KYLA POV
Ang bait ng boss ko ngunit nahihiya na ako na tanggapin ang kanyang alok.
"Maraming salamat po, sobrang bait niyo po ngunit kaya ko na pong pumunta mag isa airport mamaya," pagtutol ko sa kanya.
"I take no for an answer, ihahanda ko na ang kotse ko sa baba. Hihintayin kita doon at sana ay makita kita kaagad," sambit niya pa. "Kulay pula ang sasakyan ko at nasa pinaka dulo ng parking lot."
Hinawakan niya pa ako sa baba ko at wala siyang ibang tinititigan kung hindi ang mga mata ko. Grabe, ako na ang naiilang sa mga nangyayari. Sa loob ng isang buwan, ngayon lamang niya ako tinitigan ng ganito. And again, ayaw kong mag assume na may iba itong kahulugan.
Lumabas na ako at tsaka ko kinuha ang mga gamit ko. Wala akong initira kahit na isa, hindi ko na rin nagawang magpaalam pa sa mga ka work ko dahil sa mga tulog silang lahat. Sure ako na magtatala silang lahat nito kung bakit ako naglaho na parang isang bula. And I hope na si Sir Kenneth na ang mag explain ng lahat ng ito sa kanila.
Pagbaba ko sa parking lot, ang dami kong nakitang mga sasakyan. Ngayon lamang ako nakapunta dito sa parking lot and now ko lang na realize na ang dami rin pa lang mga yayamanin sa lugar na ito. Ang pinaka pangit ko pa namang pag uugali ay ang pagiging inggitera ko kaya napapa sana all ako sa kanilang lahat.
Ngunit kahit na isang tao ay wala akong nakikita sa lugar na ito. Hindi naman ako yung tao na matatakutin sa mga ganitong klase ng lugar. As a matter of fact pa nga ay sanay akong mag isa. I walked alone in the middle of the night so ano pa ang bago rito?
Mas takot pa ako sa mga holdaper at mga magnanakaw, mga taong mapagsamantala. Naglakad ako hanggang sa marating ko ang pinaka dulo ng parking lot na ito kung saan nakita ko ang namumukod tanging pulang sasakyan. Nang makita ko nga ito ay halos mapanganga ako. Ito ba ang sasakyan na tinutukoy ni Sir Kenneth?
Ang ganda ng kotse na ito, hindi man ako pamilyar sa eksaktong pangalan nito pero nakita ko ito sa isang palabas na pinapanood ko. Bumusina ang sasakyan at umilaw pa ito. This time, alam ko na ito nga ang sasakyan ng boss ko. Lumapit ako at lakas loob na binuksan ang pintuan.
Yumuko muna ako at nang ma confirm ko na si Sir Kenneth nga ang nasa loob ay sumakay ako. Grabe, ang ganda at ang bango ng sasakyan na ito. Hindi ko lubos akalain na ganito pala ang sasakyan na ginagamit niya. I know he is reach subalit ang lowkey niyang tao. Wala nga akong nakikitang yabang sa kanya.
Ang lamig dito sa loob at pag upo ko ay umiksi bigla ang skirt ko, na reveal tuloy ang legs ko. Nahihiya naman ako sa boss ko kaya ipinatong ko ang bag ko upang hindi niya ito makita. When I looked at him, I saw him looking at him as well.
Naka sandal pa nga ang kanyang kaliwang kamay sa manibela pero ang nakakagulat pa ay ang makita ko siya na nakasuot ng sandong puti. Nanlambot ang puso ko, ang puto niya at ang sarap magpa sakal sa kanyang malaking braso. Parang tumutulo pa nga ang laway ko sa mga sandaling ito.
He is already has a hot face pero ng makita ko ang malaking braso niya ay mas lalo ko siyang nagustuhan. Ang sarap magkaroon ng ganitong klase ng boyfriend but then, hanggang pangarap ko lang ito. Tinanggap ko na dahil sa isa akong dukha, malamang ang makakatuluyan ko rin ang ang isang tao na katulad ko.
Nothing is special about me. Ito ang paulit ulit na sinasabi ng papa ko noon kaya nga never kong naisip na maganda ako or bukod-tangi sa lahat. Never been touch and never been kissed ako. Literal na no boyfriend since birth. But I am still young at siguro ay magkikita kami ng future husband kapag ready na talaga ako. Sayang nga eh, ewan ko ba kung bakit hindi ko pinatos si Drake noong hayskul ako. Parehas pa kaming uhugin that time subalit nag transfer na siya sa school.
He is the closest sa pagiging boyfriend ko but he suddenly disappeared in my life ng walang pasabi. Pero hinayaan ko na ito, siguro nga ay may asawa na siya ngayon eh.
"So nakapag paalam ka ba sa mga ka work mo?" tanong niya.
Medyo nahimasmasan tuloy ako kasi nakatitig lang ako sa braso niya kanina habang siya ay nagsasalita.
"Ah... hindi na po eh..." nauutal kong sambit. "Tulog po kasi sila kanina kaya hindi na ako nagtangka na magpaalam pa sa kanila."
"Okay! Ako na ang bahalang magpaliwanag ng lahat sa kanila," sambit niya pa.
Lumapit siya sa akin at mabilis kong nasinghot ang kanyang pabango. Halos magkatabi na kaming dalawa, akala ko ay kung ano ang gagawin niya ngunit nagulat ako ng isinuot niya ang seatbelt sa akin. Syempre nasakay ako ng jeep, malay ko ba sa ganitong bagay. Ganito ako kamangmang sa mga bagay na pang mayayaman.
"Mahirap na, baka mahuli pa tayo kapag hindi ka nagsuot ng seatbelt."
Ang sweet ng smile niya and the more na tumitingin ako sa kanya at the more na nakatingin ako sa ay the more akong nahuhulog sa kanya. Sana kung magkakatrabaho man ako sa susunod ay kasing bait niya ang magiging boss ko at wag sana toxic.
"Sorry po, sa totoo lang ay wala kasi akong alam pagdating sa mga sasakyan," sagot ko sa kanya.
Medyo naiilang na ako na masyadong malapit ang distansya naming dalawa ngayon. Nahihiya ako kasi ang cheap ng pabango ko compared sa pabango niya na mamahalin. I will definitely miss this guy at hindi ko malilimutan ang pabango niya.
"That's okay! Who knows pag dumating ang araw na ikaw naman ang magkaroon ng ganitong klase ng sasakyan," sambit niya.
Never in my wildest dream na inisip kong magkakaroon ako ng ganito kagandang sasakyan.