THIRD PERSON Sa taranta si Liezel ng marinig niya ang boses ni Joshua ay bigla niyang napatay ang End Call. Samantalang nasa meeting naman si Joshua ng tumawag si Liezel. "Gov, anong nangyari sayo?" Tanong ni Dan. "Si Liezel, tumawag pero biglang namatay din ang tawag." Sagot naman ni Josh. "Why would you call her?" malamig ang boses ni Adrian. Kasama ngayon ni Adrian sila Josh, Rufus, Julius at Dan para pag usapan ang balak nilang itayo na beach resort. Hindi nakasama si Adrian sa site visit dahil inuna niyang kausapin si Liezel. Tinignan ni Josh si Adrian ng may pagtataka, hindi niya akalain na siya pa ang magsasabi na tawagan niya si Liezel. "Are you sure?" takang tanong niya. "Yeah! Maybe you both need to talk; may mga bagay kayong dapat ayusin. At sana this time, kun

