Chapter 18

2702 Words
18 Yssa's POV Habang pauwi kami ni Jordan ay pilit kong iwinaksi sa isipan ko ang imahe ng babaeng yon. Hindi ko alam kung paranoid lang ba ako o pinaglalaruan lang ako ng imahinasyon ko. Tahimik lamang kami ni Jordan sa biyahe. Hindi rin siya nagkomento dahil hindi naman niya nakita ang babae. Tanging ako lang ang nakakita sa kanya at yon ang hindi ko maintindihan. Bakit sa akin lang siya nakatingin? Pagdating sa bahay ay saglit akong nagpahinga sa kwarto ko. Tinanggal ko ang sapatos ko at hinubad ang damit ko. Sa sobrang pagod ay pinili ko munang humiga bago magbihis. Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako. Napabalikwas ako ng bangon ng makarinig ako ng mahihinang mura. Tumambad sa akin ang naka-awang na bibig ni Jordan habang nakatingin sa hubad kong katawan. Fuck! You're such a temptress Yssa. Kinastigo ko ang sarili ko sa isipan. Bakit nga ba hindi ko naisip na may kasama nga pala ako sa bahay? Agad kong binalot ang katawan ko ng kumot at nahihiyang tumayo. "Ano, Jordan. I'll just get dressed." Nahihiyang nagbawi naman siya ng tingin at tumango. "Woman, you're a torture." Mahinang bulong niya bago tuluyang lumabas. Agad naman akong pumasok sa banyo para maligo at magbihis. Matapos kong ayusin ang sarili ko ay bumaba na rin ako para kumain. Habang kumakain ay panay ang sulyap ni Jordan sa akin. Hindi ako makakain ng maayos dahil naiilang ako. I got a feeling that he's still thinking of what happened earlier. Pagkatapos naming kumain ay naghanda na rin siya para pumasok sa bar ng tiyuhin niya. Friday ngayon at siguradong puno iyon ng mga estudyanteng mahilig magparty at ganoon din ng mga empleyadong bugbog sa trabaho. Isang mabilis na halik sa labi ang iginawad niya sa akin bago tuluyang umalis. Nagpasya akong manood ng Netflix habang nagpapa-antok. Nasa kalagitnaan ako ng panonood nang makatanggap ako ng isang text message galing sa isang unknown number. From: Unknown Number Get ready, b***h! I'm taking back what's rightfully mine. Nangunot ang noo ko at hindi ko maiwasang kabahan sa nabasa ko pero hindi ko iyon pinansin. Maybe it was just a wrong sent text. Wala naman akong kaaway, o naka-alitan. At higit sa lahat, wala naman akong bagay na ninakaw, kinuha o inagaw. Tinapos ko ang panonood at pumasok sa kwarto ko. Ang isipan ko ay nagliliwaliw. Hindi mawala sa aking isipan ang babae. At habang inaaninag ko ang kanyang mukha, doon ko narealize na hindi pala iyon ang pangalawang beses na nagkita kami. Noong nasa grocery kami ni Jordan ay nakita ko rin siyang nakatayo sa likod ng mga babaeng kumuha ng picture kay Jordan. Nakabalatay ang sakit at inggit sa kanyang mukha habang nakatingin sa akin. Hindi ko siya kilala kaya hindi ko maintindihan kung bakit ganoon na lang ang klase ng tinging ipinupukol niya sa akin. Parang palagi siyang nakasunod sa amin at hindi ko alam kung bakit hindi maganda ang pakiramdam ko sa babaeng iyon. Parang nararamdaman ko na may malaking parte siyang gaganapin sa buhay ko. Kung ano yon ay hindi ko pa sigurado. Hindi ko na hinintay si Jordan dahil nagsabi naman siyang uumagahin siya ng uwi. Pinilit kong makatulog at hindi naman ako nabigo. Nagising ako nang maramdaman ko ang isang malamig at matulis na bagay sa aking leeg. Napamulagat ako at agad na bumangon. Binuksan ko ang ilaw at iginala ang mata ko sa kwarto ko. Wala namang kakaiba dito, wala namang tao at lalong wala naman akong nakitang anumang bagay na matulis. Ganoon pa rin naman ang ayos ng kwarto ko, maliban sa bintana na nakabukas. Bumilis ang t***k ng puso ko habang nakatingin sa labas ng bahay. Nang masiguradong walang tao ay agad kong isinara ang bintana at ini-lock. Palaisipan din sa akin kung paanong nabuksan ang bintana gayong alam ko na isinarado ko ito bago ako matulog. Tiningnan ko ang orasan, alas dos pa lamang ng umaga. Hindi ko alam kung nakauwi na ba si Jordan, pero ayaw ko naman siyang istorbohin. Dahil sa nangyari ay nahirapan akong bumalik sa pagtulog kaya bumangon muna ako para magtimpla ng gatas sa kusina. Habang umiinom ay nakarinig ako ng mahinang ugong nang sasakyan na tumigil sa harapan ng bahay. Nabawasan ang kabang nararamdaman ko nang pumasok si Jordan. Dumiretso siya sa kusina at kumuha ng tubig. Nagulat pa siya nang makita ako. Agad siyang lumapit at humalik sa pisngi ko. "Hey, bakit gising ka pa?" "Naalimpungatan kasi ako kanina. Nahirapan tuloy akong bumalik sa pagtulog kaya nagtimpla muna ako ng gatas." Kumuha si Jordan ng loaf bread at palaman. Inagaw ko iyon sa kanya at ako na ang gumawa ng sandwich niya. Bigla naman akong nahabag sa sitwasyon niya. Unfair talaga ang mundo. Kung sino pa yung mga taong nagsusumikap at deserving, sila naman ang salat sa resources. Mabilis niyang kinain ang dalawang sandwich na ginawa ko. Napasandal pa siya sa silya at ipinikit niya ang kanyang mata. Bakas sa kanyang mukha ang matinding pagod. Tumayo ako at lumapit sa kanya. Maingat na minasahe ko ang kanyang ulo pababa sa kanyang batok at mga balikat. I felt him relaxed at my touch. He groaned when I touched a spot. This man deserves to be successful someday. Siya yung taong handang magpakahirap maabot lang ang kanyang mga pangarap. Pinalipat ko na si Jordan sa kwarto niya at bumalik na rin ako sa kwarto ko para matulog. Kinaumagahan, nauna akong bumangon. I was so excited today because an idea crossed my mind. Jordan was always there for me. Lagi niya akong pinagsisilbihan. I think it's only fair na siya naman ang pagsilbihan ko ngayon. I hummed as I moved around the kitchen. I cooked some ham and bacon, sunny side up eggs and pork tapa for our breakfast. I also brewed some coffee for us. Inayos ko muna ang mga pagkain sa lamesa bago ko inakyat si Jordan sa kwarto niya. I smiled when I saw him. He slept with his face lying on the bed. Tanging boxer shorts lang ang suot niya at nakakapanggigil ang maumbok niyang puwet. Bago pa tuluyang mapunta sa kung saan ang isipan ko, agad ko siyang nilapitan at mahinang niyugyog. "Hey, gising na. Breakfast is ready." Umungol lang siya kaya muli ko siyang niyugyog at tinapik-tapik sa pisngi. "Jordan, get up now. Baka lumamig ang pagkain." Sa pagkagulat ko ay bigla niyang hinila ang mga kamay ko dahilan para bumagsak ako sa itaas niya. Agad na namula ang mga pisngi ko nang maramdaman ko ang alaga niyang naka-Flag ceremony. "Jordan! Ang aga-aga nakataas na agad ang watawat mo!" Mahina siyang natawa sa sinabi ko. "Hmm, parang gusto ko ng breakfast in bed. Ikaw na lang kaya ang gawing kong agahan ko?" Aniya at patuksong hinalik-halikan ang balikat ko kaya napapikit ako. Pusang gala! Para akong hihimatayin sa sobrang bilis ng t***k ng puso ko. Mayamaya pa'y niyakap niya lang ako ng mahigpit at hinalikan sa sentido. "Baba ka na Belle, susunod ako." Kinintalan pa niya ng mabilis na halik ang mga labi ko bago bumangon at pumasok sa banyo. Mabilis naman akong bumangon at muling bumaba. Muli kong inayos ang mga pagkain sa mesa. Hindi ko maintindihan kung bakit sobrang excited ako sa magiging reaction niya. Habang papasok siya sa kusina ay nakangiti ako sa kanya. Agad ko siyang sinalubong at inakay paupo. Kumuha ako ng plato at nilagyan iyon ng pagkain. Pangiti-ngiti pa ako habang kumukuha ng pagkain. "Belle, you didn't have to do this." Aniyang namumula at mukhang nahihiya. Awww. Ang cute niya! "It's okay, Jordan. I want to do this. This is my simple way of showing how much I appreciate you. Lagi kang nariyan, lagi mo akong sinasamahan. I'm not doing this to return the favor, I'm doing this because this is what my hearts tells me to do." I want to take back what I said when I saw how his eyes grew huge and his mouth gaped open, like he was not expecting me to say those words. I just grinned at him and continued what I was doing. Umupo ako sa tabi niya, sa harap ko ay naroon ang pagkain. Naglagay ako ng kanin at ulam sa kutsara at saka ito itinapat sa bibig niya. When I looked at him, his face radiated with so much happiness. His warm eyes looking at me, gently pulling my gaze like a whirlpool. I'm lost in his eyes. Hinigit ako ni Jordan patayo at saka pinaupo sa kanyang hita. "Belle, honey, as much as I enjoy what you're doing, gusto kong ako ang gumagawa 'non para sayo. Let me do the honors, honey." My cheeks flustered at his words. Bakit biglang nagkabaliktad? Hindi ba dapat ako yung nag-aasikaso sa kanya? Bakit ako na ngayon ang sinusubuan niya? Nagpatuloy kami sa pagkain habang nakaupo ako sa lap niya at sinusubuan niya ako. There are times na ninanakawan niya ako ng halik sa pisngi. Para akong teenager na kinikilig. His simple gestures always makes my heart flutter. Pagkatapos naming kumain ay nagkanya-kanyang ligo kami. We decided to visit a mountain resort which was situated on the northern part of the town. My eyes widened at the sight of wide and green rice fields and tall trees. Habang papalapit ay nagiging matarik ang daan. Mabuti na lamang at hindi umuulan kaya hindi maputik. The place looks so enchanting. Ipinark ni Jordan ang kotse sa parking space na overlooking din sa kabukiran. Para akong nasa tuktok ng isang matayog na bundok at kitang-kita ko ang nagluluntiang paligid. Inalalayan ako ni Jordan palabas ng sasakyan at pumasok kami doon sa resort. Mas lalo akong namangha pagpasok namin. Mayroon silang mga cottages. Mayroong swing na pabilog at gawa sa metal. Sa kalapit lang niyon ay ang malapad na viewing deck kung saan kitang-kita sa ibaba ang napakagandang view. May karugtong itong maliit na tree house kung saan kami tumambay ni Jordan. Sa kabilang side ay mayroong "Locks to Forever". May sementadong bench doon at sa likod niyon ay naglalagay ang mga couples ng kandado at nilolock ito. Pagkatapos ay itatapon nila ang susi. It's a symbol that their hearts are locked forever. We are not a couple, but we found the idea fascinating kaya bumili rin kami ni Jordan ng padlock at nilagay doon.  We took a lot of pictures. The place was amazingly beautiful and peaceful. Nag-ikot pa kami doon. Doon na rin kami kumain ng pananghalian. Matapos ang ilang oras ay umalis na rin kami. Nanghinayang ako kasi parang ayokong umalis sa lugar na iyon. Pagdating namin sa bahay ay naghanda na si Jordan ng hapunan namin habang ako naman ay naligo. Pagkatapos kong magbihis ay bumaba na rin ako at tinulungan si Jordan sa pag-aayos ng mesa. Tahimik lamang kami at kontento na sa presensya ng isa't-isa. Masaya kaming kumain ng hapunan. This day went by so fast, yet so memorable because we were able to make new memories to cherish. Pagkatapos ng hapunan namin ay ako naman ang naghugas ng plato at si Jordan naman ang naligo. We stayed in the living room for a few hours, just cuddling and watching some chick flick movies again. I smiled at the thought. Jordan never insisted, he always lets me decide. THE next day, nagsimba kami. Mataman lang kaming nakinig habang nagsesermon si Father. I'm so glad to meet him. I admit hindi ako relihiyosong tao, but with him, my faith grew strong. His faith and beliefs is so contagious. I always found myself marveling at his words. Pagkatapos ng misa ay magkahawak kamay kaming lumabas sa simbahan. Umuwi kami sa bahay. Dahil wala na kaming maisip gawin ay nag-general cleaning na lang kami ng bahay. Sinimulan namin ang paglilinis sa loob. Naglalampaso si Jordan habang nakasalang sa washing machine ang mga maruruming damit namin. Don't get me wrong, I wanted to do the laundry pero hindi siya pumayag. Katwiran niya ay 'Prinsesa' niya daw ako. I shrugged but deep inside, I'm melting. Ako naman ay nagwalis lang sa labas. Inayos ko pa ang mga paso ng halaman na nandoon. Tuwang-tuwa naman ako sa kinalabasan