Chapter 20

2738 Words
20 Yssa's POV Hindi ako nakapagsalita, nanatili lang akong nakatingin kay Jordan. Ano ba ang dapat kong sabihin? Hindi ko alam kung tadhana ba ito, o talagang sinadya ng babaeng ito ang lahat. Biglang sumagi sa isip ko ang text message na natanggap ko ilang linggo na ang nakararaan. Siya kaya ang nagpadala niyon? Pero bakit pa siya muling bumabalik sa buhay ni Jordan? Bakit ngayon pa, kung kelan maayos na ang buhay niya? Kung kelan mahal ko na siya? Hindi ko man aminin ay kinakabahan ako sa maaaring mangyari ngayong nagbalik siya. I cleared my throat and fixated my eyes on him. "Uhm, ano. Hindi mo naman kailangang itanong sa akin kasi bahay mo naman ito di ba. You have every right to let anyone whom you want to stay here." Mahinang sabi ko. Totoo naman kasi, wala naman ako sa posisyon para pangunahan siya dahil bahay niya ito, nakikitira lang naman ako dito. Hindi ko inaasahan ang sumunod niyang ginawa. Hinawakan niya ang kamay ko at marahan iyong pinisil. "I know you'd understand, but still, gusto ko pa ring ipagpaalam sa'yo. This is not just my house, this is our place." He pulled me on a tight hug and caressed my hair. Nakatalikod si Jordan kay Avah kaya naman hindi niya nakikita ang mukha nito. Habang ako naman ay nakaharap sa kanya at kitang-kita ko ang naglalagablab niyang tingin. Nakakatakot pero handa akong harapin siya. I may be a coward to admit my feelings for Jordan, but I'm willing to fight for him. Hindi niya deserve ang isang babaeng manloloko katulad ni Avah. "I'm really sorry kung kailangan ko siyang patuluyin dito. Wala kasi siyang kakilala dito sa atin. I just saw her in the bar earlier, she was dead drunk. I think she's broken hearted." I wanted to tell Jordan that this wasn't the first time I saw Avah here, but that would only confuse him. I'm not even sure kung paniniwalaan niya ako so I kept it to myself. "It's okay, Jordan. You don't have to say sorry, I completely understand. Will she be staying here for long?" I hope not. I can sense something wrong with Avah, but I can't point it out. Jordan heaved a deep sigh, as if he's not certain on how to answer my question. "Truth is, I don't know. I've been trying to convince her to go back home, pero ang sabi niya may problema daw sila ng parents niya ngayon. Ako lang daw ang malalapitan niya kaya kahit nahihiya daw siya sa nagawa niya before, she forced herself to approach me." While Jordan was saying those words, I saw a smirk formed on Avah's lips. Hindi ako sumagot. Kung pagbabasehan ang kwento ni Jordan, maniniwala ako sa kanya. But I knew better, this girl is definitely cooking something. I should be vigilant and observant. Napabuntong-hininga lang ako. "Saan pala siya matutulog ngayon?" "Hmm, doon na lang siguro sa kwarto ko. Dito na lang ako sa baba matutulog." Pilit na ginising ni Jordan si Avah. Kung hindi ko lang alam na nagkukunwari lang siyang tulog ay tiyak na maniniwala ako. Maya maya pa ay nagmulat siya ng mata, at tumingin sa akin na para bang gulat na gulat siyang makita ako. "Oh, Jordan. Where am I?" "Nandito ka sa bahay ko. Ano, lumipat ka na muna doon sa taas. Sa kwarto ko na ikaw matulog, dito na lang ako sa baba." "Oh. I'm sorry, naabala pa tuloy kita. Nakakahiya naman sa inyo ng girlfriend mo." "It's okay. She understands. By the way, Avah, this is Yssa. She's my girl. Ah Belle, si Avah, an acquaintance." My girl, huh? "Hi Yssa, what a nice name. Bagay na bagay sa'yo. It was nice to meet you, by the way." "Thank you, it was nice meeting you, too." Sinamahan ni Jordan si Avah sa taas. Kahit na nangangati akong sundan sila ay pinigilan ko ang sarili ko. May tiwala naman ako kay Jordan, pero doon kay Avah, wala. Ilang sandali pa muling bumaba si Jordan na may dalang unan at kumot. "You're seriously going to sleep here? Hindi ka kasya jan sa couch, Jordan." Napataas ang sulok ng kanyang labi. Nakaramdam tuloy ako ng hiya. Remind me again, why did I even said those words? Unti-unti siyang lumapit sa akin at ikinulong ako sa mga bisig niya. "So, what are you suggesting? Hmm?" Muntik pa akong mawala sa katinuan nang amuy-amoyin niya ang buhok ko. "Ano, wala! Matulog ka na nga!" Agad akong bumitaw sa kanya at nagmartsa paakyat sa kwarto ko. Narinig ko pa ang mahina niyang pagtawa. Bubuksan ko na sana ang pinto ng kwarto ko nang maramdaman kong may nakatitig sa akin. Lumingon ako sa pintuan ng kwarto ni Jordan at nakita ko ang galit na tingin ni Avah. Hindi ko na siya pinansin at pumasok na lang ako sa kwarto ko. Nakatingala lang ako sa kisame habang nakahiga. Hindi ako makatulog. Maraming gumugulo sa isip ko. I know I'm overthinking things, pero hindi ko maiwasan. His ex is back, and I'm very sure of the reason why. She came here purposely to get Jordan back. They were together for two years. Minahal siya ni Jordan nang husto, paano kung sa panahong nandito siya ay muling mahulog ang loob ni Jordan sa kanya? Makakaya ko ba iyon? Nakatulog ako na puno ng isipin ang aking utak. KINABUKASAN, nagising ako sa mahihinang kiliti sa tenga ko. It's as if someone is purposely blowing in my ears. I jerked and immediately opened my eyes only to find Jordan laughing his ass out. "So masaya ka na niyan?" Mataray na tanong ko. "I've been waking you up for almost an eternity now. Breakfast is ready, Miss Beautiful." "Fine, maliligo lang ako." Binilisan ko ang pagligo dahil late na akong nagising. Inilugay ko lang ang buhok ko at nagmamadaling bumaba. Pagpasok ko sa kusina ay naabutan ko si Avah at Jordan na nakaupo na. "Jordan, paki-abot naman ng kanin please." Inabot ni Jordan ang kanin sa kanya at saka tumayo at pinaghila ako ng upuan. Mayamaya pa ay nilagyan niya ng kanin at ulam ang plato ko. Muli siyang tumayo para ikuha ako ng kape. Nang mapatingin ako kay Avah ay ganon na lang kasama ang tingin niya sa akin. Nang bumalik si Jordan ay nagmukha ulit siyang anghel na nakangiti. "Good morning, Yssa. You're going to work?" "Good morning. Yes." Tipid na sagot ko. Wala akong balak na makipag plastikan sa kanya. "If you don't mind, ano ba'ng trabaho mo?" "I'm a freelance Auditor." "Oh, office work. Isn't that a little bit boring?" Nagpanting ang tenga ko. Is she insulting my profession? Instead na patulan ang pang iinsulto niya, I gave her a genuine smile. "Nope. Nagiging boring lang naman ang trabaho kapag hindi mo iyon gusto o mahal. But if work comes with your passion, everyday is fulfilling." Hindi na siya sumagot. Nakatingin lang si Jordan sa akin nang nakangiti. "It's good that you're getting along just fine." Nakangiti pa siya sa amin na para bang tuwang-tuwa siya na nag-uusap kami. Kung alam niya lang. Pagkatapos naming mag agahan ay hinatid ako ni Jordan. Bago bumaba sa kotse niya ay may binigay siya sa aking tupperware. Nang tanungin ko siya kung ano yun, ang sagot niya ay lunch ko daw. Parang hinaplos na naman ang puso ko sa ginawa niya. Marahan niya pa akong hinalikan sa labi at sa noo. Buong araw akong inspired. Hindi na ata mawala sa labi ko ang mga ngiti. Tuloy ay naging magaan ang trabaho ko at walang naging problema. Pati sa pananghalian ay hindi nawala sa labi ko ang mga ngiti. Inilabas ko ang tupperware. Napangiti pa ako ng makita kong may maliit na note na nakaipit dito. Agad ko iyong kinuha at binasa. "Ubusin mo ito, honey. Kapag hindi mo naubos, ikaw ang gagawin kong ulam mamaya. Hahaha :)" Natawa ako pero hindi ko naiwasang mamula sa nabasa ko. Kahit wala si Jordan sa harapan ko, he managed to make me feel special and loved. Naubos ko ang niluto niyang adobo at pakiramdam ko busog na busog na naman ako. Ginawa ko ang afternoon routine ko sa office nang may mataas na energy. Parang hindi na ata ako napapagod. Sobrang gaan lang ng pakiramdam