Introducing Emena Paleria
"Fifty-eight, fifty-nine, sixty woooh," tili ko habang ininunat ko ang aking mga kalamnan, nag-eehersisyo ako. Nakagawian ko na kasi itong gawin tuwing umaga, nagpapapawis muna ako bago maglalako ng bibingka sa eskinita.
"Tama na! tama na!" hinihingal kong bulalas sabay pabagsak na na-upo sa sahig naming yari sa kawayan, tagaktak ang pawis ko sa noo.
Ako nga pala ay si Emena Palengkera, ay hindi pala Emena Paleria labing walong taong nabubuhay sa mundo, kadalasang tawagin ako ng aking mga suki't kapitbahay bilang Menang kasi nga ki-ganda ganda daw ng pangalan ko, eh naglalako lang daw ako ng bibingka sa eskinita hindi raw nababagay ang Emena, kaya Menang ang kadalasang tawag nila sa akin.
O siya, sumang-ayon naman ako kahit na hindi katanggap-tanggap sa aking sarili, eh baka hindi na bibili ang mga iyon sa paninda ko, mabuting sumabay nalang sa takbo sa utak ng mga suki ko kaysa mawawalan ng pagkakitaan ano?
Kinurap-kurap ko ang aking mga mata sabay tingala sa bobong namin medyo may butas na, parang atang tumagos na ang paningin ko sa kawalan sabay napabuntong hininga.
"Hayyyyy, kailan pa kaya kami ni Inay makakaraos sa ganitong sitwasiyon," sabi ko sa sarili na tiningala ang paningin sa butas naming bobong na yari ng yero’ng kinakalawang na.
Nag-aaral nga pala ako, isang taon nalang at matatapos na ako ng kolehiyo, Business Administration ang aking kinuhang kurso. Gusto ko kasing makapagtrabaho sa isang banko o kaya sa office. Iyong trabahong desinte man lang.
Kaya medyo kahit kinapos sa pangmatrikula ko ay pinag-igihan ko. Sinabayan ko ng kaunting pagtitinda at pagtulong sa inay sa palengke para naman mabawasan ang hirap ng inay ko, ang mahal kaya ng matrikula ko kaya kailangan magbanat ako ng buto para naman kahit papaano makapagtustus ako sa aking sariling matrikula.
Saka, ayaw kong palagi nalang humihingi sa inay, simula't sapol hirap na ang inay ko sa pagpapalaki sa akin, maaga kasing kinuha ang itay ko, napasabak sa gulo dahil lasinggero, pinagtataga ng kapitbahay namin. Sobrang malas talaga ng buhay ko pero kahit papaano ay nakakain naman tatlong beses isang araw, okey na ‘yon.
O, siya medyo mahaba na ang pagpapakilala ko baka mahuhuli na ako't wala na akong maabutang suki sa eskinita.
Maingat kong sinuot ang aking palda na kulay pink na bulaklakin, mahaba ito at hanggang sa bakung-bakong ng aking binti, pinaibabaw ko ito sa maiksi kong short na suot suot ko kaninang nag-eehersisyo ako.
Tama na itong suot ko, naka spaghetti strap na puti, maputi naman ang kili kili ko. Maputi at makinis rin ang balat ko kaya may kompiyansa naman ako du’n. Nanalo pa nga ako bilang Miss Palengke 2019 eh, so ibig sabihin maganda ako sa baryo naming.
Matapos maihanda ang sarili ay walang gatol na sinukbit ko sa aking beywang ang isang nigo na yari sa yantok, puno ito ng paninda kong bibingka.
Magsisimula na ang araw ko kaya, ‘go go go’ dapat. Maingat akong lumabas sa munti nami'ng tahanan, sinara ko ang lumang pinto at ni-lock. Kahit na mahirap lang kami ay naku may mas mahirap pa talaga at walang sinasantong manloloob ng bahay, kaya kailangang i-lock ko ang pinto.
Isang matamis na ngiti ang aking pinakawalan bago humarap sa maliit na daan. Buong kompensiyang nagsimula na akong humakbang.
"Mga magagandang ale at nagagwapohang manong, bibingka po matamis, masarap, malambot, bili na po, galing po ito sa napakagandang dilag,” nagsisigaw ako sa maliliit na eskinita.
