Chapter Eight
Julien and I would go on a date every weekend. Pagkatapos naman ng klase ko ay nagpupunta ako sa practice nila. I would always see Dax glaring at me pero hindi ko siya pinapansin. I was here for Julien and not for him. The treatment of my classmates to me didn't change. It became worst I guess, kapag mag-groupings ay nag-so-solo lang ako. A group project became a individual project to me, it was hard to keep up with my classmates but I was trying my best.
"You look stressed," ani ni Julien pag-upo niya sa harapan ko. Nandito kami ngayon sa isang garden sa school namin. Ginagawa ko ang narrative report ko sa isang subject namin.
"Napakadami kasing project para akong masisiraan ng bait," sagot ko habang nakatutok padin ang tingin ko sa ginagawa ko.
"Ikaw ba ang leader ng dami naman nito?" Nakitang kinuha ni Julien ang isang paper na natapos ko kanina.
"Hindi," maikli kong sagot. Dapat ko bang sabihin sa kanya?
"Oh bakit parang ikaw lang ang gumagawa nito?"
"No! it's just may part then ibibigay ko sa groupmates ko yung sa akin para sa compilation." Ayaw ko ng sabi sa kanya kung ano nangyayari sa classroom namin.
"Let me help you then." Kinuha niya ang isang paperwork ko na hindi ko pa nagawa. Nahihiya man ako ay hinayaan ko na lang para kaagad din ako matapos. Nanatili kami dito hanggang sa matapos ko ang mga ginagawa naming paperwork.
Simula noong magsimula kaming mag date ni Julien ay siya na ang lagi kong kasama. Minsan na lang ako sumasabay umuwi kina Aiden o di kaya naman ay kumakain ng lunch. I would always eat lunch with Julien, minsan naman ay kapag may vacant kami ay kasama ko siya dito sa garden. Hindi ko na masyadong nakikita si Cly at nakatulong ito dahil hindi kami nag-aaway. Hindi na din sumasakit ang puso dahil sa pag-aaway namin.
Napapa-isip nga din ako minsan dahil parang masyadong mabilis ang mga pangyayari. Pero minsan ay hinahayaan ko na lang ito ayaw kong mag-overthink lalo na't madami akong ginagawa ngayon. I think ganito talaga minsan? I mean I could see Adriatico's change their girlfriend every week. Maybe liking someone is fast, and being in-love with someone is slow paced. I like Julien but I can't say that I love him now.
"Shana how are you?" tanong sa akin ni Aiden. Nandito kaming dalawa ngayon sa sala namin naka-upo sa sofa namin. This weekend is one of those weekends na wala kaming date ni Julien.
"Ayaw ko na mag-aral!"
"Bakit naman?"
"Napakadami kong ginagawa, Aiden. I feel so stressed!"
"Hindi ba't puro group works naman kayo?"
"Yun na nga eh! Ang mga group works nagiging individual sa akin. Ayaw sa akin ng mga classmates ko. I don't know what to do." I felt hot tears started to fall from eyes. Lahat ng mga stress na nararamdaman ko sa mga nakalipas na buwan ay lumabas.
"I'm sorry, shhh. Shana tahan na," ani ni Aiden habang pinupunasan niya mga luha ko. Parang mas lalo akong na-iiyak ngayon sa ginagawa niya. Bakit ba siya ang nandito ngayon kasama ko.
"Aiden... nahihirapan na ako. Bakit ba ginaganyan ako ng mga classmates ko?" tanong ko kay Aiden. His hands rested on my cheeks while wiping my tears away.
"They don't like you because they are not you. Wala namang mali sayo Shana, you won't be my friend if not."
"Just when I thought magkakaroon na ako ng kaibigan ngayon sa school."
"Soon you will meet people that would be your friends. People at our school are full of insecurity, don't feel down with those kind of people." I wasn't able to answer Aiden because I keep on sobbing even though, I stopped crying.
Me and Aiden stayed sitting beside eachother on our sofa for hours. Noong kumalma ako at tumingin siya sa akin bago niya guluhin ang buhok ko.
"Ano bumalik na ba ang totoong, Shana?"
"Masyado lang akong na-stress kaya naiyak ako kanina," sagot ko sa kanya habang inaayos ko ang buhok ko.
"Alam ko gusto mong kumain kaya magbihis kana. Aalis tayo."
Dali-dali naman akong tumakbo pa-akyat sa kuwarto ko para magbihis. Nagsuot ako ng black silk above the knee A-line dress. Ipinares ko naman dito ang mga 2 inches black block heels ko. Nag-high ponytail din ako para hindi na din guluhin ni Aiden ang buhok ko. Pagbaba ko ay nakita ko ng naka tayo na si Aiden.
"Tara na?" tanong niya sa akin.
"Saan ba tayo pupunta?"
"Sa amin? Nandoon sina Tita Anna, mukhang pupunta sila ng manila."
"Talaga omg! Gusto ko mag punta ng manila. Excited na ako."
Pagsakay ko sa kotse na dala ni Aiden ay itinext ko si Julien.
To Julien;
Hi! Kamusta ang practice? Take care ha? Aalis kami ni Aiden kasama sina Tita.
"Are informing your boyfriend?" tanong sa akin ni Aiden. Lumingon siya ng kaonti sa akin at bumalik din ang tingin sa daan.
"Is that wrong?"
"Hindi naman. Do you love him?"
"I like him, Aide."
"Ohh. I thought you love him."
"Bakit ikaw mahal mo ba mga flings mo?" tanong ko sa kanya at inirap ko siya. Sakto naman na nag reply na si Julien sa text ko.
From Julien;
Hello babe! Water break namin ngayon. Practice is tiring I wish you were here to give me energy. Ingat kayo ha?
"No comment! Nag-away ba kayo ni Cly?" Napahinto naman ako sa ta-type ko sa tanong ni Aiden sa akin.
"Hindi naman, bakit?" nagtatakang tanong ko sa kanya bago ko itinuloy ang pag-ta-type ko.
To Julien;
Aww I wish I was there too. We will ikaw din ha? Kumain ka after ng practice niyo.
"Niyaya ko kasi siya kanina sa inyo pero tumangi siya," sagot nito sa akin habang nakatingin parin siya sa daan. Inilagay ko sa hand bag yung phone bago ko sagutin si Aiden.
"Baka naman madami siyang ginagawa?"
"Dati naman kahit madami siyang ginagawa basta ikaw sumasama siya."
Cly never visited me since noong nag-away kami at hindi ko nireplayan ang text niya sa akin. Hindi ko din naman siya hinahanap pero ngayong nabanggit siya ni Aiden at napa isip ako kung kailangan ko nga ba huling nakita si Cly.
"Ewan ko, hindi naman kami nag-away. In fact ang tagal na nga naming hindi nag-uusap e," sagot ko kay Aiden habang nakatingin sa dinadaanan namin. Malapit na pala kami sa bahay nila, hindi ako ganong nagpupunta sa kanila dahil narin sa malayo nag sa amin.
Hindi ako sinagot ni Aiden tumango lamang siya sa akin. Naging tahimik kaming dalawa hanggang sa makapasok ang sasakyan niya sa loob ng gate nila. Huminto ang kanyang sasakyan sa harapan ng bahay nila, binuksan ko ang pintuan ng kotse ni Aiden para makababa ako. Pagbaba ko ay nakita ko ang buong mansyon nila, I've been here for quite many times pero namamangha parin ako dito sa tuwing nag pupunta ako.
"You can't even wait me to open your car door huh?" Nalalingon naman ako kay Aiden na palapit sa akin ngayon.
"Bakit? Kaya ko namang buksan ang pintuan, hindi nama ako baldado Aiden."
"I didn't say na baldado ka. Tara na pumasok na tayo," ani nito at iniabot sa guard nila ang susi ng kotse niya.
Pumasok na kami sa loob at sumalubong sa amin sina Tita Anna na nag-uusap sa sala. Napatingin ako sa paligid at napansin ko na sina Tita lang ang nandito wala si Cly. Napalingon silang tatlo sa aming dalawa ni Aiden at napangiti sina Tita noong makita nila kami.
"Shana darling, kakadating niyo lang?" tanong ni Tita Anna sa amin. Napahinto sila sa pag-uusap para batiin kami.
"Kakarating lang po namin, Tita Anna." Lumapit kami kina Tita at humalik sa pisngi nila.
"Mama nasaan si Cly?" Rinig kong tanong ni Aiden kay Tita Cali. Lumingon ako sa kanya pero ang tingin niya ay nakay Tita Cali.
