LIEZEL DELA CRUZ "Ngayon ko naintindihan kung bakit ganun ang naging reaksyon ni Josh, kahit naman ako; kapag nakita ko ang babaeng mahal ko at naging bahagi ng buhay na may kasama ng iba magagalit din ako. Lalo na kung noong umalis ka ay may sakit pa siya." sabi ni Adrian."Sa tingin ko mahal ka pa rin niya at alam ko naman na mahal mo pa rin siya. Bakit hindi mo siya bigyan ng pagkakataon na makapag usap kayo? Isipin mo na lang ang kambal. Kahit hindi na kayo mag sama ang mahalaga magkakaroon ng ama ang kambal." dagdag pa ni Adrian. Hindi ko alam kung bakit ako naiyak sa sinabi niya. Feeling ko hulog talaga ng langit sa akin si Adrian. Noong mga panahon na kailangan ko ng masasandalan natagpuan ko siya. Ngayon na kailangan kong maliwanagan dahil sobrang magulo ang isip ko nandito na

