JOSHUA BENITEZ Yakap ko si Liezel sa kanyang bewang habang naghahalo siya ng niluluto niyang ulam para sa aming pananghalian. "Gov, wala ka po bang trabaho ngayon? Parang napapadalas ka ng lumuluwas dito sa Manila, baka naman napapabayaan muna ang trabaho mo sa kapitolyo." Sabi ni Liezel. Bakit kapag siya ang nagsasalita sa akin ay para itong musika sa aking pandinig. Ang malamyos niyang boses ay parang nakakapagpagaan ng aking pakiramdam. "Naka leave ako ngayon sa kapitolyo kaya pwede tayong mamasyal ngayon kung gusto mo? Pwede tayong pumunta ng mall para makapamili tayo ng gamit mo dito at ng grocery na rin para may stocks tayo." "Gov, natatakot po akong lumabas na kasama ka, baka kasi may makakita sa atin at makilala ka." saad ni Liezel, nakaharap siya sa akin at mababanaag mo sa

