Chapter 42 “’Wag mo na akong bilhan ng ganito, Anak!” hindi naman mahal ang damit na limang daan sa mall na ito. “Maganda kaya ‘yan sa ‘yo! Bagay ‘yan sa ‘yo!” ngumiti siyang tignan ako at tinignan ang damit sa salamin. “Masyado namang mahal ito. Kung gusto mo ng damit ay mag-ukay tayo. May ukay-ukay sa labas,” hawak ko ang isang damit na satingin ko ay bagay kay Dell. Iyong white t-shirt lang na may print sa gitna. Maganda ito at bagay na bagay sa kaniya. “Minsan na nga lang kita bilhan, kaya tanggapin mo na lang. Makabalik lang ako ng Manila ay bibilhan kita ng mamahaling damit, kaya huwag kang mag-alala,” nakatilikod ko iyong sinabi sa kaniya. Habang ako ay naghahanap pa ng ibang damit sa hanger-an. Nagulat na lamang ako nang may biglang yumakap sa aking likod.

