Chapter Twenty Five
"Shana! Ang laki laki mo na hija," salubong na bati sa akin ni Tita Lisa pagpasok ko sa bahay namin.
"Tita Lisa it's been a while po," bati ko pabalik sa kanya at yinakap ko siya.
Tita Lisa my father's sister lives in cagayan kaya minsan lang namin sila nakikita. She and her husband have one son, Sean Jace Reeves. Same lang ang age naming dalawa and we are so close like a sibling but we rarely see eachother. Minsan lang kasi sila makauwi dito sa manila o di' kaya sa Eretria.
"Kanina kapa hinahanap nang pinsan mo," sabi sa akin ni Tita matapos ko siyang yakapin.
"Talaga? Nasaan po siya Tita?" excited kong tanong. Miss na miss ko na si Jace, ang huli ata naming pagkikita 3 years ago pa.
"Nasa taas sa kwarto natutulog. Eh hindi pa kasi natulog magmula kagabi dahil may tinapos daw," s**o ni Tita at tinuro niya yung guest room sa taas.
"Puntahan ko po siya Tita!"
Tumakbo ako paakyat at dumeretso ako sa guestroom. Binuksan ko ito at nakita ko si Jace na nakahilata sa bed. Inalis ko yung suot ko sandals at humiga ako sa tabi niya. Bumukas ng kaonti ang kanyang mata para tignan kung sino ang humiga sa kanyang tabi.
"Shana.." he said with deep cracked voice.
"Hi batugan! why are you sleeping?" tanong ko sa kanya. Magkaharap kami ngayon nakapikit parin. Mukhang puyat nga siya kitang kita ko yung black circles under his eyes.
"Hmshzbajmmw," sagot niya. Natawa naman ako na kahit sobrang antok niya ay sinagot niya padin ang tanong ko kagit medyo gibberish.
"Jace alien language ba yun?" natatawa kong tanong sa kanya.
Hinila niya ako at niyakap, "Shut up! mag-usap tayo mamaya. Matutulog ulit ako."
Hinayaan ko siyang natulog muli. Habang natutulog siya ay tinext ko naman si Clyden.
To Alaric ♡:
Hi! nakauwi na ako. I'm resting now with my cousin. *attached a photo of me and while Jace is sleeping*
Pagkasend ko kay Cly noong text ay nag-open ako ng social media accounts ko. I don't post on my soci media accounts tumitingin lang ako ng mga post ng mga kaibigan ko. Ilang sandali pa ay nagnotif na ang reply ni Cly sa akin.
From Alaric ♡:
who's that? atsaka bat sobrang lapit?
Natawa naman ako sa reply niya. Naiinagine ko tuloy yung face niya na nagseselos siya.
To Alaric ♡:
calm down it's my cousin. don't tell me nagseselos ka?
From Alaric ♡;
If he's your cousin I'm not.
Gusto ko pang asarin si Cly kaya lang gumalaw si Jace at mukhang magigising na siya. Kaagad kong pinatay ang phone ko at ipinatong ko ito sa side table.
"Hmm what was a nice nap-Shana?!" Naupo pa siya sa sobrang gulat noong nakita niya akong nakahiga sa tabi niya.
"What?? kausap mo na ako kanina ah?"
"Akala ko nanaginip lang ako," sabi nito habang inaayos niya ang kanyang buhok.
"Sus, bat ba parang puyat ka?"
"May tinapos akong book. Ang ganda kase," sagot niya sa akin.
"What book?"
"It's about law."
Inirap ko siya. How can I forget na masyado siyang seryoso sa pagkuha niya ng political science sa college.
"Ano paba inexpect ko no," sabi ko sa kanya.
"As if magbabasa ako ng mga fictional books. Dami ko pang kailangang basahin na law books no!"
"Seryoso ka talaga sa pag-law-lawyer mo?"
"Oo nga bakit?"
"Wala naman. Namiss kita, tagal nung huli nating nakita ah," sambit ko. Umupo na ako at niyakap ko siya.
