**********
12
Yssa's POV
I woke up late but with a smile on my face. I'm still contemplating whether last night was a dream or not. I opened my phone and scanned through some messages.
My heart raced as I open one message from Jordan.
Fr: Jordan
Good morning, beautiful. Hope you're feeling better today. Thank you for last night! =)
My lips formed into a shy smile as I typed up my reply.
To: Jordan
Good morning. I'm better than ever. And thank you also for always listening. I'm so glad to have found you!
Nagtago pa ako sa unan ko pagkatapos ko'ng isend ang reply ko. Crap! I feel like a teenager. Ganito ba kiligin? How come I never experienced feeling this way with Jaxon?
I scoffed at the thought of him. Everything went by so fast. Ni wala man lang ako'ng clue na iniputan na pala ako sa ulo.
I shook my head and forced myself not to think of him. He's not worth it.
Muling tumunog ang cellphone ko, hudyat na may pumasok na text.
Awww, my heart!
Para akong baliw na nakangiti habang binabasa ang reply ni Jordan.
From: Jordan
Huwag kang ganyan magsalita, Belle. Kinikilig ako, amp.
Gusto ko'ng matawa. Kinikilig din siya? Edi sabay na kaming kiligin!
Teka, ano ba tong pinag-iisip ko. Parang hindi ko kagagaling sa heartbreak ah.
To: Jordan
Silly! Focus ka na sa class mo. Just text me when you're free.
Mabilis naman siyang nagreply.
Fr: Jordan
Okay, beautiful. I'll call you later. I miss your voice.
Oh, God help me. This is not good. Pero iba ang sinasabi ng puso ko. It actually felt good to know that he misses my voice.
I just told him to take care and started my day.
I took a shower and wore a pair of cotton shorts and a loose T-Shirt. I prepared pancakes and a cup of black coffee for my breakfast.
Doon na ako kumain sa living room habang nanunood ng movie.
Nasa kalagitnaan na ako ng pelikula nang biglang tumunog ang cellphone ko. Excited na sinagot ko ang tawag sa pag-aakalang si Jordan iyon.
"Hello!"
"Babe..."
Agad akong nanigas pagkarinig ng boses niya. Pinatay ko agad ang tawag niya.
Muli pa siyang tumawag pero kina-cancel ko. Sa huli ay pinatay ko na lang ang cellphone ko at bumalik sa panonood.
After a few moments, I turned my phone on again. I found several missed calls from Jaxon and a few text messages.
Fr: Jaxon
Babe..
Babe, usap tayo please..
Babe, nagsisisi na ako. Please give me another chance. Ikaw lang ang mahal ko. I can't afford to lose you. I can't breath without you. Please, just give me another chance. I'll never screw up again...
That's it! I blocked his number. These are all lies! He can't afford to lose me, but he cheated on me? f**k him!
I felt a sting on my chest as the memories flooded on my mind. Why did I have to f*****g witness it?
I killed him inside my mind for so many times. Because of him, I experienced so much pain. And now he asks for a second chance? For what? So that he can hurt me again? I will not f*****g allow that!
I tried to concentrate on the movie but I can't. Nilipat ko sa ibang channel until I found another movie which was quite interesting.
A/N: please see multimedia for reference
The lead female, she met an accident that left her with anterograde amnesia. It is the loss of ability to create new memories or inability to recall the recent past. Unfortunately for her, her memories only lasts for a day.
Everyday, she wakes up with no memories of what she did the day before. She eats her breakfast at a cafe, reads the news and paints the wall in their house. And she does that everyday. One time as she was eating breakfast in the cafe, she met a guy named Henry, a marine veterinarian. This guy was a playboy but he fell in love with her regardless of her situation.
He came up with an idea to record everything they do in a video. And everyday, she would watch the video even if she doesn't remember it.
Sobrang engrossed ako sa kwento na hindi ko namalayan umiiyak na pala ako. It was a romantic comedy movie pero sobrang nakakatouch. Kung ako ang nasa sitwasyon niya, makakaya ko bang magmahal knowing na hindi ko rin siya maaalala sa susunod na mga araw? And the guy, so much respect for that guy who chose to love her unconditionally.
Nagulat ako nang biglang tumunog ang cellphone ko. Sinagot ko ito matapos kung makita na si Jordan ang tumatawag.
"Hello, Jordan."
Pahikbi-hikbi pa ako habang nagsasalita. Hanggang ngayon sobrang affected pa rin ako doon sa movie.
"Wait, are you crying? Why the hell are you crying?"
"I was---"
Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang bigla niyang putulin ang tawag.
Inayos ko ang sarili ko, pinunasan ang mga luha ko at uminom ako ng isang basong tubig para kumalma ako. Bakit napaka-emotional ko ngayon? Ganito ba kapag brokenhearted ka?
Makalipas ang ilang minuto, narinig kong may kumakatok sa pintuan ng unit ko.
Sumilip muna ako sa peephole para siguraduhin na hindi si Jaxon iyon. I was relieved to see it was Jordan. He was still wearing his ID and his uniform.
I opened the door to let him in.
Napapitlag ako nang bigla niya akong yakapin ng sobrang higpit bago niya tiningnan ang mukha ko at sinipat ang namamaga kong mga mata.
"What happened? Did that asshole came here again? What did he do to you? Tell me.."
Hindi ko alam kung paano ako magrereact sa sinabi niya. What's going on?
"Jordan, relax. It's not about Jaxon. I was watching a movie earlier and I was so moved that it brought me to tears. I'm sorry I made you worry."
"Thank God. Akala ko sinaktan ka na naman ng gagong yun. I can't let that happen again."
Bumilis ang t***k ng puso ko. Oh crap! Konting-konti na lang talaga, baka mahulog na ako sa kanya.
"Thank you Jordan. Anyway, bakit ka nga pala nandito? Di ba may klase ka pa?"
"I heard you crying on the phone lady, did you honestly expect mo to just sit there and relax while your cry echoes in my head?"
Nakataas ang kilay niya sa akin. Napa-awang naman ang labi ko sa sinabi niya. This man is full of surprises.
"Did you ditch your class, just to see me?"
"If that's how you want to think of it, then yes. I told you before, kapag kailangan mo ako, kahit nasaan ako o kahit gaano pa ka importante ang ginagawa ko, I will always find time to be with you."
Good heavens! Parang sasabog ang kaloob-looban ko sa ginagawa niya. He doesn't just make a promise, he keeps them.
"Pero paano yung klase mo? Bumalik ka na kaya doon, ayokong bumagsak ka dahil sa akin. Magiguilty ako Jordan."
Tinaasan niya lang ako ng kilay na para bang hindi katanggap-tanggap ang sinabi ko.
"Trust me, honey. Hindi ako babagsak dahil lang sa isang absent. And besides, wala ka nang magagawa kasi nandito na ako. I'm not going anywhere far from you."
"Yabang."
I blurted out, but deep inside, kinikilig ako.
He just laughed at me and held my hand.
"But seriously, kinabahan ako kanina nung umiiyak ka. Parang biglang nanikip ang dibdib ko habang naririnig ko ang hikbi mo. Huwag ka nang iiyak ulit ha. Promise me you'll never cry again."
"Jordan, grabe naman. Ano ako robot? Hindi naman maiiwasan na minsan maiiyak tayo eh. Tao lang ako, may damdamin."
He sighed and enclosed me in a tight hug again.
"Basta, ayokong naririnig na umiiyak ka, o nasasaktan ka. Kasi doble nun ang nararamdaman ko Yssa."
Kikiligin na sana ako kung hindi lang sabay na tumunog ang mga tiyan namin. Napalakas tuloy ang tawanan naming dalawa. Langya, tanghali na pala. Ni hindi ko man lang napansin ang oras, hindi pa tuloy ako nakapagluto.
"Oh my God, I'm sorry Jordan. Hindi pa ako nakakapagluto eh. Hindi ka naman kasi nagsabi na darating ka."
"It's okay. Just stay back, ako na ang magluluto ng lunch natin."
"Pero ikaw ang bisita, hindi ba dapat ikaw ang pagsisilbihan ko?"
"No, mas gusto ko na ako ang magsilbi sa'yo."
He winked at me before he proceeded in the kitchen. f**k! He's making my heart beat faster again.
Pumasok ako sa kwarto para kumuha ng panali sa buhok. Ipinusod ko lang buhok ko at pinagmasdan siya habang nakatalikod.
Feel at home ang buang. Nakatopless siya at may suot na apron. Hinubad niya rin ang slacks niya kaya tanging boxers lang ang suot niya sa ibaba. Nakasalang na ang sinaing niya sa rice cooker. Ngayon naman ay nagluluto siya ng adobong manok na may pinya.
Napapalunok ako kapag nagagawi ang mga mata ko sa maumbok niyang pwet. Habang gumagalaw siya ay ganoon din ang muscles niya. May kaunting pawis na tumulo sa kanyang likod pero hindi niya iyon alintana. I closed my eyes as I inhaled his manly scent. Kahit malayo ang distansya namin ay amoy na amoy ko ang kanyang pabango. Pagmulat ko ng mata ko ay nagsalubong ang mga tingin namin.
"Stop staring at me, Belle. You're waking up the giant."
Hindi ko ma gets kung ano'ng ibig niyang sabihin. Bakit ba ayaw niyang titigan ko siya? Ang sarap kaya niya sa mata. Lalo na kapag gumagalaw ang Adam's apple niya, ang hot niya lalong tingnan sa suot niyang apron.
"f**k!"
I heard him cursed and closed his eyes as he headed on my way.
He stood in front me, his scent intoxicating me.
"God, why are you so beautiful Belle? You're a tease, don't you know that?"
He kissed my forehead and went back to what he was doing. While I was left there, dumbfounded.
I'm a tease?
Bumalik na lang muna ako sa living room at nagfacebook habang hinihintay na matapos siya.
"Belle, lunch is ready."
Agad akong pumunta sa kitchen at umupo sa upuang nasa harap ni Jordan. Naka-suot na siya ngayon ng puting T-Shirt at boxer shorts.
He looks so simple yet, intriguing. His expressive eyes that could melt any woman. If you look closely, you'll see his determination and hardwork. His muscles are proof of the hardships he went through and survived.
"Belle, kapag hindi ka pa tumigil sa kakatitig sa akin, baka makagawa na ako ng kasalanan sa'yo."
He sounded so frustrated.
What? What did I do?
"I'm sorry. Let's eat na."
Kinuha niya ang kanin at siya na mismo ang naglagay sa plato ko. Napatikhim ako ng mapansin kong masyadong marami ang nilagay niyang kanin. Siya na rin ang naglagay ng ulam sa kanin ko.
"Jordan, ang dami naman nito."
"Konti lang yan, Belle. Ubusin mo yan ah. Tingnan mo nga nangangayayat ka na. Siguro kung hindi pa ako pumunta dito, baka hindi ka pa makakain. Malamang manunuod ka na lang doon ng pelikula habang nililibang ang sarili mo."
Napayuko ako, guilty ang lola mo.
"Fine. Kain na tayo."
Nagsimula kaming kumain. Tahimik lang kami habang kumakain. This isn't the first time na ipinagluto ako ni Jordan but it felt like first. Masarap talaga siyang magluto kaya naman ginanahan na rin akong kumain. At kung kanina, pakiramdam ko marami yung kanin, ngayon naman kulang.
"So, ano na'ng plano mo? Do you wanna take a break for now?"
Aniyang ang tinutukoy ay kung gusto ko daw bang magpahinga muna sa pagtatrabaho. Agad akong umiling sa kanya at uninom ng tubig bago magsalita.
"No, I was thinking about working in our company. Kakausapin ko pa muna sina Daddy mamayang gabi. I will work as a freelance Auditor. And I will try to work with our company's official Auditor. Naniniwala kasi ako na marami akong matutunan sa kanila na magagamit ko someday."
Tumango-tango lang siya.
"That's good. New environment, new people. That's what you need."
"Ikaw Jordan, malapit ka nang gumraduate di ba? Ano'ng plano mo pagkagraduate mo?"
"Hmm, I still don't know. Maybe I'll find a job first, and then save so I can open my very own Restaurant. Yun talaga ang pangarap ko ever since I am a kid. I want to give everything to my siblings. Ayokong maranasan nila ang hirap na pinagdaanan ko. I want them to finish their studies. Yung hindi na nila kailangan pang magtrabaho para lang makapag-aral kasi susuportahan ko sila. Sa tingin mo, masyado bang mataas ang pangarap ko, Yssa?"
I held his hand and gently squeezed it.
"Jordan, lahat naman siguro ng pangarap natin, matayog. Libre namang mangarap di ba, kaya bakit mo lilimitahan ang sarili mo? In the end, ikaw pa rin naman ang gagawa ng paraan para maabot ang mga pangarap mo. Katulad sa'yo, everything you've done is for your family. Make them an inspiration and your motivation to reach your goal. I believe na mararating mo ang pangarap mo. Ikaw pa ba?"
He smiled at me again, flashing me his pearly white teeth.
"At sana, by the time na marating ko ang mga pangarap ko, nandito ka pa rin sa tabi ko. Kasi Belle, isa ka na rin sa mga inspirasyon ko para maabot lahat ng pangarap at goals ko sa buhay."
I just smiled at him kahit na sa loob-loob ko ay hindi na ako mapakali.
"Then we will be there for each other as we fly high to reach our dreams."
That's our promise.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Si Jordan ang nagligpit nang pinagkainan namin. Hinayaan ko na lang din siya kasi ayaw naman niyang magpapapigil. That man, sana siya na lang. Siguro kung siya ang boyfriend ko, malulunod na ako sa sobrang tuwa ngayon.
For once, hinayaan ko ang sarili kong malunod sa pag-iisip kay Jordan. I must admit, he is a guy any woman would wish for. Kaya habang nandito pa siya sa tabi ko, I will just enjoy his company.
Maya-maya pa ay naupo na rin siya sa tabi ko. Walang nagsalita sa amin, parehas lang kaming nakatunghay sa kawalan.
Nakaramdam ako antok kaya naman, humiga ako sa sofa. Umusog si Jordan sa bandang dulo at pinahiga ang ulo ko sa mga hita niya. Marahan niyang sinusuklay ang buhok ko at hindi ko namalayang nakatulog na pala ako.
Naalimpungatan ako ng maramdaman ko ang mainit na hininga ni Jordan sa batok ko. Nagtatakang inilibot ko ang paningin ko at narealize na nandito na ako sa loob ng kwarto ko. Katabi si Jordan na mahimbing ring natutulog habang nakadantay ang paa sa hita ko at mahigpit na nakayakap ang kamay niya sa bewang ko.
Nangiti pa ako at tuluyang isiniksik ang sarili ko sa kanyang katawan. Lalo naman niyang hinigpitan ang yakap niya at hinalikan ang tuktok ng ulo ko.
"Don't move, Belle. Just sleep."
Paos at bakas ang antok sa boses niya. Hinayaan ko na ring tangayin ng antok ang diwa ko hanggang sa muli akong nakatulog.
To be continued....
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
A/N
Movie Reference: Fifty First Dates starring Drew Barrymore and Adam Sandler
P.S. That's one of my favorite movies.
Thank you for reading and for all your support. ♥️
Love,
Anj