**********
9
Yssa's POV
I woke up with a throbbing pain in my head, body ache and still, a broken heart. Parang pinupukpok ng martilyo ang ulo ko sa sobrang sakit. Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko at tumambad sa akin ang isang hindi pamilyar na kwarto. Napasinghap pa ako nang mahulog ang kumot na tanging tumatabing sa kahubadan ko nang bigla akong tumayo. Natutop ko ang aking bibig habang tinitingnan ang mantsa ng dugo na bumakat sa kubrekama.
Just what the f**k did I do last night?
Unti-unting bumalik sa isipan ko ang lahat ng nangyari kagabi. Nakagat ko ang ibabang labi ko habang isa-isang pumapasok sa isipan ko ang lahat ng ginawa namin ni Jordan. Napalunok ako habang naalala kung paano kong sinagot ang kanyang bawat yakap at halik. Kung paano akong napaungol sa bawat kiliting hatid niya.
Fuck! Ang gago ko naman, nakipagbreak ako sa boyfriend ko dahil nahuli ko siyang may ka s*x na iba. Tapos ano.. Tapos ako naman ang nakipag-s*x kagabi? At sa lalaking hindi ko boyfriend? I'm doomed!
Gusto kong kastiguhin ang sarili ko dahil sa kapusukan ko. Diyos ko naman, ang tanga-tanga ko. Ano na? May mukha pa ba akong maihaharap sa kanya ngayon?
Ano'ng sasabihin ko sa kanya? Thanks for night? Thanks for deflowering me? I had a great night? Shuta!
Bakit ba kasi ako naglasing-lasing kagabi? Bakit ba kasi naglalasing ang tao pag broken hearted? Yan tuloy, hindi lang puso ko ang nabasag, pati tuloy hymen ko basag din! I kennat! Gusto kong lumubog sa kahihiyan ngayon!
Napatalon ako sa gulat nang biglang bumukas ang pinto at iniluwa niyon si Jordan na nakasuot ng boxer shorts at puting sando. Agad kong ibinalabal sa katawan ko ang kumot. Tumalikod naman siya sa akin at nagkamot ng batok niya.
Shit! This is awkward!
"Ahm, ano, ito nga pala yung T-shirt ko tsaka boxers. Yan na lang muna isuot mo habang pinapatuyo ko pa yung damit mo. May underwear din dyan, wag kang mag-alala kasi bago yan. Binili ko doon sa palengke kanina."
Nilapag niya sa kama ang mga damit nang nakatalikod pa rin.
"Wait, nilabhan mo yung damit ko?
"Oo. --"
"Pati ba underwear ko?" Mahinang tanong ko.
"Ah oo. Don't worry, sanay akong maglaba." There's a hint of smile in his answer.
Ramdam na ramdam ko ang pag-iinit ng mukha ko. Hindi ko maimagine na hawak niya yung panty at bra ko. Diyos ko, hindi pa ba matatapos itong araw na 'to?
"I'll wait for you downstairs."
Yun lang at muli siyang lumabas. Dali-dali akong pumasok sa banyo para magshower. Napangiwi ako nang maramdaman ko ang kirot sa p********e ko.
May nakita akong spare toothbrush sa sink kaya nagtoothbrush na rin ako at isinuot ang damit ni Jordan. In fairness, mabango ang T-shirt ni Jordan. Maluwag ito sa akin at mahaba rin, natatakpan nito ang boxers na suot ko. Tuloy ay parang wala akong suot na shorts kung titingnan. Sinuklay ko ang buhok ko at bumaba na.
Sumalubong sa akin ang mabangong amoy ng niluluto ni Jordan. Biglang kumalam ang sikmura ko. Tiningnan ko ang oras, at ganoon na lang ang gulat ko nang makitang, alas dose na pala.
Shocks! Ganon ka tagal ang tulog ko?
Dumiretso ako sa kumedor. Nakahanda na ang pagkain sa mesa. Agad akong umupo dahil gutom na ako.
"I cooked bulalo. Para pawisan ka at gumaan ang pakiramdam mo. Heto nga pala ang gamot, inumin mo mamaya para mawala ang hangover mo."
Maingat niyang sabi sa akin. Nilagyan niya ng kanin ang plato ko at tsaka siya nagsalin ng bulalo sa isang maliit na mangkok at binigay sa akin.
Nagsimula akong kumain, habang si Jordan naman ay nakatitig lang sa akin. Bigla akong nailang dahil hindi niya inaalis sa akin ang kanyang tingin.
"Stop staring at me, Jordan."
He just laughed at me.
"I can't help it. By the way, you look good on my shirt."
Namula naman ako sa papuri niya. Hindi ako sanay na ganito si Jordan sa akin. Dati kasi kapag nagkikita kami, laging seryoso ang usapan namin. Ngayon, parang biglang may nag-iba.
Sinabayan niya na rin akong kumain. In fairness, masarap magluto si Jordan. Napaka-swerte naman ng magiging asawa niya. Complete package na kasi siya, gwapo, marunong magluto at marunong din maglaba.
Pagkatapos naming kumain ay agad niyang niligpit ang pinagkainan namin. Nagpresenta akong maghugas ng pinggan kaya lang hindi siya pumayag. Aniya, bisita ako at isa pa daw, pagod daw ako dahil kagabi. Agad na umakyat ang dugo sa mukha ko lalo na nang kindatan niya ako.
Doon ko na lamang siya hinintay sa sala habang nanunood ng TV. Ilang sandali pa ay umupo siya sa tabi ko at isinandal ang kanyang ulo sa sofa.
Tahimik lang ako. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Hindi pa rin namin napag-uusapan ang tungkol sa nangyari. Siguro, katulad ko, nahihiya rin siya. Pero kahit ganon, wala akong makapa ni katiting na pagsisisi sa puso ko.
Nung hapong iyon, inihatid ako ni Jordan sa condo ko. Tahimik lamang kami habang nasa biyahe. Paminsan-minsan ay nahuhuli ko siyang nakatingin sa akin, pero agad ding iiwas kapag nakita niyang nakatingin din ako. Parang biglang nagkaroon ng malisya sa amin simula ng nangyari iyon sa amin kagabi.
Pagdating sa building namin ay agad akong nagpaalam sa kanya. Ngiti lang ang isinukli niya at tinanaw ako habang papasok sa building. Habang nakasakay sa elevator ay muling bumalik sa isipan ko ang mga nangyari, at hindi ko maiwasang mamula.
Biglang umahon ang galit at sakit sa dibdib ko nang makita ko si Jaxon na nakatayo sa harapan ng unit ko. Nakasuot siya ng pantalon, nangingitim ang kanyang mga mata at gulong-gulo ang kanyang buhok.
"Babe...Mag-usap naman tayo, please."
Hindi ko siya pinansin at nagmamadali kong binuksan ang pinto ng unit ko ngunit niyakap niya ako ng mahigpit.
Marahas ko siyang itinulak. Parang bulkan na biglang sumabog ang lahat ng galit at sama ng loob ko sa kanya.
"Ano ba! Let me go! Umalis ka na Jaxon, wala na tayong dapat na pag-usapan pa. I've had enough of you. Ikaw ang hindi nakontento sa ating dalawa. Kung nagkahiwalay man tayo, wala kang dapat sisisihin kundi ang sarili mo! Dahil masyado kang malibog! Ni hindi ka man lang nakapaghintay."
"Babe, please. Mahal na mahal kita."
Tumawa ako ng pagak.
"Mahal? Tanginang pagmamahal yan! Bumalik ka na lang doon sa babae mo. You can f**k her for all you want, I don't care anymore!"
Biglang tumalim ang mga mata niya sa akin.
"May kasalanan ka rin naman dito! Kung binigay mo lang sana ang gusto ko, hindi ako maghahanap ng iba. Please babe, mahal na mahal kita. Ikaw lang ang mahal ko."
Sinampal ko siya ng ubod ng lakas. Ang kapal kapal ng mukha niya!
"At talagang kasalanan ko pa ha? Kung totoo ang sinasabi mong mahal mo ako, hindi mo ako lolokohin. Bakit ganon? Ikaw na nga yung nanakit, ikaw na yung nanloko, pero ako pa rin ang may kasalanan? Ang kapal mo!"
Bumalong ang luha sa mga mata ko. Hindi ko matanggap na ako ang sinisisi niya sa nangyari. Kung hindi siya nagpadala sa tukso, hindi ito mangyayari sa amin.
