Chapter Nine
"What?" Yan lang ang naging reaksyon ko sa sinabi ni Dax. I can see rage on his eyes. Napalingon naman ang dalawa sa kanya, naka-park sa haral ng gate ng school ang kotse.
"Break up with him!"
"Ano sinasabi mo Dax?" tanong sa kanya ni Aiden.
"Narinig ko ang gago kanina nag-uusap kasama mga barkada niya. He's just playing with, Shana!"
Para akong nabingi sa sinabi ni Dax, tama ba yung narinig ko?
"Walanghiya! Nasaan ang gagong yan?"
"That prick!"
Naramdaman ko ang pagtulo ng mga luha ko sa mata. I feel so betrayed right now, All of thoughts about him being a better man are gone. Eto ba yung bagay na naiisip ko noon? yung bakit parang ang bilis ng pangyayari? It's not liking the right person then, he's just playing with me.
Pinunasan ko ang mga luha ko at inayos ko ang aking sarili. Inalis ko ang ponytail ko at sinuklayan ko ang buhok ko.
"If he's playing with then I'm willing to Annabelle. I'm going to be his nightmare," I said while looking straight on the school gate.
"Shana.."
"Don't worry, I'm not broken hearted. I'm just feeling betrayed."
"Just break up with him Shana," ani ni Dax habang nakatingin siya sa akin.
"Soon, kapag siya na mismo ang ayaw makipag hiwalay sa akin. Gonna make him fall hard for me."
Julien, I really thought na ikaw ang solusyon sa hindi ko mawaring pakiramdam kay Cly. O well maybe you are not the right person for me. Kinuha ko ang phone ko at nakita kong may text sa akin si Julien. The nerve of this guy.
From Julien;
Hi babe! kakatapos lang ng practice namin. Wanna date?
Ibinalik ko ang phone ko at humarap ako kay Aiden, I even smiled at him. "Tara na, diba may pupuntahan tayo?"
"Are you okay?"
"Oo naman, it's not like I'm in-love with him," sagot ko at tumingin ako sa rear mirror mg kotse. Nakita ko naka tingin sa akin si Cly with a worried look, I smiled at him.
"Talaga ba?" tanong ni Aiden sa akin at sinimulan na niyang paandarin ang kotse.
"Oo naman! I learned from the experts kaya no," sagot ko at tumingin ako sa kanilang tatlo at bumalik ang tingin ko sa bintana.
"Nako Shana huwag ka ngang gumaya sa amin!" saway ni Dax at hinila niya ng kaonti ang buhok ko mula sa likod.
"Aray! Dax naman eh!"
Nagsimula na mag-drive ulit si Aiden palayo sa school. Sinubukan kong alisin sa isip ko si Julien, he's not worth it naman. Sa ilang oras na pag-da-drive ni Aiden ay nakarating kami sa isang lugar na ngayon ko lang nakita. Parang tatlong bayan ata ang layo nito sa amin. Mukha itong siyudad sa isang probinsiya, huminto si Aiden sa isang mall.
"Mall?"
"Yes, I heard na mayroon ditong restaurant na masarap ang pagkain."
"Ang akala ko ay sa bayan lang tayo pupunta," ani ni Dax habang natingin sa paligid mula sa bintana.
"Masyadong malapit yun," sagot ni Cly kay Dax. Inalis ko na ang seatbelt ko at binuksan ko na pintuan para makalabas ako.
Huminga ako ng malalim at naamoy ko ang kakaibang amoy ng hangin. The air here is different from the air on Eretria. Napansin ko padin ang dami ng tao na naglalabas masok sa mall. Napalingon naman ako sa mga kasama ko ngayon na kakalabas lang ng kotse.
Aiden is wearing a plain navy blue shirt and a jeans. Si Cly naman ay nakasuot ng white plain polo at khaki shorts. At natawa ako sa suot ni Dax he's just wearing his gym shirt with black basketball shorts and a flipflops.
"Mukha akong alalay niyo!" rekalmo ni Dax sa amin at tinignan niya ng masama sina Cly.
"Okay na yan. Mas gusto mo bang sumama kina Mama sa manila?" tanong ni Cly kay Dax.
"Hindi ba't mamasyal lang tayo doon?"
"At naniwala ka naman sa kanila. Ang gusto nila doon na tayo mag-aral."
"Shh nandito tayo para kalimutan yan. Tara na pumasok na tayo nagugutom na ako," sambit ko at nag simula na kaming maglakad ni Aiden. Madilim na sa paligid dahil maggagabi na dahil sa layo ng pinuntahan namin ay ginabi kami.
Pagpasok namin sa loob ay dumiretso kami sa isang restaurant na sinasabi ni Aiden na gusto niya. It was a new environment to me it feels like I was in the city. Eretria is wonderful but sometimes I keep wondering what would my life be if I live in the city. Kagaya ba ng buhay ko sa Ereteria. Magkakaroon kaya ako ng kabigan doon?
"Shana sa tabi kana ni Cly umupo," ani ni Aiden na nag pagising sa akin. Kanina pa ba ako nakatulala, Oh well.
Ipinaghila ako ng upuan ni Cly bago siya na-upo sa tabi ko. Kinuha ko ang menu sa table at tinignan ko ang mga pagkain dito. Napatingin ako sa signage sa loob ng restaurant at doon ko lang na realized na steakhouse pala to. What would I expect for Aiden.
"Rib eye steak ang sa akin," ani ko at lumingon ako sa mga kasama ko. At nakita ko naman na busy parin sila sa pagpili sa menu.
Adriatico's love steak so much and everyone knows that. They love eating meat especially steak kaya hindi na ako magtataka kung sa ganitong restaurant kami dinala ni Aiden. As they order pinapanood ko ang mga tao na dumadaan. This is the reason why I don't like sitting beside a glass wall, I got distracted easily.
"Tumatawag si Mama," ani ni Aiden at ipinakita niya sa amin ang kanyang telepono.
"Don't answer her, papauwiin niya lang tayo."
"Mama keep on saying na sa manila tayo mag-se-senior high," Cly said with a low voice. Tinignan ko siya at sakto naman na napalingon siya sa akin.
"Hindi ba pwedeng dito na lang kayo mag-senior high?"
"We wanted to, kaya nga nandito kami eh. Escaping our mothers, we know na kapag hindi natuloy ang binabalik nila ngayon ay hindi na sila uulit," Dax said while looking at the table near us. Is he for real? ganito na pinag-uusapan namin sa mga babae padin siya nakatingin.
"Stop flirting sa mga babae sa kabilang table, Dax." Nagkibit balikat lang siya sa akin at kumaway pa sa mga babae. Unbelievable umiling ako at hinitay na lang na dumating yung order namin.
Pagdating ng pagkain namin ay nagsimula na akong kumain. Hindi ko masyadong pinansin si Dax na nakiki paglandian sa mga babae sa tabing table. Dax is disgusting, nahihiya ako na kasama ko siya dito ngayon. I hope mahuli siya ng babaeng fling niya para mag-away sila.
"Do you like the food?" tanong sa akin ni Cly. Napatingin naman ako sa kanya at nakangiti siya sa akin and again the fluttering feelings are back.
"uhm! I love the food. Masarap yung pagkain nila dito. How about you? did
you like it?" tanong ko sa kanya. Sumulyap ako sa kanya ng kaonti at ibinalik ko ang tingin ko sa plato ko.
"It's okay for me, do you want something more?" tanong niya ulit sa akin. My eyes quickly went to him and I can see him smiling at me.
"Okay na ako, nabusog naman ako sa kinain natin."
"Are you sure? You can still order more if you want. "
"Maybe later? busog pa kasi ako ngayon." Tinignan ko si Aiden na naka-upo sa harapan ko, he's busy eating his steak.
"What?" tanong niya sa akin noong mapansin niya ako na nakatingin sa kanya.
"Ang panget mo!"
"Mas panget ka!"
"Oh? pinaka panget ka!"
"Hay nako tumingil na kayong dalawa diyan. Pareho lang naman kayong panget," ani ni Dax sa aming dalawa at tinignan namin siyang dalawa ni Aiden. Tapos na bang makipag landain to sa babaeng katabing table namin?
"Shut up! mabuti panghinayaan na lang kitang umuwi sa bahay para isama ka nina Tita Millie sa manila," inis na sambit ni Aiden kay Dax. Napatingin ako sa katabing table namin pero wala na yung mga babae.
"Nasaan na yung mga kalandian mo?"
"Kalandian agad? Wala mayroon ng mga fiancee atsaka taga-ibang lugar. Napadaan daw sila dito para sa stop over," sagot niya sa akin habang patuloy siya sa pag-ca-cut sa kanyang steak.
"Mayroon kana kasing ka-fling naghahanap kapa ng idadagdag mo," I said with a monotone voice.
"Kaya nga fling e, no string attached come on," sagot niya sa akin habang umiinom siya ng tubig. Inirap ko siya sa kanyang sinabi, this guy.
Pagkatapos naming kumain ay naglibot libot kami sa mall, it's quite tiring. I didn't know na ganito pala kahaba tong mall na ito. Napatingin ako sa orasan ng phone ko habang pasakay kami ulit sa kotse. Late na din pala kaya kaonti nalang ang mga tao sa mall. Nakita ko din na may text sa akin si Julien this prick.
From Julien;
Hey babe! You didn't reply to. Are you that busy?
Nagdadalawang isip ako kung rereplayan ko ba ang lalaking to. Naiinis padin ako sa nalaman ko kanina mula kay Dax. How dare him to play with my feelings, Ano ba makukuha niya kung lolokohin niya ako.
Noong nasa tapat na kami ng bahay ko ay nag paalam na ako sa kanila.
"Thank you! Nag-enjoy ako ngayon," naka ngiti kong sambit habang kumakaway sa kanila.
"Are you really okay? Kasi if hindi I'm ready to crash my car at their house and make it look like it was his fault," ani ni Aiden sa akin.
"Just break up with him, Shana." Dax is looking at with a worried expression.
"He's was never worth it of your attention," seryosong sambit naman ni Cly habang nakatingin siya sa akin.
"I'm okay naman, he didn't hurt me that much. I don't love him okay? Huwag na kayong mag-alala sa akin. Byebye!" Ngumiti ako habang kumakaway sa kanila, nag simula na din akong pumasok sa gate namin. Hindi naman sila aalis hangga't hindi nila nasisigurado na pa ako nakakapasok sa loob.
Pagpasok ko ay sinalubong ako nina Mommy ma naka-upo sa sala namin. May kausap siya sa kanyang telepono kaya naman humalik na lang ako sa pisngi niya at umakyat na ako sa taas. Ipinatong ko ang bag na dala ko sa dresser. Nagsimula na akong mag tipa ng itetext ko kay Julien bago ako maligo.
To Julien;
Hey sorry naka silent kanina phone ko. Kaka-uwi ko lang sa amin.
Pagkasend ko sa text ay tinanggal ko na ang suot kong dress at dumeretso na ako sa banyo. Inpinatong ko ang phone sa sink ng bathroom. Habang nilalagyan ng ko ng bath soap ang bath tub ay narinig ko na may nag-text sa akin pero hindi ko ito pinansin.
Inilublub ko ang buong katawan ko sa bath tub and I feel so relaxed now. The warm water and the scent of honey makes me so calm. Parang nawala lahat ng pagod at pagkainis ko ngayong mag hapon. Ipinikit ko ang mata ko habang dinadama ko ang amoy. Narinig ko naman ang alarm ko, isang oras na ang nakalipas? Umahon na ako sa bathtub at drinain ko ito bago ako pumasok sa shower room. Pagkatapos kong maligo ay nagsuot na ako ng pantulog bago bumababa bago ko batiin sina Mommy. Dala dala ko ang aking telepono habang pababa ako ng ng hagdanan.
From Julien;
I got so worried noong hindi ka nag-reply sa akin. How's your day?
Worried? Tsk! I will not fall for tricks Julien. I was thankful na nalaman ko kaagad ang binabalak mo bago pa ako mag karoon ng mamalim na feelings sayo. Nagtitipa ako ng irereply ko kay Julien habang naglalakad ako papunta sa sala.
To Julien;
Aw... I'm sorry hindi ko kasi hawak kanina phone ko. I got so busy talking to Aiden.
Pagdating ko sa sala ay nilapitan ko si Mommy kasama na niya ngayon si Daddy. They are looking me with a question on their face.
"Good evening po Mommy and Daddy," bati ko sa kanila at umupo sa bakanteng sofa.
"Sino kasama mo?" tanong ni Daddy sa akin.
"Sina Aiden po Daddy."
"Hinahanap sila ng Tita Anna mo kanina dito. Saan ba kayo nag punta?"
"Namasyal po kami Mommy," sagot ko sa kanya. Ayaw ko ng sabihin sa kanya ang dahilan kung bakit sila hinahanap. Baka magalit pa sa akin si Mommy dahil ako ang nag suggest na mag punta kami sa malayo.
"Dapat ay nagpaalam kayo kina Tita Anna mo Shana para hindi sila nag-aalala sainyo," ani ni Daddy sa akin at lumingon siya kay Mommy.
"Pasensiya na po."
"It's fine honey. Kumain kana ba? Gusto mo ipahanda kita ng makakain kay manang?"
"Busog pa po ako Mommy baka iinom na lang po ako ng gatas," sagot ko sa kanya at tumayo na ako sa sofa.
"Tignan mo nalang yung fresh milk diyan sa ref. Aakyat na kami sa taas maaga pa ang alis namin bukas."
"Good night po. I love you both Mommy and Daddy!"
"I love you din anak," sagot ni Daddy sa akin at hinalikan niya noo ko.
"Mahal din kita Shana. Umakyat kana din pag katapos mo uminom ng gatas ha?"
Tumango lang ako kay Mommy bago ako maglakad papunta sa kusina at kumuha ng gatas. Nagulat naman ako ng biglang nag ring ang phone ko. Tumatawag si Julien sa akin, we usually have a before to sleep call.
"Hello?" sagot ko sa tawag niya. Kinuha ko ang fresh milk sa ref at iniwan ang phone ko na naka-loud speak sa counter top.
"Babe! how's your day?" tanong nito sa akin. I don't feel the satisfying feeling anymore. All I can feel now is annoyance and irritation when I heard his voice.
"It was quite tiring. How about you?"
"I was great but it's not so great because I didn't see you," he said with a low voice. His method of making my heart beat faster doesn't effect me now. I lost all of my feelings for him.
"Aw me too. Don't worry we will see each other naman sa school on monday."
"Sana mag-monday so that I can see you."
"Julien can we end our conversation early? Inaantok na kasi ako," sambit ko habang pinipilit ko ang sarili ko na humikab.
"Okay, You should rest. Good night bab-" Hindi ko na pinatapos ang sasabihin niya at pinatay ko na ang tawag. I feel so annoyed at him baka ano pa masabi ko sa kanya.
Hinugasan ko ang baso na ginamit ko bago ako umakyat sa taas. Pagpasok sa aking silid ay siya naman pag tunong muli ng aking telepono. Ayaw ko sana itong sagutin sa pag-aakalang si Julien ito, ngunit pagtingin ko sa pangalan ay si Cly pala. Umupo ako sa bed bago ko ito sinagot.
"Hey..." his voice sounds like a music in my ears. Parang nawala lahat ng inis ko kay Julien kanina.
"Cly! What happened?" Nagalit ba sa kanila sina Tita? Medyo nag-aalala din ako dahil ako ang nag suggest sa kanila na takasan ang mga ito.
"Nothing, kina-usap lang kami ni Tita Cali. She said na umalis na sina Mama and hindi na daw kami mag aaral sa manila." Napangiti ako sa sinambit ni Cly.
"Realy?! Naging successful ba ang plano na pagtakas?" masayang sabi ko habang mayroon paring ngiti sa aking mga labi.
"Does it make you happy na mag-s-stay kami?"
"Of course! tatlo na nga lang kaibigan ko mababawasan pa ba," sagot ko sa kanya. The thought of them leaving makes me sad I don't want to be left here alone.
"Okay I will stay here with you." My heart started to beat faster with his line. Cly why do I feel this every time you will say something like that. I can't understand it.
"You will?"
"Oo kahit na paalisin mo ako ay hindi ako aalis. I will stay with you."
"And ako lang ang mahal mo?"
"No one can replace you in my heart, Shana."
Ramdam na ramdam ko ang pamumula ng aking pisngi. It's a normal love with friends why do I feel this way? Tanongin ko kaya minsan sina Aiden. I wanna know if ganon din ang mararamdaman ko kapag sinabi nila yun.
Bigla ko naalala noong inaway ko si Cly nang dahil kay Julien. I shouldn't have fight him for someone na pinaglalaruan lang ako.
