JOSHUA BENITEZ Nagising ako na nasa sarili ko ng silid dito sa aking Penthouse. Wala akong matandaan na umuwi akong mag isa. Tignan ko ang sarili ko, nakapagpalit rin ako ng damit ko at hindi ako amoy sigarilyo at alak. Gusto kong pumunta ng banyo para maligo, masakit ang ulo ko dahil sa hang over. Gusto kong humigop ng mainit na sabaw para kahit papaano ay maibsan ang sakit ng ulo ko. Patayo na ako sa kama ng bumukas ang pinto sa aking silid, parang tumalon ang puso ko ng makita ko si Liezel na nakasuot ng robe at parang bagong paligo. May dala siyang tray na may lamang bowl, nakangiti siya habang palapit sa akin. Iniisip ko kung totoo ba na nasa harapan ko siya, hindi ako makapaniwala. Siya ba ang nag uwi sa akin dito? Paano niya nalaman na nasa bar ako? Mga tanong nan gumugulo sa

