“JUST make sure na wala na tayong magiging problema. This is a VIP project,” sabi ni Vel sa Senior Architect na kausap niya. Kasalukuyan siyang nasa construction site ng bagong building ng Tolentino Ferrer Medical Center. It was a surprise visit. Madalas na hindi siya nagpapasabi kapag nagsa-site visit siya para makita niya kung paano talaga magtrabaho ang mga nasa field. Alam niya ang mga kalokohang ginagawa ng mga engineer at architect. She had been there. Kapag alam niyang may site visit ang project manager o ang kahit sinong supervisor, dali-dali siyang nagpapalinis ng kalat sa site. To train their personnel to work well, sinimulan niya ang habit ng surprise visit. . . para hindi na rin gawin ng mga employee ang gawain niya noon. So far, effective ang strategy niya. Matapos ang site v