ko. Pagsapit ng alas singko ng hapon ay bumaba na ako. Paglabas ko sa building ay naroon na ang kotse ni Jordan. Nakangiti niya akong pinagbuksan at agad naman akong pumasok. He immediately kissed me on the lips, to which I responded with equal intensity. Pagdating namin sa bahay ay naabutan namin si Avah na nanonood ng TV. Nang makita niyang pumasok si Jordan ay agad siyang tumayo at naglambitin sa leeg ni Jordan. "Jordaaaannnn! You're back. Saan ka ba nanggaling kanina? Why did you left me here?" I wanted to roll my eyes on her but I stopped myself. Maingat na inalis ni Jordan ang mga kamay ni Avah sa leeg niya at tumikhim bago nagsalita. "I looked for a job Avah, and besides, sinundo ko si Yssa." Saka lang tumingin si Avah sa akin at palihim na umismid. "Oh, I see. Wala ka bang car, Yssa? Or you just can't afford to buy one?" Napataas ang kilay ko sa tinuran niya. Ang kapal, kung ibalibag ko kaya siya kotse ko? Bago pa man ako makasagot ay si Jordan na ang gumawa non. "Of course, she has a car. Pero mas gusto kong hatid-sundo ko siya. That way, I'm sure that she's always safe." Lihim akong napangiti nang parang napahiya ang mukha ni Avah. Kumaway lang ako sa kanya at tumuloy sa kwarto ko para magbihis. Nagpalit lang ako ng dolphin shorts at sleeveless top. Bumaba ako sa kusina para tulungan si Jordan sa pagluluto. Nadaanan ko pa si Avah na nakaupo sa couch at tila nag-iisip ng malalim. Hindi ko na siya pinansin, sa halip ay dumiretso na lang ako sa kusina. Nakatayo ako sa pintuan ng kusina at bumungad sa akin ang matipunong katawan ni Jordan. Nakasuot lang siya ng sweatshorts at puting sando na bumabakat sa katawan niya. Pagpihit niya ay sumalubong sa akin ang gwapo niyang mukha na hindi ko pagsasawaang titigan. Kasalukuyan siyang naghihiwa ng mga gulay para sa sinigang. Bigla siyang tumigil at nahigit ko ang aking hininga nang maglakad siya sa gawi ko. My mouth literally dropped when he gave me his boyish smile. He slowly closed our distance and trapped me in between his arms. Nakasandal lang ako sa pader na para bang doon nakasalalay ang buhay ko. He held my chin and tilted my face upwards. His gaze locked on mine and my heart immediately skipped a beat. Namumungay ang kanyang mga mata at diretsong nakatingin sa akin. Pakiramdam ko ay nahipnotismo ako, hindi ko magawang alisin sa kanya ang paningin ko. Ipinikit ko ang mga mata ko nang unti-unting bumaba ang mukha ni Jordan. BLAG! Napahinto kami sa akmang paghahalikan nang makarinig kami ng malakas na tunog mula sa sala, tanda na mayroong nabasag. Parehas pa kaming napabuntong-hininga ni Jordan nang pumunta kami sa sala. Nadatnan namin si Avah na dumudugo ang kamay habang pinupulot ang nagkalat na piraso ng nabasag na ceramic vase. "I'm so sorry, Jordan. Hindi ko sinasadya, bigla ko'ng natabig ang vase. I'm sorry." Paiyak na wika ni Avah. Gusto ko'ng pumalakpak sa galing niya sa pag-arte pero pinigilan ko ang sarili ko. Baka lalo lang kaming magkagulo. "It's okay Avah. Doon ka na muna sa couch. Kukuha lang ako ng medicine kit." Agad na tumalikod si Jordan at dumiretso sa kusina para kuhanin ang kit na naroon sa cabinet. Naiwan naman kaming dalawa ni Avah at muling sumilay sa mukha niya ang isang nang-uuyam na ngiti. "Just wait, b***h! Jordan is mine!" Nakangiti at pabulong niyang sabi. "He's not yours, mula nang niloko mo siya, tinggalan mo na rin ang sarili mo ng karapatang angkinin siya." Madiin kong sagot sa kanya. Huh, akala niya uurungan ko siya. No way! Pagbalik ni Jordan ay muli siyang naupo sa couch at nagkunwaring umiiyak. Napatingin sa akin si Jordan na para bang nagpapaalam kung ayos lang na gamutin niya si Avah. Tumango lang ako at kinuha ang walis at dust pan para linisin ang kalat ni Avah, habang ginagamot ni Jordan ang kamay niya. Dumiretso ako sa kusina at tinapos ang niluluto ni Jordan. Naririnig ko pa ang maarteng