Chapter 43 “Dell!” napatayo ako agad at itinulak ang lalaking katabi ko. “Dell!” sigaw ko pang muli at agad na lumapit sa kaniya. Mabilis ko siyang yinakap at itinuro ang lalaking gusto akong makasama at pag-isipan ng masama kanina. “Sabi niya ay wala raw makakarinig sa akin!” gumalaw ang kaniyang panga at mabilis na pinukaw ng tingin ang lalaking sinabihan ako ng gano’n kanina. “Dell!” lumapit ang lalaki sa amin at mabilis na hinawakan ang aking kamay ni Dell. “Dell! Hindi ko alam na girl friend mo pala siya!” kabadong sabi ng lalaki at agad na tumingin sa akin. “Girl friend mo ako?” taas kilay kong tanong kay Dell na ikinapikit naman niya. “Ang sabi niya ay girl friend ka niya!” turo niya pa sa akin. “Kailan pa?” kabado ang dibdib ko. Hindi ko man lang alam na girl friend niya na ak

