Pagkatapos ng seremonya at pagdiriwang ay agad na lumipad sina Wennalyn at Nero patungong Paris para sa kanilang honeymoon. Nalungkot bigla si Gwendolyn dahil maging ang ibang kaibigan niya ay nagmamadaling umuwi ng Pilipinas. Si Howell naman ay ayaw pa din umalis ng kastilyo. At hindi pa din ito tumitigil sa pambwebwesit sa kanya. Pinipilit pa rin siya na kausapin niya ito kahit ilang beses niya pa itong tinitignan ng masama. Nakahinga siya nang maluwag na yayain siyang magkape ni Avria sa kwarto nito na nasa may East Wing ng kastilyo. "Siguro ginugulo ka pa din ba ni Wel, ano?" "Paano mo nalaman?" Maigi niyang tinignan niya ang kaibigan. At hindi siya makapaniwala na nahulaan nito. "Ano ka ba? Your face say it all. Saka halata na nabanas ka naman sa kanya, hindi kasi maipinta ang

