LIEZEL DELA CRUZ Habang tumatagal ako dito sa resort ni Adrian, napapansin ko na mas lalong nagiging mahirap sa akin ang mag trabaho. Madalas nandito si Chloe at nakabantay, kagaya ngayon maagang umalis si Adrian kaya ako lang naiiwan mag isa dito sa clinic. "Ang tindi mo rin noh! Hanggang ngayon nandito ka parin." Bungad ni Chloe sa akin. Nag-angat ako ng tingin nang marinig ko ang boses niya. Nakatayo si Chloe sa may pinto ng clinic, nakapamewang at nakataas ang kilay habang nakatingin sa akin na para bang may kasalanan ako sa kanya. Huminga ako nang malalim bago sumagot. “May trabaho ako dito,” kalmado kong sabi habang patuloy na inaayos ang mga gamit sa mesa. "Kung hinahanap mo si Adrian, wala siya dito; sundan mo na lang siya sa bayan." Walang gana kong sabi. Bahagya siyang

