Chapter 21

2894 Words
21 Yssa's POV Pagkatapos niyang sabihin iyon ay bigla akong kinilabutan. May kakaibang takot at kaba na lumukob sa puso ko. Napailing na lang ako sa kanya at agad na umakyat sa kwarto ko. Sinubukan kong matulog pero hanggang sa mga oras na ito ay namayani pa rin ang hindi maipaliwanag na takot sa akin. Pilit na bumabalik sa isipan ko ang sinabi ni Avah. Hindi ko siya maintindihan. Bakit ba ito ginagawa ni Avah? NAALIMPUNGATAN ako nang maramdaman kong may humahaplos sa buhok ko. Sa pagmulat ko ay tumambad sa akin ang antok na mukha ni Jordan. Nakahiga siya paharap sa akin habang marahang sinusuklay ang buhok ko. "Sorry, did I wake you up honey?" Umiling ako. Nginitian ko lang siya at nagsumiksik sa kanya. "Sorry kung dito ako dumiretso sa room mo. I missed you, gusto kitang makatabi." I looked at him and saw him pouting. He looked so cute. Umusog ako nang konti para makahiga siya ng maayos. "Come closer, Jordan." Agad naman siyang umusog palapit sa akin. Ipinatong niya ang ulo ko sa kanyang balikat. Magkaharap kaming dalawa kaya ramdam na ramdam ko ang kanyang paghinga at ang mabilis na t***k ng puso niya. Idinantay niya ang kaliwang paa sa aking hita habang ang kaliwang kamay naman niya ay yumakap sa akin nang mahigpit. "Tulog ka na ulit, Belle." I heard him humming a song as I drifted back to sleep. Pagkagising ko ay napangiti ako habang nakatitig sa mukha ni Jordan. Hayyy. I wouldn't mind waking up to this handsome face. Pinagmasdan ko siya. Nakapikit at bahagya pang naka-awang ang mamula mula niyang mga labi at magulo ang kanyang buhok. Napangiti ako sa isiping, kahit ganito ang itsura niya pagkagising ay hindi maitatangging ang gwapo niya pa rin. Dahan-dahan akong nag-inat pero agad ding napahiyaw ng maramdaman ko ang pananakit ng braso ko. Pati si Jordan ay napabalikwas ng bangon dahil sa hiyaw ko. Tiningnan ko ang braso ko at nakitang medyo nangingitim ang parteng diniinan ni Avah kagabi. Pilit ko itong itinago kay Jordan. "What happened, Belle? Bakit ka sumigaw?" "Nothing, Jordan. Ano, matulog ka na lang muna. Saturday naman ngayon at maaga pa." Hindi ako nakatingin sa kanya pero ramdam na ramdam ko ang pagtitig niya. I can feel his eyes lingering on me. Pinihit niya ako paharap sa kanya at tiningnan sa mata, na para bang inaarok niya ang isip ko. Na para bang inaalam niya kung nagsasabi ako ng totoo. Napayuko ako dahil hindi ko kayang salubungin ang tingin niya. Marahan niyang iniangat ang mukha ko at sinipat ito. "Look at me, Belle. Why are hiding your arm? And why does your face looks swollen?" Napahawak ako sa pisngi ko dahil sa sinabi niya. Hindi ko alam ang isasagot ko. Should I tell him the truth? But what if he wouldn't believe me? Ang sabi niya sa akin noon ay mabait si Avah, but what she's showing me is far from being kind. Inabot niya ang kamay ko at tiningnan iyon. "What happened to your arm? Why do you have bruises? And your face, why is it swollen?" I wanted to tell him that his b***h of an ex did this to me, but it would be childish and immature. "Ah, don't mind this. It just so happened that I was in a hurry last night. Hindi ko napansin ang cabinet kaya nabunggo ako, tumama ang braso at mukha ko doon." I said without looking at him. I'm afraid that of I look into his eyes, he'll see through me and realize that I'm lying. He