boses ni Avah habang sumisigaw ng "ouch" o di kaya ay "aray". Hindi ko maiwasang mainis lalo na nang muli kong marinig ang matinis niyang boses. "Thank you so much, Jordan. I'm so happy to know that you still care about me." I wanted to roll my eyes. Talagang nilakasan niya ang pagkasabi non, para inisin ako. Such a desperate woman! Wala akong narinig na sagot mula kay Jordan. Mayamaya pa ay naramdaman ko ang kanyang matipunong mga braso na nakapulupot sa bewang ko. He rested his head on my shoulder and pouted his lips. "I'm sorry." Nagulat ako, hindi ko alam kung bakit siya nagsosorry. "Why are you saying sorry?", ani ko at itinagilid ang ulo ko paharap sa kanya. "I'm sorry kasi nandito si Avah. I'm sorry kasi kailangan kong gamutin ang sugat niya. Im sorry, honey. I wanted to be alone with you, to kiss you and to make love to you. Pero hindi ko siya pwedeng paalisin kasi kawawa naman siya. Naging kaibigan ko rin naman siya noon, kaya hindi rin kakayanin ng konsensya ko kapag napahamak siya." I sighed. Pinatay ko ang kalan at pumihit paharap sa kanya. Ngayon ay kitang-kita ko sa mga mata niya ang sinseredad. At ang katotohanang hindi niya gusto ang nangyayari ngayon. I smiled at him. He pulled me closer to him and kissed the top of my head. "It's okay , Jordan. Gusto rin naman kitang makasama, pero naiintindihan ko. Hangga't pinaparamdam mo sa akin na importante ako, I will always be here for you." "Honey, my body and my heart belongs to you. Always remember that." Pagkatapos niyang sabihin iyon ay ginawaran niya ako ng masuyong halik sa mga labi. Napatigil lang kami nang makarinig kami ng mahinang tikhim. Muli kong nakita ang sakit na bumalatay sa mga mata ni Avah. Gusto kong maawa, pero kapag naaalala ko ang ginawa niya kay Jordan ay nanggigigil ako. Bigla tuloy naging awkward ang atmosphere. Agad kong inihain ang niluto kong ulam at kanin. Tahimik lang kaming kumakain habang si Avah ay palipat-lipat ng tingin sa amin. Pagkatapos naming maghapunan ay nagbihis na rin si Jordan. Hinila niya ako palabas para samahan siya sa kotse niya. The moment we stepped out of the door, he immediately claimed my lips in a hot kiss. Geez! Habol ko ang aking hininga ng bitawan niya ako. He grinned at me and kissed me again, this time, in a more passionate manner. I closed my eyes and clung on his neck for support. He let go of me and kissed me on my forehead. "I'll go now. Sleep tight, honey." Nakangiti kong isinara ang gate matapos niyang maka-alis. Pagpasok ko ay nakita ko si Avah na masama ang tingin sa akin. Siguro, kung nakamamatay lang ang tingin ay tiyak na kanina pa ako nakabulagta. Nilampasan ko lang siya at naglakad paakyat sa kwarto ko nang bigla niyang hablutin ang kamay ko. Pinilit kong hilahin ang kamay ko pero masyadong malakas at mahigpit ang pagkakahawak niya. Sa bawat pagpupimiglas ko ay lalo niyang dinidiin ang paghawak. Napahiyaw ako sa sobrang sakit. "I already warned you b***h! Jordan is mine! Don't you get it?" Bigla siyang tumingin sa akin nang nanlilisik ang mga mata. Kinabahan ako pero nilakasan ko ang loob ko. "And I already told that Jordan is not yours! How pathetic of you! Pagkatapos mong lokohin ang tao, babalik balik ka na parang walang nangyari? Are you not ashamed of yourself?" Parang biglang umikot ang paningin ko nang sampalin niya ako ng ubod ng lakas. Fuck this woman! Ang sakit ng pisngi ko! "Don't talk like you knew everything, because you know nothing! Jordan is mine. And I will do everything, just to get him back. Everything...." Biglang nanlamig ang buong pagkatao ko nang lumapit siya sa akin at bumulong. "And I will hurt anyone who dares to stop me and my plan. Jordan is mine, and I'll get him back. Watch out for that!" ~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~ To be continued.....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD