Chapter 44 “Maiiwan ko na po kayo rito,” paalam sa amin ng driver at agad na umalis. Kaya nang tignan ko si Dell sa kaniyang mga mata ay agad ko siyang tinanong. “Dell-” “I know, sasabihin ko na sa ‘yo ang totoo…” ngunit bago niya pa siya magkwento ay hinila niya na ako at tumungo kami sa loob ng sala. “Ang ganda!” hindi ko mapigilang mamangha sa aking nakita. I mean, marami akong kakilala na architects, pero kakaiba ang isang ito. “Maganda?” lumapit siya sa akin at tinignan rin ang aking tinitignan. “Gusto mo ba kausapin? Mabait ‘yon, close ko…” ngumiwi ako sa kaniya at sinilip ang ibang bahagi ng bahay. “Pwede naman, pero saka na kapag nakabalik na ako ng Manila,” hindi na siya nagsalita nang sabihin ko iyon sa kaniya. “If you want to talk to her, sabihan mo lan

