Chapter 33 “Bakit mo ‘ko sinusundan? Mahal mo ba ako?” habang dala-dala ko ang mga kinuha kong prutas. “Can you please stop that?” “So, mahal mo na ako?” tumaas lang ang kaniyang dalawang kilay at ngumiwi. “Hindi gano’n iyon kadali, Dalliance…” matapos niyang sabihin iyon ay hindi ko na siya pinansin. Kailangan ko nang sundin ang mga sinabi sa akin ni Belinda. First step, para mapaamin ang crush mo! ‘Wag mo siyang pansinin! “Tulungan na kita,” tila kukunin niya ang dala kong basket nang hindi ko siya pansinin. Mabilis akong naglakad papalayo sa kaniya. Napahinto ang isang lalaki na parang may kahawig. “Tulungan na kita?” ngumiti lamang ako sa kaniya at agad na ibinigay ang basket na dala ko. “Kaya niya na ang buhatin ‘yan-” “Salamat! Medyo mabigat kasi,” hindi

