KYLA POV Lumabas na ako sa airport at sa wakas ay nakita ko rin ang kapatid ko. Nakatayo siya at halatang busy sa kanyang cellphone so ako na ang nag adjust at lumapit sa kanya. Nang nasa harapan niya na ako ay ayaw niya pa rin lumingon sa ate niyang isang buwan na hindi niya nakita. Tumaba siya kahit papaano, dati ay mapayat siya ngunit nagbago ang hugis ng kanyang katawan kaya natutuwa ako. Mas nagmukha siyang healthy compared noon na umalis ako. So kagaya ng aking nakaugalian ko ay kinurot ko sa ilong ang kapatid ko para pansinin niya ako. Paglingon niya at tsaka ko siya sinermonan. "Ano ha puro ka cellphone jan?" tanong ko. Buti naman at napangiti siya nang makita ako dahil kapag hindi ay ipagkakait ko ang pasalubong ko sa kanya. "Ate?" The way he looks at me, it was as if he