"Cly.... I'm sorry," mahina kong sambit I know I look ridiculous now. My cheeks are red but I look very sad.
"Ha? What do you mean Shana?"
"Inaway kita ng dahil kay Julien at eto ngayon nalaman natin na linoloko niya lang ako."
"There's no need to say sorry Shana. Hindi naman ako galit sayo at kahit kailan ay hindi ako magagawang magalit sayo."
Our conversation that night ended after he said those words. Biglang namatay ang tawag dahil na drain na pala ang phone ko. Habang nakahiga ako sa aking kama ay naiisip ko ang sinambit sa akin ni Cly. His words really affect me so much. Kahit simpleng nga salita lang ang kanyang sinasabi ay parang napaka importante ng mga ito sa akin.
Napahawak ako sa aking dibdib habang inaalala ko ang mga salitang nag mula kay Cly. Hanggang sa makatulog ako sa gabing yon ay si Clyden ang aking nasa isip.
"Mukha kang tanga." Liningon ko si Aiden at tinignan ko siya ng masama.
"Mas mukha kang tanga!" sagot ko pabalik sa kanya at napatawa na lang siya.
"Ano ba pinaggagawa mo noong isang araw at mukha kang pagod na lutang?"
"Tinapos ko yung mg projects and narrative report ko," sagot ko sa kanya habang nag hahanap ako ng pwedeng mapagbilhan ng kakainin.
"Hindi ba't group work yun?"
"Nakalimutan mo na ba na wala akong group mates. Mabuti pa't humanap tayo ng makakain nagugutom na ako."
"Saan mo gusto kumain sa school o sa labas?"
"Pwede bang lumabas? Hindi ba't may event?"
"Nakakalimutan mo ata na I'm Aiden," pagyayabang nito sa akin. Oo nga pala how can I forget his is Aiden the great. Umiling na lang ako sa kanya at nagsimula na kaming maglakad palabas ng school.
Mayroong event ngayon sa school kaya naman wala kami sa classroom. Kung wala lang akong ipapasa ngayon sa school ay hindi naman ako aattend. Habang naglalakad kami ni Aiden ay napapatingin ako sa phone ko na kinana pa tunog ng tunog. Julien is texting me nonstop niyaya niya ako na kumain kami sa labas. These past few days napapadalas ang pag yaya niya sa akin sa labas. I would turn him down sometimes i-re-reason ko na busy ako, Isang besis lang ako pumayag sa yaya niya sa akin.
"Are you ghosting Julien now?" tanong sa akin ni Aiden. Nakatingin siya sa phone ko ngayo dahil napahinto ako sa paglalakad.
"It's my plan pero ang kulit niya these days."
"Baka naman natauhan at gusto ka na niya ngayon."
"Great! mas magiging successful ang balak ko."
"Did you really planned to make him fall in love with you and then ghost him? You are scary Shana!"
"He deserve it come on. Saan ba tayo kakain gutom na ako!"
Mas lalo akong ginanahan na ipagpatuloy ang binabalak ko. I continued to meet Julien rarely I want him to want me more, I want him to crave for my attention. I would always leave him hanging on calls and texts. Hindi na din ako ganon kadalas manood ng game nila. He call me pag katapos ng laban nila and I would make an excuse for not going. Sa tuwing makakahalata siya na iniiwasan ko siya ay sinusubukan kong maging sweet sa kanya para mawala ang pag-aalinlangan niya.
"Hi babe!" Napalingon ako kay Julien na naglalakad palapit sa akin at kumakaway ngayon.
"Hey! why are you here?"
"I missed you that's why," he said with a smile on his face.
"aww cute, sabay na tayong umuwi?" tanong ko sa kanya.
"Sure let's go!" Kinuha niya ang hawak ko na mga libro at hinawkan niya ang kaliwa kong kamay. Habang nag lalakad kami palabas ng school ay napansin ko na ilang besis siyang napapatingin sa akin.
"May sasabihin kaba?"
"Ha? ano wala!" sagot nito sa akin na parang nagulat pa ito.
"Talaga ba?"
"Ah ano kasi gusto sana kitang ipakilala sa mga magulang ko," sagot nito sa akin. Napabitaw naman ako sa pagkakahawak sa kamay niya.
Oh s**t!
~~