Chapter 22

2630 Words
22 Yssa's POV "Bakit? Hindi mo na ba ako mahal?" Biglang tumigil sa pagtibok ang puso ko nang marinig ko ang sinabi ni Jordan. Humigpit pa ang pagkakayakap niya sa akin. "Galit ka ba sa akin?" Hindi ako galit sa kanya. Nasasaktan ako dahil parang ang bilis niyang naniwala kay Avah. "Ayaw mo na ba akong makasama, Belle?" Bigla na namang bumilis ang t***k ng puso ko. Bakit ba naiisip niya ang mga bagay na ito? How can I unlove him? Or better yet, am I still capable of loving someone else, other than him? Gusto kong sabihin sa kanya na mahal na mahal ko na siya, higit pa sa inaakala kong mararamdaman ko. This may not be the first time I fell in love, but he is my greatest love. Gusto kong sabihin sa kanya na hindi ako galit dahil ang totoo'y nasasaktan ako, pero hindi ko magawa. Kasi laging bumabalik sa isip ko na wala akong karapatan dahil wala namang kami. Gusto kong sabihin sa kanya na gustong-gusto ko siyang makasama. Pero hindi ko kayang makasama siya hanggang nandirito si Avah. It just felt awkward and obviously, not normal. I heaved a deep sigh and mustered all my courage to hold his hand. Naramdaman ko naman na lalo niya pang isiniksik sa leeg ko ang kanyang mukha. "Jordan, you know how much I want to be with you. But this set-up is getting awkward for me. I do understand why you're helping her, believe me. Pero tao lang din ako, I'm entitled to feel mad or hurt when things get out of my hand. I hope you understand." Hindi siya sumagot agad, bagkus ay naramdaman ko ang kanyang mainit na hininga sa balikat ko. Nagpakawala siya ng malalim na hininga bago tuluyang nagsalita. "I'm sorry, Belle. I'm sorry for being so insensitive. As much as I want to be with you every second of every hour, every hour of every day and every day of every month, I know I can't force you into something that makes you feel awkward. You're so special to me that it breaks my heart seeing you getting hurt because of me. At habang nasasaktan ka, pakiramdam ko mas doble ang sakit na bumabalik sa akin." Kinagat ko ang ibabang labi ko para pigilin ang nararamdaman ko. Ako man ay gusto siyang makasama sa bawat oras at araw, pero hindi naman sa amin umiikot ang mundo. May mga bagay na sadyang hindi natin kontrolado. Kung minsan pa ay nalalagay tayo sa mga sitwasyong wala tayong gaanong pagpipilian. Yung tipong ang tanging choices mo ay 'masaktan o masaktan'? "Thank you for always understanding, Jordan. You knew everything that I went through. To be honest, the wound is not yet fully healed. I don't think I can handle another stab on the chest." Mahina at makahulugan kong sabi sa kanya. Hindi madali ang pinagdaanan ko, mahirap sa akin ang muling magtiwala. But because of him, I was able to get out of the pit I'm in. Kaya natatakot ako sa pagbalik ni Avah sa buhay niya. Ayoko na ulit maranasan ang sakit na iyon, iyong sakit na parang unti-unti kang pinapatay. "I can't promise not to hurt you kasi ngayon pa lang, alam ko'ng nasaktan na kita. All I can tell you is how much I care for you, how much I wanted to give you the world and make you the happiest person on earth. Sana kapag dumating 'yung panahon na susubukin tayo ng matindi, 'wag mo sana ako'ng sukuan. Dahil ako Yssa, kahit gaano pa man ka lakas ang bagyong dumating sa atin, hinding-hindi kita susukuan." Hindi ko napigilan ang paglandas ng mga luha sa mukha ko. Dahil katulad niya, ganoon din ang nararamdaman ko. Hindi ko nga lang alam kung kaya ko bang panindigan kaya hindi na ako sumagot sa kanya. Pinunasan ko ang mga luha ko at kumawala sa yakap niya. "Ihatid mo na ako." Hindi man sang-ayon ay walang nagawa si Jordan kundi ang ihatid ako sa condo ko. Bitbit ang aking maleta ay nauna siyang naglakad pababa. Inilibot ko pa muna ang aking paningin sa kwartong naging tahanan ko sa loob ng ilang buwan. Bago ko pa napigilan ay muling pumatak ang mga luha ko kasabay ng pagbuhos ng mga alaala namin ni Jordan sa kwartong ito, sa buong bahay na ito. Dahan-dahan kong isinara ang pinto ng kwarto ko para bumaba, pero nakakailang hakbang pa lang ako ay sumalubong na sa akin ang nakangising mukha ni Avah. "Oh, I didn't know you were that weak? Patikim pa nga lang 'yon sumuko ka na agad?" Sa halip na patulan siya ay pinili kong umiwas. Naglakad ako pababa ngunit agad ding napahinto nang mariin niya akong hawakan at ibinalya pabalik. "Yan lang ba ang kaya mo, Yssa? Ang mag walk-out? You're such a coward! Pero okay na rin yan. Atleast wala nang hadlang sa mga plano ko dahil wala ka na dito. Soon, magiging akin na ulit si Jordan. And if that happens, then s**t's on you b***h!" Marahas kong tinanggal ang kamay niyang nakahawak sa akin at tiningnan siya ng masama. "It's not cowardice to walk away from a stupid and pathetic person like you. You can do whatever you plan, but I assure you, Jordan's heart will never be yours again." I smirked when I saw her getting angry again. Huh, akala ba niya hindi ko napapansin? Kapag si Jordan ang kaharap niya ay nagiging anghel siya, pero kapag kaming dalawa lang ay lumalabas ang sungay niya. I will never bow down to you, b***h! Paglabas ko ay naroon na si Jordan sa loob ng kanyang kotse. Agad akong pumasok sa shotgun seat. Pinaandar ni Jordan sasakyan at agad na tinalunton ang daan papunta sa condo ko. Walang salitang namutawi sa amin habang nasa biyahe. Mukhang parehas lang kaming pinapakiramdaman ang isa't-isa. Sa totoo lang, hindi ako sigurado kung tama ba itong naging desisyon ko. Nasanay na kasi akong lagi kong kasama si Jordan. Natatakot ako na baka hanap-hanapin ko ang presensya niya. Hindi ko namalayang nakahinto na pala ang kotse niya sa harap ng building namin. Akmang bababa na ako nang pigilan niya ako. Isinubsob niya ang kanyang ulo sa balikat ko at bumuntong hininga. "I'm gonna miss you. Alam kong magkikita pa rin tayo kahit dito ka na ulit uuwi, pero iba pa rin yung nandoon ka, kasama ko. Hindi ko alam kung masasanay pa ba akong hindi ka nakikita sa umaga o sa gabi. Pero isa lang ang sigurado ko. Tiyak na hahanapin ko ang presensya mo. Hahanapin ko ang lahat ng kakulitan nating dalawa. At kahit gaano ko itanggi, malungkot ako ngayon. Malungkot na malungkot, Yssa." Hindi ako nakapagsalita dahil sa pagkabigla. How can I tell him that I feel the same? Natatakot akong pangunahan ang damdamin ko kasi ayoko nang masaktan ulit. "I'm also sad, Jordan. And to be honest, I still don't know if I'll be able to pull this thing off. Just like you, I became used to your presence too. I don't know if I'll survive a day without you, Jordan." I tried to control my emotions. Iisipin ko pa lang na hindi ko na siya makikita tuwing umaga, parang dinadaganan na ang puso ko. Lalo pa kaya kapag naisip kong palagi na silang magkakasama ni Avah. Iisipin ko pa lang, sumasakit na ang puso ko. Bumaba ako sa sasakyan ni Jordan habang nakasunod pa rin siya sa akin dala ang maleta ko. Pagpasok ko sa condo ay agad akong nanibago. Ilang buwan din akong wala dito. Pakiramdam ko tuloy parang ang lungkot lungkot tumira dito ng mag-isa. Agad akong pumasok sa kwarto ko at nahiga sa kama ko. Noon ko narealize na namiss ko rin pala ang condo ko. Pilit kong kinalimutan ang huling alaala ko dito. Iyon ang gabing muntik na ako'ng mapahamak dahil kay Jaxon. Hindi ko alam pero bigla akong kinabahan lalo na nang maalala kong wala na palang bisa ang TRO ko laban sa kanya. Napaangat ako ng tingin kay Jordan na kasalukuyang nakatayo sa hamba ng pintuan ng kwarto ko. Umupo ako sa kama paharap sa kanya. Agad naman siyang lumapit sa akin at lumuhod sa harapan ko. "Can I sleep here tonight? Please?" Nagmamakaawa ang kanyang tinig. Hindi na ako sumagot, sa halip ay tumango na lang ako. Lumabas ulit si Jordan para bumili ng pagkain namin since wala akong stocks ngayon habang ako naman ay naiwan sa kwarto at muling inayos ang nga gamit ko. Muli ako'ng nakaramdam ng inis nang makita ko ang mga damit kong butas butas na at gutay-gutay. Hindi ko talaga maintindihan kung bakit pati mga damit ko ay napagdiskitahan ni Avah, ganon ba siya ka desperadong paalisin ako? Matapos kong mag-ayos ng gamit ko ay naligo ako. Paglabas ko sa kwarto ay naroon na si Jordan at kasalukuyang inaayos ang mga pagkain sa mesa. Ilang sandali pa ay dumulog na kami sa hapag-kainan at nagsimulang kumain. Panay ang lingon ni Jordan sa akin na para bang takot siya na sa isang kurap ay mawawala ako sa kanyang paningin. Pagkatapos naming kumain ay ako amg naghugas ng mga plato habang si Jordan naman ay naligo. Mabuti na lang pala at may dala siyang spare na damit sa kotse niya. Dahil maaga pa naman ay nagpasya kaming manood na lang ng movie. As usual, chick flick movie ulit ang pinanood namin. Nakaupo lang kami sa couch, magkatabi at nagdadaiti ang aming mga balat. Mayamaya pa ay inihilig ni Jordan ang ulo ko sa balikat niya. Napaka-nostalgic sa pakiramdam. Nakakamiss pala talaga yung mga oras na kaming dalawa lang ang magkasama at walang asungot na gagambala. Yung tanging mga puso lang namin ang nag-uusap at nagkakaintindihan. Inakbayan niya ako at marahang hinaplos haplos ang mga braso ko. Hinayaan ko lang ang sarili kong magpalunod sa masarap na pakiramdam na binibigay niya sa akin. Hinayaan ko ang sarili kong maging masaya kahit panandalian lang dahil alam ko'ng muling papasok si Avah sa eksena. Nauna ako'ng pumasok sa kwarto para ayusin ang higaan namin. Pagkuwan ay pumasok na rin siya at nahiga sa tabi ko. For the first time, I felt awkward around him. Maybe it was because we had a short argument earlier. Tumagilid ako ng higa patalikod sa kanya. Hindi ko maintindihan kung bakit ako nahihiya kahit na hindi naman ito ang unang beses na nagkatabi kaming matulog. Naramdaman ko ang pagyakap niya sa bewang ko at marahan niya akong hinigit papalapit sa kanya. Bumilis ang t***k ng puso ko nang lumukob ang kanyang init sa katawan ko. "Goodnight, Belle." Hinalikan niya ako sa tuktok ng ulo ko. Sa halip na sumagot ay pinilit ko na lamang ang sarili kong makatulog. Nagising ako nang maramdaman ko ang pagbangon ni Jordan para sa sagutin ang isang tawag. "Hello, Avah." Bigla akong nakaramdam ng kaba ng marinig ang pangalan niya. Ano naman kaya ang kailangan niya? "Bakit ka umiiyak? Ano? Teka lang, hintayin mo ako riyan. Huwag kang gagawa ng anumang ikakapahamak mo!" I can hear panic and fear in Jordan's voice. Gusto kong sabihin sa kanya na huwag basta-bastang maniniwala kay Avah kasi alam kong nagpapanggap lang siya. But Jordan is Jordan. He is the kindest person I know. Kaya sigurado akong pupuntahan niya pa rin si Avah para daluhan ito. Naramdamn ko ang muli niyang pag-upo sa kama kaya nagkunwari akong tulog. Ayokong malaman niyang gising ako at narinig ko ang pag-uusap nila. Marahan niyang hinaplos ang buhok ko at hinalikan ang noo ko. "I'm sorry, Belle. I need to go home. Avah needs me. Please don't ever think na iniwan kita dito ha. I will come back later. For now, I have to go home to her. Baka kasi kung ano'ng gawin niya." KINABUKASAN, nagising ako sa sinag ng araw na pumasok sa kwarto ko. Walang Jordan na bumungad sa akin. Dumiretso ako sa banyo para maghilamos at magtoothbrush. Paglabas ko sa kwarto ay sumalubong sa akin ang katahimikan ng buong bahay. Walang Jordan na nangungulit, walang Jordan na nagluluto sa kusina at walang Jordan na hahalik sa akin sabay greet ng 'good morning'. It just felt so empty here. Napahinga ako ng malalim. Ito na nga ba ang kinatatakutan ko, ang hanap hanapin ko ang presensya niya. Lumabas ako sandali para bumili ng ilang stocks sa kalapit na grocery store. Pagbalik ko ay tanging cereal ang kinain ko. Mamayang lunch na lang ako magluluto dahil pupunta si Jordan dito. He said he'll be back today. Naglinis muna ako sa condo. Bandang alas diyes nang umaga, nagsimula na akong magluto para sa lunch namin. I decided to cook pork steak and rice. Isinalang ko na ang rice cooker habang pinapalambot ang steak. Nang maluto na ang lahat ay naligo na ako at nagpalit ng denim shorts at pink T-Shirt. Hindi ako sigurado kung ano'ng oras pupunta si Jordan but I'm secretly hoping na dito na siya maglalunch. Habang hinihintay siya ay nanood muna ako ng movie sa Netflix. Mayamaya pa ay tumawag si Jordan. "Belle..." Pangalan pa lang ang nasabi niya pero agad akong nakaramdam ng panlulumo. Iba kasi ang pakiramdam ko, parang alam ko na ang susunod niyang sasabihin. "I'm sorry. Hindi ako makakapunta diyan ngayon. I really want to be there, but I just can't leave Avah here. Kagabi lang ay muntik na naman niyang saktan ang sarili niya. Her episodes of depression are triggering again. I'm really sorry." This is why the word 'sorry' is being abused. Akala kasi natin porke nagsorry tayo sa tao eh hindi na natin sila masasaktan. What we don't realize is that no matter how many times we say sorry, it can never take back the pain and damage that's already been done. I sighed and cleared my throat. "It's okay, Jordan." I didn't let him say another word because I know he'll just say sorry again. I'm tired of hearing sorry as an excuse. Alam ko'ng walang ideya si Jordan sa kabaliwan ni Avah pero hindi ko pa rin naiwasang mainis. He said he'll come here, but he didn't. KANINA pa ako wala sa mood. Pakiramdam ko wala akong naiintindihan sa mga reports na binabasa ko. Parang nagrarambulan ang mga numero sa utak ko pero wala ako'ng maintindihan. Naiinis ako at nagagalit ng walang dahilan. Pero sino nga ba'ng lolokohin ko? Alam ko ang dahilan kung bakit ganito ang inaakto ko. It's been days since moved back to my unit. And it's been days since I last saw Jordan. Yes, we talk on the phone, we exchange text and chat messages but it's not enough for me. I wanted to see him. Damn, I miss him! I know he's busy looking for work, and so am I. Pero dati naman ay may time pa rin kaming magkita, bakit ngayon parang wala na? Ako na rin mismo ang sumagot sa tanong ko. Paano nga ba kami magkakaroon ng time kung ganitong bawat oras na libre kami ay bigla na lang papasok si Avah? Aminin ko man o hindi, natatakot ako dahil mukhang gumagana ang plano niya. Unti-unti nang nawawalan ng oras si Jordan sa akin. Natatakot ako na baka isang araw, marealize ko na lang na wala na pala siya sa akin. Biglang nagliwanag ang mukha ko nang makita kong tumatawag si Jordan. Agad ko itong sinagot. "Ooohhh, that felt so good Jordan!" Nanginig ako nang marinig ko ang malanding boses ni Avah sa kabilang linya. "Aww, please dahan-dahan naman, masakit." Napahigpit ang hawak ko sa cellphone ko. f**k! What's happening? "Huwag kang malikot kasi para hindi ka masaktan." At ang boses na yon ang tuluyang bumasag sa puso ko. Boses iyon ni Jordan. Agad kong naibagsak ang cellphone ko at nag unahang tumulo ang mga luha ko. f**k! ~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~ To be continued..... VOTES AND COMMENTS ARE HIGHLY APPRECIATED! THANK YOU!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD