10
Yssa's POV
Tahimik naming tinahak ang daan pabalik sa hotel. Habang binabagtas ang daan, hindi ko maiwasang mapatingin kay Jordan at marealize kung gaano ka laki na ang naitulong niya sa akin. He is that one person who can be what anyone needs. An adviser, a listener, a friend or even a lover.
"Thank you, Jordan. Palagi na lang ikaw ang kasama ko sa tuwing may pinagdadaanan ako. Sorry ha, kung nadadamay ka sa mga drama ko."
Imbes na magsalita, inabot niya lang ang kamay ko at marahang pinisil.
"There's a reason why we always meet. Coincidence? Maybe. But you know what I think? I think it's God's will . Maybe we don't know it now, but someday we'll realize why God always brings us together."
Nginitian niya ako bago niya bitawan ang kamay ko.
Sayang!
I mentally cursed myself for thinking that way. Hindi ko maintindihan kung bakit masarap sa pakiramdam ang makulong ang kamay ko sa palad niya.
Nauna ako'ng bumalik sa room namin dahil umorder pa si Jordan ng canned beers.
Sinamantala ko ang pagkakataong 'yun para maligo. Binilisan ko lang ang pagligo dahil baka biglang pumasok si Jordan. Matapos kong maligo ay nagtoothbrush muna ako at nagskin care, tsaka ako nagpalit ng pantulog.
Naglalagay ako ng lotion sa mga braso ko noong pumasok si Jordan sa kwarto. Bahagya pa siyang nakatingin sa akin na para bang pinag-aaralan ang kabuuan ko. Maya-maya pa'y pumasok na rin siya sa banyo at naligo habang ako naman ay nagpapatuyo ng buhok ko gamit ang blower.
Paglabas ni Jordan ay nakatapis lamang siya. Napaawang ang bibig ko habang pinagmamasdan ang matipuno niyang pangangatawan. Napasunod ang aking mata sa pagtulo ng tubig mula sa kanyang buhok, pababa sa kanyang dibdib. Nang mag-angat ako ng mukha ay sumalubong sa akin ang nanunudyo niyang mga mata. May pigil na ngiti na sumilay sa mga labi niya kaya naman bigla akong namula.
"Sorry, nakalimutan kong magdala ng pamalit na damit sa CR eh."
Sabi niya agad bago pa man ako makapagtanong. Tumango lang ako sa kanya at agad na lumabas sa veranda para doon muna magpahangin.
Wooh, ang init naman!
Nakatayo ako doon habang nakahawak sa railings ng veranda, nakatanaw sa dagat. Hindi nagtagal ay naramdaman ko ang presensya ni Jordan. Napatingin ako sa kanya at katulad ko, naka tingin din siya sa dagat. Nasa mesa na ang canned beers na binili niya, habang hawak niya sa isang kamay ang isa at marahang tinutungga.
"Gusto mo rin?"
Alok niya sa akin na tinanggihan ko naman. Wala akong tiwala sa beer, baka kung saan na naman kami umabot niyan.
Naupo ako sa upuang nasa harap ni Jordan. Patuloy lang siya sa pag-inom na para bang sa tulong noon ay mawawala ang anumang iniisip niya.
"Gaano mo ka mahal ang kaibigan ko, Jordan?"
Curious na tanong ko.
"Hmm. Gaano nga ba? Hindi ko rin alam eh."
Natawa siya ng mahina, habang napabaling naman ako sa kanya.
"Basta ang alam ko, noong una, parang naging interesado ako sa kanya kasi parang napaka-mysterious niya. Yung kapag titingnan mo siya sa mga mata, doon mo makikita na napakarami niyang pinagdaanan. Na yung personality niya ay parang shell niya lang. She's cold and distant because she's protecting herself. At habang nakakasama ko siya, lalo akong nahuhulog sa kanya. The way she smiles, the way she laughs. Lahat ng kilos niya, napapansin ko na. And she got that beautiful voice, like that of an angel. Until I just realized, I've fallen deep for her."
I saw him look away, and with that sad smile on his face.
"But I know, whatever I do, I will never replace that guy in her heart. Noong una masakit, pero unti-unti ko iyong tinanggap. Kaya kahit papano, hindi na ako nasaktan ng labis ngayon."
Mabuti pa siya. Tinanggap niya ng maluwag ang katotohanan. Ako kaya, matatanggap ko ba?
"Gusto ko nang makalimutan ang nangyari Jordan."
Mahina ko'ng sabi sa kanya. Gusto kong pakawalan ang sakit na nararamdaman ko.
Ginagap ni Jordan ang dalawang kamay ko.
"Take it slowly, Belle. Everything starts with acceptance. Accept what happened, analyze why it happened and then let it go. Katulad ng sinabi ko, may rason lahat. Sa ngayon, maaaring hindi mo pa alam pero darating ang araw na magpapasalamat ka at nangyari ang bagay na ito. Lagi mo'ng tatandaan na hindi ka bibigyan ni Lord ng pagsubok na alam niyang hindi mo kayang lampasan."
Mabilis na gumaan ang pakiramdam ko. Only Jordan has this effect on me. Kahit anong bigat ng pakiramdam ko, gumagaan sa bawat salita niya.
"I'm so lucky to have you as a friend, Jordan. Salamat sa lahat ng advice mo."
Totoong maswerte ako sa kanya. Siya yung tipo ng kaibigan na handa kang damayan kapag may pinagdadaanan ka.
"You're not just a friend. You're special, Belle."
"Why are you calling me Belle, all of a sudden?"
"Because in french, Belle means beauty. That's why your name really suits you. Beautiful."
Biglang bumilis ang t***k ng puso ko sa sinabi niya. Maya-maya pa, tumayo siya at lumapit sa akin. Napatda ako nang biglang lumapat ang kanyang mga labi sa aking noo.
"Goodnight Belle, sleep soundly."
And with that, naiwan ako sa veranda habang nakahawak sa noo ko.
That night, nakatulog ako nang hindi sumasagi sa isipan ko ang nangyari sa amin ni Jaxon.
Kinabukasan, maaga kaming bumangon ni Jordan. Naligo ako at nagpalit ng two piece swimsuit ko. Pinatungan ko ito ng sundress na kulay yellow. Nagsuot ako ng flip-flops at sombrero. Si Jordan naman ay nagsuot lang beach shorts at Hawaiian polo, pero nakabukas lahat ng butones nito. Hindi ko maiwasang mapatingin sa kanya, lalo na at kitang-kita ang hulma ng kanyang katawan. Ganito yata talaga kapag batak ka sa trabaho, kusang naglalabasan ang mga muscles sa katawan mo. Agad kong iniwas ang tingin ko nang dumapo sa akin ang kanyang mga mata.
Inilock namin ang kwarto at bumaba para magbreakfast sa restaurant. At dahil hindi ako masyadong kumakain sa umaga, tanging french toast, pancake at black coffee lang ang inorder ko. Si Jordan naman ay nagheavy meal dahil hindi daw siya sanay na hindi kumakain ng kanin sa umaga.
Pagkatapos naming kumain ay nag-island hopping muna kami. Nagsuot kami ng life vest at sumakay kami sa isang maliit na bangka. Habang paakyat ay inalalayan ako ni Jordan. Hanggang sa maka-upo kami ay hindi niya binibitawan ang kamay ko.
Namangha ako sa ganda ng tanawin. Mga maliliit na islang napapalibutan ng asul na karagatan. Nilabas ko ang cellphone ko at makailang beses na kinuhanan ng litrato ang mga tanawin. Nag-ala model rin ako sa bangka, habang si Jordan naman ay matiyaga akong pinipicturan. Mayroon din kaming mga selfie. At nakakatuwa tingnan kasi parehong masaya ang mga ngiti namin sa larawan. Tila walang bakas ng nagdaang sakit at kalungkutan.
Matapos ang tatlumpong minutong paglilibot, bumalik na kami sa tabing dagat. Pero dahil kating-kati na rin akong maligo, iniwan ko sa lounge chair na naroon ang aking gamit. Hinubad ko rin ang suot kong sundress at tanging ang swimsuit ko na lang ang natira. Napalingon si Jordan sa akin, parang natulala. Napalunok siya at agad na nag-iwas ng tingin.
Bago pa man ako lumangoy ay muli akong nagpakuha ng mga litrato kay Jordan. Bilib din naman ako sa kanya, kasi hindi siya nagreklamo kahit na andami kong arte at kung ano-anong pose na ang pinag gagawa ko.
Matapos ang isandaang taon, este ilang minuto, natapos na rin ang photoshoot ko. Natatawa na naiiling na lang si Jordan sa akin, at ganoon din ako. Mamimiss ko tuloy ito kapag umuwi na kami.
Dali-dali akong lumusong sa dagat. Hinayaan ko ang sarili kong tangayin ng alon at muling ibalik sa dalampasigan. Umupo ako sa buhanginan at naglaro na parang bata.
Ilang sandali pa ay naramdaman ko bigla ang pag-angat ng katawan ko nang binuhat ako ni Jordan at biglang ibinagsak sa dagat. Napatili ako sa sobrang gulat habang si gago, tawa lang tawa. Pero syempre, hindi rin ako papatalo kaya bigla ko siyang hinatak. Tuloy ay parehas kaming natumba at tinangay ng alon.
Nang makabalik sa dalampasigan, ay parehas na kaming puno ng buhangin. Humakot ako ng buhangin sa mga kamay ko at ibinato iyon sa kanya tsaka parang timang na tumatakbo habang tumatawa.
Pero sadya yatang malalaki ang hakbang niya dahil mabilis niya akong naabutan. Agad niya akong iginapos at kiniliti, hindi ko mapigilan ang sarili ko at umalpas ang napakalakas kong halakhak. Napatingin sa amin ang ibang guests. Ang iba aliw na aliw at tila kinikilig, habang ang ilan naman ay nagtataka at mukhang naweweirduhan sa amin.
"Tama na Jordan, stop it. Hahahahahaha. Parang mamamatay na'ko sa kakatawa. Please."
At kahit tumigil na siya, pakiramdam ko kinikiliti pa rin ako at hindi ko pa rin makontrol ang pagtawa ko. Parang lindol lang, may aftershocks pa. Shuta!
Maya-maya pa'y bumalik ulit kami sa paglangoy. Parang bata kaming nagtampisaw sa dagat. Nagsasabuyan ng tubig at naghahabulan. Paminsan-minsan, nahuhuli niya ako at ikukulong sa yakap niya, madalas ay nagkukulitan lang kami. Ganoon namin pinalipas ang umaga namin. At aaminin kong, nag-enjoy talaga ako ng sobra.
Nakakabalisa isipin na ilang oras na lang, muli na naman kaming magbabalik sa reyalidad namin. Haharapin ang mga problema, at yung mga taong nagdulot ng sakit sa amin.
Muli kaming bumalik sa kwarto para magshower. Nauna na akong maligo. Nagsuot lang ako ng maong shorts, pink fitted T-Shirt at white sneakers. Si Jordan naman ay nakasuot lang din ng maong pants, white T-shirt at white sneakers din. Inayos na rin namin ang mga gamit namin bago kami bumaba para kumain ng tanghalian.
Nag-order kami ng steak, at pork back ribs. Dahil masyado kaming ginutom sa kakalangoy, hindi na kami nagpansinan pa nang magsimula kaming kumain. Habang kumakain ay panay pa ang tingin ko sa paligid na para bang sa pamamagitan noon ay mananatili iyon sa isip ko. Siguradong mamimiss ko ang lugar na ito.
Matapos naming kumain ay nag check-out na rin kami. Hati kami ni Jordan sa mga bayarin. Ayaw niya sana pero mapilit ako. Alam ko kasing kailangan niya rin yung pera para sa pag-aaral niya. Masaya rin ako na kahit papano, kahit sa maikling sandali lang ay nakalimutan ko rin ang sakit na idinulot nila sa akin.
Hindi magiging madali, pero tatanggapin ko ang nangyari. Wala na rin naman akong magagawa, tapos na iyon. At kung patuloy akong magkikimkim ng sama ng loob, ako lang rin ang mahihirapan at masasaktan. Hindi ako yung tipo ng tao na gumaganti sa mga taong nananakit sa akin, I'll simply let karma do the revenge.
Sumakay kami ni Jordan sa kotse niya at muling tinahak ang daan pabalik. Naririnig ko pa ang mahinang pag-hum ni Jordan habang sinasabayan ang music, hanggang sa hindi ko namalayang nakatulog na naman ako.
Pag gising ko ay naroon na kami sa bayan namin. Pamilyar na ang mga gusali, pati ang daan. At habang pinagmamasdan ko ang paligid, pakiramdam ko ay parang kagigising ko lang mula sa isang napakagandang panaginip. Nang tumigil ang kotse niya sa harap ng building ko, ginagap niya ang kamay ko.
Gulat akong napalingon sa kanya, at kasabay niyon ay ang biglang pagbilis ng t***k ng puso ko.
"Don't let yourself dwell on sad thoughts. Kapag malungkot ka, o kailangan mo ng kausap, nang mahihingahan ng sama ng loob, don't ever hesitate to call me. And I promise you, kahit nasaan man ako o kahit gaano pa ka importante ang ginagawa ko, I will find time to be with you. Alam ko hindi magiging madali, but you have to trust the process. Because sometimes, we need to encounter pain, to endure pain for us to be stronger. Everything will be okay, Belle."
Masuyo niyang hinagkan ang kamay ko. Parang biglang bumara ang lalamunan ko. Alam na alam niya, kahit hindi ko sabihin, alam niya kung ano'ng nararamdaman ko.
"Thank you for everything, Jordan. Alam ko'ng ilang beses na ako'ng nagthank you, but it will never be enough. Maybe this is why we met, because maybe God knew that time will come when I'll be needing someone like you. Ingat ka sa pag-uwi. And please know, that whatever bothers you, you can talk to me too."
I kissed him on the cheek before going out of his car. Huli na para marealize ko ang ginawa ko. Patakbo akong pumasok sa building at agad na sumakay sa elevator.
What was that Yssa?
Pagkapasok ko sa unit ko ay agad akong naupo at napaisip kung bakit ko nga ba iyon nagawa? I mean, hindi naman talaga dapat necessary na halikan ko siya di ba?
Inaliw ko na lang ang sarili ko para makalimutan ang maliit na aksidenteng iyon.
Naglinis ako, nag-rearrange ng ilang gamit sa living room, pati na rin sa kwarto ko.
Nang matapos ako doon, ay nilabhan ko ang mga marurumi kong damit. Lampaso dito, walis doon, walang patawad pati ang kubetang nananahimik ay nilinis ko. Ewan ko ba, pero gusto ko lang maging abala ngayon para hindi ako makulong sa pag-iisip ng mga walang kwentang bagay.
Alas singko na nang hapon ng matapos ako sa lahat ng gawaing bahay. Nagpahinga lang ako saglit, bago nagsaing at nagluto ng ulam. Nagluto na lang ako ng pinakbet since iyon na ata ang pinakamadaling lutuin sa ngayon. Kumain ako nang mag-isa habang nagninilay-nilay.
Pakiramdam ko pagod na pagod ang katawang lupa ko, kaya naman naghalf bath na lang ako. Nag skincare, toothbrush at nagpalit ng pajama at oversized T-Shirt para matulog. Pero bago pa man ako tuluyang igupo ng antok, isang desisyon ang nabuo sa aking isipan.
Kinabukasan, medyo tinanghali ako ng gising pero hindi ako nagmadali. Nagtype ako sa laptop ko at maya-maya pa ay nagprint. Agad din akong naligo at nagsuot ng office attire. Isang cream colored na pencil cut skirt. Puting blouse na pinatungan ko ng itim na blazer. Nag-apply ako nang kaunting make-up, lip tint at pabango. Isinuot ko ang itim na sapatos kong de takong. Isinukbit ang aking shoulder bag, at bitbit sa isang kamay ang isang puting folder.
Sumakay ako sa Taxi since hindi ko pa nakukuha ang kotse ko. Pagdating ko sa building namin ay sumalubong sa akin ang mapanghusgang tingin ng mga katrabaho ko. Malamang, alam na ng lahat ang ginawa ni Jaxon at ni Mindy. Dumiretso lang ako na para bang lahat sila ay hindi nag-eexist sa paningin ko.
Nadaanan ko si Mindy na nakayuko sa lamesa niya at tila hindi malaman ang gagawin.
Bitch!
Sumunod naman ay humarang sa akin si Jaxon na may dala-dala pang chocolate at isang bouquet ng bulaklak. His eyes are pleading, but I don't give a damn.
Dumbass!
Katulad nila, nilagpasan ko lang din siya at hindi pinansin.
Parang anino siya na sunod ng sunod sa akin hanggang sa pagpasok ko sa opisina ng boss namin.
Tahimik lang siyang nakatayo sa likod ko.
Napa-awang ang labi niya nang ilapag ko ang folder sa harap ng boss namin.
"What's this, Yssa?"
"My resignation letter, Sir."
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
To be continued.....