"Namiss din kita Shana. Ang busy kasi nina Mama kaya hindi kami nakakabisita sa inyo." Niyakap niya ako pabalik habang dahan-dahan niyang inalis yung ponytail ko.
"Yah ano ba? bakit mo inaalis ang ponytail ko?" asar kong tanong sa kanya. Lumayo ako sa kanya at siya naman ay tumatawa.
"Ang eww mo kapag naka ponytail ka!" At ibinato niya sa kung saan ang ponytail ko.
"Whatever Jace." Inirap ko siya at patuloy padin siya sa pagtawa.
Tumayo na ako sa higaan at lumabas na ako ng kanyang kwarto. Nagpunta ako sa silid ko para makapagbihis na ako. Nagsuot ako ng peach silk spaghetti strap sando at nagsuot din ako ng black cotton shorts. Bumababa ako at nagpunta sa sala namin nakita ko dun sina Mommy at Tita Lisa na nag-uusap.
"Si Jace po?" tanong ko sa kanila. Sabay pa silang napalingon sa akin at itinuro si Jace na nasa kusina.
Pinuntahan ko si Jace sa kusina at naabutan ko siyang kumakain. "Takaw talaga oh!"
"Mas matakaw ka huwag ako Shana," sagot niya sa akin pabalik.
"Anyways kamusta kana? May nagugustohan kana ba??" masaya kong tanong sa kanya habang may pasundot sundot pa sa kanyang bewang.
"Shana ano ba stop it. Wala akong nagugustohan school and house lang ang routine ko," sagot niya sa akin habang sinusubukanh alisin yung kamay ko.
"You are so boring Jace! Sabi ko na eh hindi ka dapat lumalayo sa akin."
"At kailan pa naging boring yun? I have friends din naman ah!" sagot niya sa akin. Trying to defend his self on my judgment.
"I bet yang mga kaibigan mong yan school at bahay din ang punta. You need to learn how to socialize Jace," mahina kong sambit sa kanya. Nagpunta ako sa ref namin para kumuha ng makakain.
"I'm not interested. Mas gusto ko nagbabasa ng book sa bahay."
"Kaya ang panget mo eh!"
"Ano naman connection ng mukha ko diyan grabe ka ah. Kanina ko pa napapasin ang panalait mo sa akin ah!"
Tinawanan ko lang siya habang kumakain ako ng cake na linabasa ko mula sa ref. Jace is the type of guy na madaldal pero pipiliin lang hindi magsalita. He's not the type of socially awkward or introvert but he choose to be alone most of the time. Kaya nga matagal ko na siyang pinipilit na sa Eretria na lang mag-stay para magkaroon siya ng mga kaibigan. He can be a good friends with Shaun and the Adriatico's.
"By the way ikaw? May boyfriend kana no?" Muntik naman akong mabulunan sa kanyang sinabi.
"Ha! nagulat ka I knew it TITA-"
"Jace stop it! Hindi alam ni Mommy," pagpipigil ko sa kangyang pagtawag kay Mommy.
"Bakit hindi alam ni Tita? Siguro sanggano yang boyfriend mo no?"
"No! as if naman magkakagusto ako sa mga hindi matino no," sagot ko pabalik sa kanya. I can't believe pag-iisipan niya ako na gano'n ang taste ko.
Nag-stay sa amin sina Jace hanggang hapon kinabukasan. Kailan na namin kasing bumalik ng Eretria para sa party ng mga Adriatico.
Pagbalik ko sa Ereteria matapos ang ilang linggo na bakasyon ko sa Manila ay parang naninibago ako. Even our house parang naninibago na din ako hindi na ako sa sanay sa bahay namin dito.
"Miss Shana nandito po si Sir Clyden." Napahinto naman ako sa pagkain at nilingon si Manang.
"Hala manang papasukin niyo po. Pasabi na rin po kay Kuya Rey tulungan si Cly baka dala yung gown ko," sabi ko kay Manang habang nginunguya ko yung isang buong kanin na sinubo ko kanina.
Uminom ako ng juice at hinugasan ko na yung plato ko bago ko sinalubong si Clyden sa sala namin. Naglakad nanako papunta sa sala namin at nakita ko sina Kuya Rey at Clyden na may dalang malaking box. Sumunod ako sa kanila papunta sa silid ko. Nang nasa loob na kaminsa silid ay kaagad na lumabas din si Kuya Rey. Kaming dalawa ni Cly ang naiwan sa loob.
"Hi? I missed you," sabi nito. Niyakap at hinalikan niya ang noo ko.
"I missed you too. Kumain kana?" tanong ko sa kanya habang nakayakap padin ako sa bewang niya.
"Kakatapos lang naming mag miryenda. Bukas na yung party ako ang partner mo ha?"
"Ayaw ko nga."
"Nakabili na ako ng tux na bagay dun sa gown mo," sabi niya sa akin at ngumiti siya ng mapang-asar.
"Hala ang feeling oh. Hindi pa ako pumayag eh," reklamo ko habang nak pout ako sa harap niya.
"Para sa'yo ready akong maging mafeeling Shana," he said and then gave me a peck on the lips. I was surprised na ginawa niya yun.
"Oh I guess ikaw na yung partner ko sa party," nakangiti kong sabi sa kanya.
Clyden stayed at my room up until night. Basta nasa kwarto lang kami nakaupo sa sofa ko nagkukwentohan. Lumipat din kami sa bed ko para matulog dahil gusto kong matulog.
Kinagabihan bago ako matulog ay tumawag sa akin si Aiden.
"Yes Lover boy," pagsagot ko sa kanyang tawag sa akin.
"Aamin na ako bukas kay Annia," sagot nito sa akin. Napangiti naman ako sa kanyang sinabi at nagexcite dahil finally aamin na siya.
"Waaah excited huhuhu. Napakabagay niyo sa isa't-isa."
"Huwag mo jinx! kapag ako rineject babatukan kita tignan mo," sabi nito sa akin. Tinawanan ko lang siya.
"Nye nye kapag nareject ka kasalanan mo na yun."
"Alam mo ang supportive mo talaga," inis na sambit ni Aiden sa akin. Natawa ako dahil nainis ko nanaman siya.
"Pero seryoso kapag nireject ka ni Annia iyak kana lang. De joke lang kapag nireject ka niya find someone else."
"What do you mean?"
"If nireject ka niya huwag mo na habulin you don't deserve her kapag gano'n."
"Shana..."
"I know na siya lang ang gusto mo but you don't deserve someone na hindi kayang ibigay pabalik sayo yung pagmamahal na binibigay mo," seryoso kong sabi. Aiden is important to me any away ko siyang masaktan ng dahil sa babae.
"Bumalik kana lang pagloloko sa akin please. Kapag naseseryoso ka parang nagdadalawang isip ako eh," he said and I even heard him chuckle.
"Aiden shut up! kaibigan kita ayaw kitang masakta, but kung si Annia talaga gusto mo wala naman ako magagawa. Just make sure that she will treat you right."
"I know she will treat me right, Shana."
"At kapag ikaw naman ang nagloko hindi kita kakampihan. Bahala ka ni kakausapin hindi kita kakausapin."
"Do you think kaya kong magloko sa kany?"
"Hindi natin alam Aide." Humikab ako matapos kong magasalita.
"Inaantok kana? You should sleep baka mukha kang zombie bukas sa party niyan," he said and laugh. Umirap ako kahit hindi naman niya makikita ang irip ko. Binababa ko na ang tawaga at ipinatong sa side table ang phone ko.
Kinaumagahan ay nagising ako sa sunod-sunof na katok ni Mommy sa pintuan ko.
"Shana gumising kana!"
Kinuha ko ang phone sa tabi ko para tignan ang oras. Nanlaki naman ang aking mga mata noong nakita ko kung anong oras na. It was 10:30 AM, what? Ang aga ko nang natulog kagabi ah. Mabilis akong tumayo sa kinahihigaan ko at dumeretso ako sa banyo para maligo. After kong maligo ay nagsuot ako ng normal na pambahay ko.
"Nagpuyat ka ba kagabi?" salubong na tanong sa akin ni Mommy pagbaba ko mula sa aking kwarto.
"Hindi naman po Mommy. Ang aga ko nga pong natulog eh. Si Dad nasaan Mommmy?" Humalik ako sa pisngi niya bago ako umupo sa bakanteng upuan sa dinning table.
"May pinuntahan plantation," sagot ni Mommy sa akin at nagsimula na siyang kumain.
"May plantation tayo?" gulat na tanong ko kay Mommy. Sa buong buhay ko ngayan ko lang nalaman na may plantation kami dito sa Eretria.
"We have, hindi mo alam? Sa atin yung mango plantation," casual na sagot ni Mommy sa akin. Ako naman ay gulat parin sa nalaman kong impormasyon.
"H-how? The mango plantation na medyo lalagpas lang ng konti sa may cotton plantation?" nagtatakang tanong ko. I still can't believe na mayroon kaming plantation.
"Yes. How come hindi mo alam? Sinabi namin yun noon sa'yo." Mommy is now looking me with a confusion on her face.
"I don't remember na may nasabi kayo sa akin Mom," sagot ko sa kanya habang sumasandok ako ng kanin.
"Baka nawala lang sa isip mo. Usually kasi nasa manila kami for our other business, but we still have the mango plantation here and you father is planning to widen out business using the mangoes."
"Like hindi na lang po shipping around the country?"
"He's planning to make different varieties of snacks using the mangoes," sagot naman ni Mommy sa akin. Tumatango tango lang ako sa kanya, I'm glad that my father is planning to broaden our business.
Ang alam ko ay mayroon kaming automobile business like the different types of luxury or regular cars. I just the basics of our business because Mommy wouldn't let me participate because she wants me to take a work that I love. Hindi naman niya ako pinipilit na mag manage ng company namin, but I know na kapag tumanda na ako ay ako padin ang magmamaja at mag-ma-mange ng company namin.
"Goodmorning, Clyden!" masiglang bati ko kay Cly noong sinagot ko ang kanyang tawag.
"Goodmorning too. Kakagising mo lang ba?" tanong niya sa akin. May naririnig akong iba't ibang klaseng ingay mula sa paligid niya. Inaayos na siguro nila ang kanilang mansyon para sa party mamaya.
"Nope kanina pa. Nag-breakfast kasi ako kaagad paggising ko," sagot ko sa kanya. Umupo ako sa bed ko at sinusuklayan ko yung buhok ko. Nag-blow dry lang kasi ako kanina at hindi na ako nakapagsuklay sa gutom ko.
"Nagising kang gutom no?"
"Oo hehehe. Hindi ako nakapag midnight snack kaya nagutom ako."
"Masyado kang nasanay sa convenience store midnight snacks ah!" Narinig ko ang pagtawa niya mula sa kabilang linya.
"Ang sarap kaya! Atsaka parang ang cute nung kumakain sa labas kapag gabi."
"You are definitely a city girl na nasa province."
"I love Eretria and all but the city vibes is really for me."
"Clyden anak halika nga dito at tulungan mo ako!" Naring kong pagtawang ni Tita Anna kay Cly.
"Mama is calling for me. I'll call you later, ako magsusundo sa'yo."
Pagkababa ng tawag ni Clyden ay inayos ko na yung mga accessories na gagamitin ko. Ang sabi din ni Mommy at baka maaganh dumating ni stylist dahil dalawa kaming ayusan niya. it's currently 2:30 in the afternoon noong dumating yung stylist si Mommy ang una niyang inayusan Habang ako ay nakahilata pa sa sofa namin nanonood ng tv.
"Shana umayos ka nga ng upo!" sayaw sa akin ni Mommy noong nakita niya ako sa mirror.
"Maayos naman ang pwesto ko Mommy," sagot ko sa kanya habang kumakain ako ng cookies.
"Maayos ba yang nakadapa kang nakahiga habang kumakain? Atsaka may ibang tao dito sa bahay."
"Hay nako madam hayaan niyo na po si Miss Shana, normal lang po talaga minsan yung ganyan. Kahit nga po yung anak ko ganyan minsan sa bahay," nakangiting sambit noong make up artist.
"Oh Mommy sabi ni Ate Lyn okay lang daw. Atsaka huwag ka masyado magsalita bahala ka masisira niyang make up mo." Tumawa ako noong sumimangot si Mommy. Nag-eenjoy talaga ako kapag inaasar ko pagminsan si Mommy.
Makalipas ang ilang oras ay ako na ang naka upo sa kinauupuan ni Mommy kanina. Nakasuot muna ako ng bathrobe dahil sabi ni Ate Lyn lalagyan niya muna ako ng base makeup bago ko suotin yung gown ko. Napatingin naman ako sa may bintana at napansin ko na palubog na ang araw. Great baka anytime soon darating na si Cly.
"Miss Shana isuot mo na yung gown po para maayos na natin yung makeup and hairstyle mo."
Umakyat ako sa taas at sumunod naman siya sa akin dahil dala yung makeup kit dahil sa taas na niya daw ako aayusan. Pagkasuot ko ng gown ay umupo muli ako upuan na dinala niya dito sa room ko.
After ng ilang minuto ay ang buhok ko naman ang inaayos ni Ate Lyn. I was wo satisfied on my make up right now, bagay na bagay siya sa suot kong gown.
"Mis Shana low bun ang gusto mo right? Can i curl your hair para sa volume?"
"Oo sana Ate Lyn. Of course pwede niyo pong icurl."
"Baka kasi ayaw mo i-curl. Sobrang straight kase parang nakakatakot i-curl."
"Ano kaba Ate Lyn you can do anything on my hair kaya nga ikaw pinatawag ko na stylist eh," nakangiting sabi ko kay Ate Lyn.
"Okay sabi mo yan ah. Atsaka baka kapag nakita mong curly ang buhok mo baka magustohan mo," natatawang sabi nito hahang isinasaksak niya yung pang curl.
"I bet it would look good on me but I would still go for straight hair."
"Oo nga para sa akin isa sa best features mo yung super straight hair mo."
Nagpatuloy kami sa pag-uusap ni Ate Lyn habang inaayos niya ang buhok ko. Ilang minuto pa ang lumipas ay tapos na siya. Napanganga ako sa end result ng itsura ko, para naman ako yung main character niyan eh.
"Magsusuot ka ng accessories?" tanong niya sa akin habang nakatingin siya sa vanity table ko.
"Oo sana Ate Lyn help me to choose?"
"Sure! Nakikita mo yang nakadisplay na siver necklace na may diamonds? Bagay yan sa gown mo. And for the earrings wear a simple long drop earrings. I would suggest to wear a thin silver bracelet," sambit ni Ate Lyn habang tinuturo niya ang mga jewelries ko.
"Okay Ate Lyn. Can you please help me to lock my necklace?" tanong ko sa kanya habang sinusuot ko yung necklace ko.
After hours of preparation ay natapos na din ako. Nasa kwarto padin ako hinihintay ko na dumating si Cly sabi niya kasi siya magsusundo sa akin. Habang hinihintay ko siya ang nagpicture ako at sinend ko ito kay Shaun.
To Shaun;
Sayang wala ka sa party you won't see this beauty in person. *attached a photo*
Inilagay ko sa loob ng gold purse ko yung phone ko at binuksan ko na yung pintuan ko dahil narinig ko ng kumatok si Clyden. Pagbukas ko ng pintuan ay mabilis na nagbago ang istura ni Clyden. He look so serious noong binuksan ko ang pintuan pero noong nakiya niya ako ay parang natulala ito. Nakatingin lang siya sa akin at nakaawang ng kaonti ang kanyang bibig.
"Cly? yohooo?"
"Damn you are so pretty. I think I forgot how I'm just right now."
"Yah ano ba Clyden pinapakilig mo naman ako eh," sabi ko at hinampas ko siya sa kanyang braso.
"I can't believe that the most beautiful woman in the world is standing in front of me."
~~