11
Yssa's POV
My resignation letter was effective immediately kaya naman last day of work ko na ngayon.
Dumiretso ako sa cubicle ko para gawin ang mga pending na reports na kailangan kong i-submit and also to endorse my clients to my fellow auditors. I also bid goodbye to my clients who became good friends with me.
Unlike the previous days, today felt so light. Everything went smooth. No complaints, no errors. Parang ang gaan lang sa pakiramdam.
Hindi naman ako aalis dahil bitter ako, but because I want to let go of everything. And I'll start by leaving this toxic place. Kasi habang nakikita ko sila, I will be reminded of their betrayal. And I don't want that, I want to move on.
When it was time to go, my co-workers surrounded me and enclosed me with a hug. Saying they'll gonna miss and wishing me luck.
I just smiled and thank them for being a part of my experience.
Sa totoo lang, gusto ko silang tarayan at taasan ng kilay, but what's the sense? Wala namang maidudulot na maganda sa akin yon.
Niligpit ko na ang mga gamit ko. Nilagay ko sa isang maliit na box ang ilang mga gamit ko sa opisina. Binuhat ko ang box at napahinto sa paglalakad nang makita ko Jaxon na naghihintay sa lobby.
"Tulungan na kita."
He offered but I refused to accept his help.
"Huwag na. Kaya ko naman."
"Why did you have to resign? Hindi na ba natin pwedeng ayusin to, babe?"
Gusto kong maawa sa kanya pero tinigasan ko ang loob ko. He doesn't deserve another chance. Para lang ako'ng kumuha ng martilyo at paulit-ulit na pinukpok ang ulo ko pag nagkataon. Para siyang asong ulol na sunod ng sunod sa akin.
I let out a heavy sigh before answering him.
"Jaxon, please. Whatever my decision is, labas ka na doon. And please, stop acting like what you did was nothing serious because we both know it is. All I've been asking from you is to give me a little more time. Pero hindi mo pa rin ako nahintay. I'm so tired of this conversation Jaxon. Just continue with your life. Ito na yung consequence ng desisyon mo. Be man enough to face it."
"Pero mahal kita..."
"No, Jaxon. Hindi mo ako mahal. Kasi kung totoong mahal mo ako, hindi ka gagawa ng bagay na ikasisira nating dalawa. I have to go."
Agad akong pumara ng Taxi at nagpahatid sa bahay.
What now, Yssa? You're jobless!
Ano na nga ba'ng gagawin ko? Looking back, I always wanted to create my very own Auditing Firm, pero hindi pa ganoon ka tagal ang experience ko sa field. Marami pa akong dapat matutunan para maging isang magaling at successful na Auditor.
Habang nagmumuni-muni, napagdesisyunan ko'ng magtrabaho na lang sa company namin bilang isang freelance auditor. My Dad's company is well-known and successful, we have our own Accountant and Auditor na namamahala sa Assets at Financial Statements ng kompanya. I'm sure na marami akong matutunan na magagamit ko someday kapag nagkaroon na ako ng sarili kong Firm.
~~~~~~~~~~~~
It's already past six o'clock in the evening. Naligo ako at nagbihis para kunin ang kotse ko doon sa bar ng tiyuhin ni Jordan. Nagsuot lang ako ng fitted denim ripped jeans at cropped top na kulay itim. Nagsuot ako ng itim na sandals, naglagay ng liptint, polbo at nagspray ng konting pabango.
Nakaramdam ako ng pananabik sa isiping makikita ko ulit si Jordan. Pakiramdam ko ngayon lang ako nakaramdam ng ganito ka tinding pananabik na makita ang isang tao.
Muli akong sumakay sa Taxi at nagpahatid sa bar. Pumasok muna ako, at nakita ko si Jordan na naroon sa bar counter.
"Hey."
Napalingon siya sa akin at agad na sumilay ang ngiti sa mga labi niya.
"Hi. Kukunin mo na ba ang kotse mo?"
"Mamaya na lang. How are you, Jordan?"
"Hindi ba dapat ako ang nagtatanong sa'yo niyan? How are you?"
Umorder muna ako ng cocktail drink bago ko siya sinagot.
"I'm fine. I'm jobless, but I'm fine."
"Nagresign ka?"
"I had to. I can't stay in that place anymore. Napaka-toxic na nang paligid. And besides, kapag nanatili ako doon, hindi ako makakamove on. I want to start a new."
"Hmm, I think that's the best decision as of the moment. Magiging ipokrita ka kung sasabihin mo'ng hindi ka maaapektuhan kapag nakikita mo sila kaya tama lang ang naging desisyon mo. For me, hindi yon kaduwagan. I think that's the bravest decision you've made. To walk away from the people who ruined you."
Nangiti ako sa kanya. Kaya gusto ko siyang kausap eh. Naiintindihan niya ako.
"By the way, have you had your dinner already?"
Umiling lang ako. Hindi na ako nakakain kanina, ang totoo'y nawala na nga sa isip ko ang kumain.
"Okay, just wait for me. My shift will end at 10:00 pm."
Tiningnan ko ang relos ko, dalawang oras pa. Inabala ko na lang ang sarili ko sa paglalaro ng games sa cellphone ko. At paminsan-minsan, kapag walang customer ay ako ang ine-entertain ni Jordan.
Mabilis na lumipas ang dalwang oras at maya-maya pa ay nakagayak na si Jordan.
"Let's go?" Aniya at mabilis na lumapit sa pwesto ko.
Tumayo na ako at sumunod kay Jordan palabas ng bar.
We decided to take my car. Naisip kasi namin na magmumukha lang kaming tanga kung maghihiwalay pa kami ng kotse tapos iisa lang naman ang pupuntahan namin, di ba?
Huminto kami sa harap ng isang kainan na twenty-four hours open. Nagseserve sila ng Lomi, Goto, Pares at lugaw. Mayroon din silang silog for breakfast at mga short orders. Mayroon din silang kape. May black coffee at meron ding 3-in-1.
Umorder ako ng Lomi samantalang Beef Pares naman ang kay Jordan. Napanganga ako sa laki ng mangkok nila. Para sa halagang thirty-five pesos, sulit na sulit ang pagkain. Bonus pa na masarap talaga ito.
"How did you find this place, Jordan?"
"Nadaanan ko lang ito noong isang beses na pauwi ako. Sobrang gutom na 'ko nun kaya naghanap ako ng makakainan, and luckily, bukas sila. I tried their food and since then, palagi na akong kumakain dito."
Pinagpatuloy muna namin ang pagkain namin. Napadighay pa ako ng malakas na ikinalingon ng ibang customers at ikinatawa naman ni Jordan. Tuloy ay parang gusto kong magpalamon sa lupa sa sobrang kahihiyan.
Pagkatapos naming kumain ay muli kaming sumakay sa kotse. Hindi ko alam kung saan kami pupunta ngayon, sa ganitong oras ng gabi pero lahat ng agam-agam ko ay tinangay ng masidhing pagnanais na makasama pa si Jordan ng matagal.
Ilang sandali pa ay tumigil ang kotse ko sa isang pamilyar na lugar. Nandito kami ngayon sa park na nasa labas lang village nila Jordan, at malapit sa condo ko.
Inalalayan ako ni Jordan pababa sa kotse kahit na kaya ko naman. Pakiramdam ko ingat na ingat siya sa paghawak sa akin na para bang isa akong bagay na babasagin.
Naupo kami sa isang bench. Magkatabi at minsan pa'y nagdadaiti ang aming mga balat. Mainit, at tila nakakapaso pero aamining kong masarap sa pakiramdam.
"When I'm bothered, I always go here and sit in this bench."
I looked at him and saw him tilting his head upwards.
"In this place, I can see the skies clearly, the twinkling of the stars and even the beautiful moon that illuminates the night. There is something in the night sky that calms the storm in me. Maybe because I always believed that when people die, they become stars. I always look up at the sky and think, which among those beautiful little stars could be my dad? When Papa was alive, he was the most jolly person I've met. He has this positive outlook in life. He was the one who taught me that the bad situations in our life are temporary. That we should not focus on the things we lack, but rather, we should be thankful for all the things we have. He was not just my father, he was my mentor, my friend and my adviser."
Hearing him talk about his father brought tears to my eyes. Hindi ko alam kung ano bang dapat kong sabihin sa kanya to comfort him.
"I'm sure, if your Papa was here, he would be the proudest. He raised you very well. You may not know it, but you are also a star to someone. You may not be aware of it, but you also bring light to someone. With your good words and advices, with your presence, someone is always thankful that you're here. Jordan, you are a gift to everyone you meet."
He just looked at me with that smile on his face. He looks happy.
The cold wind blew which made me shiver. Napahawak ako sa magkabilang braso para hindi ako mangatal sa lamig.
Naramdaman ko ang mainit na balat ni Jordan nang marahan niya akong akbayan at inilapit sa kanyang katawan.
Isinandal niya ang ulo ko sa balikat niya habang hinahagod ng kamay niya ang braso ko para hindi ako lamigin.
Lumakas ang t***k ng puso ko nang maramdaman ko ang halik niya sa ulo ko.
"Let's go home."
Hmm. Home, where's my home?
Parang bigla ay ayaw ko nang matapos ang gabi. Hindi ba pwedeng manatili na lang kami dito? Magka-akbay sa ilalim ng buwan?
Reality hit hard as I found myself driving towards his apartment.
Inihinto ko ang sasakyan ko sa harap ng bahay niya. Matagal siyang nanatili sa loob ng kotse ko, tila nag-aalinlangan pang bumaba. Ako man ay ayaw siyang pababain, pero nahihiya naman akong sabihin.
Hindi ko namalayang nagkalapit na pala ang mga mukha namin. Naamoy ko pa ang mabango niyang hininga. Ramdam na ramdam ko ang malakas na t***k ng puso ko. Parang mayroong magnetic force na hinihila kami patungo sa isa't isa.
Isinandal niya ang kanyang noo sa noo ko. Pakiramdam ko ay hindi ako makahinga sa sobrang lapit naming dalawa. Ang mga ilong namin ay nagkikiskisan. At sa isang maling kilos lang, tiyak na kami ay magkakahalikan.
Napalunok ako at napapikit na lang.
"Would believe me if I tell you, that I don't want this night to end, Belle? Would you believe me if I tell you that I want to spend more time with you?"
Me, too.
Minulat ko ang mga mata ko. Kinuha niya ang kamay ko at dinala iyon sa dibdib niya.
"Would you believe me if I tell you that my heart is beating so fast now, because of you?"
Pakiramdam ko ay bumilis din ang t***k ng puso ko sa mga naririnig ko.
Hindi ako makasagot, nakatitig lamang ako sa kanyang maamong mukha.
Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at muling inilapit ang kanyang mukha.
Agad akong napapikit nang maramdaman ko ang masuyong pagdampi ng kanyang mga labi sa aking noo.
"Goodnight, Belle."
Yun lang, at bumaba na siya sa sasakyan ko. Muli pa siyang kumaway bago ako tuluyang umalis at umuwi sa condo ko.
Lutang ako habang nagdadrive pauwi sa condo ko. Hindi mawala sa isip ko ang mga sinabi ni Jordan kanina. Parang sirang plaka na pauli-ulit kong naririnig sa isip ko. Nababaliw na ba ako nito?
Hindi ko rin maintindihan kung bakit ganon na lang ka lakas ang t***k ng puso ko. Pakiramdam ko ay hindi na normal ang nangyayari sa akin. Simula ng makilala ko si Jordan ay parang laging may kakaiba sa paraan ng t***k ng puso ko. It just felt so different. It's a feeling that I only felt whenever I was with him.
