Chapter 6

1586 Words
"O Don-don, mag-smile ka naman, birthday mo e." Ani Lucy, ang kaibigan ni Layla. "Oo nga Don-don, tingnan mo o, ang laki laki ng cake mo o." Segunda ng limang taong gulang na si Jennica, anak ni Lucy. Hindi sumagot si Don-don, nakanguso lamang ito. Nilapitan na ito ni Layla at inalo-alo. "Anak, ang mabuti pa ay hiwain na natin iyang cake, para makakain na ang mga bisita mo." Ngunit umiling-iling si Don-don. "Pero mama, wala pa si papa e. Puwede bang hintayin muna natin s'ya?" Bumuntung-hininga si layla at pinagbigyan na lang ang gusto ng anak. Sinabihan na lang n'ya ang clown na kanyang kinuha na magtanghal na, para ma-entertain kahit paano ang mga bata at ang mga bisita. Nang matapos na sa pagtatanghal ang payaso at nang nakaka isang oras na mahigit buhat nang magsimula ang birthday party ni Don-don ay hindi pa rin nagpapakita si Fernan. Dahil nagsimula nang mainip at makaramdam ng gutom ang mga bisita ay pinakain na ni Layla ang mga ito kahit labag pa ito sa kagustuhan ni Don-don. Gusto pa rin kasi nitong hintayin ang kanyang ama. Inasikaso ni Layla ang bunsong anak, ngunit nang susubuan na n'ya ito ay ayaw nitong kumain. Tila may topak na ito. "Don-Don anak, kumain ka na, sige na. Diba, paborito mo 'to? Kaya nga nagpaluto si mama nito e." Alo ni Layla. Hindi pinansin ng bata ang kanyang ina, iniiwas lang nito ang kanyang mukha at patuloy na ngumuso. Nang muli itong subuan ni Layla ay hinawi na nito ang kanyang kamay kaya natapon ang pagkain. "Don-Don!" Galit na singhal ni Layla. Hindi n'ya napigilan ang magalit dahil katulad ng bata ay may tampo at sama ng loob rin siyang nararamdaman. "Halika ka nga dito, saan mo natutunan yan?" Hinila ni Layla ang anak. "O, o Layla, Layla...... Maghunos-dili ka, birthday ng anak mo ngayon. Huwag mong sabihing mamamalo ka?" Awat ni Lucy sa pag-aalalang baka paluin o saktan ng kaibigan ang anak sa harapan ng mga bisita nito. Humugot ng malalim na hininga si Layla at hinabaan ang kanyang pasensya. "Hindi. Huwag kang mag-alala, mag-uusap lang kami. Ikaw na muna ang bahala sa mga bisita, ha, Lucy." At hinila niya ang bunsong anak papunta sa kwarto. "Bakit ganun ang ginawa mo? Alam mo bang masama yun? Alam mo bang pagtatapon ng pagkain yun?" Kunot-noong tanong ni Layla sa nakayukong bunsong anak. "Gusto kong makita si papa...." Mahinang usal ng bata. "Diba ang sabi n'ya, uuwi s'ya? E bakit wala pa s'ya?" Biglang lumambot si Layla. Hindi n'ya alam kung paano n'ya pagtatakpan ang ka-iresponsablehan ng asawa dahil kahit siya ay hindi alam kung bakit hindi na naman ito umuwi. "Anak, baka....baka busy lang si papa." Tila hindi siguradong sagot ni Layla, na ikinagalit lang ng bata. Sumama ang mukha ni Don-don. "Palagi na lang siyang busy. Kapag hindi s'ya umuuwi, yan ang palagi mong sinasabi." Sa pagkakataong iyon ay hindi na napigilan ng bata ang sama ng kanyang loob, umiyak na ito nang tuluyan. Niyakap na lang ni Layla ang anak. Hindi n'ya masisisi si Don-don kung pagdudahan na nito ang ama, dahil maging s'ya ay nagdududa na rin kung mahalaga pa ba sila kay Fernan. Sa pagdaan ng mga araw buhat ng