KYLA POV Nakatulog ako sa flight ko and when I woke up ay tumunog ang tiyan kong gutom na. Sakto at may flight attendant na nag ikot at nag bigay ng pagkain. Ganito rin noon noong unang flight ko papunta sa Manila, may nag iikot din na flight attendant para mag bigay ng mga pagkain. Pero malamang ay kasama rin ito sa mga binayaran namin dito considering na ang haba ng biyahe. Halos isang araw ang itatagal ng aming biyahe. Kaya nga kahit papaano ay may pantawid gutom ako. Tamang kape at biskwit lang ang ilalagay ko sa sikmura ko. Babawi ako ng kanin nito mamaya pagbaba ng airport at sana ay may sundo na ako. Ang pait ng lasa ng kape nila rito unlike noong unang sakay ko na tama ang lasa ng kape na talagang nakakagising. Itong kape na hawak ko ay kabaliktaran, imbes na magising ako ay ba