Sa iilang beses na nagkasama kami ay nakita ko ang mga kabutihan ni Jordan at hindi ko mapigilang hangaan siya lalo. Napakabait niyang anak, a supportive and very understanding kind of friend. He is so good with words that he can surely make you feel better in an instant.
Ayokong mag-isip ng iba pero hindi ko maiwasan. What if, una kong nakilala si Jordan? What if siya ang minahal ko instead na si Jaxon? Would I be happy today?
The thought of him being my boyfriend immediately warmed my heart. Hindi ko kayang ipaliwanag ang kakaibang sarap sa pakiramdam sa isiping iyon.
Agad kong sinaway ang sarili ko. Hindi tamang pagpantasyahan ko ang kaibigan ko. And besides, he is still hurting and on the process of moving on. Just like me.
~~~~~~~
Pagdating ko sa condo ay agad akong nagtungo sa banyo. Naghalf bath lang ako at ginawa ang routine ko kada gabi. Nagskin care, toothbrush at nagpalit ng damit na pantulog. Alas dose na ng gabi, pero hindi pa rin ako dalawin ng antok. Parang naiimagine ko pa ang nangyari kanina.
Napatingin ako sa kisame habang isinasapuso ang nangyari kanina. Kakaiba talaga ang naging epekto nito sa puso ko. Parang bigla akong kinilig, at nasiyahan.
Ilang saglit pa ay tumunog ang cellphone ko. Kunot-noo ko itong kinuha at napatda nang makita ko ang pangalan ni Jordan na rumehistro sa screen.
"Hello."
Mahina at maingat kong sabi.
"Hi..."
"Napatawag ka?"
"Uhm, ano, I just wanna make sure that you got home safe..."
Mahabang katahimikan ang namayani. Hindi agad ako nakapagsalita dahil pakiramdam ko may sasabihin pa siya.
"...and, I just wanna hear your voice before I sleep."
Ayun na naman ang lakas ng t***k ng puso ko. Pakiramdam ko ay tinatambol ang dibdib ko.
"Jordan..."
Narinig ko pa ang marahas niyang buntong hininga sa kabilang linya.
"I don't know what you did, Belle, but I felt bewitched." Sinundan iyon ng kanyang mahinang pagtawa. "I feel like I am under a spell and you're the only antidote. Your voice, it sounded like music in my ears. And your face, why do I see your face when I close my eyes?"
Parang nanunuyo ang lalamunan ko. I wasn't expecting this from him.
He felt bewitched? Funny, 'cause that's exactly how I feel too.
"Jordan..."
Tanging pangalan niya na lang ang naiusal ko. Ano ba'ng dapat kong sabihin? Na pareho kami ng nararamdaman? Pero ano nga ba ang nararamdaman namin sa isa't-isa?
"Belle.."
Napapikit ako, ang sarap sa pakiramdam kapag binabanggit niya ang pangalan ko.
"Are you sleepy, Belle?"
"Medyo.."
"Do you maybe, wanna hear a song?"
Tumango ako kahit hindi naman niya nakikita. Maya-maya pa ay narinig ko ang malamyos niyang tinig sa kabilang linya.
A/N: please play the song on the multimedia.
"I met you in the dark, you lit me up
You made me feel as though, I was enough
We danced the night away, we drank too much
I held your hair back when
You were throwing up.."
"Then you smiles over your shoulder
For a minute, I was stone-cold sober
I pulled you closer to my chest
And you asked me to stay over
I said, I already told ya
I think that you should get some rest."
"I knew I loved you then
But you'd never know
'Cause I played it cool
When I was scared of letting go
I know I needed you
But I never showed
But I wanna stay with you
Until we're gray and old
Just say you won't let go
Just say you won't let go..."
Don't worry, 'cause I won't let go.
I smiled to my heart's content as I dozed off to sleep with his voice echoing inside my head.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
To be continued...