Chapter Twenty Four
Staying here in Manila as a summer vacation is making me wanted to stay here forever. It really makes do what I want, parang nagagawa ko ang lahat ng gusto ko kapag nandito ako. Parang dito yung gusto ko na titirhan ko dahil sa mga pasyalan dito.
Shopping, amusement parks, museum, and 24/7 convenience store. Usually kasi kapag gabi nag-c-crave ako ng kung ano anong pagkain. At mabuti at laging gising si Clyden kapag nag-c-crave ako. Ayaw niya kasi na mag-isa akong bumili, ang layo ng bahay nila sa amin pero pinipilit niya padin na siya ang magdadala ng pagkain sa akin dito.
"Magkakaroon ng party sa mansyon sa friday," salubong na sabi sa akin ni Dax. Kasama niya si Cly ngayon binibisita niya ako.
"Ano meron?" tanong ko at umupo sa isang bakanteng sofa dito sa sala namin.
"Ewan naiinip ata sina Mama ta biglang naisipan na mag-pa-party," sagot ni Clyden bago niya halikan ang aking pisngi at umupo sa tabi.
"Mamimili sila ng gown ngayon sama ka daw sabi ni Mama sa akin," ani naman ni Daxon at lumingon siya kay Clyden.
"Kinukulit din ako ni Mama. Bibigyan ka daw niya nung chocolate mousse niya."
"Magpapalit lang ako ng dapat sandali." At kumaripas na ako ng takbo papunta sa kwarto ko.
Nagsuot ako simple lavander a-line dress na may cross strap sa likod. Napili kong i-partner ang mga ito dun sa bagong sandals na nabili ko noong nag-mall kami ni Clyden last saturday.
"I don't get it bakit mag-pa-party sina Mama na walang okasyon gano'n na ba sila ka bored?" tanong ni Daxon na nakaupo sa backseat ng kotse.
"Baka naman for investors na din yung party? I don't know. Hayaan mo na lang sila mas okay na yan kesa sa ipa-arrange marriage ka," sagot naman ni Clyden habang nasa daan padin ang tingin.
Wala sa tradisyon ng mga Adriatico ang mag-arrange marriage. They let their son or daughters to choose whoever they wanted to marry.
"Mabuti nga hindi yung ginagawa nina Tita yun eh. Oo nga pala si Aiden?" tanong ko sa dalawa. Ngayon ko lang naalala na bat hindi nila kasama ito.
"Sinabayan si Tita Cali. Pinilit ni Tita Cali na siya na mag-drive para sa kanya eh." Tumago lang ako sa sinagot ni Daxon sa akin.
"Choose a gown I'm gonna pay for it," ani ni Clyden habang pinapark niya ang kotse.
"Naks sugar daddy na sugar daddy ang dating ah," pang-aasar naman ni Daxon sa kanyang pinsan. Natawa ako sa sinabi niya habang si Cly naman ay nakasimangot.
Nilapitan ko siya at humawak ako sa braso niya bago kami nagsimula maglakad papasok ng mall. Naglalakad naman sa likod namin si Dax na reklamo ng rekalamo. Ginawa daw namin siyang third wheel, hindi siya pinapansin ni Clyden. Ako naman ay tinatawananan ko siya.
Pagpasok namin sa mall ay nakita ko sina Tita Anna sa harap ng isang boutique store. Inalis ko ang pagkakahawak ko sa braso ni Clyden noong makapasok namin. Parang nagulat ito sa ginawa ko at tinignan niya ako. Noong napansin niya ang kanyang mga magulang ay tumango na lang ito. Hindi pa kasi namin nasasabi sa kanila hanggang ngayon kung ano meron sa aming dalawa. I'm worried na baka ayawan nila ako.
"Shana," tawag sa akin ni Aiden noong malapit na lang kami sa kanila. Sinulyapan ko si Clyden bago ako naunang naglakad para lapitan si Aiden.
Noong makalapit ako kay Aiden ay niyakap ko siya. Ilang linggo ko siyang hindi nakita ah, parang may kulang sa akin kapag hindi ko siya naasar ng harap-harapan.
"Tita Anna, Tita Mille at Tita Cali hello po," nakangiti kong bati sa mga ginang na nakatingin ngayon sa akin.
Nilapitan ako ni Tita Anna at niyakap niya ako, "Shana how are you darling? Parang mas lalo kang gumanda ah."
"Oo nga parang mas bagay mo na dito sa Manila nakatira," sabi naman ni Tita Millie at nakipag beso siya sa akin.
"Ano ba kayo kahit naman nasa Ereteria yang si Shana maganda siya no," ani naman ni Tita Cali at nakipagbeso din siya sa akin.
"Nako salamat po Titas," nahihiya kong sagot sa kanila.
"Hay nako pinalalaki niyo nanaman ang ulo nito si Shana."
Naramdaman ko ang paggulo ni Aiden sa aking buhok. Tinignan ko siya at sinimangutan, hahampasin ko na sana siya pero tumakbo siya palayo sa akin. Hinabol ko siya hanggangg sa makalay kami, naririnig ko ang pagtawag sa amin nina Tita pero desedido ako na mahampas itong si Aiden. Noong naabot ko na siya ay pinaghahampas ko siya sa braso.
"Napaka mo talaga nakakainis ka!"
"Aray Shana tama na," tumatawa niyang sabi habang hinahampas ko padin ang braso niya.
"Nakakainis ka kaya no. Tagal kitang di nakita tas pang-aasar kaagad ang sinasabi mo."
"Sus di nalang kasi sabihin namiss ang kapogian ko."
"Mandiri ka nga!"
Tinalikuran ko siya at tinignan kung nakasunod sa amin sina Tita. Pero masyado silang malayo sa amin kaya hihintayin na lang nin sila dito. Nilibot ko ang paningin ko kung saan kami nakatayo ngayo. May nakita akong nagtitinda ng ice cream kaya naman hinila ko si Aiden dun sa stall para ibili niya ako.
"Anong flavor?" tanong niya noong nasa counter na siya.
"Rocky road, yung malaki ah!" Tumango siya sa akin at kinausap muli yung kumukuha ng order.
Tumingin tingin naman ako ng makakain na pwede ko pang ipabili sa kanya. At ilang minuto lang ang lumipas ay may naramdaman na akong malamig na kung ano na dumampi sa pisngi ko.
"Uy gagi ang lamig!" reklamo ko dahil parang walang balak itong si Aiden na alisin yung cup sa pisngi ko.
"Ang takaw mo talaga. Kapag yan hindi mo naubos babatukan kita," sabi nito sa akin habang inaabot ang ice cream sa akin.
"Isusumbong kita kay Clyden sige ka!" Sumubo kaagad ako ng isang scoop nung ice cream.
"Ang daya may resbak."
"Kamusta pala kayo ni Annia? Umamin kana?"
"Hindi pa. Sa party ako aamin sa kanya," ngumanganga ito na parang nagpapasubo ng ice cream. Hindi kasi siya bumili ngs sa kanya kaya itong binili niya sa akin ang kanyang kinakain.
"Tsk bat di ka kasi bumili ng sa'yo." Nag-scoop naman ako ng ice cream at ipinasubo ko sa kanya. "Siguraduhin mo magiging kayo ha?"
"Bakit parang threat naman yan?" natatawang sabi nito at kinuha ang kutsara ko at sumubo ito ng ice cream. Inirap ko siya at inagaw yung kutsara sa kanya.
"Oo threat na talaga yan ang tagal mo kumilos eh!"
"Oo na! Ang panget mo," sabi nito sa akin.
"Mas panget ka!" asar na sabi ko sa kanya.
Napansin ko na napapatingin pala ang mga napapadaan sa aming dalawa. Ito kasing si Aiden ang lapit sa akin at tas nakikikain pa dito sa ice cream ko. Pati yung pinagbilhan niya ng ice cream ay nakatingin sa amin.
"Nako mag-jowa pala sila akala ko magkapatid sila kanina."
"Kita ko nga nagsusubuan sila ng ice cream kanina."
"Yah kaiinggit naman gusto ko din gano'n."
Iilan lang yan sa mga bulong na rinig ko sa mga tao. Lumayo ako kay Aiden at mabuti na lang na nandito na sina Tita.
"Kayong dalawa talaga kapag nagkikita kayo away kaagad ginagawa niyo," ani ni Tita Cali at tinignan kaming dalawa ni Aiden.
"Si Aiden po kasi masyadong mapag-asar eh!"
"Nako Aiden ikaw ah lagi mo inaasar yang si Shana baka kayo pa magkatuluyan niyan," natatawang sabi ni Tita Anna.
"Mama/Tita naman!" sabay na sabi nina Aiden at Clyden si Daxon naman ay nagkibit balikat lang.
"Ate Anna talaga kahit kailan. Pwede naman na magkaibigan ang babae at lalaki no," ani naman ni Tita Millie at sinulyapan niya ako. Does she know?
"Eh kung mag-away kasi parang mag jowang nag-aasaran eh," sabi naman ni Tita Cali at tumawa siya.
"Ganyan lang po talaga yang dalawang yan Tita Cali parang magkapatid na away yung sa kanila," sabay naman ni Dax.
"Hay nako tara na mamili na tayo ng gown para naman makapag lunch na tayo," pagyaya ni Tita Anna.
Nauna silang maglakad sa amin at naiwan kaming apat. Sa likod nila kami naglalakad. Kasabay ko si Clyden sa likod naman namin ay sina Dax at Aiden.
"Malapit na akong masuka sa pag-aakala nina Tita sa atin ah," sabi ko at liningon ko si Aiden na nasa likod ko.
"Kapal ah kala mo ba ako hindi?" sagot maman niya pabalik sa akin.
"Tumigil na kayong dalawa bahala kayo mas lalo kayong aasarin ng mga yon," pag-aawat ni Dax sa aming dalawa ni Aiden.
"Ito kasing si Aiden pa umamin kay Annia masyadong torpe eww."
"Shana tama na," mahinang sabi ni Clyden. Liningon ko nanamn siya at nakatingin siya sa akin.
Itinikom ko yung bibig ko, humawak ako sa braso ni Clyden at niligon ko muli si Aiden. I gave him a death glare tumawa naman siya si Dax naman ay napailing lang sa aming dalawa.
After ng ilang minutong paglalakad ay huminto kami sa isang minimalist pastel color na shop. Pumasok sina Tita Anna at sumunod kaming tatlo. Sinalubong kami ng isang sales lady at sina Tita Anna ang kinausap niya.
"For her po ba Mrs. Adriatico?" tanong noong sales lady at habang nakaturo ito sa akin.
"Yes, please find a gown thay would look good on her."
Iginaya ako noong sales lady sa pinakaloob ng kanilang shop. Pagpasok namin sa loob ay napanganga ako sa dami nung mga gown na naka-display at ang gaganda ng mga ito. Pero may isang gown na naka agaw ng pansin ko.
It's a Sequin Floral Embroidery maxi length, round neck, half sleeve, lace & polyester material in a shade of blue gray evening gown.
"May nagugustohan ka ba miss?" tanong sa akin noong sales lady na nagdala sa akin dito.
Itinuro ko sa kanya yung gown na nakita ko kanina. Tinignan niya ito at bumalik ang tingin niya sa akin. "Are you sure? Mayroon pa kaming iba dito. I don't think that gown would show you features so much."
Napatingin naman ako dun sa mga nakaglass shelves na gown niya. And then a long black sequence silk night gown with a slit 3 inches above the knee. It has a very low v-neck line and it was a backless with a very thin strap.
"How about this Miss?" At itinuro niya yung long black gown. Tumango ako sa kanya at binuksan niya yung glass door at inilabas niya yung gown.
Inabot niya sa akin ito at itinuro niya ang fitting room sa akin. Pagpasok ko sa fitting room ay hinubad ko yung suot ko na dress at sinuot ko yung gown na binigay sa akin. Pagsuot ko sa gown ay napangiti ako noong sinuot ko yung gown. All of my curves are so visible and it compliment all of my body features. My colar bone, my body shape and my back.
"Shana Hija kapag nasukat mo na lumabas ka sa fitting room para makita namin," rinig kong sabi ni Tita Anna.
Nanggagaling ito sa isang pintuan sa kaliwa ko. Nag-low bun ponytail muna ako bago ko binuksan yung pintuan at lumabas. Paglabas ko ay nakita ko ang iba't ibang expression nila.
Si Tita Anna na nagulat noong lumabas ako sa fitting room. Si Tita Millie na napanganga at si Tita Cali na napahinto sa pagsasalita. Daxon is looking at me, Aiden is looking me from head to toe and there's Clyden who did all of that. Napansin ko din ang paggalaw ng kanyang adams apple sa paglapit ko sa kanila.
"How do you like it Mrs. Adriatico? I really think that this gown showed Miss Shana's features," sambit noong sales lady na nasa likod ko. Hinawakan niya ako sa balikat at pinatalikod niya ako.
Noong nakatalikod ako at nakarinig ako ng maghinga ng malalim mula sa kanilang lahat.
"Wow! Shana you do so stunning. That gown really suits you," ani ni Tita Anna noong naka recover na siya sa pagkakagulat kanina.
"Nagulat nga ako noong lumabas siya sa fitting room parang kahit daretso party na siya walang ayos ayos ay pwede na. You are so gorgeous Shana," sabi naman ni Tita Millie. Ramdam ko ang pamumula ng pisngi ko sa mga compliment na sinasabi nila sa akin.
"She look like a young Monica Bellucci," sambit naman ni Tita Cali. Tumango-tango naman sina Tita Anna at Tita Millie sa kanya, hindi ko kilala kung sino ang sinasabi nila.
Napadako naman ang tingin ko kay Clyden na kanina ko pa ramdam ang mga tingin niya sa akin. Magmula kaninang lumabas ako ng fitting room ay nakatingin lang siya sa akin. Kung hindi lang siguro siya tinapik ni Dax sa balikat at nakatulala padin ito sa akin.
"We will buy that paki box na. Isabay mo dun sa gown na inorder ko," sabi ni Tita Anna.
"Noted Mrs. Adriatico. Let's go Miss Shana?" Tumango ako sa sales lady at bumalik na ako sa fitting room.
Noong makapagpalit ako ay hindi ko na inalis ang pagkakabun ng buhok ko. Lumabas ako at nakita ko nakatayo na sina Tita Anna yung tatlo na lang ang nakaupo.
"Kakain muna tayo ng lunch bago natin ituloy ang paghahanap ng gown. Ako na lang naman ang wala pang gown eh," ani ni Tita Cali. Sumangayon naman sina Tita Anna at Tita Millie sa kanya.
Habang naglalakad kami ay tahimik padin si Clyden kapag tinitignan ko siya ay umiiwas siya ng tingin sa akin.
"Tulala kapa din hanggang ngayo Cly?" natatawang pang-aasar ni Dax sa kanya.
"Magmula kaninang lumabas ng fitting room si Shana tulala kana," pang-aasar ni Aiden. Silang dalawa ni Daxon ay tumatawa habang si Clyden ay nakatingin lang ng masama sa kanila.
"Why? Panget ba yung gown? Hindi ko ba bagay?" nag-alala kong tanong kay Cly.
"No! You look good on that gown," maagap na sagot ni Clyden. Narinig ko naman at pagtawa noong dalawa sa likod namin.
"Natulala nga sa ganda eh!" sabay na sambit nina Aiden at Daxon. Tumalikod si Cly at binatukan niya yung dalawa. Mukhang kanina pa siya nagtitimpi sa pang-aasar nila sa kanya.
"Tigilan niyo na ako ah," sambit ni Clyden at tumawa lang yung dalawa.
Hanggang sa makarating kami sa restaurant na napili nina Tita ay tumatawa padin siya. Nagtatanong tuloy sina Tita kung ano tinatawanan nila. Tignan sila ni Cly at nanahimik silang dalawa.
"Shana honey what do you want?" tanong sa akin ni Tita Anna na nakaupo sa upuan na nasa harap ko.
"Rib eye steak po Tita Anna," sagot ko sa kanya.
"Gano'n na din ang sa akin Mama, and pineapple juice."
"Kayong dalawa para kayong baliw kanina pa kayo tawa ng tawa. Mag-order na nga kayo!" Pinagalitan ni Tita Millie sina Dax at Aiden dahil nasisimula na naman silang tumawa.
"Roast beef and orange juice ang sa akin Tita Anna," sabi ni Aiden at inabot na yung menu book kay Dax.
"Chili garlic pork yung sa akin," ani naman ni Daxon.
Nag-order na din sina Tita halos puro salad ang inorder nilang tatlo. Natawa ako sa contrast ng order namin sa order nila. Meat ang mga inorder namin ang sa kanila naman ay puro gulay.
"Ipapahatid ko na lang kay Clyden yung gown kapag pinadala na sa bahay namin, Shana."
"Sige po Tita Anna, sabihin niyo na lang po kay Mommy para mabayaran niya," nahihiya kong sagot kay Tita Anna.
"Ha? Ano kaba Shana sagot na namin yung gown mo no," naka ngiting sagot ni Tita Anna sa akin. Tumango namab sina Tita Cali na pagsasangayon sa kanya.
"Kung gusto mo Shana sa akin na lang ipadala ni Tita yung bayad. Send ko mamaya sa kanya yung bank account ko," sabi namano Daxon habang nakangiti.
"Daxon parang tanga. Masyado kang nagmumukhang pera ah!" saway ni Tita Millie sa kanya. Natawa naman si Aiden sa pagsasaway kay Dax.
"Nako tumigil na nga kayo."
Dumating na yung inorder naming pagkain at nagsimula na kaming kumain. Naging tahimik kaming lahat habang kumakain kami. Si Aiden ay nahinto sa pagkain at nagsimulang mag tipa ng text aa kanyang phone. Kapag nababasa niya ang reply sa kanyang text ay napapangiti ito.
"Lover boy may bago ka nanaman bang babae?" tanong ni Tita Millie sa kanya.
"Nako Mama si Annia yung ka-text niyan," sabat naman ni Daxon. Napangiti naman si Tita Anna at Tita Millie sa sinabi ni Dax.
"Mukhang si Annia ang nagpapatino sa'yo ah," sabi naman ni Tita Anna. Si Aiden ay namumula ba ang pisngi sa mga sinasabi nina Tita ngayon sa kanya.
Nawala ang pansin ko kay Aiden noong naramdaman ko na hinawakan ni Cly ang kamay ko. Napangitin ako sa kanya pero normal parin ang tingin niya. Parang wala siyang hinahawakan na kamay sa ilalim ng table. Hanggang sa matapos kaming kumain ay hawak ni Cly ang kamay ko. Hinayaan ko siya dahil sa maghapon na ito ay minsan lang kami nagkasama ng kaming dalawa lang. Holding hand under the table is the least we can do right now.
"Tita Anna uuwi na po ako," pagpapaalam ko kina Tita noong natapos akong kumain.
"Hala bakit Shana? May probelma ba?" nag-alalang tanong ni Tita Anna sa akin.
"Dumating po kasi yung Tita ko from my mother side at pinapauuwi na po ako ni Mommy. Nasa labas na po yung driver namin," sagot ko sa kanya. Para naman siyang nakahinga ng maluwag sa aking sinagot.
"Mag-iingat ka ha?"
"Mama hatid ko po muna siya sa labas," pagpapaalam no Clyden. Bago ko sila iwan at niyakap ko muna sina Tita pati na din sina Aiden at Daxon.
Noong nakalayo na kami sa kanila ay niyakap ko ang braso ni Clyden. Napangiti naman siya sa ginawa ko.
"Gusto mo na bang sabihin kina Tita Anna?" tanong ko sa kanya habang naglalakad kami palabas ng mall.
"Ikaw gusto mo na bang sabihin sa kanila? Ang desisyon mo lang naman ang hinihintay ko."
"Maybe kapag senior high school na lang ako?"
"Are you?"
"Yep. Let's just enjoy this relationship with ourselves."
"Of course we will. I will be your date sa party sa amin ha?" Tinignan niya ako at ngumiti ako ng matamis sa kanya.
"Titignan ko," nakagiti ko pading sabi sa kanya. Mabilis na nagbago ang expression niya sa mukha noong sinagot ko iyon.
"May iba kapa bang binabalak na date bukod sa akin?"
"Shaun? Jacob? hmm sino kaya pwede sa kanila."
"Wala. May date na sila kaya ako na lang ang date mo!"
Natawa naman ako sa tunog ng kanyang boses ngayon. Para siyang naiinis nagseselos. Mas inilapit ko ang sarili ko sa kanya habang yakap yakap ko siya sa braso.
"Are you jealous?" malambing kong tanong sa kanya.
"Yes I am. After seeing you with that gown. Hindi ko alam kung kakayanan ko na may ibang lalaking hahawak sa sayo."
"Kaya kaba natulala kanina?" tanong ko sa kanya.
"Nag-iisip ako ng paraan kung paano ko ilalayo ang tingin nung dalawa sa'yo! Naiinis ako na gano'n ang tingin nila kanina sa'yo," naiinis na sabi ni Clyden. Natawa naman ako sa kanyang rason kung bakit siya natutulala kanina.
"So kaya ka pala tulala kasi nagseselos ka?"
"Oo! I want you to be mine only. Gusto ko ako lang nakakakita ng kagandahan mo Shana. Gusto ko ako lang," bulong niya sa akin.
Parang nandig ang mga balahibo ko noong bumulong siya. Nanlambot din aking mga tuhod, mabuti at naka kapit ang sa kanyang braso. Hindi ko aakalaing sasabihin niya ito sa akin habang nasa public place kami. Inalis niya ang kamay ko sa braso niya at hinawakan niya ako sa bewang ko. Parang drum ang tinatambol ang puso ko ngayon dahil sa ginawa niya. Napaka bilis ng t***k ng puso ko ay parang anytime soon ay lalabas ito sa ribcage ko.
"What are you doing? Nasa public place tayo," mahina kong sabi sa kanya. Mas lalo niya kasi akong inilapit sa kanya habang hawak niya padin ang bewang ko.
"Shana I'm jealous mag mula kanina and now I want to relived my jealousy by this," mahina niyang sabi habang nakatingin sa akin. Malayo pa kami sa exit ng mall pero dinadasal ko na sana ay mapalapit na kami dahil parang di ko kakayanin ang mga lumalabas sabibig nitong si Clyden.
I never seen hims jealous kaya hindi ko alam ang gagawin ko ngayon. It was the first time to see him like this mostly kasi masyado siyang kalmado kaya para akong nanlalambot sa mga ginagawa niya ngayon. Clyden is not the possessive type of person pero kapag nagselos siya ay gagawin niya ang lahat para maipakita na sa kanya ka lang.
"Cly they are yoy cousin come on. Atsaka alam mo naman na ikaw lang ang gusto ko diba?"
"That doesn't change the fact-"
"Shhh ikaw lang ang mahal ko okay?" pagpuputol ko sa kanyang sasabihin. The best way to fight his jealousy is by telling him na siya lang ang mahal ko. I know it will work dahil kitang kita ko ang pamumula ng kanyang leeg ngayon.
Clyden, each day para akong nahuhulog sa'yo. Parang hindi ko na kayang magmahal na iba kung hindi lang din naman ikaw. Wala na akong ibang gustong makasama sa aking buhay kung hindi ikaw.
~~