Chapter 7

2684 Words
7 Yssa's POV Kinabukasan ay pumasok ako ng maaga sa opisina para kausapin si Jaxon. Gusto kong humingi ng tawad sa kanya. Kahit na alam ko'ng wala naman ako'ng kasalanan, pakiramdam ko ay obligado pa rin ako'ng humingi ng sorry sa kanya. Pagdating ko sa opisina ay kataka-takang nandoon na rin si Jaxon. Naabutan ko silang nag-uusap ng ilan naming katrabaho. Lumapit ako sa kanya at hinawakan ang kamay niya para makuha ang kanyang atensyon. Saglit siyang nagbaling ng tingin sa akin at tipid na ngumiti. "Good morning babe, ang aga mo naman ngayon." I awkwardly started a conversation with him. "Maaga kasi akong nagising babe. And besides, narealize ko lang na maganda rin pala kahit papano na pumasok ng maaga para makauwi rin ng maaga." Marahan niyang inalis ang kamay ko na nakahawak sa kanya at saka nagpaalam na pupunta na sa cubicle niya. Naiwan naman ako'ng nakatanga doon. Bakas sa mukha ng mga kasamahan namin ang pagtataka at paninibago dahil hindi ganoon si Jaxon. Kahit nasa opisina ay masyado siyang vocal sa pagpapakita ng damdamin niya. Hindi ko man maamin, pero nasaktan ako na parang binalewala niya ako. I excused myself and proceeded to my cubicle. Habang nag-aayos ng mga papeles para sa trabaho, napadaan si Mindy sa harap ng cubicle ko. Hindi ko maintindihan kung bakit parang kakaiba ang tinging ipinupukol niya sa akin nang mga sandaling iyon. Pilit kong binalewala at sinubukan kong magconcentrate sa trabaho kahit pakiramdam ko ay nakalutang ako. Noong lunch break, sabay pa rin kaming kumain ni Jaxon pero wala siyang imik. Kain lang siya ng kain habang ako, parang hangin lang na dumaraan sa harapan niya. Hindi ako nakatiis kaya hinawakan ko siya sa kamay. Agad naman siyang nag-angat ng tingin sa akin. "May problema ba tayo?" Hindi ko napigilang itanong sa kanya. "Wala naman, babe. Bakit mo naitanong?" "Naninibago kasi ako sa'yo. Sobrang tahimik mo ngayon. At kagabi, hindi mo sinasagot ang mga tawag ko. Galit ka ba sa akin?" Hindi ko alam kung saan ako humuhugot ng tapang para itanong sa kanya ang mga bagay na iyon kahit pa nanunubig na ang aking mga mata. "I'm sorry babe. Hindi ko nasagot ang tawag mo kagabi kasi nakatulog na ako. Hindi naman ako galit sa'yo..." Napabuntong-hininga siya bago mahigpit na hinawakan ang mga kamay ko. "Kaya lang babe, siguro nagtampo ako sa'yo. Hindi mo naman maiaalis sa akin iyon eh. Ilang buwan na tayong mag boyfriend pero hanggang kiss lang tayo. Hindi na rin naman tayo mga bata babe. At isa pa, lalaki ako. May pangangailangan din naman ako. Sana maintindihan mo." Nahigit ko ang aking hininga sa sinabi niya. So nagalit nga siya dahil hindi ko siya pinagbigyan? Bakit, masama ba na manigurado muna ako? Porke ba't nasa tamang edad na kami, eh gagawin na namin ang bagay na yon? "Babe, sana intindihin mo rin ako. Mahal kita, alam mo yan. Pero hindi kasi ako naniniwala na yan ang makakapagpatunay ng damdamin ko sa'yo. I already told you, hindi pa ako ready babe. I know myself, kapag ready na ako baka ako pa mismo ang lumapit sa'yo at ibigay ang sarili ko. But please, don't make me feel like I'm forced to do it just so I wouldn't lose you. If it happens, then let it happen naturally. Yung hindi ko kailangan pilitin ang sarili ko. Please, just give me a little more time." Tiningnan niya lang ako at napailing na para bang napakaimposible ng hinihiling ko sa kanya. "Mahal mo ako, pero hindi mo kayang ibigay ang hinihingi ko. Siguro mas mabuti pa kung magpalamig muna tayo. Mas makakabuti siguro para sa atin kung huwag na muna tayong magsolo, ayaw kong humantong ulit tayo sa ganoong sitwasyon kasi baka hindi ko mapigilan ang sarili ko." "A-are you.. are you breaking up with me?" Humigpit ang hawak niya sa kamay ko at pinakatitigan ako sa mga mata ko. "No. I am not breaking up with you. I'm trying to give you space so you could think. I love you so much