Chapter Thirty
"Shana come on ang ganda kaya nito no," ani ni Annia habang ipinapakita sa akin ang isang red above the knee dress.
"Seriously? ang ganda mo tas panget ng taste me sa damit ka loka ka," sagot ko sa kanya. I honestly like her fashion even noong nasa Ereteria pa kami but this red dress is so not her style.
"Ang cute kaya nito like yung ito na lag susuotin ko sa party sa bar gano'n," sabi pa niya habang hinahaplos ang tela ng damit.
"Kung isusuot mo yan sa bar mag kukunwari na lang akong hindi kita kilala no!"
"Ipang regalo kaya natin kay Alex? Malapit na din nag birthday niya eh."
"Alam mo sobrang inip mo naman ata para bilhin mo yang na regalo pars kay Alex," sabi ko naman sa kanya.
Nasa mall kami ngayon shopping you know. Bigla nalang nagyaya etong si Annia na after class daw magmall kami. Eh dahil hindi ako makatanggi sa gala ay heto kaming dalawa magkasama.
It's been 3 months simula noong huli ko siyang nakita ulit. And thankfully ay hindi bumalik ang takot ko, hindi ko din napanaginipan tuwing gabi yung lalaking naka itim. Although Jace is still worried about me and lagi niya akong pinupuntahan sa room ko. Even the night noong nakita ko si Shaun wala akong napanaginipan ko kaya naman ay nakaramadam ng takot ulit. Kahit naikwento ko sa kanya ang nangyari ay hindi yun naging rason para bumalik ang takot na naramdaman ko noon.
"Nakakainis kasi wala man lang bagong collection doon sa boutique na binibilhan natin ng damit," Annia said with a pout on her lips.
"Ang excited mo naman kasi eh ni hindi pa nga mag-iisang buwan noong huli tayong namili nagyaya ka nanaman."
"Akala ko kasi mayaroon na silang bagong collection no. Kita ko kasi sa social media ang ganda ng mga collection nila this month."
"Baka end of the month nila papalitan ang nasa boutique nila. Kumain na lang tayo,"ani ko at hinihila ko na siya palabas ng boutique.
"Hindi pa nga tayo nakabili ng damit nagyaya kanang kumain," sabi ni naman sa akin habang naglalakad na kami ngayon palabas ng boutique.
"Nagugutom na ako eh," reklamo ko habang nagtitingin ako sa pwede namin pagkainan.
Hindi ko talaga alam kung ano pumasok dito sa utak ni Annia at niyaya niya ako magmall. Malayo pa naman ang birthday nung tatlo kaya hindi naman siya naghahanap ng regalo sa tatlo.
Tinignan ko siya ngayon na tumitingin sa kanyang paligid na parang may pinagtataguan o tinatakasan.
"May tinatakasan ka no?" tanong ko sa kanya na para naman siya nagulat.
"Ha wala no!"
"Talaga ba? eh bat kanina kapa lingon ng lingon sa likod mo?" Tinaasan ko siya ng kilay.
"Kasi naman yung ex-boyfriend ko sunod ng sunod sa akin," sagot niya sa akin. Tumingin namanan ako sa likod niya at may nakita akong lalaki na naka cap na nakatingin sa akin.
"Diyan ka lang kakausapin ko."
Naglakad ako palapit sa lalaki na nakasilip parin sa kanyang pinagtataguan. Hindi niya ata napansin ang paglapit ko.
"Hoy! pwede ba itigil mo yang ginagawa mo!" Nagulat naman siya sa bigla kong paghila sa kanya at pag-alis sa suot ng cap.
"Si-sino ka?" Kita ko sa kanyang mga mata ang takot dahil sa bigla kong paghila sa kanya.
"None of your business. But my friend is feel so uncomfortable sa pagsunod mo sa amin!"
"She's my girlfriend," matapang niyang sagot sa akin.
"Girlfriend or not you dont have the rights ro follow her around. You know I can file a restraining order on you if patuloy mo kaming susundan."
Mukha naman siya natakot sa pagbabanta ko kaya kaagad niyang kinuha ang cap niya na hawak ko at umalis. Mabilis ang ginawa niyang paglakad palayo sa amin. Hindi nawala ang tingin ko sa kanya hanggang sa mawala siya sa aking paningin. Sa pagtingin ko sa mga tao ay may napansin ako na nagpabilis ang t***k ng aking puso. It's the guy wearing an all black suit again.
"Shana, are you okay?" nag-aalalang tanong sa akin ni Annia nakakalapit lang. Tumingin muli ako sa dereksyon kung saan ko nakita yung lalaki but wala na ito. Baka imagination ko lang yun.
"Wala lang gutom na ako. Tara?" pagyaya ko kay Annia. Tumango naman siya sa akin at nagsimula na kaming maglakad muli.
"Ano pala sinabi mo sa kanya para umalis?" tanong ni Annia at sinulyapan niya ako. Nakahawak siya ngayon sa braso ko habang naglalakad kaming dalawa.
"Sabi ko sasampahan ko siya ng kaso kapag di pa siya umalis. Ayun tumakbo natakot ata," sagot ko sa kanya.
"Nako ano sasampahan ng kaso para kang sira," sabi ni Anni sa kanya.
"Oo nga, yun yung magandang sabihin sa mga tao na sumusunod sa'yo tamo umalis siya kaagad."
"Sus nahawa ka lang kay Jace niyan eh," natatawang sabi ni Annia.
May isang araw kasi na maghapon sa amin si Annia at silang dalawa ni Jace nag-usap. Dahil sa may kailangan akong tapusin na paperworks. At ang pinagusapan nila maghapon ay tungkol sa mga kaso. Noong una ay interesado pa si Annia but when Jace dig deeper on some cases ay parang wala ng maintindihan si Annia. Natawa na lang ako sa istura niya noon, but she and Jace got a long pretty well. Ang akala ko nga aya baka maboring si Annia na kausap si Jace pero mukhang nag-enjoy naman siya noon.
Minsan naman kapag nagpupunta siya sa amin ay madadatnan ko nalang silang dalawa na nanonood ng tv. May snacks pa silang dalawa noon. Minsan naman ay naririnig ko silang nag-aaway sa kung sino ang dapat na makulong. Ewan hinahayaan ko na lang silang dalawa kapag gano'n.
"Sa'yo pa talaga nanggaling yan ah!" sagot ko sa kanya.
"O bakit naman?"
"Ay wala. Ayun tara doon tayo kumain!" Tinuro ko sa kanya ang isang fast food chain.
"Ugh! ayaw ko sa fast food. Mag restaurant na lang tayo," sagot niya sa akin at hinihila niya ako palayo.
"Saan naman?" tanong ko sa kanya. Nagkibit balikat naman siya sa akin.
"Ah alam ko na dun sa steakhouse tayo kumain!"
"Eh! Ayaw ko doon," sagot naman ni Anni ulit.
"Ang arte. Ang panget mo lang eh! Doon tayo kakain huwag mo ako aartehan bibingawasan kita," sabi ko sa kanya at inirap ko siya. Natawa naman siya sa pag-irap ko, I know na iniis lang ako ng lecheng to.
Pagdating namin sa restaurant ay nag-order na kami ng makakain naming dalawa. At habang naghihintay kami ng pagkain ay nakita naming dumadaan sina Karen. Si Annia kasi ang pinili niyang puwesto ay sa may glasswall. She really like this part of restaurant, gusto niya daw kasi nakikita ang mga tao na dumadaan sa may restaurant.
"Hoy bat kayong dalawa lang magkasama!" bati sa amin ni Karen pagpasok nila sa restaurant.
"Eto kasing si Annia nagyaya kasi may tinatasakan daw," s**o ko naman kay Karen.
Tumayo kami at lumipat sa isang table na mayroong anim na upuan. Dahil mukhang kakain din dito yung tatlo.
"Si Bruce ba?" tanong naman ni Alex. Nag-s-scan sila ngayon ng makakain nila sa menu book na nasa table.
"Oo, sunod ng sunod eh. Nakipaghiwalay na ako pero hindi niya matanggap," sagot ni Annia and she rolled her eyes.
"Sinabi ko naman kasi sa'yo huwag mo na patulan yun," sambit naman ni Layla at itinaas niya ang kanyang kamay para tawagin ang waiter.
"Kung sino sino na lang ata pinapatulan mo Annia."
"Pagsabihan mo yang kaibigan mo Shana. Every month ata nagpapalit ng jowa," Karen said. At ibinaling niya ang kanyang tingin sa waiter. "I want my steak to cook in a medium rare."
"Roast beef sa akin," Alex said to the waiter.
"Baby back ribs ang sa akin," Layla said. Sa kanilang pagbanggit ng order ay tango lang ang isinasagot ng waiter sa kanila.
"How about for drinks po Ma'am?"
"Coo berry smoothie," Karen said as she give the menu book to the waiter.
"Apple Iced tea." Layla then look at Alex na namimili parin ng iinumin niya.
"Chocolate milkshake," nakangiting sabi ni Alex at binalik ang menu book sa waiter.
Binanggit muli ng waiter ang mga order nila at noong tama ang lahat ay umalis na siya.
"So paano niyo napaalis si Bruce?" tanong ni Karen sa aming dalawa ni Annia.
"Itong si Shana tinakot niya na kakasuhan niya daw si Bruce kaya ayon natakot umalis," pagkukwento ni Annia kina Karen.
"Woah ang cool mo naman pala Shana. I bet hindi na lalapit ulit yun kay Annia," sambit naman ni Layla.
"Takot na takot nga kanina eh," tawa kong sabi sa kanila.
We talked about everything habang hinihintay namin ang order namin. Nakapagplano pa kami ng girls night out sa friday at thursday na ngayon. They sure like planning a day before the date.
After naming kumain ay naghiwa-hiwalay na kami dahil sina Karen at mamasyal pa daw. Kami naman ni Annia ay uuwi na dahil tumatawag na si Jace sa akin umuwi na daw sina Mommy. Habang pauwi kami ay tumawag muli si Jace.
"Ibili mo daw ng cassava cake si Tita Rina." At pinatay na niya kagad ang tawag.
"Annia daan tayo sa may kakanin shop. Nagpapabili ng cassava cake si Mommy," sabi ko kay Annia. Tumango siya sa akin at patuloy siya sa pagdadrive dahil medyo traffic. Traffic ang dahilan kung bakit ayaw ko nag-da-drive eh. I would drive at dawn but I won't drive at night especially kapag rush hour.
"Tita Rina really cassava cake no?" tanong ni Annia sa akin pagpasok ko sa kotse after ko bumili ng cassava cake.
"Ewan ko ba kay Mommy masyadong adik sa cassave cake." Ipinatong ko sa aking hita ang cassave cake na dala ko at nagsuot na ako ng seatbelt.
"I understand her naman kasi si Mommy is a chocolate addict," sagor ni Annia sa akin. Ipinasok na niya sa loob ng subdivisioni namin ang kotse niya.
"Yeah right! Maybe sa kanya ko nakuha ang pagkakaroon ko ng addiction sa garlic bread," sambit ko habang nakatingin sa window car dahil medyo madalim na sa labas.
Noong makarating kami sa bahay namin ay nagpaalam na ako kay Annia. Nakipagbeso ako sa kanya bago ako bumababa ng kotse at pumasok ng bahay namin. Sinalubong naman ako ni Mommy para kuhanin ang cassava cake niya.
"Parang mas excited kapang makita cassava cake kesa sa akin ah," sabi ko kay Mommy dahil pagkakuha niya nung cassava cake ay umalis na siya.
"Whatever Shana. Magpalit kana ng damit mag-di-dinner na niyan tayo," sagot naman niya sa akin habang patuloy siya sa paglalakad papunta sa kusina.
Umakyat naman ako sa kwarato ko para makaligo na ako. Inihanda ko yung bath tub ko, naglalagay ako ng lavander bath bomb. At hinubad ko na ang suot ko na uniform habang hinihintay ko na mapuno ang bath tub ko.
Lumabas naman ako muli sa banyo para ilagau sa vanity table ko ang nga suot ko na jewelries. At bumalik na ako sa banyo para makapagbabad na ako sa bath tub. Nag-stay ako ng siguro kalahating oras doon bago ako umahon at shower. Pagakatapos kong naligo ay nagbihis na ako ng patulog at bumababa na ako. Nang nasa kusina na ako ay nakita ko na ako na lang pala ang hinihintay nina Mommy.
"Ang tagal mo. Nag bath tub ka no?" tanong sa akin ni Jace. Umupo naman ako sa bakanteng upuanbsa tabi niya.
"Dapat ay after nating kumain doon ka nalang nag bath tub Shana," sabi naman ni Mommy sa akin.
"Nako hayaan mo na Honey. Maaga pa naman kaya okay lang yan," Pagtatanggol naman ni Daddy sa akin. Ngintian ko si Daddy at ngumiti siya pabalik sa akin.
Daddy became more affectionate to me since the incident happened in Ereteria. Parang lahat ng gusto ko ay binibigay niya, binibigay naman niya ang lahat ng gusto ko noon. Pero iba yung ngayon, minsan kahit hindi ko hinihingi ang isang bagay ay binibigay niya parin ito sa akin.
"Kumain na tayo baka lumamig yung mushroom soup na linuto no Mari," sabi naman ni Mommy at simula na siyang magsandok ng kainin nila ni Daddy.
"Shana how's your day Anak?" tanong ni Daddy sa akin.
"Okay lang naman po Dad. Kayo po kamusta? I bet it's tiring day for the both of you," ani ko habang nakatingin ako kay Daddy. He look at m with an awe expression on his face.
"It was tiring anak but seeing you pag-uwi namin ay nawawala ang pagod ko," nakangiting sagot ni Daddy sa akin.
"Nako kayong dalawa talaga. Sa tuwing kumakain tayp gumaganyan kayo," sambit naman ni Mommy.
"Mukhang may nagseselos anak ah," pang-aasar ni Daddy kay Mommy.
"Tigilan mo ako kumain kana," saway ni Mommy kay Daddy kaya natawa kaming dalawa ni Jace.
Habang kumakain ay naging tahimik kami ni Jace kagaya ng nakasanayan naming dalawa. Nagtataka naman sina Mommy sa amin ngunit hinayaan nalang nila kami.
Matapos kumain ay umakyat na ako sa taas. Si Jace naman ay umalis may sleepover daw siya sa bahay ng kaibigan niya. Inayos ko ang nga upuan na nasa balcony ko dahil doon ko balak mag review. Watching the stars while reviewing helps me to remember everything. Noong maayos ko na lahat ng kailangan ko ay nagsimula na akong magreview.
Ilang oras ang lumipas ay tumunog ang phone ko. An unknown number is calling me. Nagdalawang isip pa akong sagutin ito dahil it might be Aiden. Alam ko na kapag sinagot ko ang kanyang tawag ay hindi ko matutuloy ang hindi ko pagpansin sa kanya. Also maybe it was time para magkausap na kami.
"Hello?" mahina kong boses na sabi pagkasagot ko sa tawag.
"You look so beautiful a while ago." Para naman huminto ang pagtibok ng puso ko noong narinig ko ang sa kabilang linya. It's a voice changer sound voice.
"W-who are y-ou?" Nanginginig ang buong katawan ko ngayon. Natatakot ako ng sobra sa pwede niyang isagot.
"Aw you forgot about me? Nakita mo lang ako sa Eretria 2 years ago." Bumalik lahat sa akin sa kanyang sinabi. Nagsimulang tumulo ang mga luha ko at mas lalo akong naginig sa takot. This can't be, he can't be here.
Mabilis ko na pinatay ang tawag at tinakpan ko ang mukha ko habang umiiyak ako. Ilang minuto ang lumipas ay tumunog muli ang phone ko. Huminga ako ng malamim at sinagot ko ang tawag.
"Ano ba kailangan mo sa akin ha? Bakit mo ako sinusundan? Do you want to kill me?" I said as I stopped myself from sobbing loudly.
"Shana? What are you talking about? It's me Aiden." Nagulat naman ako noong marinig ko ang boses ni Aiden sa kabilang linya. Hearing his voice made me breakdown.