Gamit gamit ko ang nakasanayan kong pang linya habang nilalako ko ang bibingka, wala akong pakialam kung ano ang isipin ng iba ang importante makabenta ako. Kailangan ko ng pera, hindi na uso sa akin ang hiya-hiya.
Ayon! nagsimula ng sumalubong sa akin ang mga suki kong mga bata. Wala sa sariling napangiti ako ng napakalapad.
Naku! Pagsenuwerte ka nga naman mabenta talaga ako dahil ang ganda ko kaya add points na ang masarap ang gawa kong bibingka!
MALAPIT ng maubos ang paninda ko. Sinuswerte yata talaga ako sa araw na to’ at wala pang halos isang oras kaunti nalang ang natira sa paninda ko, halos mauubos na nga eh. Isang customer o dalawang customer nalang ang kailangan ko at mauubos na ito. Nakangiting hinalungkat ko ang laman ng nigo nang may tumawag sa palayaw ko.
"Menang!”
Kasalukuyan akong naglalakad sa gilid ng kalsada bitbit ang nigo, dali kong nilinga ang pinanggagalingan ng boses na iyon.
Isang matandang babaeng nagtitinda ng prutas sa gilid ng kalye, mga nasa sikwenta na ito. Si Aling Luz pala isa sa suki ko. Huminto ako sa kakahakbang nang matapat ako sa fruit stand nito.
"Oh aling Luz, bili na po,” alok ko sa matanda na nasa harapan, nginitian ko pa ito ng ubod tamis. Mabilis naman itong kumuha ng pera sa loob ng apron nito.
"Ubusin niyo na po ito aling Luz, ito nalang ang natira eh.”
"Magkano ba lahat iyan?" tanong nitong tiningnan ang dala kong lalagyan.
"Isang daan po, pero ibibigay ko sa iyo ng otseyenta Aling Luz kasi espesyal ka eh," patutsada ko para bumili ito tapos ngumiti ako.
"Sandali ah," sabi nito nang may isang customer na lumapit at bumili ng prutas.
Hindi na ako nag-abalang tingnan kung sino at sinentro ko nalang ang aking paningin sa maliit na tv sa aking harapan. Talagang hightech na ang panahon ngayon at kahit sa gilid ng kalye ay may tv na.
Nang makaalis ang customer ay muli kong hinarap ang sarili kay aling Luz at sige pa rin ang aming pag-uusap.
"Dalawang supot nalang po ito Aling Luz."
Nang medyo isang malakas na simo'y ng hangin ang dumaan sa aking kinatatayuan dahilan upang isayaw nito ang aking palda. Dahil sa haba ng palda ko, hindi ko napansin na may isang kotse palang nakaparada sa aking likuran.
Nang pumasok ang may-ari ng kotse hindi nito napansin na na-ipit pala ang laylayan ng aking palda habang sinara nito ang pinto ng passenger seat sa likuran. Makalipas ang ilang segundo ay nagsimula nang tumakbo ang kotse papalayu nang hindi ko namamalayan.
"Opo Aling Luz, bas-" biglang napatigil ako sa pagsasalita nang madama kong may umunat sa, tapos nakarinig ako ng isang c***k o parang napunit.
Iyon pala ay nadala na ng kotse ang laylayan sa suot kong palda, crochet pa naman ang palda ko kaya habang lumalayo ang sasakyan ay unti unti naubos ang telang sinulid na tumaping sa aking makinis na binti pataas sa aking hita. Kinabahan at pinamulahan tuloy ako sa eksina.
"Punyeta!" wala sa sariling mura ko dahil unti-unti nang napunit ang palda ko. Paborito ko pa naman ito, binili ko ito noong isang araw sa ukay-ukayan, naku kahit ukay-ukay ay signature kaya itong palda ko at sa isang iglap pinunit lang ng kung sino!
Nanggalaiting sinundan ko ng tingin ang magarang kotseng tumatakbo papalayo. Hindi ko tuloy pansin at nahubaran na ako, naiwan ang maiksi kong short at nakalantad na ang aking mahahaba at mapuputing biyas, nadala na kasi ng kotse ang buo kong palda.
Napansin ko na lang na pinagtitinginan na ako ng mga tao sa paligid. Mabuti at nakapagshort ako ngayon kundi, naku! hindi lang kahihiyan ang abutin ko, pati na pambabastos.
Hindi ko na pinansin ang mga matang nakatunghay sa akin mas nanaig ang inis ko dahil sa pagkapunit ng aking palda. Kaya hanggang hindi pa nakakalayo ang kotse ay sinagad ko na ng takbo.
"Lintik na walang ganti! kung sino kang hinayupak ka-" tumatakbong sigaw ko, "-lagot ka sa akin ngayon," marahas na hinagis ko sa isang tabi ang bitbit kong lalagyan habang walang patid na hinahabol ko ang magarang kotse.
Tumatakbong hinubad ko ang suot kong sapatos, mabilis kong hinagis ito sa likod ng kotse. "s**t!" mura ko nang hindi tinamaan.
Muling hinablot ko ang kapares ng sapin ko sa paa muling ibinato! Ayon! Sapol ang salamin sa likuran ng kotse, tama lang upang maagaw pansin ng may-ari.
Napakislot ako mabuti at hindi nabasag, ang mahal kaya ng pagpaayos ng salamin wala sa kalingkingan nito ang halaga ng ukay ukay kong palda.
Mayamaya ay napansin nito ang ginawa ko dahilan upang huminto ito. Lakad takbong kong nilapitan ang tapat ng kotse, marahas at padabog kong kinatok ang tapat na bintana sa gawing likuran kung saan sumabit ang palda ko.
"Hoy! Lumabas ka diyan," nanggagalaiting singhal ko sa tinted na salamin.
Hindi ko maaninag ang loob dahil tinted nga ang salamin ng kotse at wala akong pakialam kailangang makahingi ng sorry ang hinayupak na responsableng nakapunit sa suot ko!
Malakalipas ang mahabang sandali ay wala akong nakuhang sagot, kaya sige pa rin ako sa pagkatok sa bintanang salamin na halos mabasag na iyon sa inis ko.
"Oh punyeta! bumaba ka nga diyan!" inis kong sigaw sa salamin bahala na kung nagmumukha akong tanga ang importante makahingi ng sorry ang loko loko na to’.
Biglang nagbukas sa gawing harapan sa gawing driver seat, bumungad sa akin ang isang medyo may katandaang lalaking panot. Tumingin ito sa direksiyon ko, hula ko ang driver ito dahil sa suot nitong uniporme.
"Anong bang problema Ineng?" tanong ng matanda.
Bakit ang matandang panot na ito ang humarap sa akin? Kailangan ko ang may atraso sa akin at hindi ito! Napanguso ako sabay pukol ng isang matalas na tingin sa lalaking panot sa kabilang harapan.
"Manong palabasin mo nga iyang amo mo?" nakataas ang kilay kong utos sa matanda.
"Bakit ba ano bang problema Ineng?" pangungulit ng matanda sa akin.
Tuloy ibig ng umusok ang ilong ko sa inis. "Manong sabi ko ang amo mo ang gusto kong maka-usap!" pagpumilit ko sa matanda at sadyang diniinan ang mga kataga, pinandilatan ko ito.
Nakita ko ang pag-iling iling ng matanda pagkatapos ay napilitang yumuko. Sa aking palagay ay kina-usap nito ang nasa loob.
Nag-aalburoto na ako sa galit halos nag-aapoy na ang aking tainga. Nanliit ang aking mga matang pinagmasdan ang matanda, inip na hinintay ko ang tugon na nasa loob.
"Simpleng instruction hindi pa makuha lintik! nakapagdagdag nang inis oo."
Nakapamaywang kong hinintay na bumukas ang bintana, hindi ko inindang nakapaa lang ako sa sandaling ito mas nanaig ang aking inis at galit. Malalim na buntong hininga ang aking pinakawalan. Napakagat muli ako ng aking labi sabay ngiwi nang isang minuto na ang nakalipas at walang lumabas.
"Simpleng paglabas lang hindi pa magawa? Lintik nasasayang ang oras ko!"
Inis at muli kong binaling ang paningin sa tapat ng bintana. "Hoy lumaba-" hindi ko na natuloy ang aking sasabihin ng biglang bumukas ang pinto ng sasakyan. Maagap akong umatras baka kase matamaan ako sa pagbukas at baka kung saan pa ako pupulutin. Halatang padabog ang ginawa nitong pagbukas ng pinto.