LIEZEL DELA CRUZ Hawak na ako ni Adrian at inaalalayan sa pagtayo nang makita kong nakatingin sa amin si Chloe. “Anong drama ’yan?” taas-kilay na sabi ni Chloe habang nakapamaywang. “Chloe, enough! Wala ka man lang bang malasakit sa tao.” inis na sabi ni Adrian. Sa inis ko, hinawi ko ang kamay ni Adrian na nakahawak sa braso ko at lumapit ako kay Chloe. “Drama?” malamig kong ulit. “Ganito ba kababa ang tingin mo sa akin?” Napangisi siya, halatang hinahamon ako. “Please, Liezel. Huwag ka nang magpanggap. Nakita ko na ’yang style mo. Paawa effect para makuha ang atensyon ni Adrian.” Napahigpit ang kamao ko. “Hindi ko kailangan ng paawa effect para mapansin ng kahit na sino,” mariin kong sagot. “Talaga?” tumawa siya ng mapang-insulto. “Eh bakit halos yakap ka na niya kanina?” Bago