"A-ide-n help please?" nagmamakaawa kong sabi sa kanya habang umiiyak ako.
"Nasaan ka Shana pupuntahan kita."
"Sa amin please come here," pagmamakaawa ko sa kanya.
"I'm on my way. Wait for me."
Hindi ko pinatay ang tawag at pinakikinggan ko si Aiden na nag-da-drive habang umiiyak ako sa kabilang linya. Noong maaninag ko ang kotse niya sa baba ay pumasok ako sa kwarto ko. At hinintay ko siyang makapasok dito, ilang minuto pa ang lumipas ay pumasok na siya. Tumakbo ako palapit sa kanya at niyakap ko siya.
"What happened Shana?" nag-aalalang tanong niya sa akin habang umiiyak ako. Hinahaplos niya ang aking likod at mas lalong humihigpit ang yakap ko sa kanya.
"Aiden he's here. Sinusundan niya ako. I'm scared," I manage to say in between my sobs.
"Who Shana? Sino ang sumunod sa'yo dito?" tanong niya muli sa akin. Ngunit hindi na ako nakasagot dahil naiyak na lang ako sa takot dahil naalala ko ang itsura niya ulit noong gabi sa Eretria.
Hindi na ako tinanong pa ni Aiden pinakalma niya ako habang hinahaplo niya ang likod ko. Noong kumalma ako ay iginaya niya ako sa aking higaan. At noong lalabas na sana siya aking silid ay hinila ko siya. "Don't leave me please. Natatakot ako na baka pumasok siya dito."
Umupo siya a aking tabi at hinahaplos niya ang aking ulo. At sinusuklayan niya ang aking buhok habang he's saying some comforting words. Ilang oras ang lumipas ay pumasok sina Mommy at Daddy sa aking silid at mukhang nagulat sila noong nakita nila si Aiden sa loob.
"Aiden hijo what are you doing here?" tanong ni Mommy at lumapit siya sa higaan ko.
"Tumawag po kasi ako kay Shana Tita tas sabi niya magpunta ako dito dahil natatakot siya," Aiden said as he about to stand up again ay hinila ko muli ang kamay niya. At napaupo muli siya sa tabi ko.
"What happened Shana?" Nag-aalalang tanong ni Daddy sa akin. Umiling lang ako at itinago ko ang aking mukha sa hita no Aiden.
"That guy again honey. Ang sabi ko naman kasi sa'yo babalik siya eh!" Natatarantang pagsigaw ni Mommy.
"Anong guy ho Tita?" tanong ni Aiden habang patuloy siya sa pagpapakalma sa akin dahil nanginginig nanaman muli ako.
"Years ago habang mag-isa siya sa bahay may nakita na lalaki sa likod bahay namin may dalang kutsilyo. And now he's here in manila," rinig kong sabi ni Mommy.
"I'm going to call my brother at sasabihan ko na ihanda na ang kanyang team para hanapin kung sino ang tarantadong yun." And I heard Daddy left my room.
"Aiden salamat at nandito ka. Please huwag mo muna iiwan si Shana. Aasikasuhin namin ng Daddy niya ang paghahanap sa lalaking yun," sabi ni Mommy. Wala akong magawa kundi makinig lang sa kanila.
"Ako na po bahala kay Shana Tita," sagot ni Aiden kay Mommy at umalis ito ng room ko.
"Bakit hindi mo sinabi noon sa akin Shana? I should have protected you that time," bulong mi Aiden. Sinuklayan niya ang aking buhok ngayon.
"You should have told me that time. Kahit galit ka sa akin pupuntahan kita. You are too young to suffer from that, dapat tinawagan mo ako para nasa tabi mo noong panahon yun. I'm so sorry Shana, sorry na I made you feel so scared for your life. I'm sorry na nagalit ka sa akin at dahil doon you didn't have someone to by your side that time. Patawarin mo ako. Don't worry Shana, I'm herer. We will catch that guy and I will make him pay for what have he done to you menthal health."
Yun ang mga huling salita na rinig ko bago ako nakatulog.
~~