Maagang bumangon si Gwendolyn. It's Monday, at araw ng interview s***h dry run niya bilang chef ng Hotel Isabelle. Excited siyang pumasok ng banyo at binuksan ang shower. Napangiti siya nang maramdaman ang maligamgam na tubig na dumadaloy sa kanyang katawan. Sapat lang ang init nito para gisingin ang kanyang diwa. Kailangan niyang magpa-impress kaya hindi siya pwedeng ma-late sa pagpasok. Dapat maayos din ang pananamit niya, iyong bang kaaya-aya tingnan. Kasi nga 'di ba first impression last. Saka isa pa, ayaw niyang ipahiya si Kuya Owen niya. Ito pa naman ang nag-vouch sa kanya. Maging si Mr. Fortich, ang General Manager ng Hotel Isabelle ay ayaw niya ding may mapuna or mapintas sa kanya. Kumbaga, nais niyang maging smooth at perfect ang unang araw niya sa Hotel Isabelle. Pagkatapos niya

