MAHIGPIT NA NIYAKAP ni Daphne ang kaibigan at hindi maiwasang mapaluha dahil maiiwan na naman siya sa kastilyo. "Ma mi-miss kita, Negra. Please mag-ingat ka sa biyahe at ipangako mo, ano mang mangyari babalitaan mo ako," sabi niya, at pakawalan mula sa yakap niya si Gwendolyn. "Ate naman, para namang mamatay na ako kung makaiyak ka! Don't worry, I will visit you once in a while," natatawang wika ni Gwendolyn. "Ikaw na babae ka hindi ka pa din nagbago! Ginagawa mong Divisoria ang Espanya," asik ni Daphne sa kanya, at pinagmasdan siya nang mabuti. "Hindi ka na ba nagsasawa sa kakaalis at kakalayag?" "Napapagod din but do I have a choice, Ate? This place is not for me," malungkot niyang sagot. "Ano ka ba Negra? Kahit saan ka pumunta kung wala doon ang iyon puso ay hindi mo talaga masasa

