GIFT from PAIN
Ngayon na lamang uli ako nakabalik ng Maynila kaya dapat sulitin ko ang araw na ito na maiipapasyal ang baby ko. Ako nga nga pala si Sabrina Lopes, single mother at may anak na babae, tatlong taong gulang. Ulila na ako sa magulang kaya mag isa kong hinarap ang pagpapalaki sa aking anak na si Samantha. Wala akong planong ipakilala ang aking anak sa kanyang ama dahil alam kong hindi sya matatanggap nito at masasaktan lang sya ng lubha.
Nagpakalayo layo ako sa Davao dala dala sa sinapupunan ang isang anghel upang lumaya sa sakit na ibinigay ng kanyang ama at matigil na ang kahibangang isang araw ay mahahalin din ako nito. Ngunit itong lumuwas kami ng anak ko sa Maynila ay mukhang liliit ang aming mundo.
"Wow, ito na pala ang Mall na dito. Lalong gumanda. Baby look oh!," pagtuturo ko sa magandang center display ng mall sa aking anak.
"Wow", ani ng aking aking anak na manghang mangha sa nakita na Frozen display.
"Gusto mo dun?" saad ko sa aking anak habang hawak ko ang maliit na mg akamay nito.
At sa harap ng display ay kinuhaan ko ng litrato si Samsam na labis na tuwang tuwa na nagpose. Kinagiliwan din sya ng mga taong nakakakita dahil sa pagkabibo nito, bagamat nagtatagalog kung misan ay mahahalata ang puntong bisaya nito.
"Ma gutom na ako", ani ng aking anak na nakahawak sa kanyang tyan.
" Kawawa naman ang baby ko nagutom. Sige anak saan mo gusto?, tanong ko ng magiliw sa kay Samsam.
"Jolibee", sagot nito
"Sige anak, doon oh may jolibee", tugon ko at naglakad kami patungo sa kinaroroonan ng Jolibee.
Habang kami ay nakapila upang umorder ay meron palang nagmamasid sa amin sa kalayuan.
"BAbe, tingan mo yung bata doon oh, kamukha nya si Tim", saad ng isang lalake sa kasamang babae.
"Oo nga noh, kamukhang kamukha ni Tim. Parang si Ezekiel at Michael din,yung mga pinsan ko nung bata pa sila. Yung mata, bibig, ilong, hugis ng mukha, pati kulay. Yan n a yan sila nung mga bata pa. KAso babae lang ito", ani nakausap na babae.
Si Samsam na paling linga sa paligid habang ako ay umoorder ay nakitang nginitian at kinawayan ng mga nagmamasid sa kanya. Naramdaman ko ang pagkaway ng anak ko at pagngiti sa dakong likuran kaya tiningnan ko ito. Laking gulat ko ng malamang si Karen ang babaeng naroroon kasama ang kanyang asawa at anak na parang sing gulang ng anak ko. Si Karen ang pamangkin ng ama ng anak ko.
Ang pamilya ni KAren ang kumupkop sa akin nung disi- otso anyos ako ng mamatay ang aking ina na byuda din sa aking ama. Nakapagtapos naman ako ng high school bago mamatay ang aking ina sa sakit na liptos.Gustuhin ko man mkapag kolehiyo ay hindi kakayanin dahil nakikitira lamang ako sa kaibigan ng aking ina. Mababait ang pamilyang kumopkup sa akin, itinuring nila akong parte ng pamilya maging ang ibang mga kamag anak nila. Pinag aral nila ako sa Hairdressing at Beautycare. Ako na ang nag aayos ng kanilang buhok, taga linis ng kuko, footspa at masahe. Minsan ay binabayaran nila ako at misan ay binibigyan ng gamit. Wala akong problema sa kanila maging sa mga mga kapa kapatid at magpipinsan. Pero meron lamang ang nagpaparambol ng aking puso sa twing makikita ko.
Si kuya Alexander de Jesus ang bunsong kapatid ni Tita Lydia na kumupkop sa akin. Eighteen years ang tanda nito sa akin ngunit mababanaag ang kisig at gwapo nito. Dahil sa ito'y binata pa sa edad na thirty-six ay paborito sya ng kanyang mga pamangkin.Bukod sa may sariling pinalalakad na palaisdaan sa Laguna ay manager din sya sa isang telephone company kaya hindi maikakailang marami syang panlibre sa twing may family gatherings.Lagi nyang inilalabas ang kanyang mga pamangkin at kung minsan ay sinasama ako. Malapit ako at sumasabay sa biruan sa ibang mga kamag anak maliban kay kuya Alex. Para akong matutunaw sa twing nakikita ko sya. Parang nawawalan ng lakas ang aking tuhod kapag kailangan kong pagsilbihan sya. Hindi ako makahinga sa lakas ng kabog ng dibdib ko sa kaharap ko na sya.
Ngunit si kuya Alex ay may pinaka mamahal na girlfriend at eight years na silang dalawa. Hindi ko pa nakikita ang kanyang girlfriend dahil nasa US ito. Ayon sa nadidinigdinig ko ay mala dyosa sa ganda at mabait daw ng girlfriend ni kuya Alex. Nakapang liliit sa sarili dahil wala man lang ako sa guhit para mapansin ni kuya Alex. Walang nakaka alam ng nararamdaman ko para sa kanya dahil nakakahiya ang pagiging ambisyosa ko kung malalaman pa nila. Sino ba naman ako? isang ulila, walang sariling pamilya at bahay, high school lang ang inabot at pagkutkut pa ng kuko ang alam na trabaho. GAnun kaliit ang tingin ko sa sarili ko kung papangarapin ko ang mapansin ng isang tulad ni kuya Alex.
"Karen? Si Karen yun?", ani ko sa sarili ng pamansin ang familar na mukha.
Matapos akong suklian at bigyan ng order number ng crew ay naghanap ako ng bakanting upuan ,ngunit halos lahat ay puno. Kinawayan ako ni Karen na mukhang nakilala din ako. Napilitan akong lumapit kasama ng anak ko sa dako nila.
"Ate Zab, kamusta ka na? Sabi ko na nga ba at ikaw yan! Dito ka na umupo. Malaki naman ang lamesa namin at 3 lang kami." Ani ni KAren na tuwang tuwa na makita ako.
"Thank you. Ok naman kami pinasyal ko lang anak ko.", tugon ko kay Karen at nagulat ako sa anak nilang lalake na sing edad lamang ng aking si Samsam.
"Gulat ka ano? Magkamukha ang anak mo at anak namin. Kami din kanina, nagulat sa batang yan dahil parang kambal ni Tim. sya nga pala, ito si Tim, anak ko at si Andrew, asawa ko", pagpapakilala ni Karen sa kanyang mag ama.
"Hello," tugon ko na kinakabahan.
"Nag asawa ka na pala?, san ka ngayon?", usisa na Karen na ayaw ko sanang sagutin.
"Ah. Wala. anak lang. Sa DAvao na kami nakatira ngayon. Nagbakasyon lang kami sa MAynila. One week na kami dito pero next week, babalik din." sagot ko kay Karen .
"Alam mo kamukhang kamukha talaga sila si Tim.Tingan mo para silang kambal, Naalala mo kamukha din sila ng anak ni tito Roy at Tito Bam nung mga bata. Sina Ezekiel at Michael, natatandaan mo ba? haiii nakakatuwa naman. Siguro ang tatay ng anak mo, kamukha din namin?", nakababahalang tanong ni KAren
"MAam excuse me,.number 27", mabuti na lamang ay dumating ang isang food crew upang ilapag ang order naming sphagetti na paborito na aking anak. At spicy Chiken para sa akin.
" Wow mommy, sarap nito. Favorite ko to..." excited na gustong sumubo ang aking anak.
"Wait anak. ako muna", hinalo halo ko ang sphagetti at pinutol putol upang makain nya ito ng ligtas.
"Ang galing naman ng anak mo, hindi na sya nagpapasubo? Ilang taon na sya?
"Dalawa. OO marunong syang kumain mag isa", pagsisinungaling ko upang hindi nila maisip na buntis ako nang umalis sa kanila. Nagpapasalamat naman ako at iniba ni Karen ang kanyang tanong tungkol sa ama nito.
"Kamusta ka na nga pala? Simula nung umalis ka sa bahay. wala na kaming balita sayo. Maliban nalang sa nalaman namin na nasa Davao ka na nga. NAgtatampo sayo si mommy. Hindi ka na daw nagparamdam.", ani ni Karen na kinalungkot ko din.
"Pasensya na kayo ah. Hind na ako nag update. Namimiss ko naman kayong lahat lalo na si tita Lydia at tito June. Magulo lang talaga ang isip ko nung umalis sa inyo kay agusto kong lumayo. Parang awang awa ako sa sarili ko at ingit na ingit dahil kompleto kayo at ako walang pamilya.", tugon ko kay Karen.
"Sorry ate. Hindi ko alam na ganyan na pala nararamdaman mo. Ate pamilya mo kami. At mahal na mahal ka namin. Gusto nga sana ni Daddy na pag aralin ka sa college pati sila tito Roy gusto nilang tulungan ka", saad ni Karen na nakapag paluha sa akin dahil sa pagmamahal nila para sa akin.
"Salamat sa pagmamahal nyo", tugon ko kay Karen." Ok naman ako, Yung pagpapaaral nyo sa akin sa Hairdreesing at Beauty care ay malaking pasimula sa akin .May sarili na akong 2 branch ng salon sa Davao. Kaya ako narito sa Maynila para umatend ng conference. Malaking tulong ang binigay nyo sa akin.", ani ko kay Karen na nakapagpangiti sa kanya.
"wow talaga? big time ka na pala? KAya pala kakaiba ang tindig at ang ganda ganda mo na sobra",, tugon nito sa pagkamangha.
"Kailangan, dumaan ka bahay. KAilangan magpakita ka kay mommy at daddy.", ani nito na kibigla ko.
"Ha!" saad ko.
"Anong HA? Magpakita ka! siguradong matutuwa sila sayo pag nakita ka at itong napaka gandang kakambal ni Tim.", pagpipilit ni Karen
"Hon, sa Monday birthday ni Tim." pagpapaalala ng asawa ni Karen.
"Ay oo nga pala ate. 3rd Birthday ng anak ko. pumunta kayo. Wala na akong invitation letter pero pumunta kayo. Sa Jolibee,Congressional lang naman. alam mo naman siguro yun. Aasahan kita. Bago kayo bumalik ng Davao, pumunta muna kayo sa birthday ni Tim. Kukunin ko number mo, para wala kang kawala.", pag kokombinsi ni Karen.
"Sige, pupunta kami. Akin ang cp mo. ita- type ko", ani ko sabay kuha at type sa number ko sa cp ni Karen. At ng maibalik kay Karen ay miniskol naman ako nito sa paninigurong number ko ngaang niligay ko .
"Yan ang number ko. Save mo." ani nito.
Matapos kumain ng aking anak at anak nina KAren ay inaya ni Andrew na mag laro ang mga bata sa play ground upang makapag usap pa kami ni Karen. Buwan lang ang pagitan ng edad ng mga anak namain kaya para silang kambal. Hindi ko sinabi ang tunay na edad ni Samantha upang umiwas sa maraming katanungan. Saglit lang naman kami maglalagi sa Maynila at pagkatapos ng Birthday ni Tim ay babalik na kami sa Davao. Wala ng mag uusisa sa pagkatao ng anak ko.
Natapos ang ilang oras ay nag paalaman na kami. Umuwi ako sa tinutuluyang kaibigan sa Visayas Ave dala dala ang pangamba ng nakaraan.
Hindi maitatangging dugo ni Alex ang nanalatay kay Samantha. Magkakahawig angmga pamangkin ni Alex gayun kaya hindi malabong may kamukha din ang anak ko sa mga pinsan nito na hindi ko napaghandaan.