The Demon Pride

2520 Words
Light Empire (Royal Ministry) ----Zephyr POV---- "Kamusta ang paghahanap niyo?" - tanong ko "Hindi ko pa siya makita" - Kora "Maging ako ay bigo na mahanap siya" - Crayon Tulad ng inaasahan ko "Ikaw. May alam kana ba kung saan natin siya maaaring makita?" - Kora "Isang araw umalis si Draco. At pagbalik niya ay dala niya ito" Inilapag ko sa mesang nasa harapan namin ang isang tela Telang kulay berde "Nasisiguro kong sakanya iyan" - Crayon "Kailangan nating magmadali. Kailngan natin siyang mahanap sa lalong madaling panahon" - Kora Dark Empire (Valhalla) ----Dike POV---- Inilapag ko ang hawak kong kopita ng pumasok sa loob ng silid sila Aria "Naayos ko na ang kaguluhan sa parteng silangan" "Naayos na rin namin sa kanluran" - Liro "Kamusta sa Syldavia?" "Napabalik na ulit nila Azola si Greed sa katawan ni Ullyzeus" - Kazarina "Hindi pa tayo maaaring makampante. Ngayong nagising na si Greed. Alam nating anumang oras ay muli siyang lalabas" - Liro "Magpadala ng tulong sa Syldavia" "Masusunod" - Aria at saka lumabas ng silid Malaki ang naging pinsala ng paglabas ni Greed sa katawan ni Ullyzeus Knowing Ullyzeus power. A destructive one. Pero bakit siya biglang nagising? Dark Empire (Syldavia) ----Keres POV---- Nakatingin lamang ako sa kaharian na ngayon ay unti unti ng ibinabalik sa ayos ni Azola "Azola!!" Mabilis kaming tumakbo ni Maxius kay Azola ng bigla itong bumagsak "Azola kailangan mo munang magpahinga" - sambit ko "Kailangan kong maibalik sa ayos ang palasyo bago maginsing si Zeus" "Pero hindi na kaya ng kapangyarihan mo! Magpahinga ka muna" - Maxius "Sisisihin ni Zeus ang sarili niya kapag nakita niya ito!" Wala na kaming nagawa ni Maxius ng pilitin niyang tumayo at muling pinagana ang kanyang kapangyarihan Napasinghap ako ng bigla na lang may lumipad na baraha papunta sa pwesto ni Azola at tumama iyon sa kanyang batok at saka ito nawalan ng malay Mabuti at mabilis na nasalo ni Maxius si Azola Galit akong lumingon sa aking likuran At mas lalong nagngitngit ako sa galit ng makita ang isang bampirang sakay ng puting kabayo "Anong ginawa mo Saxon!" Bumaba siya sa kabayo niya ganun din si Cyano "Matigas ang ulo niya. Kailangan niyang magpahinga kung ayaw niyang maunang mamatay" Biglang nawala ang galit ko ng mapagtantong ginawa lamang iyon ni Saxon para patigilin si Azola "Dalhin ko lamang siya sa silid ng makapagpahinga na siya" - Maxius at saka umalis "Napakalaki nga ng distrusong ginawa ni Greed" - Cyano habang nakatingin sa halos kalahati ng lupain ng Syldavia na nawasak "Marami rin bang namatay na mga mamayan ng Syldavia" - Saxon umiling ako "Nagawa pang magbigay ng utos ni Zeus bago tuluyang magising ni Greed" "Nasaan ang unang prinsipe?" "Sumama kayo" Dinala ko sila sa isang mansyon na ipinatayo ni Zeus para saakin Pumasok kami sa isa sa mga kwarto kung nasaan si Zeus "Sabi ng mga babaylan, mga ilang araw pa bago siya magkakamalay" "Ipinapaabot ng Sirona at Parua ang pagtulong sa Syldavia" Ngumiti ako kay Cyano at bahagyang yumuko napalingon kami sa pintuan ng pumasok si Maxius kasama si Aria "Inutusan ako ni Dike na ipadala ang tulong sa inyong palasyo" "Maraming salamat" - tugon ko at saka huminga ng malalim at tumingin kay Zeus na walang malay Naaalala ko ang nangyari kanina Alam kong nahihirapam na siya kanina Alam kong pinipilit niyang pigilan ang paglabas ni Greed Hindi ko na napigilan na mapaiyak ng maalala ang kalagayan niya kanina Nagbigay siya ng utos na lisanin ang Syldavia at magtungo sa Thespia Maging kaming mga kapatid niya ay pinaalis niya rin habang siya ay mag isang nasa loob ng palasyo hanggang sa mawasak ito ng kanyang sariling kapangyarihan inisip niya pa ang mamamayan ng Syldavia sa kabila ng pinagdaraanan niya ng mga oras na iyon Napakurap kurap ako ng makaramdam ako ng pagdampi ng panyo sa aking pisngi At nagulat ako ng nasa harapan ko na pala si Saxon "Hindi sayo bagay na umiyak" Nakatingin lamang ako sakanya habang pinapahidan niya ang aking mga luha "The beautiful daughter of the goddess of beauty and love should not shed her precious tears" Napatitig ako sa kanyang maputlang asul na mga mata "Wag kang mag alala. Kumikilos na ang mga Dragomir para solusyunan ito kaagad. At makakaasa ka rin na tutulong ang Sirona" Hinawakan ko ang kanyang mukha na ikinagulat niya at saka siya hinalikan sa kanyang pisngi "Salamat" - sambit ko habang nakangiti ----Unknown POV---- "Nagising na si Greed" Inilapag ko ang pyesang nasa kamay ko sa board na nakapatong sa mesang nasa harapan ko bago tinignan ang lalaking bampirang nasa harapan ko "Nagising na siya? Pero hindi ko pa siya pinapagising" "Aking panginoon, nais niyo po bang alamin ko ang dahilan ng kanyang pagkagising?" Tinignan ko ang babaeng nakaupo sa may malapit sa pintuan "Wag na. Wala na rin naman na akong magagawa" Pero bakit nga ba nagising na siya? Dalawa lamang ang alam kong maaaring dahilan Pero bakit? Bakit na siya ginising?! Wala pa sa tamang oras!! Hindi pa nakahanda ang laro! ----Axel POV---- Napatingin saakin ang dalawang guardian ng huminto ako sa may bungaran ng balustre kung nasaan nakatayo si Freya Lumapit ako sa tabi niya "A-axel?" "Hindi ba ako nakakaabala?" - tanong ko at saka siya nilingon "Hindi naman" Lumingon siya sa dalawang guardian "Iwan niyo muna kami" Narinig ko ang pagalis ng dalawang guardian sa aming likuran "Wag mong masyadong isipin ang mga kaguluhang nangyayari sa iyong paligid" "Pero. Hindi ko maiwasan. Simula ng mawala siya, marami ng nangyari. Marami ng kaguluhan ang nangyari" - sambit niya na nakatingin lamang sa bayan na sakop ng Parua na kitang kita mula sa aming pwesto "Isang malaking oportunidad sa mga kalaban ng Emperyo na walang haring umuupo sa trono" "Si Kyran. Siya ang susunod na hari" Kyran Ellesmere… Hindi pa siya umuupo sa trono bilang bagong hari ng Dark Empire Anong pumipigil sakanya? Hindi kaya. Alam niya rin? "Nalulungkot ako na makita ang buong emperyo na nagkakagulo. Nalulungkot ako na makita ang mundong ito na magkagulo" Kinuha ko sa loob ng aking kasuotan ang isang rosas na kulay berde at may mga kumikinang na kristal sa petals nito, ang chrys at saka iyon inilahad sa kanyang harapan Tinignan niya ito at saka kinuha "Palagi ka bang nasa paligid ko? Noon pa man?" - tanong niya at saka tumingin saakin "Oo. Palagi" And I will always be at your side… ----Priam POV---- Dali dali akong pumasok sa silid ng pagpupulong at nakitang narito na ang lahat Naparito ang mga konseho at bigla silang nagpatawag ng pagpupulong Umupo ako sa may malapit kay Kyran na nakaupo sa pinakadulong mesa Narito ang lahat ng unang prinsipe at ng mga kanang kamay ng pitong kaharian Maliban kay Ullyzeus na wala pa ring malay Tanging si Maxius lamangang narito Narito rin sila Devon na kasama si Serena. Sila Dike at Aria, Cleon at Cyano, Si Sullivan at Malvolia, ang dalawa sa limang knights ng Halla Verona at sila Declan at Liam… Narito rin sa pagpupulong ang tatlong crown ng Light Empire maging sila Grey at Rue Sila Freya ay pinagbawalang makinig sa pagpupulong Alam kong napakaimportante ng pag uusapan ngayon "Nagpatawag ako ng biglaang pagpupulong tungkol sa mga kaguluhang nagyayari sa buong emperyo" - Lord Valentino "Nagkakagulo na sa iba't ibang parte ng emperyo" - Gregoire, ang ama ni Eliza Muli ko na naman na alala na ipinangako ko sakanya na gagawin ko ang lahat muli lamang mabuhay si Eliza "Nagsisilabasan na rin ang mga rebeldeng grupo. Mapa bampira, Light Empire o mga lobo" - sambit naman ng isa pang konseho at saka lumingon sa gawi nila Grey at ng tatlong Crown "Maging ang mga maliliit na kaharian ay apektado na rin" - isa pang konseho "Nag-uumpisa ng magparami ng alyansa ang mga rebelde" - Zephyr "Delikado kapag nagkaisa ang mga maliliit na kaharian" - Kora Tama siya Maliban sa walo at apat na malalaking kaharian ng Dark Empire at Light Empire ay mayroon pang mga maliliit na kaharian ang buong emperyo Mga maliliit na kaharian ng ibat ibang nilalang. Kaharian ng mga nimpa, kaharian ng mga halimaw, kaharian ng sirena at iba pang mga kaharian At kapag nagkaisa sila Wala itong kaibahan sa isang kaharian na meron ang Dark Empire "Ako ng bahala sa rebeldeng grupo ng mga lobo" - Grey "Tulong tulong tayo dito Grey" - Sambit ko "Pero ako ang Alpha King ng mga lobo at ako ang haharap sa mga rogue" "Pamilya na tayo Grey. Walang maiiwan. Alam kong iyan ang din ang sasabihin ni Freya kung narito man siya" Natahimik naman siya at saka ngumiti at tumango tango "Isa pang malaking problema" - tumingin si Lord Valentino kila Kyran, Yael at Devon "Ang biglaang pagkagising ng mga dyablo "Hindi ko alam ang dahilan ng pagkagising bigla ni Greed. Pero natitiyak kong may nasa likod nito tulad ng pagkagising bigla ni Ira" - Yael "May alam akong paraan para malaman iyon" Nagsitinginan kaming lahat kay Declan "Gusto kong palabasin niyo ngayon ang mga dyablong nasa loob ng inyong katawan" "Nahihibang kana ba?! Delikado kapag lumabas at nagsama sama ang mga dyablo!" - alma ng isa sa mga konseho "Alam kong may mga koneksyon ang pitong dyablo sa isat isa. Natitiyak kong sakanila lang din natin malalaman ang mga kasagutang nais nating malaman" Magrereklamo pa sana ang isang konseho ng magsalita si Kyran "Tama siya. Kailangan nating makausap ang mga dyablo" Tumahimik sa loob ng silid Ramdam na rin namin ang nagsisimulang malakas na enerhiya Tinignan ko sila Kyran, Yael at Devon na ngayon ay nag iiba na ang mga kulay ng kanilang mga mata "Ira!" - tawag ni Yael Wala pang isang segundo ay nasa tabi na ni Yael si Rage na nasa anyong tao He has red messy puffed up hair abd a pitch black eyes "Gluttony" - tawag naman ni Devon sa dyablong nakakulong sa kanyang katawan May lumitaw naman na isang lalaking may kulay kahel na mga mata at buhok sa kanyang likuran… si Gluttony "Sloth" - tawag ni Kyran Pero walang dyablo ang lumitaw "Sa wakas! Muli na naman akong nakalabas!" - Ira "Wag na wag kang gagawa ng gulo Ira" - banta ni Yael "Haha susubukan ko. Ohh Gula!!" "Kamusta Rage" - Gluttony at saka mabilis na dinampot ang kumpol ng ubas na nasa ibabaw ng mesa at inisahang subo iyon at lunok "Sloth!" - pasigaw na tawag ni Kyran na nakapagpalingon sa dalawang dyablo Ilang segundo ang dumaan hanggang sa lumitaw sa kanyang tabi ang isang lalaki na may light blue hair at light blue lazy eyes Ito na ba ang dyablong nakakulong sa katawan ni Kyran? Ang dyablong si Sloth?! "Haixt! Bakit ang tagal mong lumabas?!" - inis na tanong nito Bihira lamang mainis at magalit si Kyran "Natutulog ako master" - sagot nito and he yawns while holding light blue feathers Kaya pala sinabi noon ni Dion na hindi problema kahit pa lumabas si Sloth Kahit nga ang lumabas ito ay tinatamad pa ang dyablo "Tamad ka pa rin Sloth" napatigil ito sa paghikab at saka lumingon sa gawi nila Rage "Oh Rage. Andito rin pala kayo. Kamusta? Galit ka pa rin?" - malumanay na tanong nito habang tamad na nakatingin sa gawi ni Rage "Palagi naman!" - sagot ni Rage habang si Gluttony naman ay nasa dulo na ng mesa sa may pwesto ng mga konseho at kinakain ang huling pagkain na nasa huling plato Kung titignan sila ngayon ay masasabi mong mga ordinaryong tao lamang sila dahil sa anyo nila ngayon Pero ang enerhiyang nagmumula sa kanila Ay sadyang kakaiba Sadyang malalakas Luminga linga sa paligid si Rage "Oh nasaan pala ang babae ng propesiya?" "Babae ng propesiya?" - Sloth at saka muling humikab "Nasaan siya?" - tanong ni Gluttony nagsilingunan ang mga ito ng paluin ng malakas ni Yael ang mesa "Pinalabas namin kayo hindi para magkamustahan! Pinalabas namin kayo dahil may kailangan kaming malaman!!" "Owh ngayon ay alam ko na kung bakit sakanya ka ikinulong Rage" - Sloth at saka ito muling humikab "Ano bang gusto niyong malaman?!" - galit na tanong ni Rage "Umayos ka sa pagsalita saakin dyablo ka! Baka pabalikin kita kaagad sa katawan ko!!" - sigaw ni Yael I wonder who is really the demon of wrath from the two Is it Rage? Or is it Yael? Parang pareho "Alam niyong nagising na si Greed" - Kyran "Ahh oo alam namin" - Sabay na sagot ng tatlo "Kaw na lamang magpaliwanag Rage. Tinatamad ako" - Sloth and he yawns again Mukhang may kasama na si Travis sa pagiging antukin "Tss!! We have connections with each other. So we feel it when one of us is already awaken" - Rage "Nakakapagtaka lang. Bakit siya nagising" - Gluttony "Bakit? Alam niyo ba ang dahilan kung bakit biglang nagising si Greed?" - Devon "Bago kami ikulong sa mga walang kwentang katawan na kinulungan namin…" "Mind your mouth you demon!" - Yael "Tss!! Bago kami nakulong ay sinabi ni Greed na hinding hindi siya magigising kung hindi NIYA sya gigisingin! Tamging siya lamang ang makakapag pagising sa dyablong si Greed" "Hindi NIYA siya gigisingin? Si Ullyzeus ba ang tinutukoy mo?" - Dike "Hindi!" "Kung ganoon ay sino. Sino ang tinutukoy niyang makakapagpagising lamang sakanya?" - Kyran Lumingon sakanya ang tatlong dyablo "Si Pride" Human World ----Third Person POV---- Sa pinakatuktok na palapag ng isang mataas na gusali kung saan kitang kita ang buong siyudad ay naroon ang isang lalaking nakatingin sa may ibaba ng gusali Mayroon itong abong mga mata, maputing balat, nunal sa itaas na bahagi ng kanyang mapulang labi at nililipad rin ng hangin ang kanyang abuhing buhok "Freon" - tawag ng lalaki Agad namang lumitaw sakanyang likuran ang isang nilalang na mayroong silver-blonde na buhok, at kumikintab na kulay silver rin na mga mga, at balat na kasing puti ng nyebe at labing kasing pula ng dugo "My Lord" - magalang na sambit nito habang nakaluhod ang isang tuhod nito "Libutin mo ang buong siyudad" - sambit nito sa malamig na boses "Yes my Lord" - tugon nito at saka unti unting nilipad ng hangin ang kanyang katawan na parang nyebe hanggang sa maglaho ito ng tuluyan Inilagay ng lalaki ang kanyang dalawang kamay sa kanyang bulsa at saka pumikit at huminga ng malalim bago nagsalita "Alam kong narito ka" Umihip ang malamig na hangin na lalong nagpasayaw sa abuhing buhok ng lalaki "Lumabas ka. Ngayon din" - kalmadong utos nito gamit ang malamig nitong boses At sa madilim na parte ng rooftop ay lumabas ang isang anino Anino na di nagtagal ay naging anyo ng tao Anyong taong lalaki na may kakaibang enerhiya na nakapalibot sakanyang katawan Mayroon itong mahabang lilang buhok na lampas bewang nito. At mayroon din itong kulay lilang mga mata Maangas itong naglakad palapit sa lalaki at saka tumigil sa paglalakad ng tatlong metro na lamang ang layo nito rito Nagmulat ng mata ang lalaki at saka unti unting humarap sa lalaking may mahabang lilang buhok Maangas na nakatingin ang lalaking may lilang buhok sa lalaking nakataas noo ring nakatingin sakanya hanggang sa banggitin nito ang kanyang pangalan "Pride"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD