NAKAILANG shots na ng Vodka Martini si Earl. Pangatlo na ang iniinom niya nang mga sandaling iyon. There’s also a bucket of six Pale Pilsen bottles on his table. Kasalukuyan siyang nasa isang VIP table ng Senang Hati Music Lounge, isa sa mga bar and resto sa loob ng Green Haven Farm. Mag-isa lamang siya. Dumaan siya sa flower shop ni Myka pero wala ito roon. According to her secretary, may inasikaso itong wedding setup somewhere. Hindi na inalam ni Earl kung nasaan ito. He was experiencing episodes of anxiety and depression that day. Gumising siya sa isang masamang panaginip. It was a scene on how his family suffered before they died. Sa panaginip niya, kitang-kita niya kung paano sumabog ang bomba sa bahay nila. Nakita niya ang kalunos-lunos na sinapit ng kanyang ina at mga kapatid. He