masalimuot na birthday party ni Don-don, hindi akalain ni Layla na meron pa palang mas lalala sa pagbabalewala ni Fernan sa kanilang mga anak: "Nay, dadalhin ko na po si Lalaine sa ospital, nahihirapan na rin kasi siyang huminga e, baka kung ano na ito." Nag-aalalang wika ni Layla, dali-dali niyang kinuha ang cellphone at ang pitaka n'ya. "O sige na, at ako na muna ang bahala dito sa dalawang bata." Sa Ospital: "A-ano po? Dengue?" "Oo misis. Mabuti't dinala n'yo kaagad ang anak n'yo dito." Sagot ng doktor. Nang puntahan ni layla ang anak ay gising na ito. "Mama, si papa? Kailan ba s'ya uuwi? Nanaginip ako, nandito raw s'ya." Nanghihinang wika ni Lalaine. Naitutop ni Layla ang kanyang labi. "Hindi ko alam, anak. Hayaan mo na, nandito naman si mama e. Ako na lang ang mag-aalaga sa'yo, hm?" Bumukas ang lungkot sa mukha ng bata. "Nung birthday ni Don-don, hindi s'ya umuwi. Kung sabihin mo kaya na may sakit ako, uuwi kaya s'ya?" Hindi makasagot si Layla. Pinagbilinan s'ya ng bata na tawagan ang kanyang ama at ipaalam dito ang kanyang kalagayan. Nagtungo sa tahimik na dako ng ospital si Layla at sinubukang tawagan si Fernan, ngunit katulad ng dati ay hindi ito sumasagot. "Fernan, pakiusap, huwag ngayon. Huwag mo naman akong balewalain. Huwag mo namang balewalain ang tawag ko, kailangan ka ngayon ng anak mo." Mawawalan na sana ng pag-asa si Layla na makausap ang asawa nang bigla namang mag konekta ang linya. Nakahanda na sana siyang ibulalas ang pagkaka-ospital ng kanilang panganay nang bigla siyang makarinig ng mahaba-habang p@g-vngol ng isang babae sa kabilang linya. Nabitiwan na lang ni layla ang kanyang cellphone at natulala, naunawaan kaagad n'ya kung ano ang maaaring nangyayari sa kinaroroonan ng kanyang asawa. Magkahalong pait at selos ang kanyang naramdaman. 'Ngayon pa talaga?' Nakaramdam siya ng matinding galit. Mabilis niyang dinampot ang cellphone at handa na sanang pagsalitaan si Fernan nang mamalayan na lang n'ya na naputol na pala ang linya. "Fernan! Fernan!" Malakas niyang tawag ngunit wala namang sumasagot. Sa galit ni Layla ay padalus-dalos siyang nakapagdesisyon na lumuwas na ng Maynila para pilitin nang pauuwiin ang asawa, ngunit pinigilan s'ya ni Lucy at ng kanyang ina dahil naroon pa sa ospital si lalaine. Nang sa wakas ay makausap na ni Layla ang asawa ay galit niyang tinalakan ito. "Paano mo nagagawa ito, Fernan? Nung tumawag ako kanina, nagse-s** ba kayo?" Nang mga oras na iyon ay matinding paninibugho ang kanyang nararamdaman.Gustong-gusto n'yang kalmutin at saktan ang asawa para mailabas n'ya ang galit n'ya, kung naroon lang sana ito. Inamin naman iyon ni Fernan. "Pasensya na mahal, si monica kasi e. S'ya ang pumindot ng cellphone ko at hindi ako. Ang sabi kasi n'ya ay exciting daw gawin yun habang....... alam mo na." Nagtawa si Layla nang marinig iyon ngunit bumubukal na ang mga luha sa kanyang mga mata. "Huwag mong sabihin na nagagalit ka na naman? Pumayag ka na diba? Huwag mong sabihing nagseselos ka?" Mariing napapikit si layla, hinayaan niyang mahulog ang kanyang mga luha. "Fernan, alam mo ba....... na habang nagpapakasarap ka dyan, na habang nagpapakasarap ka sa piling ng ibang babae ay naghihirap naman dito sa ospital anak mo?" "Ano? Bakit, anong nangyari?" Nang sabihin ni Layla na na dengue si Lalaine ay sinisi niya ito. "Ano bang ginagawa mo? Alagaan mo naman nang maayos ang mga anak natin, ikaw ang nandyan e." Hindi pinansin ni Layla ang paninisi ng asawa. "Umuwi ka, gusto kang makita ni Lalaine." "Ano? Hindi pa ako makakauwi, alanganin. Wala pa akong sahod." "Wala akong pakialam kung nakasahod ka na o hindi pa, basta umuwi ka. Saka alalahanin mong may atraso ka pa kay Don-don, bakit hindi ka umuwi ng birthday n'ya gayong nangako ka? Pinasama mo lang ang loob nung bata." "Pasensya na, hindi kasi ako pinauwi ni monica, kailangan kasi ako nung araw na yun e." Hindi alam ni Layla kung paniniwalaan ba n'ya ang dahilang ito ng asawa dahil nalalaman naman n'ya ang maruming ginagawa nito at ng amo nito. "Umuwi ka ngayon. Maiintindihan pa namin ang hindi mo pag-uwi nung birthday ni Don-don, pero hindi ngayon. Nasa ospital ang anak mo at hinahanap ka n'ya. Fernan, kailangan ka ng anak mo." "Ngayon na ba?" "Oo, ngayon na. Naka confine dito sa ospital si lalaine." "Ano kasi..... baka hindi ako makauwi e." "At bakit na naman? Ayos lang kung hindi ka makapagbigay ng pera, hindi naman palaging pera ang kailangan namin sayo e. Basta umuwi ka lang." "Hindi nga kasi puwede mahal, kasi ano......." "Kasi ano?" May bahid na ng iritasyon sa boses ni Layla. "Nag-away kasi si monica at yung asawa n'ya, kaya, kailangan ko siyang damayan." "Ano?! Lintek na dahilan yan, at talagang uunahin mo pang i-comfort ang ibang tao kaysa sa anak mo? Mas uunahin mo pa talagang intindihin ang kal@mpungan mo diyan? Bakit, kaanu-ano mo ba yan? Fernan naman, mas kailangan ka ng anak mo!" "Alam ko naman yun, kaya nga lang, baka hindi din ako payagang umuwi ni monica. Saka, nandyan ka naman at si nanay e." "Bakit ba hindi mo maintindihan Fernan na gusto ka ngang makasama ng anak mo? Gusto niyang nasa tabi ang ama n'ya habang may sakit s'ya." "E paano nga yan, hindi nga ako makakauwi? Ipaliwanag mo na lang nang maayos kay Lalaine. Malaki naman na ang anak mo, maiintindihan na rin n'ya siguro." "Talaga bang hindi ka uuwi? Sige, tutal ang lagi mong idinadahilan ay yang amo mo, umalis ka na diyan. Mag resign ka na." "Ano? Ayoko! Ano ka ba layla, alam mo namang nandito ang oportunidad, diba?" "Tama na Fernan, hindi mo ba nakikita? Dahil sa oportunidad na yan ay nalalayo ka na nang nalalayo sa amin ng pamilya mo........ A basta, umuwi ka. Unawain mo naman ang kalagayan ni Lalaine." "Unawain mo rin sana ako, layla. Alam mo namang importante din ang pagkita ko nang malaki dito, diba? Saka sigurado namang gagaling din si Lalaine e, hindi naman ganun kalala ang lagay n'ya, diba?" "Fernan....." Bago pa man makapagmakaawa ni Layla ay nagpaalam na si Fernan. Tila umiiwas ito na lumaki pa ang kanilang pagtatalo. Napaupo na lang si Layla, at isa-isang nalaglag ang mga luha n'ya. Mukhang kailangan na talaga niyang lumuwas ng Maynila para personal na kumbinsihin ang asawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD