Napatungo ako, tiningnan ko ang mamahalin nitong sapatos na lumapat sa aspaltong kalsada. Namilog ang aking mga mata, hindi ko napigilang lumunok ng laway dahil bigla nalang nanuyo ang aking lalamunan.
Hinagod ko sa aking paningin mula paa hanggang ulo at mula ulo hanggang sa paa, tuluyan na itong nakalabas at nakatayo sa aking harapan. Sinuri ko ang bawat parte ng katawan nito, tuloy para akong isang chismosang kapitbahay sa ginawa ko.
Isang pilit na ngiti ang pinakawalan ko, napatikhim ako ng wala sa oras dahil nanuyo ang lalamuna ko nang mapagtanto ko kung anong klase tao ang kaharap ko! mukhang mali ata ang pinuntarya kong kalaban.
Kita ko ang mamahaling suot nitong denim jeans, pinaresan pa nito ng abuhing upper shirt at pina ibabawan ng puting blazer jacket.
Lihim akong napasinghap, napahanga ang ate n’yo neng! Lahat ata ng nakita kong lalaki ito lang ata ang binagayan ng ganung kasuotan at estilo.
Dahan dahan kong tiningala ang aking paningin sa mukha nito, halos maputol na ang aking leeg dahil sa tangkad nito, nawala tuloy ang 5'6" na height ko dahil sa kaharap, tantiya ko mga nasa 6'ft lampas ata ito.
Mas lalong nanuyo ang lalamunan ko nang tuluyang natunghayan ang mukha nito, para atang aatakihin ako sa puso dahil bigla nalang tumambol ng kaba ang dibdib ko na hindi ko mawari.
Para atang nakakita ako ng multo sa reaksiyon ko. Ayyyy! hindi pala multo kundi isang napagwapong nilalang na sa panahon ngayon ay indanger species na.
The guy had a perfect shape of face, well defined jaw, may mga pares ng matang mapupungay at pilikmatang malantik pa kaysa sa akin, katamtamang kapal ng kilay, binagayan pa ng katamtamang taas ng ilong, natural na mapupulang labi at may kaunting balbas sa baba na suwabe lang sa aking panlasa. Very masculine, bakat at niyakap ng maong na pantalon nito ang mamasel na binti at hita, halatang alagang work out ang kumag na to’.
"Oh my gurl kalma," saway ng isang bahagi ng utak ko nang mapansin kong nakaawang na pala ang aking mga labi dahil sa paghanga. Laglag pangang pinagmasdan ko ang tanawin sa aking harapan.
Isang tikhim ang aking narinig pagkatapos nang bumalik ang aking diwa sa kasalukuyan kanina pa pala nakatitig ang lalaki sa pagmumukha ko. Pinamulahan tuloy ako na animo'y parang kamatis na nais pumutok.
Tumikhim din ako nang makabawi, nakipaglaban ako ng titigan sa mala macheteng lalaki sa aking harapan. Tuloy para kaming nag staring contest sa sandaling ito. Dapat hindi ako magpapadala, isang lihim na hininga ang aking pinakawalan, hindi ko nilubayan ang lalaki ng tingin.
"What's the problem lady?" tanong nito na kay baritono ng boses.
Nanayo tuloy ang balahibo ko nang marinig ko ang napakagandang boses nito. “Dapat hindi magpapadala Emena dahil lang sa boses."
Isang tagis ng tingin ang pinukol ko dito. "Huh? Anong problema ko?" sarkastikong ulit ko sa tanong nito, kung makapag english daig pa nito ang banyaga. Oh well, mukhang may lahi naman itong espanyol hindi na masama. Napangiwi ako bago muling nagsalita. "Tanungin mo kaya ang sarili mo kung anong nangyari?" singhal ko na mas lalong tinaas ang mga kilay. Kita ko ang pagkalito ng mga mata nito sa mga sinabi ko.
"Nagmaang maangan pa ang asungot na ito, sasakalin ko kaya ito hanggang sa malagotan ng hininga at mamatay," parang tangang ka-usap ko ang isang panig ng utak ko.
"Hey, I asked you what's the matter, I dont know what happened young lady," nagsalubong ang kilay na tanong nito, bakas sa mukha ang pagkalito.
"Naku lagot itong macheteng ito, ang tanga! Gwapo nga! Ang tanga naman."
Isang malalim na hininga ang aking pinakawalan, sabay pamaywang tumitig ako dito na animo'y nakakamatay dahil sa talas.
"Hindi mo alam hah? Tingnan mo nga palda ko oh-" asik ko sabay turo sa gula-gulanit kong paldang nakasukbit sa ilalim ng kotse nito. "-nahagip lang naman ng kotse mo!" walang preno prenong sermon ko sabay tingala dito, nakataas pa bahagya ang aking kilay. Ngumisi ito, tumambad sa paningin ko ang mapuputi at pantay pantay nitong mga ngipin.
"Pwede maging model ng isang toothpaste ang isang to ha!" pero teka nasa gitna kami ng dibati kaya isantabi na muna natin ang paghanga dito. "Ano? Magsalita ka mag sorry ka!" utos ko nang mapansing hindi mawala wala ang pagkangisi nito.
"So you think it’s my fault? I don't think so?" nang-uuyam na wika nito sabay yuko upang magtapat ang mukha namin, dahil sa ginawa nito ay tarantang napa-atras ako’t napa-ilag. Hindi nakaligtas sa ilong ko ang amoy nitong nanghihigop ng ulirat, nakakaliyo.
"Diyos ko Lord!" wala sa sariling sabi ko nang makita ko nang malapitan ang mukha nito, mas tinambol ata ang dibdib ko, parang mababasag ang dibdib ko sa tindi ng lakas. Pero Emena h’wag mapadala girl.
"Ah! ganun ibig mong sabihin ako ang may kasalanan huh? Ako pa ang may kasalanan sa lagay na to ha?" patutsada ko nang makabawi, nakapamaywang na inilapit ko ang mukha sa lalaki. Keber, ano ako helo, papatol talaga ako sa tukwang ito.
Sunod sunod na tango ang ginawa nito at pagkatapos ay tumayo na nang maayos pinagkrus pa nito ang braso sa tapat ng dibdib, nanatili ang mga mata nitong nakatitig sa aking mukha.
"Yes, kung hindi mo mamasamain bakit kasi pakalat kalat ka sa gilid ng kalsada at hindi man lang tiningnan ang paligid, alam mo naman public place ito, and then ano ka artista para itutok ko ang aking atensiyon sa iyo?" kalmadong sabi nito sabay sandal sa pinto ng kotse nito at pinagkrus ang binti.
Napakagat ako ng labi sabay na nalukot ko ang aking noo. "Ang yabang ano! Lintik inubos talaga nito ang pasensiya ko."
"Ha ha ha ha," isang palatak na tawa ang aking pinakawalan upang mainis ito sa akin pero parang hindi ata epektibo nakangiting nakatingin lang ito sa akin, ako tuloy itong naiinis sa eksina namin. "Hindi mo ba nakita ha? ako na ang nadedehado dito at nababastos dahil sa nangyari!" hasik ko na hindi pa rin sumusuko. "See, kita mo-" bahagya kong ipinangalandakan dito ang mapuputi kong hita. "-kung hindi ako nakashorts eh ano, hindi lang kahihiyan ang abutin ko, kaya magsorry ka ngayon din!" utos ko sabay irap ng aking mga mata.
Nakita ko ang paglunok ng lalaki, dahil sa ginawa ko, mayamaya ay muli itong tumawa, isang pilyong tawa. "Sorry? Why should I?" kontra nito sa utos ko.
"Magsorry ka!"
Mas lumapad ang mga ngiti nito sa labi, mas lalong atang gumagwapo ito sa paningin ko.
"Do I have to? Well lady, sorry is none of my vocabulary, if you want me to say sorry then change your name into sorry, so I can call you sorry," wika nitong nakangisi.
Tinukso ba ako nito oh guni guni ko lang ayyyyy ewan! Lintik! halos dumugo ang ilong ko sa sinabi nito, pero na intindihan ko naman.
"Ah ganun ha! Ayaw mong magsorry, pinakulo mo talaga dugo ko ha," pagkatapos sabay kong kinuyom ang magkabila kong kamao. Ilang segundong humanap ako ng bwelo kasunod isang malakas na sapak ang binigay ko sa gwapo nitong mukha ayon! sapol ang panga nito.
"Oh s**t!" mura ng lalaki dahil sa ginawa ko sabay himas sa nasaktan nitong panga.
Kinabahan ako sa ginawa ko pero bahala na kailangan makaganti ako sa hinayupak na ito. Nakita kong galit na tumitig ang lalaki sa akin. Naku! Masamang titig ang pinukol nito sa akin, kailangan makaalis na agad ako bago pa mahuli ang lahat.
"Oh huwag mo kasi akong galitin Mr. at hindi lang iyan ang aabotin mo," hamon ko sabay pukol ng mayabang na tingin dito. "And if you want me to say sorry sa sapak na iyan, then subukan mo kayang ipatugtog ang SORRY BY: JUSTIN BIEBER baka sumabay pa ako at makakanta ng sorry!" bahagya kong tinaas ang middle finger ko sa muhka nito sabay na pinandilatan ito. Mabilis na tumalikod patakbong nilisan ko ang kinaroroonan ng lalaki, baka kung ano pa ang gagawin nito sa akin mahirap na.
Naiwan ang lalaking blanko ang expression sa mukha na nakasunod tanaw kay Emena na tumatakbo papalayo. Isang pilyong ngiti ang sumilay sa labi nito pagkatapos.
"She is an interesting lady isn't she Draken?" mahinang tanong nito sa kanyang driver na ngumiti ng pilit.
"O-po Seniorito," mabilis na lumapit ang driver nito sabay yumuko bilang paggalang.
"Let's go Draken!" matipid nitong imbita at tumalikod.