19
WARNING: R-18
Yssa's POV
Mahal ko siya, hindi bilang isang kaibigan kundi higit pa doon. 'Yon ang malinaw na sinasabi ng puso ko. Hindi ko alam kung kailan ito nagsimula, o kung paano nangyari pero sigurado ako sa nararamdaman ko. Ngayon ay mas higit ko na nang naiintindihan kung bakit ganoon na lang ka lakas ang t***k ng puso kapag kasama ko siya, o kapag naririnig ko ang boses niya. Kakaibang saya ang bumabalot sa puso ko sa tuwing magkasama kami. Kakaibang kislap ang naroon sa mga mata ko kapag nakikita ko siya. Kakaiba, dahil ngayon lang ako nakaramdam ng ganito ka sidhing damdamin. He isn't my first love, but he's definitely the love I could never forget.
Lumipas ang dalawang linggo, naging abala si Jordan sa pag-aaral at pagrereview para sa kanilang Final Exams. Nagpaalam muna siya sa tiyuhin niya para makapagfocus sa kanyang pag-aaral. Tunay nga'ng mabait ito dahil nag offer pa ito na tuloy-tuloy ang kanyang sahod kahit hindi siya pumasok.
Araw-araw niya pa rin ako'ng hatid-sundo. At para makatulong na rin, sa umaga ay ako na ang nagluluto. Gusto ko rin naman ang ginagawa ko dahil sa pamamagitan niyon ay naipapadama ko rin sa kanya ang pagmamahal ko.
Hanggang sa mga sandaling iyon ay wala akong binanggit sa kanya. Takot ako na muling sumugal, o mas tamang sabihin na hindi pa ako ulit handang masaktan. Ganoon pala talaga kapag naranasan mong maloko. Pakiramdam mo lahat ng tao ay lolokohin ka rin, yung nagiging mahirap na para sa'yo ang magtiwala. At kung magtiwala ka man, hindi rin buo.
Nalungkot ako sa isiping 'yon. Gusto kong tuluyan nang maghilom ang sugat ko. Gusto ko'ng buksan muli ang puso ko nang walang pag-aalinlangan.
Hinayaan ko ang sarili kong mahulog. Sa bawat araw na nagdaan, habang magkasama kami ay lalo ko siyang nakikilala at minamahal.
Natapos ang kanilang Final Exams at ilang linggo na lang ulit ay darating na ang araw na pinakahihintay niya, ang araw ng kanyang pagtatapos. Kitang-kita ko ang galak sa kanyang mukha nang paunti-unti ay naipasa na niya ang lahat ng kanyang requirements sa paaralan. Sinamahan ko siya sa mga gabing nagpupuyat siya sa pag gawa ng mga papers niya, sa pagrereview at hanggang sa matapos ang lahat. All his hard work will be paid off. And his diploma, will be his greatest treasure after an adventurous and challenging college life.
GRADUATION DAY
Lumuwas ang kanyang pamilya para daluhan ang kanyang pagtatapos. Kasama niya sa kanyang pagmartsa ang kanyang Nanay Jocelyn na panay ang tulo ng luha at ang kanyang Tito Hector na siyang tumulong sa kanya para muling makapag-aral. Kasama ko naman ang kanyang mga kapatid sa likurang bahagi ng napakalaki nilang Auditorium. May dalawang malalaking Flat screen TV na nakalagay sa likod para mapanuod ng mga taong nandoon ang kanilang mga mahal habang umaakyat sa entablado para kunin ang kanilang diploma.
Sa kabilang gilid ay nakita ko sina Justin at Sydney. Maayos na ulit ang paglalakad ni Justin at sobrang ganda naman ni Sydney. Yumakap sa kanila ang maliliit na kamay ng isang bata. Nanlaki ang mga mata ko nang marealize na ito na pala ang kanilang anak. Kailan ko lang nalaman ang tungkol doon at ang tunay na dahilan ng pag-alis ni Sydney noon. Gustohin ko mang magtampo, ay mas nangibabaw sa akin ang paghanga para sa best friend ko. Sobrang bigat ng pinagdaanan nila ni Justin, but looking at them now, I can say that everything turned out well, according to God's will. Indeed, his timing is always perfect.
Napangiti ako habang pinagmamasdan ang masaya nilang pamilya. Mamaya na lamang ako babati sa kanila dahil mayroon silang party mamaya. Napangisi ako, wala kasing idea ang best friend ko na mayamaya lang ay magpopropose na si Justin sa kanya. Ang swerte niya sapagkat nahanap na niya ang taong makakasama niya sa habang-buhay.
Muli kong ibinalik ang atensyon ko sa TV habang hinihintay na tawagin ang pangalan ni Jordan. Nakasuot lang siya ng itim na slacks, black leather shoes, light blue na long sleeves at kulay itim na tie. Pinatungan niya iyon ng pinakamahalagang damit sa araw na iyon, ang kanyang kulay itim na toga. Nasa mukha ng bawat isa ang matamis na ngiti. Today marks the beginning of their journey to employment world.
Hindi nagtatapos sa graduation ang pag-aaral. Learning is always a continuous process. Some we learn at school, while some we learn from experiences.
Nangilid ang luha ko nang tawagin ang pangalan ni Jordan.
"Garcia, Dale Jordan, c*m Laude."
Napangiti ako sabay tulo ng mga luha ko habang pinagmamasdan ko si Jordan sa TV. Bakas sa kanyang mukha ang matinding tuwa. Mamula mula ang kanyang mga mata at tila nagbabadya ang luha mula sa kanyang mga mata. Nang balingan ko ang kapatid niyang si Jordy ay umiiyak din ito habang pumapalakpak. Proud na proud ito sa narating ng kanyang kapatid. Para sa kanilang pamilya, ang makapagtapos ng pag-aaral ay isang napakalaking achievement. Pagbaba ni Jordan ng stage ay sinalubong siya ng yakap ng kanyang ina. Parehas na silang lumuluha. Ito yung mga luha na hindi sayang, sapagkat ito'y dulot ng matinding kasiyahan.
Nang matapos ang seremonyas ay agad na pumunta sa amin si Jordan. Mahigpit kaming nagyakap, hindi alintana ang mga matang nakamasid sa amin. Masaya ako para sa kanya dahil malapit na niyang marating ang mga pangarap niya.
We celebrated in a fancy restaurant. Isa iyon sa iniregalo ni Tito Hector kay Jordan. Hanggang nang mga sandaling iyon ay maluha-luha pa ang nanay ni Jordan. Ang mga kapatid niya naman ay manghang nakatingin sa buong restaurant.
We ate happily and exchanged conversations. Masaya ang lahat habang pinagsasaluhan namin ang masasarap na pagkain. Pagkatapos noon ay nagvolunteer si Tito Hector na isama na muna ang pamilya ni Jordan para ipagshopping. Hindi na rin tumutol si Jordan dahil aattend pa kami ng Graduation party ni Justin at Sydney.
Umuwi muna kami para maligo at makapagpalit ng damit. Simpleng white above the knee spahetti strapped dress lang ang suot ko. Naglagay ako ng kaunting make-up at inilugay ko lang ang aking buhok. Pagbaba ko ay nakita ko si Jordan na gwapong-gwapo sa suot niyang faded maong pants, puting long sleeved polo at itim na sapatos. Bigla akong nailang nang makita kong titig na titig siya sa akin. Agad niya akong nilapitan at ginawaran ng mariing halik sa mga labi.
"You look beautiful as always, honey."
Namula ako, hindi sa papuri kundi sa endearment na tinawag niya sa akin. Muli niya pa akong hinalikan pero bago pa man iyon lumalim ay kusa akong humiwalay.
"Jordan, may pupuntahan pa tayo. If you don't stop kissing me, we'll surely end up in bed."
Pinandilatan ko siya na ikinatawa lang niya.
"Just one last kiss." Muli pa niyang ungot bago ilapat ang labi niya sa mga labi ko. Hinayaan ko lang siyang damhin ang mga labi ko. Hinapit niya ako hanggang sa wala nang natirang space sa pagitan namin. Isang mahinang ungol ang kumawala sa labi ko nang tuluyan niya itong bitawan.
"Alright, let's go honey."
Dahil sa bigla niyang pagbitaw ay nabitin ako. Tinampal ko siya sa balikat dahil halatang natatawa siya. Ramdam ko pa ang pag-iinit ng pisngi ko dahil sa nangyari.
PAGDATING namin doon sa hotel nila Sydney ay marami ng tao. Naroon halos lahat ng mga kamag-anakan nila on both sides. Hindi rin nakaligtas sa aking paningin ang mga barkada ni Justin na noon ay masayang nagtatawanan sa isang mesa.
Agad kong hinanap si Sydney para batiin. Mahigpit kaming nagyakap at humingi pa siya ng paumanhin dahil hindi niya ako nasabihan, ang akala niya daw ay family dinner lang ito. Wala siyang ka-alam alam na sa gabing ito, tuluyan nang magbabago ang buhay niya. Masaya ako para sa kanilang dalawa dahil sa wakas ay makukuha na rin nila ang happy ending sa kanilang istorya.
Ipinakilala ni Sydney ang anak niya. Kamukhang kamukha siya ni Justin. Matalino at sweet na bata, at napakabolero. Mukhang pati iyon ay namana niya sa kanyang ama.
Muli akong bumalik sa table namin ni Jordan. Kumain muna kami habang hinihintay ang announcement.
Ilang sandali pa ay pumailanlang ang isang napakasweet na awitin. Nagsitayuan ang mga tao at unti-unting pumagitna sa dance floor habang nagsasayaw sa saliw ng awitin. Jordan stood up and offered me his hand.
He guided me on the dance floor. I rested my head on his chest as we slowly moved to the rythm of the music. His hands casually draped on my waist and pulling me closer to him. I inhaled his sweet masculine smell and listened to his heartbeat. His heart was beating erratically just like how my heart does. He kissed me on the head and for a moment, I felt so loved.
Nang matapos ang kanta ay magkahawak kamay kaming bumalik sa upuan namin. Napangiti ako habang pinagmamasdan si Justin at Sydney na naiwan sa gitna. They looked lost in each other's presence. Mayamaya pa ay hinila na ni Justin si Sydney patungo sa gitna. Lahat ay napatingin at natulala sa kanila habang sinasabi ni Justin ang kanyang saloobin. Napahawak ako sa kamay ni Jordan nang biglang lumuhod si Justin at alukin ng kasal ang best friend ko. Lahat ng nanonood sa kanila ay napaluha. Lahat kami ay masaya na sa wakas ay natagpuan nila ang daan pabalik sa isa't-isa.
Hindi ko mapigilan ang mapaluha sa sobrang tuwa. Saksi ako noon kung paano silang nagsimula at alam ko kung gaano ka mahal ni Sydney si Justin. At kahit nagalit ako noon kay Justin ay hindi ko maitatangging naramdaman ko rin na minahal niya ang kaibigan ko. Malaki ang naging epekto ng pag-alis ni Sydney sa buhay naming lahat, kaya ngayon, masaya akong makita na masaya na ulit sila.
Isinandal ko ang ulo ko kay Jordan. Tahimik lang siya at kagaya ko ay may ngiti sa mga labi niya. Siguro, kagaya ko ay masaya rin siya para sa kaibigan namin. Nagparaya siya dahil alam niyang hindi niya mapapasaya at mapapangiti si Sydney katulad ng nagagawa ng simpleng presensya ni Justin sa kanya.
Makalipas ang ilang sandali, nagpaalam kami kay Sydney. Nang makarating kami sa bahay ay excited akong pumanhik sa kwarto ko. Abot abot ang kaba ko habang hawak ang isang maliit na kahon. Naisipan ko kasing bigyan si Jordan ng isang maliit na regalo bilang appreciation sa kanya.
Pagbaba ko ay naabutan ko siyang naka upo sa couch habang tinatanggal ang kanyang sapatos. Agad akong lumapit sa kanya at nginitian siya.
"Jordan, I have something for you."
Nag-angat siya ng ulo at tiningnan ako nang may pagtataka. Dahan dahan kong inilabas ang box at ipinatong iyon sa kanyang mga hita. Maliit iyon at pahaba. Napaawang ang kanyang bibig habang hawak-hawak ang box.
"What's this?" Curious na tanong niya.
"Just open it." Naghalo ang kaba at excitement ko nang buksan niya ang kahon. Hindi ko alam kung magugustuhan niya iyon, pero knowing Jordan, alam kong maappreciate niya iyon.
Gulat at tuwa ang nabasa ko sa kanyang mukha nang itaas niya ang silver bracelet na iniregalo ko sa kanya. Mayroon itong palawit na toque ang disenyo at may naka-engrave na "The best chef in my heart."
Excited na isinuot ko iyon sa kanang palapulsuhan niya.
"Thank you so much, Belle. Your presence alone, is more than enough. And with this gift, I feel like I'm the most important person in your universe right now. And I cannot tell you how fast my heart is beating right now, or how the emotions inside are dancing like a circus. All I can ever do is to take your hand and make you feel how frantic my heartbeat is."
Kinuha niya nga ang kamay ko at nilagay iyon sa tapat ng dibdib niya. Indeed, his heart is beating wild just like mine.
He gently pulled me on a hug as he buried his head in between my neck. I hugged him back.
Namalayan ko na lang na masuyo niya na akong hinahalikan. Nagpatianod ako sa kanya hanggang marating namin ang kwarto niya. Patuloy lang siya sa paghalik na para bang ayaw na niyang putulin ang mahiwagang sandaling iyon.
Naglakbay ang kanyang mga kamay at dahan dahang humaplos sa aking likod. Napapikit pa akong lalo ng idiin niya ang kanyang sarili sa akin. Bumaba ang kanyang halik sa aking leeg. Napasinghap ako sa mainit na sensasyong bumalot sa pagkatao ko. Nalunod ako sa kanyang mga haplos at halik. Tuluyan niyang ibinaba ang suot kong damit at maingat na inihiga ako sa kanyang kama. Ilang sandali pa ang nakalipas ay napuno ng mga ungol naming dalawa ang kanyang kwarto.
KINABUKASAN ay nagising ako sa tabi ng hubad na katawan ni Jordan. Napangiti ako nang maalala ko ang nangyari kagabi. Kahit ilang beses pa naming gawin yon ay tila hindi kami magsasawa sa isa't-isa.
Bumangon na ako at nagluto ng breakfast naming dalawa. Pagkatapos doon ay naligo na rin ako nagbihis para pumasok sa opisina. Naabutan ko si Jordan sa kusina. Agad niya akong sinalubong yakap at halik sa mga labi.
"Bakit hindi mo ako ginising?" Nakanguso niyang tanong. Gusto kong matawa dahil ang cute niya habang nakapout.
"Ang sarap kasi ng tulog mo. Tsaka ngayon ang unang araw na wala ka nang pasok sa school. You should enjoy this."
Hindi na siya nagkomento kaya kumain na lang kami. Inihatid niya ako sa opisina habang siya naman ay dumiretso sa bahay ng kanyang tiyuhin kung saan naroon ang kanyang pamilya. Ihahatid niya pauwi ang nanay at kapatid niya at babalik naman siya mamayang hapon para sunduin ako at para magtrabaho.
Mabilis na lumipas ang maghapon habang nakatutok ako sa trabaho ko. Medyo gamay ko na ngayon ang mga pasikot-sikot sa kompanya kaya madali na akong nakakasabay kapag may sinasabi si Dad. Humalik lang ako kay Dad at nagpaalam dahil naghihintay na sa baba si Jordan.
Kumain kami ni Jordan sa labas, libre niya dahil gusto lang daw niya. Umuwi rin kami noong kumakagat na ang dilim. Nagbihis na si Jordan para pumasok. Ipagpapatuloy daw muna niya ang trabaho sa bar hangga't hindi pa siya nakakakita ng trabaho. Humalik pa siya sa akin bago tuluyang umalis.
Napangiti ako habang naiisip ang set-up namin ni Jordan. Kung tutuusin ay para na kaming mag-asawa. Pero agad na nalusaw ang ngiti sa mga labi ko nang maalala ko na wala nga palang kami. Oo nga't may nangyayari sa amin, sabihin na nating may nararamdaman kami sa isa't-isa, pero sapat ba iyon? Bali baligtarin ko man ang mundo, wala kaming relasyon. At iyon ang masakit.
Pilit kong inalis iyon sa isipan ko. Ayokong magkaroon ng negatibong pakiramdam. Gusto ko lang damhin ang saya ng bawat oras na kasama ko siya. Sa sobrang pag-iisip ay nakatulog ako nang hindi ko namamalayan.
Nagising ako nang makarinig ako ng mahinang pagtawag. Tiningnan ko ang orasan, alas dose na nang gabi. Siguradong si Jordan na iyon, pero bakit hindi na lang siya pumasok?
Antok na bumaba ako para pagbuksan siya ng pinto.
Agad siyang pumasok nang hindi ako tinitingnan at maingat na inihiga sa couch ang isang tao. Bumalot sa akin ang matinding takot at pagkagulat ng masilayan ko ang mukha ng babaeng kasama niya.
Nagtungo si Jordan sa kusina para kumuha ng tubig habang ako ay patuloy na natutulala sa babaeng nasa harap ko ngayon. Ang babaeng ilang linggo nang gumugulo sa isipan ko ay narito ngayon sa harap ko.
Unti-unti siyang nagmulat ng mata at nang masiguro niyang wala si Jordan doon ay isang maloko at nakakatakot na ngiti ang sumilay sa mga labi niya.
Bumilis ang t***k ng puso ko habang nakatingin sa kanya. Nang maramdaman niya ang mga yabag ni Jordan pabalik ay muli niyang ipinikit ang kanyang mga mata at nagkunwaring tulog.
Hinarap ako ni Jordan at nag-aalangang ngumiti. Mayamaya pa ay tumikhim siya at nagsalita.
"Belle, okay lang ba sa'yo kung dumito muna si Avah?"
Avah? Siya si Avah?
Gusto ko mang magsalita pero hindi ko magawa. Ang babeng ito, sigurado akong gulo ang dadalhin niya sa buhay ko. Kaakibat ng kanyang mala-anghel na mukha ay ang isang mapanlinlang na ngiti. Ngiting nagdudulot ng kilabot at kaba sa puso ko.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
To be continued....