Chapter 36 “Hindi ba tayo mahuhulog rito?” tanong ko sa kaniya nang makaupo ako sa lapag. “Satingin mo? Gusto mo try natin?” kumunot lang ano noo kong tignan siya at tumaray. “Oh? Bakit ka nataray? Nagtatanong lang naman ako, ah!” ngumisi lang ako na iayos ang aking upo at tinignan ang kabuuan ng tree house. “N-nakapunta na rito si Tine?” ano ba ang tinatanong ko. Malamang! Best friend niya kaya iyon at first love niya. “Nope, ikaw pa lang.” tumaas ang tingin ko sa kaniya nang sagutin niya ang tanong ko. “Ako pa lang? Baka nagkakamali ka? Hindi pa siya nakakapunta rito? Kahit silip lang?” “Hindi nga, dahil ang lagi niyang pinupuntahan ay iyong taguan lagi ng kapatid ko,” binuksan niya ang bintana at doon bumungad sa amin ang magandang simoy ng hangin. “Kapatid mo? Nasaan ba a