babe. And I don't want to make you feel disrespected, kaya iiwas muna ako ngayon. I love you, okay?" Hinawakan niya ang pisngi ko. Tumayo siya at nilapitan ako para gawaran ng marahang halik sa noo bago tuluyang naglakad palayo sa akin. Nang hapong 'yon, nagpatuloy ang mabigat na pakiramdam ko. Naroon ang pangamba na baka tuluyan na siyang mawala sa akin. Ilang beses akong nagkamali dahil sa pagiging lutang, kaya naman naging paulit ulit ang ginagawa kong mga papeles. Pagpatak ng alas singko ng hapon, pinatay ko ang computer ko at niligpit ang mga gamit ko. Nagmamadali kong isinukbit ang bag ko at lumabas sa cubicle para habulin si Jaxon na noon ay kadaraan lang sa harap ko. Ni hindi man lang niya ako hinintay, o di kaya'y nagpaalam man lang sana. Lalo tuloy bumigat ang pakiramdam ko. Nang tuluyang makababa ay naabutan ko siya sa lobby na kausap si Mindy. Hindi ko alam kung ano'ng pinag-uusapan nila pero bigla akong nakaramdam ng matinding pagseselos. Kinalma ko muna ang sarili ko bago naglakad papunta sa gawi nila at binigyan sila ng isang pilit na ngiti. "Ah, babe. Let's go." Hinawakan ni Jaxon ang kamay ko at nagmamadali akong inakay palabas ng building. "Ano'ng pinag-usapan niyo ni Mindy, babe?" Maingat na tanong ko sa kanya. Ayokong isipin niya na pinagdududahan ko sila kahit na sa totoo lang ay wala talaga akong tiwala kay Mindy. "Nothing babe, nag-aaya silang mag-bar mamayang gabi." Napatingin agad ako sa kanya. "S-sasama ka ba?" Ewan ko kung bakit ako nautal. Siguro dahil kinakabahan ako sa magiging sagot niya. "No babe. Hindi ako sasama sa kanila. Pasok ka na sa kotse mo, ingat ka sa pagdadrive." Hinalikan niya lang ako sa pisngi bago tumalikod papunta sa kotse niya. Marahan kong isinara ang pinto ng kotse ko at nagdrive pauwi. Pagdating ko sa bahay ay agad akong nagluto ng hapunan para naman malibang ako. Nagpatugtog ako habang nagpeprepare ng iluluto ko. Pilit kong itinuon ang pansin ko sa ibang bagay. Kumain ako nang mag-isa. Malungkot, pero somehow, I felt the need to be alone for a moment. Pakiramdam ko kasi masyadong nagiging masikip ang relasyon namin ni Jaxon. Hindi pa kami gaanong nagtatagal pero heto at nagakakaproblema na kami nang dahil sa s*x. Nababagabag ako, naguguluhan at higit sa lahat ay nasasaktan. Para kasing napakadali lang sa kanya na balewalain ang damdamin ko. He said he respects me, pero bakit ganon? Nagalit siya nang hindi ko siya pinagbigyan? Yon ba ang respetong sinasabi niya? Napagdesisyunan kong maligo para kumalma ang isipan ko. Hinubad ko ang suot kong damit at hinayaan itong mahulog sa paanan ko. Tinanggal ang bra at pati na rin ang underwear ko. Tinanggal ko sa pagkakatali ang buhok ko. Nagsimula akong magshower, hinayaan ko lang ang tubig na lumagaslas pababa sa katawan ko habang ang utak ko ay abala sa pag-iisip. Nang matapos akong maligo ay agad akong nagpalit ng pantulog, nagtoothbrush at nagskin care. Pinatuyo ko muna ang buhok ko. Habang nagpapa-antok ay nag-open muna ako ng f*******:. Basa ng memes, react tsaka refresh ng feed. Ganoon lang ginagawa ko for like ten minutes hanggang sa isang live post ang umagaw sa atensyon ko. Post ito ng isa naming katrabaho. Nasa bar sila at nag-iinuman. Maya-maya pa nandoon na sila sa dance floor at gumigiling sa saliw ng isang rock song. Biglang sumikip ang dibdib ko habang pinapanuod ko sa screen ng cellphone ko kung paanong gumiling giling si Mindy sa harap ni Jaxon. Nakahawak ang dalawang kamay niya sa leeg ni Jaxon habang ang kamay naman ng boyfriend ko ay nakapulupot sa bewang niya. Nakasuot si Mindy ng micro mini skirt at tube top na hapit na hapit sa kanyang dibdib. Halos lumuwa na ito sa sobrang higpit ng kanyang damit. Kitang-kita ko kung paano niyang ikiskis ang dibdib niya kay Jaxon habang patuloy sa pag giling. Maya-maya pa ay tumalikod si Mindy kay Jaxon at muling idiniin ang kanyang pwetan sa harapan ni Jaxon. Napatingin pa ang huli sa itaas habang himas-himas ang bewang ng malanding babaeng yon. Parang nanunood lang ako ng live porn. Ang kaibahan nga lang, imbes na masarapan, unti-unti akong nasasaktan. Agad kong pinatay ang cellphone ko at nagkunwaring walang nakita, pero tangina. Sinong niloloko ko? Kumawala sa mga mata ko ang luha na kanina ko pa pinipigilan. Parang sasabog ang dibdib ko sa sobrang bigat ng emosyon ko ngayon. Naghalo ang galit, sakit at pighati sa puso ko. Parang baha na rumaragasa ang mga luha ko. I trusted him. I trusted him when he said that he's not going with them. Kahit kailan, hindi ako naging striktong girlfriend sa kanya kaya hindi ko maintindihan kung bakit kailangan niyang magsinungaling sa akin. Kung bakit kailangan niya akong saktan ng ganito. Pinanghawakan ko yung salita niyang hindi siya sasama, pero ano to? Deserve ko ba ang masaktan ng ganito? Pakiramdam ko tinraydor niya ako at hindi ko na alam kung dapat ko pa ba siyang pagkatiwalaan. Ilang beses na nga ba siyang nagsinungaling sa akin? Hanggang kailan niya ako gagawing tanga? Gusto ko ring sisihin ang sarili ko dahil masyado akong nagtiwala sa kanya. Pero ganoon talaga siguro kapag nagmahal ka. Handa kang magbulag-bulagan sa mga nakikita mo, magbingi-bingihan sa mga naririnig mo at umakto na para bang parang walang nangyari. Dumaan ang gabing iyon na hindi ako nakatulog sa pag-iyak kaya naman maga ang mga mata ko kinabukasan. Nagsuot ako ng shades para itago ang mga mata ko. Ayaw kong tingnan ang mga taong nandoon sa opisina ngayon. Ayokong makita sa mata nila ang awa at pagkutya. Siguro pinagtatawanan nila ako habang nagsasaya sila. Iniisip siguro nila na sobrang tanga ko kasi hindi ko alam ang kalokohan nila. Hindi ko sila pinansin at dumiretso ako sa cubicle ko para magtrabaho. Buong araw ay itinuon ko lang ang atensyon ko sa trabaho, hindi ako bumaba para kumain ng panghalian. Dumaan si Jaxon at naglapag ng pagkain sa mesa ko. Tahimik lang ako nagpasalamat sa kanya at bumalik sa ginagawa ko. I was actually expecting him to say something to me. I know I'm longing for his explanation. Kasi sigurado ako, may rason ang nakita ko. Kahit masakit yung nakita ko, ayoko pa ring sumuko. Trials lang ito. And it will only make us stronger someday. Pero yung akala kong trials lang ay lalong lumala. Naging madalang ang pag-uusap namin. May mga times na nagtatanguan na lang kami sa opisina o di kaya ay magngingitian. Minsan pa nga, hindi na nagpapansinan. Jaxon became cold and distant. Ayaw ko mang aminin, pero namimiss ko ang dating siya. Yung Jaxon na sweet at very vocal sa akin. Yung laging may pa sorpresa sa akin. Hindi ko alam, sino nga ba ang nagkulang sa aming dalawa? Sa gabi, lagi na lang puno ang isipan ko. Mga tanong, na hindi ko alam ang kasagutan. Mga agam-agam at pag-aalinlangan. Gusto ko siyang ipaglaban pero hindi ako sigurado kung ito rin ba ang gusto niya. Sa sobrang pag-iisip ko parang sasabog na ang utak ko. Lagi akong lutang sa trabaho at kung minsan pa ay nagzozone out ako. Kaya naman nagdecide ako na magrelax. Hindi na rin kasi healthy yung pag-iisip ko. Ang toxic ng mga pangyayari, pati na rin ng mga katrabaho namin. Pakiramdam ko, bawat tingin nila sa akin ay parang ako ang pinag-uusapan at pinagtatawanan nila. Nag-undertime ako sa trabaho dahil masyado na akong stressed. Naapektuhan na pati ang performance ko kaya ngayong gabi, gusto ko munang makalimutan kahit sandali lang ang mga problema ko. Agad akong naligo at na-ayos. Nagsuot ako ng isang casual dress na above the knee. Kulay midnight blue ito na may mahabang neckline kung saan kita ang cleavage ko. Hinayaan kong nakalugay ang buhok ko at kinulot ang dulo nito. Naglagay ako ng kaunting make-up. Nagspray ng perfume at kinuha ko ang clutch ko. Nagsuot ako ng isang silver high heeled stilleto shoes. I looked at my reflection once more and smiled. I found myself driving towards the bar where Jordan works. Agad akong pumasok at sumalubong sa akin ang isang malamyos na tinig. Sa stage ay mayroong isang banda na kumakanta ng acoustic songs. Kakaiba sa ibang bar, ito naman ay hindi masyadong maingay. Ang mga sumasayaw sa harap ay pawang magkakasintahan. Nakakainggit silang tingnan. Dumiretso ako sa bar counter at umorder ng inumin. Hindi naman ako maglalasing, gusto ko lang talagang magpunta dito para makita si Jordan. Nagbabaka sakali na mailabas ko sa kanya ang mga problema ko. I could really use his advice right now. "Ang lalim ng iniisip natin ah, baka malunod ka niyan?" Agad na tanong niya matapos niyang ilapag ang inumin ko. Nginitian ko lang siya bago inisang lagok ang alak ko. "Jordan, paano mo malalaman kung mahal ka pa ng isang tao?" I asked him out of the blue. Umakto siyang parang nag-iisip bago tuluyang sumagot. "Siguro, para sa akin, masasabi mong mahal mo pa ang isang tao kapag nararamdaman mong masaya ka kapag nakikita mo siya. Yung kahit galit ka sa kanya, pero ang presence pa rin niya ang hinahanap mo, ang comfort zone mo. Yung kahit na mayroon kayong hindi pagkakaintindihan, pero nasa kanya pa rin ang atensyon mo." Hindi ko alam kung bakit tila nahimigan ko ang lungkot sa kanyang boses. "Are you sad, Jordan?" Parang tanga lang ng tanong ko pero ngumiti pa rin siya. "Kailan ba naging masaya yung katotohanang hindi ka mahal ng taong gusto mo?" Muling gumuhit ang malungkot na ngiti sa labi niya. "Bakit kaya ganon minsan, no? Kung sino pa yung mahal natin, hindi tayo kayang mahalin." Hindi ko lang sure kung lasing na ba ako at kung ano-ano nang nasasabi ko. "Hindi kasi pinipilit ang pagmamahal. Just because we love someone, doesn't mean we have to force them to love us too. At kung minsan, kusang tumitibok ang puso natin nang hindi natin namamalayan. Kung minsan pa, masyadong mapaglaro ang tadhana. Kusang titibok ang puso mo sa isang kaibigan. Pero dapat, katulad ng isang sundalo, alam mo kung kelan dapat ipaglaban ang pag-ibig at kung kelan ka dapat sumuko." Parang bigla akong tinamaan doon. Dapat ko pa nga bang ipaglaban, o dapat ko na lang isuko ang relasyon namin? "Kailan ba dapat tayo lumaban?" Wala sa sariling tanong ko. "Hangga't nandyan pa ang pagmamahal niyo. Hangga't alam niyong mahal niyo ang isa't isa, wag kayong susuko. Lahat naman ng klase ng pagmamahal, dumadaan sa sakit. Pero sa huli, kung talagang mahal niyo ang isa't isa, worth it lahat ng pain. Pero kapag alam mong wala na ang pagmamahal, that's the time na kailangan mong tanggapin ang pagkatalo. Kasi kahit kailan, hindi ka mananalo sa isang laban kung mag-isa ka lang na lumalaban. Hindi ibig sabihin na kapag sinukuan mo ang isang tao, hindi mo na siya mahal. Minsan kasi, kailangan nating isuko ang taong mahal natin, para lumigaya sila ng totoo." Tiningnan ko siya, pilit na ina-absorb ang lahat ng sinabi niya. "Ikaw ba, susuko ka na ba?" He let out a sigh before answering, "ang tanong, may laban nga ba ako? Kung sa simula pa lang, alam ko nang may iba naman talaga siyang gusto?" Muli akong napaisip. Tinitimbang ang lahat ng pangyayari sa amin. Siguro nga parehas kaming nagkamali, pero hindi pa naman ito ang katapusan di ba? Hangga't merong pagmamahal, pwede pa akong lumaban. Napangiti ako. "Thank you Jordan. I'm so lucky to have a friend like you, an expert love guru." He just laughed at me. Kung titingnan mo siya, parang happy go lucky lang. Parang walang problema, but deep inside, marami din siyang pinagdaanan. And I salute him for being strong. Bago tuluyang umalis, nag-iwan pa siya ng words of wisdom sa akin. "Huwag mong hayaang mawala ang pagmamahal niyo. Gawin mo lahat para makabawi ka, para sa huli, wala kang pagsisihan." And I will.... ~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~ To be continued.....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD