakin
Pinakiramdaman ko ang emosyon na meron siya
I can sense emotions that I inherited from my mother
Pero tulad ng dati bigo akong maramdaman ang emosyon niya
"Inaalam mo ba ang dahilan kung bakit ko ginagawa ang mga bagay na ito?"
Tss talagang alam niya ang lahat
"Noong una ay gusto kong malaman kung bakit hindi ka pa umuupo bilang hari ng Dark Empire. Pero ngayon, gusto ko na ring malaman ang dahilan kung bakit mo hinahayaan na narito ang mga L'vierdon na iyon"
"May ideya ka na ba?"
"Sa pagmamanman ko saiyo ng ilang araw. Masasabi kong meron na"
"Matalino kang bata. Hindi na ako magtataka"
"Wala akong mapaglibangan. Im really bored"
Kung narito lang sana ang yelong iyon di sana may mapaglilibangan ako
"Kung ganoon. Gusto mo ba ng laro?"
Ngumisi ako sakanya bago sumagot
"Anong klaseng laro?"
----Freya POV----
Napalingon ako sa may pinto ng may kumatok doon at pumasok si Miya
"May gustong kumausap saiyo Freya"
"Papasukin mo siya Miya"
Bahagya siyang yumuko at saka lumabas
Muling bumukas ang pintuan at saka pumasok si Axel
"Ayos lang bang pumasok ako?" - tanong niya
Ngumiti ako at saka tumango
Naglakad siya papalapit pero napatigil siya ng harangan siya ni Sky
"Grrr"
"Sky!"
Lumingon saakin si Sky at saka lumapit saakin
"Ano't naparito ka?"
"Gusto ko lang matiyak kung ayos ka lang"
"Ayos lang ako"
Muli siyang naglakad papalapit hanggang sa huminto siya sa harapan ko
"Hindi pa naman siguro huli ang lahat para saatin hindi ba?"
Para saamin?
Hindi pa nga ba? Meron pa bang pagkakataon para saamin?
"Hayaan mo sanang makilala pa ako ng lubusan"
Natigilan ako sa sinabi niya
Iyon din ang sinabi saakin noon ni Luan ng bago pa lamang ako rit
Tinitigan ko siya sa kanyang mga mata
Tama lang siguro na pagbigyan ko siya. Na pagbigyan ko rin ang sarili ko na makilala siya. Tulad ng ginawa ko noon kay Luan
"Kung ganoon. Mag umpisa tayo sa simula"
Inilahad ko ang aking kamay
"Ako nga pala si Freya Cassidy Glasiever" - nakangiting sambit ko
Mabilis niyang inabot ang aking kamay
At ng maglapat ang aming kamay ay nakaramdam ako ng kuryenteng dumaloy doon patungo sa aking katawan
"Axel Dior L'vierdon" - sambit niya at saka ngumiti na nakapagpalabas ng dimples sa magkabila ng sulok ng kanyang pulang mga labi
Hindi naman siguro masamang makilala ko ang lalaking matagal ko ng nakilala at nalimot lamang ng aking isipan, hindi ba?
Tama naman sigurong pagbigyan ko ang tadhana
Kahit ngayon lang
----Yael POV----
Bigla akong napahawak sa posteng malapit saakin ng makaramdam ako ng kakaiba sa aking katawan
"Yael! Ayos ka lang ba?" - Keisler
"A-ayos ahh!"
Naramdaman ko ang pagbabago ng kulay ng aking mga mata
Hindi ito maganda!
"Anong nangyayari sakanya?" - dinig kong tanong ni Ali
"Mukhang gustong lumabas ni Rage" - Keisler
"Ahhhh!"
Iniakbay ni Keisler ang aking kamay sakanya at saka ako inalalayan maglakad hanggang sa bumaba kami ng hagdan at saka niya ako pinaupo sa may upuan
"Anong nangyayari kay Yael?" - Kyran
"Sinusubukan ni Rage lumabas"
"Ahhhh!!"
Nagsisimula ng gumalaw ang tattoo na nasa aking kaliwang kamay
"Hindi ka maaaring lumabas!" - sambit ko sa aking isipan
Alam kong maririnig niya ako
"Kailangan kong lumabas!" - sagot niya
"Ano bang gusto mo?!"
"Gusto kong salubungin siya"
"f**k! Sinong sasalubungin mo?!"
"Nagising na siya. Nagising na siya"
Habol ko ang aking hininga ng maramdaman kong hindi na nagpupumilit lumabas ang dyablong si Ira
"Yael! Anong nangyari?" - Gretel
Naka palibot sila saakin
"Gustong lumabas ni Ira"
"Ano nanaman ang binabalak ng dyablong un?!" - Saxon
"May gusto siyang salubungin"
"Salubungin? Sino?" - Rosh
Sabay sabay kaming napatingin sa malaking salamin na bintana at mula roon ay kita namin ang labas ng palasyo
Isang maitim na kalangitan ang namumuo sa may kalayuan saamin
At randam ko rin ang kakaibang pwersa na nagmumula roon
At alam kong randam rin ito nila Kyran na blankong nakatingin lamang doon
Pero ang itim na kalangitan na iyon ay naroon sa parteng iyon
Sa palasyo ng Syldavia
"May nakita ako"
Napalingon kami sa bagong dating na si Gavin
Napadako ang tingin namin sa ibon na nakadapo sakanyang kamay
"Isang... ibon?" - Leila
"May dala siyang sulat. Galing sa palasyo ng Syldavia" - sambit nito at saka itinaas ang kawak niyang puting sulat na nakarolyo
Kinuha iyon ni Dion at saka ibinigay kay Kyran
Binasa iyon ng tahimik ni Kyran habang nakaabang lamang kami sa sasabihin niya
Bakit biglang nagpadala ng sulat sila Ullyzeus?
May nangyari ba??
Ang itim na kalangitan na iyon
Ang kakaibang pwersang naramdaman ko kanina
Hindi kaya
Ibinaba ni Kyran ang sulat matapos niya itong basahin
"Anong laman ng sulat Kyran?" - tanong ni Freya
"Nagising na siya"
Fuck! Tama nga ang hinala ko!
"Nagising sino?"
"Nagising na si Greed"