Nagising siya nang maaga. Agad siyang bumangon ng higaan, nagsipilyo at naghilamos ng mukha. Napatingin siya sa salamin at napansin na bumabalik na ang tunay na kulay ng kanyang buhok. She has brunette hair but she dyed it black. Kikulayan niya ito ng itim hindi dahil sa hindi siya nagagandahan sa natural na kulay ng kanyang buhok subalit dahil nakakapagod na magpaliwanag. Lalo na pagwala kang maalala tungkol sa 'yong nakaraan. Malumbay niyang sinuklay ang kanyang humahabang buhok. Tapos tinali niya ito. Binalikan niya ang kanyang kama para ligpitin ang higaan. Habang nililigpit niya ang higaan ay biglang sumagi sa kanyang isipan ang mukha ni Howell. Napaupo siya tuloy sa kama na nagtatangis bagang. Tuliro ang puso at isipan. Hindi niya alam kung ano ang gagawin. Hindi niya rin al