ng arrangement ko. I was smiling and admiring my work when someone caught my attention. Muli na naman ako'ng kinabahan habang nakatingin sa labas ng bakal na gate. Hindi kalayuan, sa isang waiting shed ay may nakaupong babae. Hindi ko siya mamukhaan kasi nakasuot siya ng pulang cap at face mask. Hindi ko rin alam kung nakatingin ba siya kaya hinayaan ko na rin lang at ipinagsawalang bahala. Muli akong pumasok sa bahay nang matapos akong maglinis doon. Agad akong naligo dahil nanlalagkit na ako. Matapos kong maligo at magbihis ay bumaba naman ako para tulungan si Jordan. We spent the rest of the afternoon cuddling in the living room. Jordan prepared our dinner. That night, we spent the night in each other's arms. We're both tired but happy and contented as we hugged each other to sleep. NAGISING ako sa isang malakas na tunog. Agad kong inabot ang cellphone ko nang marealize na ito pala ang tumutunog. Dahan-dahan kong inalis ang kamay ni Jordan na naka-dantay sa akin at agad na sinagot ang tawag ni Sydney. Bumungad sa akin malakas na iyak at hikbi ni Sydney sa kabilang linya. Napabalikwas ako ng bangon sa sobrang taranta at ganoon din si Jordan. Naaksidente pala si Justin sa daan at kasalukuyang nasa Emergency Room ng isang ospital. Agad akong naghugas at nagbihis. Sinamahan ako ni Jordan papunta sa ospital. Malalim na ang gabi at antok kaming pareho, pero kailangan ako ng kaibigan ko ngayon. Pagdating ko sa ospital ay nakita ko siyang namumugto na ang mga mata. Dumiretso ako sa kanya habang si Jordan naman ay sa labas muna para bumili ng kape. Agad ko siyang niyakap at hinaplos ang kanyang likod para tumahan. Ngayon ko lang ulit siya nakitang vulnerable. Parang lahat ng harang na nilagay niya sa sarili niya ay natibag. Hindi ko maintindihan ang takot na nababasa ko kay Sydney habang naghihintay kami sa harap ng ER kasama ang mga magulang ni Justin. Natutop ko ang aking bibig ng ilabas si Justin mula sa ER para dalhin sa X-Ray Room. Nakakaawa ang itsura niya. Maraming mga benda, may mga sugat pa siya sa iba't ibang parte ng katawan at napilay ang kanyang paa. Hinawakan ko si Sydney para hindi siya matumba. Saglit pa ay dumating din si Jordan at inabutan kami ng kape habang si Sydney naman pumunta sa chapel ng ospital. Pagbalik niya ay kinakausap na ng mga pulis ang magulang ni Justin. Gusto kong maiyak para sa best friend ko. Ang dami na nilang pinagdaanan, kailan ba sila magiging masaya? Pinauwi niya muna ang mga magulang ni Justin at siya ang nagbantay habang nasa ICU pa ito. Pinanood ko siyang tahimik na umiiyak habang kinakausap si Justin at hawak ang kamay nito. Napakasakit sa dibdib ang makitang nahihirapan sila ng ganoon. Umupo muna kami ni Jordan sa bench na nasa labas ng ICU. Sa sobrang antok ay hindi ko namalayang nakatulog na pala ako. Nagising ako nang makaramdam ng pangangalay. Napangiti pa ako habang nakatingin kay Jordan na naka-akbay sa akin. Nagising rin siya nang maramdaman niyang gising na ako. Lumabas siya ulit para bumili ng sandwich. Inabot namin kay Sydney ang isa. Pagkatapos noon ay pinauwi niya rin kami. Aniya'y may trabaho pa ako at may pasok pa si Jordan. Hindi na rin ako nagprotesta pa, sa halip ay binilinan ko siya na tumawag sa akin kung may kailangan siya. Niyakap ko pa siya ulit at tinapik naman siya ni Jordan sa balikat. Ito lang ang kaya naming ibigay sa kanya ngayon, ang suporta. Magkasunod kami ni Jordan na lumabas sa ospital at nagkakasangga pa ang aming mga balat. Napangiti ako ng tuluyan niyang pinagsiklop ang mga palad namin. Walang salitang namutawi sa mga bibig namin, tanging ang mahina naming paghinga at ang malakas na pintig ng mga puso namin. At doon, sa mga oras na iyon ay nagpagtanto ko kung ano nga ba ang nararamdaman ko. Oh, God! When did I fell in love with this man? ********** To be continued.....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD