"Wait ma!?" sambit ko, "Ano ang sinasabi mo? Need ko ulit umuwi ng probinsya?"
Napalagok ako ng dalawang beses. Hindi ko lubos maisip kung bakit sumagi sa isipan ng mama ko na umuwi ako dapat ulit sa Cebu gayong siya ang nagpadala dito sa akin sa Manila upang kumayod para sa aming pamilya, lalo na para sa papa ko na may sakit.
"Oo, Kyla! Umuwi ka na rito sa Cebu sapagkat nagawan ko na ng paraan ang pagpapagamot ng papa mo. Hindi ba't dapat nga ay matuwa ka sapagkat nais mong magkakasama tayong pamilya ulit? Batid ko na naho homesick ka na diyan. Alam kong ayaw mong lumuwas ng Manila dahil magulo at masikip kaya nga gumawa ako ng paraan upang bumalik ka na rito.
Marami akong mga panget na nababalitaan sa lugar na 'yan kaya umuwi ka na rito anak!"
Nang sabihin niya ang salitang anak ay naramdaman ko ang pagiging nanay niya sa akin. At tama rin ang sinabi niya na ayaw ko rito sa Manila. Maraming mga tao ang gustong lumuwas sa lugar na ito but I am not one of those people. For me, there is no place like home. Isang buwan pa lamang nga ako dito sa Manila subalit nami miss ko na ang family ko.
Walang araw na hindi ko sila namiss, they know how family oriented I am. Now is the time for me to go back home.
"Okay po ma, kaylan po ako uuwi?" tanong ko sa kanya.
"Ngayong araw mismo! Pakiusapan mo ang iyong boss sa office na payagan kang makapag file ng immediate resignation. Magpapadala ako ng pera sayo upang makapag book ka na ng flight!" naaaligagang sambit ng mama ko. Why is she seem to be in a hurry? Nakakapagtaka lamang ito.
"Immediate resignation?" tanong ko na napalakas, nandito ako sa canteen ng office namin ng mag isa. Isang buwan na ako rito ngunit hindi ako maka gain ng friends because of how introvert I am.
"Sige na, pumayag ka na alang alang sa papa mo dahil sa lumalala na ang lagay niya. Ngayon ay nandito kami sa hospital, sa emergency room at inooperahan siya sa puso!"
Nang marinig ko ang balitang ito galing sa mama ko ay halos manginig ang buong katawan ko. Kusang tumakas ang luha sa aking mga mata at hirap ako huminga. Parang nagbabara ang lalamunan ko at hirap lumabas ang hangin. At dahil rito ay hindi na ako magdadalawang isip pa, I need to go back to my home upang makamusta ang lagay ng papa ko.
"Opo Ma, asahan niyo po na magfa file ako ng immediate resignation para makauwi rin po ako jan kaagad," pangako ko sa kanya.
Pinawi ko ng kamay ang luha sa aking mga mata. Nang matapos ang pag uusap namin ay mabilis akong kumain, natanggap ko naman kaagad mula sa mama ko ang perang pinadala niya thru m*ya. Kahit na tanghali pa ay bumalik kaagad ako sa office at saktong nakita ko na bukas ang ilaw ni Mr. Kenneth, ang general manager namin na nag hired sa akin.
Alam ko na magiging busy na siya nito mamaya kaya hindi ko na dapat aksayahin pa ang pagkakataon na ito. Mabait siyang boss at napaka approachable pa. I will not waste this time so pumasok ako sa loob and he looks surprise to see me at first but then, he smiled at me when I smiled. Ang gaan nga ng ngiti niya at panatag ang loob ko na tatanggapin niya ang immediate resignation ko.
"Good morning Ms. Kyla, what can I do to you?" tanong niya pa.
Ako nga ang dapat na unang mag good morning sa kanya sapagkat siya ang boss ko at empleyado lang ako.
"Good morning din po," nakangiting tugon ko ng maupo ako, "Sir, I am so sorry, I want to file immediate resignation sana dahil po nagkaroon ako ng family emergency. Nagkaroon po ng malalang sakit ang papa ko at need kong umuwi ng Cebu."
Ayaw kong masayang ang oras niya hindi na ako nagpaligoy ligoy pa. Ever since ay straight to the point akong tao. Medyo nalungkot siya, sumandal sa kanyang reclining chair at ngumiti rin kaagad.
"Alright, naiintindihan kita, sige, yung backpay mo ay ipapaasikaso ko na at ako mismo ang magpapadala sayo nito," sagot niya na walang objection. "I shall contact you once na naayos ko na ang lahat."
Grabe! Ang bait talaga niya, he is really such a perfect guy. Gwapo na at mabait, he is just 30 years old and yet naging manager siya kaagad. Mala artista pa nga ang dating niya so nagtataka ako kung bakit hanggang ngayon ay wala pa rin siyang nagiging asawa.
Habang nagkakatitigan kami ay napapansin ko na mas lumalagkit ang tingin niya sa akin. Pero ayaw ko namang mag assume na may gusto siya sa isang hamak na tulad ko. Ang yaman ng kutis niya at ang perfect ng face niya. Nang dumapo nga ang mga mata ko sa picture sa likod niya kung saan ay nakita ko siyang nag champion sa sports fest ay nakita kong ang laki din ng mga braso niya at ang ganda ng body tone. Impossible na ang lalaking tinitilian ng maraming babae ay magkakaroon ng gusto sa isang hamak na tulad ko.
Naging mababaw tuloy ulit ang luha sa mga mata ko. Ayaw ko sanang ipakita sa kanya ang pagiging iyakin ko pero lumabas na ito na ito bago ko pa man pigilan. Tumayo siya at tumabi sa akin, hinawakan niya ako sa balikat ko at napatitig ako sa kanya.
This time around, hindi na ngiting friendly ang nakikita ko, ngiti na may ibang ibig sabihin pero nakaka gaan sa pakiramdam.
"I know na mahirap mawalay sa mga magulang kaya i priority mo sila. May pamasahe ka ba pabalik sa probinsya niyo?"
"Yes po, nagpadala ang mama ko ng pamasahe at sinabihan ako na mag book po kaagad ng flight," sagot ko sa kanya.
"How about money in your pocket? Mayroon ka bang pera sa bulsa mo?"
"Meron po," tugon ko.
"Sige, since magha half day ako ngayong araw ay ihahatid na kita sa airport para hindi ka na mamroblema sa flight mo."