sighed and gathered me in his arms. "Next time, be careful. Okay? Lika sa baba, gamutin natin ang pisngi mo." Nakangiti niyang sabi. "Mauna ka na, Jordan. Maghihilamos lang ako." Dumiretso ako sa banyo at tinitigan ang sarili ko sa salamin. Bahagya pa ring namumula ang bahagi ng pisngi ko na sinampal ni Avah. I cursed her inside my head. Hindi ko talaga siya maintindihan. Naghilamos ako at bumaba. Sa kasamaang-palad ay nakasabay ko si Avah pababa. She looked at me with her annoying and sarcastic smile. "Looks can be really deceiving, huh?" Narinig kong sabi niya. Hindi ko naman naiwasang taasan siya ng kilay. Ano naman ngayon ang ipinupunto niya? Kunwari pa siyang napailing iling at saka muling nagsalita. "I can't imagine that behind your innocent face, lies a flirtatious and slutty b***h!" Sinamaan ko siya ng tingin. "What did you just call me?" "A flirtatious and slutty b***h! Do I have to say it again?" Nakaka-insulto ang matamis niyang ngiti pero hindi ako nagpatinag. I smiled back at her. "Oh, is that so? What do you call yourself then? What do you call someone who's having a relationship with another man, while she's still committed? What do you call someone who kisses another man, behind her boyfriend's back? Hmm?" Gusto kong magbunyi nang makita kong nagpupuyos na siya sa galit. Huh, ang kapal ng mukha niya! Ako pa daw ang malandi, edi ano pala siya kung ganon? Higad? Impit akong napadaing nang muli niyang diinan ang braso ko. Pinigilan ko ang mapahiyaw ng maramdaman kong bumabaon ang kanyang kuko. "Shut up, b***h! Stop acting like you know everything!" Imbes na matakot ay nginisihan ko pa siya para lalo siyang mainis. Pero sa loob loob ko ay parang maiiyak na ako sa sakit ng pagkakahawak niya sa braso ko. "Masakit ba, Avah? Masakit bang marinig ang katotohanan kung ano ka talaga? Let me tell you this, what you said to me, is actually the perfect description of yourself!" Ramdam ko ang panginginig niya, na para bang isa siyang bulkan na biglang sasabog. I grabbed the chance to pull away from her grasp and headed down. Pagdating ko sa baba ay naroon si Jordan sa couch. He did cold compress on my face. Agad kaming dumiretso sa kusina para magluto. Mas gugustuhin ko pang tulungan siya sa pagluluto kesa makipagsagutan kay Avah sa living room. Nagsaing ako sa rice cooker habang si Jordan naman ay nagluto ng ulam. Mayamaya pa ay tumabi ako sa kanya at pinagmasdan siya habang nagluluto. Napatingin naman siya agad sa akin at nginitian ako. Inalalayan niya ako paupo sa counter at tumayo naman siya sa harapan ko. Hinawakan niya ang namamagang pisngi ko at iniharap sa kanya. Hinalikan niya ang parteng iyon ng pisngi ko. Pagkatapos ay kinuha naman niya ang kamay ko at hinalikan ang mga pasa sa braso ko. "Ayan, gagaling na yan kasi kiniss ko na." Nakangiting wika niya. Kung isisipin ay nakakatawa ang ginawa niya, pero hindi ako natatawa. Muli ko na namang naramdaman na parang hinaplos ang puso ko sa mga simpleng gestures niya. Bumibilis lalo ang pintig ng puso ko, lalo akong nahuhulog sa kanya. Napangiti na lang ako bilang sagot sa kanya. Niyakap niya ako at isinandal ang ulo niya sa balikat ko. Nakiliti ako nang maramdaman ko ang mainit niyang hininga na dumadampi sa leeg ko. "Jordan, yung niluluto mo!" "Aww s**t! Sorry, Belle. I can't help it whenever you're here. Kapag kasama kita, pakiramdam ko unti-unting nawawala ang lahat sa paligid ko. Parang nag-slow motion ang lahat at tanging ikaw lang ang nakikita ko. My eyes are only focused on you. Only you." "f**k, Jordan! Mamaya mo na 'ko pakiligin! Yung niluluto mo masusunog na!" "Aw, s**t! Hahaha, sorry about that honey." Natatawang sabi niya. Dali dali siyang lumapit doon at pinatay ang kalan. Mayamaya pa'y pumasok na ang ahas -- este, si Avah sa kusina. Parang talang biglang nagningning ang mata niya ng makita si Jordan. "Jordaaaan, good morning. I'm so hungry naaaa." Nakangusong sabi niya. Huh, as if naman cute siyang tingnan pag nakanguso. "Upo ka na Avah. Luto na rin naman ang pagkain." Tinulungan ko si Jordan na ihain ang mga pagkain sa mesa. Kumuha ako ng tatlong plato, baso at kutsara't tinidor. Naupo ako sa tabi ni Jordan, paharap kay Avah. Nang tingnan ko siya ay tinaasan niya lang ako ng kilay. Hindi ko talaga gusto ang atmosphere kapag kasama ko si Avah. Para bang ang bigat-bigat ng paligid. "Jordan, can you please put some food on my plate? Masakit pa kasi ang kamay ko." She said with her puppy eyes and showed us her hand. Iyong nasugatan ng vase. Napabuntong-hininga si Jordan bago tumayo para lagyan ng pagkain ang plato ni Avah. Tsk, badtrip tong babaeng to. Habang nilalagyan kasi ni Jordan ng pagkain ang plato niya ay talagang napangisi siya sa akin. Hindi ko siya pinansin, sa halip ay nagpatuloy lang ako sa pagkain. Hindi ko maiwasang mainis sa inaakto ni Avah. She's acting like a child! No, scratch that. She's acting like an incapacitated person. Parang sinasadya niya lang lahat para mapansin siya ni Jordan, para pagsilbihan siya ni Jordan. Nakakainis na wala man lang ako'ng magawa. Wala naman akong karapatan na pagbawalan siya kasi, sino ba ako? Kaibigan lang ako. Gustong-gusto kong lapitan si Avah at saktan, pero hindi ko magawa kasi bukod sa wala akong karapatan, ayoko ring magmukhang walang pinag-aralan. Matapos kong kumain ay pumanhik muna ako sa kwarto ko para magpalamig ng ulo at maligo. Jordan and I decided to go somewhere to unwind. Habang naghahanap ng maisusuot ay napansin ko ang ilang damit ko na butas-butas na. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko ng oras na iyon. Parang umakyat lahat ng dugo sa ulo ko at namuo ang galit sa loob ko. Sino pa nga ba ang may gawa non, kundi si Avah? Siya lang naman ang naiiwan dito sa umaga eh. Gusto kong magwala! Bago pa man ako makagawa ng isang bagay na pagsisisihan ko, agad kong kinalma ang sarili ko. I took a deep breath and did the breathing exercise. Kapag pinatulan ko siya ay siguradong ako ang talo. I quickly took a bath and changed into a denim shorts, fitted cropped top shirt and white sneakers. I applied a little bit of lip tint on my lips, sprayed some perfume and went downstairs. Pagbaba ko ay napatingin ako kay Avah na nakabihis na rin. I sighed, wala ito sa usapan namin. This is supposed to be our day, but this woman is starting to ruin it. Jordan gave me an apologetic smile but I just nodded. This day is definitely getting worse. Habang nasa biyahe ay daldal ng daldal si Avah at pilit na isinasali si Jordan sa usapan. Nakakarindi siya, hindi ba siya marunong makiramdam? Hindi niya ba maramdamang walang kainte-interes ang mga kinukwento niya. "Jordan, did you remember that time nong high school pa tayo. Then there was this group of boys who harassed me and you came to rescue me? Alam mo bang takot na takot ako non at sobrang naiiyak, but you came. That's when I fell in love with you. You made me feel safe whenever you're around." Nalukot ang mukha ko. Tangina, ano to? Reminiscing the past? Hindi na maipinta ang mukha ko. Sino ba naman kasing mag-eenjoy na makinig dito, di ba? "Uh, it's been a long time Avah. And please, let's not talk about it. You're making Yssa feel uncomfortable." Hinawakan ni Jordan ang kamay ko at marahang pinisil. Again, he looked at me apologetically. Nailing na lang ako, as if namang may magagawa pa ako. Pagkatapos noon ay tumahimik na rin si Avah. Sa wakas! Pagdating namin sa Amusement Park ay excited na namang bumaba si Avah. Lumapit pa talaga siya kay Jordan at humawak sa braso nito. Walang magawa si Jordan kundi ang magpatianod kay Avah habang nakasunod ako sa kanila. Naghalo ang inis at sakit habang nakatingin ako sa kanila. Siguro, kung hindi sila nagbreak, lahat ng mapapatingin sa kanila ay sasabihing bagay sila. Hindi ko maintindihan kung bakit pakiramdam ko ay parang sinipa ang puso ko. Hindi ko gusto ang nakikita ko. Sumakay kami sa rollercoaster, ganoon na lang tili niya. Halos magsalubong na ang kilay ko nang mapayakap pa siya kay Jordan sa sobrang takot. Ganoon din ang ginawa niya sa nang sumakay kami sa ferris wheel at sa iba pang rides. Parang nawalan ng saysay ang pagpunta namin dito dahil hindi naman ako nag-enjoy. Kumain kami sa kalapit na fastfood. Habang umo-order si Jordan ng pagkain ay nakatingin lang si Avah sa akin at napapangiti. "Handa ka na ba Yssa? I'm just starting. Soon enough, Jordan will be mine again." Nginitian ko rin siya kahit labag sa loob ko. "Yun ay kung babalik siya sa'yo! Sa pagkakakilala ko kasi kay Jordan, hindi siya yung tipong mahilig mamulot ng mga basura na." Nagdiwang ako nang makita kong naiinis na naman siya. Sige lang, mainis ka pa, magalit ka pa hanggang sa mastroke kang leche ka at mamatay na! Pero hindi ko inasahan ang sumunod niyang ginawa. Pagbalik ni Jordan ay hilam na ang mukha niya sa luha. "Jordan, uuwi na lang ako. Ayaw yata ako'ng kasama ni Yssa dito. Pakiramdam niya, inaagaw kita sa kanya. Yssa, I'm sorry kung ganyan ang pakiramdam mo. Wala akong intensyon na ganyan. Sorry kung lumalapit ako kay Jordan. Sana maintindihan mo, namimiss ko lang talaga siya. Pero hanggang doon na lang yon." Patuloy pa siya sa mahinang paghikbi. Great actress! Ang galing umarte ng tangina! Nang balingan ko si Jordan ay nagtatagis ang bagang niya at hindi ko maipaliwanag ang mukha niya. Is he mad? Naniniwala siya sa lecheng babaeng to? "Yssa." Mahinang sambit niya sa pangalan ko. Nag-angat ako ng tingin at sumalubong sa akin ang nagsusumamo niyang mga mata. "Can we talk?" Tumango ako sa kanya. Binalingan naman niya si Avah at muling nagsalita. "Just continue eating, Avah. We'll be back in a few minutes." Ngiting aso ang isinalubong ni Avah sa akin nang tumalikod na si Jordan. Tumayo ako sa sumunod sa kanya. Lumabas kami sa restaurant at pumunta sa likurang bahagi kung saan mayroong mga puno. Hinawakan niya ang kamay ko at hinalikan iyon. "I'm sorry, Belle." "Why are you always saying sorry, Jordan?" "I'm sorry kasi alam ko'ng nasira ko ang araw mo, ang araw nating dalawa. This is supposed to be our date, but Avah tagged along. Alam kong awkward but please, just try to understand her. She's hurt, she's depressed from her past relationship. She was crying hard the night I found her. Alam mo bang sinundan ko lang siya noon kasi muntikan na siyang magpabangga sa sasakyan." Ewan ko, pero kahit ano'ng paliwanag ang gawin ni Jordan, hindi ko pa rin maintindihan. Kasi alam ko sa sarili kong hindi yon totoo. Siguro 'yon ang sinabi niya kay Jordan, pero iba ang nakikita ko. "Tinawagan ko ang pamilya niya. Pinakiusapan ko silang kunin nila si Avah, pero maging ang mga magulang niya ay walang magawa. It all started when her boyfriend dumped her for another woman. Nadepressed siya dahil doon. They tried to console her, they gave her advices pero hindi na nakikinig si Avah sa kanila. Kaya lumayas siya. Her parents asked me to take care of her for now, kasi baka daw sa akin lang siya makinig. Believe me, Belle. Gustong-gusto kong umalis siya, pero hindi ako ganoon ka sama. Kaibigan ko pa rin siya. Hindi kaya ng konsensya ko na pabayaan siya at mapahamak." Sana nga ganoon, Jordan. Tiningnan ko siya sa mata. Hindi ko alam ang sasabihin ko. "When I said, I understand. I completely understand, Jordan. Hindi ako yung tipo ng taong mababaw mag-isip. Kung pakiramdam mo, hindi ko naiintindihan ang sitwasyon, pwes mali ka. Kasi hindi ganoon 'yon. Isa lang ang hihilingin ko sa'yo, Jordan. Sana maniwala ka sa akin sa susunod." Tumalikod na ako sa kanya at naglakad palayo. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Gutom pa rin ako, pero wala na akong ganang kumain. Hindi ko rin kaya pang bumalik doon at makasama si Avah, hindi kasi ako plastic katulad niya. Natagpuan ko ang sariling tinatahak ang daan pabalik sa parking lot. Pumasok ako sa kotse ni Jordan at doon nag-isip. Matapang ako, pero hindi sa lahat ng oras ay kaya ko. Ilang sandali pa ay nakita kong pabalik na rin sila Jordan. Agad na pumasok si Jordan sa driver's seat at ganoon din si Avah sa likod. Pinaandar ni Jordan ang sasakyan at nagdrive pauwi. Tahimik lang ako at hindi pinansin si Jordan kahit na panay ang tingin niya sa akin. Pagdating sa bahay ay nauna akong bumaba. Hindi ko na siya hinintay na pagbuksan ako ng pinto. "Thank you for this day, Jordan! I really enjoyed!" Muli kong narinig ang matinis niyang boses at nagsalubong muli ang kilay ko nang makita kong hinalikan niya si Jordan sa pisngi. Agad akong pumanhik sa kwarto ko at inayos ang mga gamit ko. Mayamaya pa ay narinig kong bumukas ang pinto at iniluwa niyon si Jordan. He looked guilty, siguro dahil sa napag-usapan namin kanina. Muli akong tumalikod at humarap sa bintana. Narinig ko ang mga yabag niyang papalapit sa akin pero hindi ako gumalaw. Pinulupot niya sa bewang ko ang kanyang mga braso. "I'm sorry, Belle. Are you mad?" "I'm not, Jordan." Hinigpitan niya ang pagyakap sa akin at naramdaman ko nang hinalikan niya ang balikat ko. Pero kahit anong gawin niya ngayon, hindi pa rin naaalis ang sakit na nararamdaman ko sa puso ko. "I want to go home, Jordan." Nanigas siya sa sinabi ko. "You're home, Belle." "No, this isn't my home. I want to go back to my home, Jordan." ~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~ To be continued... VOTES AND COMMENTS ARE HIGHLY APPRECIATED! THANK YOU!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD