6
Yssa's POV
Biglang sumikip ang dibdib ko habang nakikinig sa kwento ni Jordan. He has gone through so much pain, yet he's still so positive in his perspective. Siguro kung ako 'yon, baka nag isolate na ako ng sarili ko at nagpakalayo-layo. Napakatapang niya para bumangon at muling harapin ang buhay ng walang bitterness.
"Wow, I don't know what to say."
"You don't have to say anything. It was all in the past now. If I hadn't experienced all those things, I may not have been where I am right now. Baka hanggang ngayon, nandoon pa rin ako sa restaurant, nagbabanat ng buto at walang kinabukasan."
"Maybe it was God's way of redirecting you. Maybe he has something better in store for you."
"That's what I thought. Hey, we now have a fair share of heartbreaks. We're like two broken strings."
"Yeah. And I think you're right. I'll talk to my boyfriend later. Maybe he has a valid reason for not telling me the truth."
"That's my girl."
He smiled and messed my hair again. I don't know why but I find it such a cute gesture.
Pagkatapos naming magdrama at kumain ay naghiwalay din kami. Naglakad siya pauwi sa bahay niya at ganoon din ako.
Pagdating ko sa unit ko ay agad akong nag-isip ng paraan kung paano ko kakausapin si Jaxon.
Tiningnan ko ang cellphone ko at nakita kong may limang missed calls ito na galing lahat kay Jaxon at may isang text message.
From: Babe ❤️
Hey, babe. Are you mad at me? Please answer your phone.
Galit nga ba ako? Parang napakabigat naman ng salitang galit. Nagtatampo siguro, pero sino ba namang hindi. Pakiramdam ko kasi, harap-harapan niya akong niloko kahit hindi naman niya alam.
In the end, I decided to call him and make peace with him. Ayaw ko rin namang magkagulo kami dahil lang sa pagiging impulsive ko.
"Hello babe."
Mababakasan ng kasiyahan ang kanyang boses nang sagutin niya ang tawag ko.
"Hi babe, sorry I wasn't able to answer your call, I was jogging."
"It's okay babe, I've been trying to call you since last night but you were out of reach."
Nakonsensya naman ako doon.
"Sorry, nadrain kasi ang battery ko. I was so tired yesterday kasi I went shopping. Napagod ako kakaikot sa mga boutiques at bookstores."
Matagal bago siya nakapagsalita.
"Aww, ganoon ba babe."
"Yes babe, sa labas na nga lang din ako kumain kasi tinatamad na akong magluto. Anyway, wala kang lakad ngayon?"
"Wala naman babe, actually I'm planning to visit you today. Is it okay?"
"Of course it is, you can visit me anytime."
"Okay, I'll be there after lunch."
And then he hung up. I was waiting for him to say "I love you" but he didn't.
Inabala ko na lang ang sarili ko paglilinis ng unit ko. Hindi naman siya madumi at makalat kasi organized naman ako sa mga gamit ko, but still, I want to impress him.
Pumunta ako sa kusina at naghalungkat ng pwede kong lutuin. Kinuha ko ang manok at hinayaan munang matunaw ang ice nito. Iyon na lang gagawin kong adobo. Naglabas rin ako ng ilang gulay at baboy naman para gawing sinigang.
Not to brag, but I definitely know how to cook. Isa iyon sa mga bonding moments namin ng Mommy ko noon. Tinuturuan niya akong magluto para daw kapag dumating yung araw na mahanap ko na ang lalaking mamahalin ko habang buhay, ay marunong na rin ako sa mga gawaing bahay.
Habang pinapalambot ang baboy ay sinasabay ko naman ang pagluluto ng adobo. Nagsaing na rin ako sa rice cooker at nagchill ng wine. I don't know why, but I suddenly felt an urge to impress him. Gusto ko lang bumawi sa kanya sa pag-iinarte ko kahapon.
Nang maluto na ang sinigang at adobo ko ay agad akong pumasok sa kwarto ko. Pumasok ako sa banyo at naligo. Tinagalan ko ng konte ang pagligo, sinisiguradong walang matitirang amoy ng pawis sa katawan ko.
Pinili kong magsuot ng isang fitted off shoulder blouse na kulay mustard yellow. Tinernuhan ko ito ng itim na high waisted shorts at white flip flops.
B-in-lowdry ko ang buhok at sinuklay. Hinayaan lang itong nakalugay. Naglagay ako ng lotion sa mga binti at hita ko, gayun din sa mga kamay at braso ko. Naglagay ng kaunting pulbo at liptint. Naglagay din ako ng turban na kulay mustard yellow para terno.
Binuksan ko ang pinto sa veranda at doon nagset ng table. Ipinatong ko ang mga plato at kubyertos, inayos na parang nasa isang romantic date. Naupo muna ako at nanood ng Netflix habang hinihintay si Jaxon.
Ilang sandali pa ay nakarinig ako ng nagdodoor bell. Excited na binuksan ko ang pinto at pinatuloy ang boyfriend ko.
Pagkapasok ay agad niyang hinapit ang bewang ko at ginawaran ako ng mainit na halik sa mga labi. Nabigla man, ay nagawa ko pa ring tugunin iyon. Nang humiwalay ang labi namin ay isiniksik niya ang mukha sa leeg ko. I stiffened and felt goosebumps when he suddenly sniffed my neck. I could feel his lips brushing on my bare neck and his warm breath fanning on it.
I suddenly felt uncomfortable kaya inakay ko na siya papunta sa veranda.
"I prepared a little something for you babe. Upo ka muna, iseserve ko lang ang pagkain natin."
Nagsalin ako ng kanin sa bowl, ganoon din ng adobo at sinigang. Isa-isa ko iyong nilagay sa mesa. Nilagay ko na din ang wine. Umupo ako sa harap niya.
"Babe, I also have something for you."
Mula sa likuran niya, ay may kinuha siyang paper bag. Nang tingnan ko ito, narealize kong galing ito doon sa boutique na nilabasan niya kahapon kasama ang babaeng yon.
"What's this for? Hindi ko naman birthday babe."
In my mind, I was secretly hoping he would tell me the truth. Kung nasaan talaga siya kahapon.
"Babe, hindi naman kailangang birthday mo para bigyan kita ng regalo. When I saw that dress yesterday, ikaw agad ang naalala ko. So I bought it."
I felt a little relieved when he said it. Pero hindi ako nagpahalatang alam ko na nandoon siya sa mall.
"Oh? Akala ko ba nandoon ka sa bahay niyo kahapon?"
Sa totoo lang, kinakabahan ako sa isasagot niya. I'm not even sure if he will mention the girl to me. Unconsciously, alam kong naghahanap lang ako ng assurance mula sa kanya.
"Yeah, but then noong hapon na, kinulit ako ng pinsan ko na samahan siyang magshopping. Ayaw ko nga sanang sumama kasi gagawin lang naman niya akong tagapagbitbit ng paper bags niya kaya lang naawa naman ako. And then that's when I saw that dress and I thought of you."
Para akong nabunutan ng tinik nang malamang pinsan naman pala niya ang babae kahapon. Kaya pala ganoon na lang itong makalingkis ng kamay kau Jaxon.
"I see. Sayang, hindi tayo nagkita sa mall kahapon. Para sana nagkakilala naman kami ng pinsan mo."
Natigilan siya sa sinabi ko pero nagkibit balikat lang siya.
"Maybe it's not yet the time for it babe."
"I think so babe. Halika na nga kain na tayo."
Nagsimula kaming kumain. Magana siyang kumain at ako naman ay hindi maiwasang mapatingin sa kanya. I admit na dahil sa nangyari kahapon ay parang nagkaroon ng maliit na pagdududa sa puso ko. Pero pilit ko iyong iwinaksi. Hindi tama na mag-isip ako ng masama sa kanya gayong ako naman pala ang nasa isip niya habang nasa mall siya kahapon.
"Hmm, ang sarap ng adobo mo babe. Favorite ko na ata to, basta ikaw ang magluluto."
Napangiti ako sa kanya. Well, ikaw nga nila, the best way to a man's heart is through his stomach.
"Sure, magsabi ka lang kung gusto mong kumain niyan at ipagluluto kita."
I tried to focus on our relationship. Wala naman siyang ginagawa na ikakagalit or ikakaselos ko kaya hindi dapat ako nagpapadala sa impulse ko.
"I'm looking forward to have more days like this with you babe. Yung magkasama tayo sa iisang bahay. Yung palaging ngiti o mukha mo ang bubungad sa mga umaga ko. Tapos yayakapin kita mula sa likod habang nagluluto ka ng breakfast natin. Sa gabi naman, magkukuwentuhan tayo bago tayo matulog."
Ginagap niya ang mga kamay ko at mataman akong tinitigan.
"I want to sleep beside you, wake up beside you. I want to do everything for you. Mahal na mahal kita, babe."
Tumayo siya at umupo sa tabi ko. Hinawakan niya ang mga pisngi ko. Hinawakan ko ang kamay niyang nakahawak sa pisngi ko at marahan iyong pinisil.
"Mahal na mahal din kita babe. At hindi ko alam ang gagawin ko kung sakaling mawala ka sa akin."
Hindi ko namalayang nangilid na pala ang luha ko. Sa mga ganitong sandali kasi, pakiramdam ko mawawala siya sa akin. Iisipin ko pa lang na iiwanan niya ako, sumisikip na ang dibdib ko.
"I will never leave you babe. Dito lang ako sa tabi mo, kahit hanggang pumuti na lahat ng buhok mo, o malagas man ang mga ngipin mo. Kahit maging kulubot na ang balat mo, nandito lang ako para sa'yo."
Niyakap ko siya nang mahigpit at ibinaon ko ang aking mukha sa kanyang dibdib.
"Thank you babe."
Bumalik rin siya sa kanyang upuan at tinapos namin ang aming pananghalian. Pagkatapos naming kumain ay magkatulong rin kami sa pagligpit ng pinagkainan namin. Nagpumilit siyang maghugas ng pinggan kaya hinayaan ko na rin.
Kumuha ako ng microwavable pop corn at isinalang iyon sa microwave. Nang matapos siya sa paghuhugas ay siya rin pagtunog ng timer ng microwave. Isinalin ko sa isang malaking bowl ang pop corn.
Naupo kami sa couch sa living room habang nanonood ng Netflix. Naka-akbay ang kaliwang kamay niya sa akin. Ang kanyang ulo ay pinatong niya sa balikat ko.
Isang romance movie ang kasalukuyang ipinapalabas. Naramdaman ko na lang ang biglang paghigpit ng hawak ni Jaxon. Dumausdos ang kanyang kamay pababa sa bewang ko at hinapit niya ako. Ikinulong niyang ang bewang ko sa kanyang mga bisig hanggang sa hindi ko namalayang naka-upo na pala ako sa kanyang mga hita.
Sinubukan ko umalis mula sa pagkakaupo doon ngunit agad niya akong pinigilan.
"Stay babe."
Wala akong nagawa kundi ang muling maupo.
Hindi ako komportable sa posisyon namin pero ayaw ko namang magalit siya kaya hinayaan ko na lang. Tinutok ko ang aking pansin sa panonood ng telebisyon.
Maya-maya pa ay muli kong naramdaman ang mainit niyang hininga sa aking batok. Kinilabutan ako pero hindi ko siya magawang kontrahin.
Naramdaman ko na lamang ang masuyo niyang paghalik sa batok ko. He rained sweet little kisses on my neck and up to my ears. He gently nibbled my ear.
"Babe, nakikiliti ako."
"Hmm, you smell so good babe. Nakakalasing ang amoy mo."
Instead of stopping, he continued to kiss my ear, down to my jawline. It was like he was tracing my whole face with his tongue.
He made me face him and in just a snap, he kissed me full on the lips. His hands were slowly moving, touching my back and down my waist. He sipped my lips while his tongue was seeking entrance.
Nagulat pa ako nang kumawala sa bibig ko ang isang ungol. Ipinagpatuloy niya ang paghalik sa akin habang patuloy sa paghagod ang kanyang mga kamay.
Sobrang lunod na lunod ako sa makabagong pakiramdam na hindi ko man lang namalayang nahubad na pala niya ang aking pang-itaas na damit.
Bumaba ang kanyang mga halik sa balikat ako. Halos matumba ako nang maramdaman ko ang kanyang dila sa collar bone ko. Nakagat ko ang ibabang labi ko nang muli pang bumaba ang kanyang halik hanggang sa matunton nito ang aking mga dibdib.
Napasinghap ako at agad na nagmulat ng mga mata. Para siyang hayop na hayok na hayok sa pagkain. Para akong binuhusan ng tubig nang marealize ko kung gaano ka intimate ang posisyon naming dalawa. Nakaupo ako sa mga hita niya, at nakaharap sa kanya. Ang mga kamay ko ay ikinawit sa kanyang leeg habang ang kanyang ulo nama'y nakabaon sa aking dibdib.
Agad ko siyang itinulak bago pa man kami madarang ng nakakapasong apoy ng makamundong pagnanasa.
"I'm sorry babe."
Hindi ko alam kung bakit ako humihingi ng paumanhin kahit na pakiramdam ko ay karapatan ko namang tumanggi sa kanya.
Nakita ko ang biglang pagtagis ng kanyang mga bagang. At dahil sa kanyang pag galaw ay nanlaki ang mga mata ko nang maramdaman ko ang maumbok niyang alaga sa pwetan ko.
Huminga siya ng malalim bago ako marahang inalis sa kanyang kandungan at inupo sa kanyang tabi.
"I'm sorry too, hindi ko na naman napigilan ang sarili ko. I guess I need to go."
Mabilis siyang tumayo at lumabas sa unit ko nang walang paalam. Sinubukan ko siyang habulin at kausapin ngunit sadyang mabilis siyang maglakad kaya hindi ko na siya inabutan pa.
Bumalik na lang ako sa loob at iniligpit ang mga gamit. Pinatay ko ang TV at pumasok sa kwarto ko para magmukmok.
Galit ba siya sakin?
Dapat bang pumayag ako kahit alam kong hindi pa ako handa?
Hindi ko maiwasang mag-isip. Kanina lang ay masaya pa kami, pero heto ngayon at namomroblema na ako.
Ayoko naman talagang magalit si Jaxon sa akin, pero hindi ko naman kayang pilitin ang sarili. May tamang panahon para doon. Gusto ko lang naman ay yong makilala ko pa siya ng husto. Kung ibibigay ko man ang sarili ko sa kanya, ay sisiguruhin kong siya na ang lalaking makakasama ko sa habang buhay.
Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan siya. Nakailang ring na ito pero hindi niya pa rin sinasagot ang tawag ko.
Inalis ko ang mga negatibong ideya na pumapasok sa isip ko. Baka kasi nasa biyahe lang siya kaya hindi niya nasasagot, pero sa loob loob ko ay kinakabahan na ako.
Kinagabihan noon, hindi na ako nakatanggap ng tawag mula sa kanya. Wala ni isang text. Sinubukan ko ulit siyang tawagan pero ayaw pa rin niyang sagutin. Nanlumo ako, at napaiyak.
Mali ba ang naging desisyon ko?
Hindi ko rin namalayan, nakatulogan ko na pala ang pag-iyak.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
To be continued.....