Muli siyang lumapit sa akin at pilit akong niyakap. Halos magwala na ako para bitawan niya ako. Nasasaktan na ako sa higpit ng pagkakahawak niya sa akin.
"Let me f*****g go! Don't ever touch me again! Umalis ka na dito!"
"Pare, let the woman go. Hindi mo ba siya naririnig?"
Agad na nalipat ang atensyon ko sa taong nagsalita. It was Jordan. Bakit siya nandito?
Tiningnan ko siya nang nagtatanong ang mga mata. Itinaas niya ang wallet ko at nginitian ako.
"Sino ka ba? Bakit ka nakikialam sa away naming magkasintahan?"
"Hindi naman sa nakikialam, pero narinig mo naman ang sinabi niya di ba? Bitawan mo siya."
Agad na lumapit sa amin si Jordan sapilitang inalis ang pagkakahawak ni Jaxon sa akin.
Marahas niyang binitiwan ang kamay ko at matalim na tumingin sa akin. Maya-maya pa'y yumuko siya at lumaylay ang balikat. Nang muli siyang mag-angat ng tingin ay wala na ang tapang sa mukha niya. Bakas doon ang matinding pagsisisi.
"Please babe, makinig ka naman sa akin oh. Please..."
Humigpit ang hawak ni Jordan sa akin. Tila ba sinasabi niyang, huwag na huwag akong magpapadala sa sinasabi ni Jaxon.
"Ano pa ba ang kailangan mo'ng ipaliwanag Jaxon? Malinaw na ang lahat. Nasaksihan ko mismo ang kataksilan mo. Hindi 'yun ganon ka daling kalimutan."
Humina ang boses ko at muling umagos ang luha sa mga mata ko.
"Hindi ko na kaya pang makinig ulit sa'yo kasi babalik lang sa isip ko ang mga pagsisinungaling mo. Hindi lang isang beses Jaxon, maraming beses kitang nahuling nagsinungaling. Hindi na kita kayang tingnan ulit dahil naalala ko ang kahayupan niyo ng babae mo. Kaya please lang, do me a favor. Umalis ka na dito at huwag ka nang lalapit sa akin."
Hindi ko na siya tiningnan at hinayaang magsalita. Mabilis akong pumasok sa unit ko at sumandal sa dingding. Maya-maya pa'y nakasandal na ako sa balikat ni Jordan at tahimik na umiiyak habang hinahagod niya ang aking likod.
"Iiyak mo lang ang sakit. I'll be here. Magiging maayos rin ang lahat. Okay?"
Marahan akong tumango at ngumiti sa kanya. Mabuti na lang pala at nakalimutan ko ang wallet ko sa kotse niya. Dahil hindi ko alam ang gagawin ko kung wala siya dito ngayon.
Nang kumalma ako ay pinaupo ko siya sa living room at inofferan ng meryenda.
"Parang ayokong iwan ka dito ng mag-isa. Wanna go somewhere else?"
Napatingin ako kay Jordan nang magsalita siya.
"Saan naman tayo pupunta?"
"Somewhere relaxing enough to divert your attention. Go, pack your things. I'll wait for you here."
Hindi ko alam kung bakit ako tumalima sa utos niya. Ni hindi man lang ako tumanggi sa offer niya. Napailing na lang ako sa sarili ko. Mukhang nawawala na ako sa katinuan ko.
Nakita ko na lang ang sarili kong nag-aayos ng mga damit na dadalhin ko. Hindi ko alam kung saan kami pupunta, pero pinili kong magdala ng isang pares ng two piece swim suit. Nagdala rin ako ng isang yellow sundress na hanggang tuhod ang haba. Cashual shorts, T-Shirts at pantulog. Dinala ko rin ang mga essentials ko at pinagkasya sa maliit kong backpack. Sabado ngayon at may pasok pa si Jordan sa lunes kaya sigurado akong uuwi rin kami kinabukasan.
Paglabas ko ay inagaw niya sa akin ang backpack ko at siya ang nagdala. Ewan ko kung bakit bigla akong napangiti. Lalo kasing lumiit ang backpack ko sa malapad niyang likod.
Muli kaming sumakay sa kotse niya at dumaan sa bahay niya para siya naman ang kumuha ng mga gamit niya.
Ilang sandali pa ay nasa daan na kami. Kung saan man kami patungo, ay wala akong alam. Tahimik lang ako'ng naka-upo habang nakikinig sa music. Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako sa haba ng binyahe namin.
Naalimpungatan ako nang maramdaman ko ang marahang paghaplos sa mukha ko. Sumalubong sa akin ang napakagwapong mukha ni Jordan na ilang pulgada lamang ang layo sa mukha ko. Mataman siyang nakatitig sa akin na tila ba noon niya lang ako napagmasdan sa tanang buhay niya. May kung anong kislap sa kanyang mata na hindi ko maipaliwanag.
Siya rin ang naunang umiwas at tumikhim. Napa-ayos naman ako ng upo.
"Uhhm, nandito na tayo. Halika na."
Nakangiting aya niya sa akin. Nauna siyang bumaba dala ang mga bag namin, at pagkaraan ay pinagbuksan ako ng pinto.
Nahigit ko ang aking hininga nang igala ko ang aking paningin. Tumambad sa akin ang mala-boracay na buhangin sa tabi ng dagat. Habang nag-check in si Jordan ay naglibot-libot ako. Mayroong pool, at sa ibaba lang nito ay nag-aanyaya na ang karagatan. Takip-silim na noong dumating kami kaya napako ang tingin ko sa paglubog ng araw. Nag-aagaw ang kulay ng kalangitan na para bang likha ng isang mahusay na pintor. Inilabas ko ang cellphone ko at kinuhanan ng litrato ang napakagandang tanawing iyon. Umihip ang malamig na hangin at nilipad niyon ang aking buhok.
Sa pagtalikod ko ay nakita ko si Jordan na nakatayo sa likod ko at katulad ko ay manghang nakatingin sa dagat. Kung saan unti-unting lumulubog ang haring araw.
"Ah, Yssa. Okay lang ba sa'yo kung nasa isang kwarto lang tayo? Puno na kasi sila. Huwag kang mag-alala, dalawa naman daw ang kama doon."
Tumango na lang ako sa kanya at ngumiti. Tinungo namin ang silid na ookupahin namin.
Namangha ako sa laki nito. May dalawang magkahiwalay na kama. May sliding door palabas kung saan mayroong munting veranda na nakaharap sa dagat. May dalawang pang-isahang couch at bilog na center table sa gitna niyon. Sunod kong tiningnan ang banyo. Mayroong bath tub sa loob katabi ng shower. Sa sobrang lapad nito ay pwede na itong maging isang kwarto.
Matapos naming ayusin ang kani-kaniyang gamit ay muli kaming bumaba para kumain.
Umupo kami sa isang pandalawahang mesa. Maging ang restaurant na ito ay overlooking sa dagat. Gawa sa kahoy ang mga haligi nito at bunggalow type. May fairy lights na dekorasyon sa palibot nito na lalong nagpaganda dito sa tuwing gabi.
Nang dumating ang mga pagkain namin ay agad akong natakam. Karamihan sa inorder namin ay seafoods. Medyo naparami nga ang order namin dahil ginutom kami sa haba ng biyahe kanina pero worth naman ito sa ganda ng lugar.
Una naming nilantakan ang napakalaking alimango na isa sa ipinagmamalaki ng resort. Para kaming ilang araw na hindi kumain. Ganado sa bawat pagsubo habang naka kamay pa. Mayroon ding baked scallops at buttered garlic shrimp na inundayan namin ng kain. Ang nangyari tuloy, parang puputok ang tiyan naming dalawa sa sobrang kabusogan. Parehas pa kaming natawa nang halos hindi na kami makatayo pa mula sa inuupuan namin.
Nagstay pa kami doon ng mga ilang minuto dahil sa sobrang kabusogan. Nang makabawi ay napagpasyahan naming maglakad-lakad muna sa tabing dagat para matunawan. Malamig ang simoy ng hangin sa tabing dagat. Tanging ang ilaw ng buwan ang tumatanglaw sa aming daan.
Walang nangahas sa amin na basagin ang katahimikan ng gabi, maliban na lang sa matinis na huni ng mga ibon sa itaas. Napakaganda ng sandaling ito, parang ayoko nang matapos pa. Kung pwede nga lang, ayokong umalis sa paraisong ito. Kung pwede lang, ayaw ko nang bumalik at harapin ang mga problema ko. Kung pwede lang sana.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
To be continued....