"Nasa silid niya siya. Ayaw nga niyang bumababa kanina pa namin siya tinatawag," sagot ni Tita Cali sa kanya.
"Shana hija, halika at umupo ka dito," ani ni Tita Anna sa akin. Umupo ako sa tabi niya at tabi ni Tita Millie, pero ang pansin ko ay naka'y Aiden.
"Pupuntahan ko po muna siya sa taas," sagot ni Aiden sa kanyang Ina. Hinihintay ko siyang mapalingon sa akin para sana sasama ako.
Suddenly I want to see Cly so much, wanting to him feels like craving food that you really wanted to eat. The thought of me not being able to see him for a while makes me want to see him more. Magmula kanina na binangit siya ni Aiden sa akin ay hindi na mawala sa isip ko kung bakit ayaw niya sumama. Is he mad at me? Dahil ba hindi ko siya nireplayan?
"Shana kamusta ka naman?" Nagulat ako sa biglang pag sasalita ni Tita sa tabi ko. Tinignan ko muna siya bago ako sumagot.
"Okay naman po ako Tita kayo po?"
"We are doing good naman din hija," sagot ni Tita Anna sa akin.
"Kamusta naman ang pag-aaral, Shana? Malapit ng matapos ang school year ah." Nakangiti sa akin ngayon si Tita Millie. I haven't seen them for a long time but they still feel warm.
"Ah opo Tita, madami pong project pero kapag naiisip ko po na matatapos na ang school year nakakawala po ng stress."
"Are you sure hija? I know highschool can be stressing," ani ni Tita Cali at napalingon ako sa kanya, she look a little bit worried.
"Okay naman po Tita Cali, keri ko naman po!" masigla kong sagot sa kanya. Nakatingin silang tatlo sa akin habang nagsasalita ako.
"Just tell us if you have problem sa school ha? we are ready to go there and resolve the problem," ani ni Tita Anna. I was so tempted to tell them about what I'm experiencing right now sa school.
"Anyways have you eaten?"
"Hindi pa po, Tita."
"Sandali hija magpapahanda ako ng makakain natin kay manang." Tumayo si Tita Cali at ang nagpunta siya sa kusina. Napatingin naman ako sa hagdanan nila pero hanggang ngayon ay hindi padin bumababa si Aiden at Cly.
"Gusto mo bang sundan si Aiden, Hija?" Inalis ko ang tingin ko sa hagdanan nila, nakita niya siguro na kanina pa ako sumusulyap doon.
"Maybe you can help Aiden para masama niyang ilabas si Cly," si Tita Millie naman ngayon ang nag salita.
"Oo nga, kanina pa yun sa kuwarto. Ang akala ko nga ay lumabas eh."
"Akala ko nga ay pinuntahan niya si Annistyn eh."
"I don't know what happened to him. Maybe you can talk to him, Shana?" Tumingin silang dalawa sa akin ata napatango na lamang ako.
"Sige po Tita, aakyat po muna ako."
Umakyat ako sa ikalawang palapag ng mansyon. Ibang-iba ang itsura ng ikalawang palapag nila. It has a navy blue carpet on the hallway of the rooms, sa may right side ay mayroon maliit na sala at isa pang hagdanan pa-akyat sa ikatlong palapag. Ang mga silid ng mag pipinsan ay sa may left side at mag kakatabi ang mga ito. Nasa may dulo ng hallway ang silid ni Cly at nakikita ko na nasa labas si Aiden.
"Shana what are doing here?"
"Pinaakyat ako nina Tita. Si Cly?"
"Ah natutulog eh," sagot ni Aiden sa akin habang kinakamot niya ang kanyang leeg.
"Talaga ba?" I tried to open the door pero naka-lock ito. Tinignan ko naman si Aiden at umiwas ang tingin niya sa akin.
"Kanina ko siya tinatawag pero hindi niya binubuksan ang pinto," sagot niya sa akin habang nakatingin siya sa pintuan.
Alam kong wala akong magagawa ngayon pero susubukan ko padin na tawagin si Cly. Kumatok ako sa pintuan niya habang tinatawag ko siya.
"Cly! It's me, Shana." Idinikit ko ang tenga ko sa pintuan niya, I can hear some shuffling inside.
"I'm not falling for that s**t again Aiden!" His voice sound so deep and it also sound croaky.
"Cly are you okay? You sound like sick," sabi ko habang kinakatok ko padin ang pintuan niya.
"Shana? is that you?" Narinig ko siyang naglalakad palapit sa kanyang pintuan.
"Yes it's me, Cly. Open the door please?" Tumingin naman ako kay Aiden ngayon na naglalakad paalis. Itinuro niya ang pintuan ng kanyang silid at pumasok siya doon.
Pagpasok ni Aiden ay siya naman pagbukas ni Cly sa kanyang pintuan. Nagulat ako ng bigla niya aking hinila papasok at ini-lock niya ulit ang kanyang pintuan. Napatingin ako sa loob ng kanyang kuwarto, iba ang kulay ng kanyang silid sa kulay ng dingding sa labas.
The theme of his room is wild blue yonder and gray. His wall is wild blue yonder and the furnitures are color gray even his bed. Ang carpet naman sa kanyang silid ay kulay white. I find his room very beautiful, it's my first time seeing his room. Napahinto naman ako sa pagtitingin sa kanyang silid ng bigla niyang hinawakan ang palapulsuhan ko.
"Cly?" Tinignan ko siya at bigla nanaman bumilis ang t***k ng puso ko.
"You are here!" He then hugged me tightly, I felt a whirling sensation on my stomach. Habang nakayakap siya sa akin ay amoy na amoy ko ang pabango niya. He smell different, it's like a smell of comfort. Niyakap ko din siya pabalik, I snaked my hands on his waist.
"I missed you," he said. I can feel him kissing the top of my head at mas lalo akong lumapit sa kanya. Hugging him feels like having my food craving satisfied. I never knew how much I miss him too until he's here hugging me.
"I missed you too, Cly. Sorry hindi kita nireplayan."
"It's fine, Shana. You are here now, don't you ever do that again."
"I won't, I can't even have a peaceful life with you."
Cly feels like home. He's my comfort person he makes me feel so comfortable. I feel like all of my stress are gone now. Humiwalay siya sa pagkakayakap sa akin at nanatili ang kanyang mga kamay sa braso ko.
"How are you? God I haven't seen you for months."
"I'm doing fine, Cly. Ako din ilang months kita hindi nakita."
"I thought you are mad at me," mahina niyang sabi habang tinitignan niya ako sa mata.
"I was but then I remember na hindi ko pala kayang magalit sayo." I smiled at him with my brightest smile. Nakita ko din na napangiti siya sa akin.
"I won't interfere again, hindi na ako magagalit. I will let you do what you want, basta huwag ka lang hindi magpapakita ng ilang buwan sa akin. hmm?"
"Kahit ano gusto ko?"
"Uhm kahit ano," sabi nito at hinaplos niya ang pisngi ko.
"Gusto ko na kumain! Kaya tara na labas kana diyan!"
Hinila ko siya hanggang sa makalabas kami ng silid niya. Paglabas namin ay nakita ko na sakto din ang paglabas ni Aiden mula sa kanyang silid. Hinila ko silang dalawa pababa hanggang sa makarating kami sa kusina. Napalingon sa aming tatlo sina Tita na naka-upo na habang inihahapag ang pagkain sa lamesa.
"Mabuti at napababa niyo na si Cly. Halina't kakain na tayo," ani ni Tita Cali na naka-upo ngayon sa may kabisera ng lamesa. Sabay kong binitawan ang kamay noong dalawa at umupo ako sa tabi ni Tita Anna. Tumabi naman sa akin si Cly at sa harapan ko ay si Aiden.
Habang kumakain kami ay tahimik lang kaming tatlo habang sina Tita naman ang may pinag-uusapan tungkol sa business nila. I find it very endearing how close Tita are, kahit ang mga asawa nila ang magkakapatid ay parang silang tatlo ang magkakapatid. Si Tita Anna ang pinaka matanda sa kanila dahil si Tito Cyniel ang panganay sa mag kakapatid na Adriatico. Si Tita Millie naman ang pinakabata sa kanilang tatlo, she's like their baby sister.
"Dalton is planning to build a hotel in the future. Kamusta pala yung hospital?" ani ni Tita Millie habang nakatingin siya kay Tita Anna.
"Mag-oopen kami ng bago department," sagot pabalik ni Tita Anna sa kanya. Samantalang si Tita Cali naman ay kumamain lang siya.
Napalingon naman ako kay Cly na busy sa kanyang pagkain, gano'n din si Aiden. Hanggang sa matapos kaming kumain at tahimik lang silang dalawa. Noong umakyat sa kani kanilang silid sina Tita ay doon sila nagsalita.
"Bakit nadito sina Tita?" tanong ni Aiden. Naka-upo kami ngayon sa kanilang bakuran habang kumakain ako ng chocolate cake.
"Ang gusto ni Mama ay sa manila kami mag-senior high ni Dax." Nabitawan ko ang tinidor ko at napatingin ako sa kanya.
"Pumayag ka?!" medyo tumaas ng kaonti ang boses ni Aiden. Bumaling ang tingin ko sa kanya na nakatingin din siya sa akin.
"Hindi, ayaw ko umuwi ng manila."
Kaya ba nagkukulong siya sa kanyang silid kanina? I didn't know na gano'n pala ang dahilan ng pagpunta nila dito. Ang akala ko ay nagpunta lang sila dito para puntahan sina Cly para makapasyal sila sa manila. Para tuloy nawala ang excitement ko sa pagpunta namin ng manila mamaya.
"Kaya ba sila nagyaya sa manila?"
"Oo para kapag nandoon na tayo ay hindi na uuwi. I know them so much."
"Hindi pa naman tapos ang school year ah?" tanong ko at nag pabalik balik ang tingin ko sa kanilang dalawa.
"They could do everything. They can even transfer us kahit patapos na ang klase," sagot ni Cly habang nakatingin siya sa malayo.
"Gusto niyo bang umalis?" tanong ko sa kanilang dalawa. Sinubukan kong ngumiti para naman mawala ang bigat ng atmosphere ngayon.
"Saan tayo pupunta?" tanong naman ni Aiden sa akin.
"Kahit saan basta malayo sa mansyon niyo," nakangiti kong sambit at tumayo na ako at hinala ko sila patayo.
I don't want to see them being sad or whatever. I wanted them to feel happy and comfortable always. Pagsakay namin sa kotse ay nag-drive si Aiden. Hindi ko alam kung saan kami pupunta dahil hindi gaanong pamilyar ang daan.
"Maybe we should fetch Dax first," sabi ni Cly na naka-upo ngayon sa likuran ng kotse.
"Nasaan ba siya?"
"Mayroon silang practice ng basketball ngayon."
Oh if susunduin namin si Dax may chance na makikita ko si Julien, now I'm excited. Umikot si Aiden dahil sa ibang daan ang papunta sa school namin. Habang nag-da-drive si Aiden ay nakatingin ako sa rear mirror at nakikita ko ang mga mata ni Cly na nakatingin din sa akin. Is he watching me from the mirror? Tumingin ako sa likod at agad na sumulubong sa akin ang mga tingin niya. My heart did flip thing again.
"Hanggang anong oras ba practice nila?" tanong ni Aiden at agad ko namang inalis ang tingin ko kay Cly. Ibinalik ko ang mga tingin ko sa dinadaanan namin at mukhanb malayo layo pa kami.
"Hindi ko alam. Hindi niya nasabi sa akin eh," sagot niya kay Aiden nararamdaman ko padin ang mga mata niya sa akin.
"Ikaw Shana alam mo ba kung anong oras matatapos ang practice nila?" tanong sa akin ni Aiden. Sumulyap muna ako kay Cly bago ako sumagot.
"Ang sabi sa akin ni Julien ay matatapos sila ng 4:30 PM," sagot ko. Kinuha ko ang phone ko at tinignan ang oras. It was 4:20 patapos na siguro sila, walang text sa akin si Julien baka natapos na ang water break nila noong nag reply ako. Tinext ko naman si Dax para ipa-alam na parating kami.
To Dax;
Hey Dax! Susunduin ka naman wait for us!
Nakikita ko na medyo malayo pa kami sa school napatingin naman ako sa bintana noong mapadaan kami sa hacienda ng mga Villavicencio. I always admire their plantation parang kung makikita ko ito araw araw ay gaganda ang pakiramdam ko. Their house is on the opposite way to our house, kung magmumula kina Aiden ay madadaanan ang ang plantation nila bago makarating sa school.
Pagdating namin sa school ay nakita kong nakatayo siya sa may gate ng school. Noong maaninag niya kami ay dali-dali siyang lumapit sa kotse at sumakay sa likod. I can see that he look so pissed right now.
"Da-"
"I want you to break up with that asshole, Shana!"
~~