KINAKABAHAN si Agatha dahil palpak ang niluto niyang tuna steak. Nasobrahan niya ito sa asim. For her, the sour taste killed the natural flavor of fresh tuna. Sinunod lang naman niya ang recipe mula sa google. She doesn’t know what happened. Nasa campsite na sila ni Baldwin at abala ang binata sa iniihaw nitong isda. Baka hindi nito magustuhan ang steak. Paborito pa naman nito ang fish steak ayon kay Blandon. Nagtanong pa siya kay Blandon kung ano ang gustong dessert ni Baldwin. Noong bata si Baldwin, mahilig daw ito sa banana candy, yaong saging na pinakuluan lang sa tubig at nilagyan ng asukal. Naluto na niya iyon at inilagay sa garapon. Pinalamig na niya iyon. Sa tuna steak lang siya nababahala. Okay naman ang ginawa niyang avocado salad. She was preparing the food on the small round

